Kwentong Kengkay

Disyembre 7, 2008

umalis na si santa

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 5:12 hapon

mga kapatid, ang swerte talaga namin dito sa alemanya 😀

bakit kanyo? kasi dumating at umalis na si santa claus kahit na ang pasko e sa disyembre 25 pa!

nung biyernes e umuwi kaming may nakatagong ilang plastic bags ng tsokolate at medyas para sa mga little kengkays. andun sya sa likod ng isang paso. tuwang tuwa ang mga makukulit kasi daw dumating na si santa. (iniwan yun nung isang lola nila na dinalaw kami pero hindi kami inabutan sa bahay).

tapos nung gabing krismas party naman, dumating ulit ang santa claus. tinawag mismo ang mga bata sa harap ng stage para lumapit kay santa. edi tsokolate at laruan na naman.

at nung mismong araw ni san nicolas (ang tunay na santa claus) na sinecelebrate dito kapag ika 6 ng disyembre — umaga pa lang e ginising na ang mga little kengkays ng dalawang bota ng tsokolate na naka abang sa may pintuan namin- (bigay naman yun nung mga tenants namin)

kailangan sempre, darating ang tunay na santa dahil santa day nga di ba? may mga bisita kami sa bahay ng biglang may nag kling kling… dumating nga ang santa claus! (isa syang ka-opis ni kengkoy na nagbihis santa). edi ayun na naman, regalo at tsokolate. sa mga bata pati na sa mga matatanda.

ang saya saya! sempre basta may regalo masaya, hehehe.

bukas ko na i-share yung pechurs kasi sa totoo lang, ilang boteng vino na ang nainom ko. bago kasi dumating ang santa claus kahapon e namili kami ng wine nga di ba? aba, naka limang bote kami para lang sa wine tasting e alas dies pa lang yun ng umaga, waaaa! at sempre dahil may bisita naka tatlong bote na naman na taob.

sakit ng ulo ko… at ang sarap matulog kapag may tama. zzzzzz 😀

Advertisements

22 mga puna »

  1. saya saya ng mga bata no? mafefeel talaga ng mga bata ang santa claus dito kasi dami nilang pakulo na kung ano ano…

    kengkay: hindi katulad sa atin na sa sobrang dami ng bata e lugi si santa, hahaha

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 7, 2008 @ 7:10 hapon | Sagutin

  2. december 6 pala ang araw ni santa…hindi ba pag araw ng mga saints eh “feast day” ang tawag. Nagcecelebrate kasi kami ng mga ganyan noon nung nasa catholic school ako nung high school.

    Bakit nga pala Santa Claus ang tawag eh lalaki naman sya…nyahahaha

    Sorry mommy kengks…medyo bangag lang din, pero walang vino dito. Pang-sosi lang yan eh..naks!

    kengkay: san nicolas ang dec 6, sya ang tunay na santa. bakit sya santa? hmm.. kasi naka gown sya e, hahaha

    Komento ni Helena — Disyembre 7, 2008 @ 7:16 hapon | Sagutin

  3. Ayos pala diyan. daming Santa Claus. Dito madami congressman pero hindi nakabihis ng Santa Claus. Tsaka sila kumukuha ng yaman ng bayan. Hindi namimigay. hehehe

    kengkay: lintek na santa naman yan, santol, hahaha

    Komento ni fatherlyours — Disyembre 7, 2008 @ 7:42 hapon | Sagutin

  4. Hahaha

    nalasing sa wine testing haha. astig yan mommy kengs. Lakas tama pag pasko haha

    ang sarap sarap maging bata. ang dami regalo pag pasko. naingit tuloy ako sa mga little kengkays mo haha.

    kengkay: eh kasi naman dapat pag wine tasting e isang lagok lang di ba? si kengkay tinungga lahat, waaaa

    Komento ni bluepanjeet — Disyembre 7, 2008 @ 9:46 hapon | Sagutin

  5. nako nakakatuwa naman pala talaga diyan kengkay siguradong tuwang-tuwa ang mga little kengkay. naapreciate ko ang pagiging giving ng mga tao diyan sa inyo.

    kengkay: sa totoo lang, ibang klase ang generosity nila talaga kapag may okasyon. bigay todo talaga!

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 7, 2008 @ 11:53 hapon | Sagutin

  6. aba napakagenerous ng mga santa nyo dyan! heheh

    ang lakas nyong uminom ng wine! masakit nga sa ulo ang epekto nyan nasubukan ko kasing naubos isang bote..

    kengkay: isang bote? waaaa – dalawang baso pa nga lang e asa langit na ako ano, hahaha

    Komento ni dakilang islander — Disyembre 8, 2008 @ 12:38 umaga | Sagutin

  7. seems fun, may chocolate pa… walang ganyan dito sa singapore… swerte naman!

    kengkay: hindi talaga sila nagtitipid kapag pasko, ang sarap!

    Komento ni cheesyskepticism — Disyembre 8, 2008 @ 1:19 umaga | Sagutin

  8. ang swerte nyo nga at mas swerte ang mga bata dame goodies! isa sa mga bagay na wala dito, pagmeron ka nakita santa dito na nagpunta sa bahay… malamang akyat bahay n yun! hahaha

    penge vino, binyagan na sa sabado! 🙂

    kengkay: uy, etong vino idadaan ko sa cable. ingatan mong wag mabasag ha 😀

    Komento ni vhincent — Disyembre 8, 2008 @ 1:21 umaga | Sagutin

  9. ang galing naman ni santa… nwei ngayon naman bday daw ni mary… dec 8. yun lang ms kengkay. cinecelebrate din ba jan bday ni mary? 😉

    kengkay: uy oo, celebrated ang dec 8 dito, sa ibang baryo dito e walang pasok talaga kapag catholic holidays

    Komento ni yhen — Disyembre 8, 2008 @ 1:41 umaga | Sagutin

  10. ang bait naman ng taong iyon! sana may mag santa claus din dito sa amin! kaso dito ang mga tao, uhm.. wala naman kasing available.. kung pwede lang sana eh ako na lang mag santa dito.. ^^

    merry chirstmas!!!

    kengkay: bakit naman hindi? masarap maging santa, yun nga lang, daming batang kakabit sa yo kahit saan, hahaha

    Komento ni cindyrella — Disyembre 8, 2008 @ 2:54 umaga | Sagutin

  11. Limang bote sa wine tasting pa lang? Ginawa nyong parang Evian water, Kenks. Sali ako dyan pero 2 glasses lang, tipsy na ako. Mas hindi ko feel pag gising mo sa umaga nyan, haha.

    kengkay: pero ang sarap matulog kapag may nainom na konting wine. pero tama ka, over naman yung wine tasting na buong bote e naubos, masyadong nasarapan, hahaha. napagkamalan kong tequila, shot ng shot

    Komento ni K — Disyembre 8, 2008 @ 4:17 umaga | Sagutin

  12. wow ang aga ng pamasko ni santa.. kahit na di naman talaga yun sila santa.. naaalaala ko tuloy nung panahon na sinisilip ko ang medyas na sinabit ko sa christmas tree namin.. may isang box ng chocolate.. paniwala talaga ako na si santa ang may kagagawan.. pinsan ko lang pala..pero atliz naging masaya ang pagiging santa fanatic ko noon..

    kengkay: ako until now e santa fan pa rin, hehe

    Komento ni walongbote — Disyembre 8, 2008 @ 6:07 umaga | Sagutin

  13. taenang santa yan. Agaw trip ang santa dito sa bahay namin. Hindi marunong ng tinatawag na NINJA STEPS. Akalain mo nagising ako dahil sa natumba nya ang christmas tree namin. Tapos nakita ko, yaya ko pala si santa. Inutusan ng nanay ko para ilagay ang mga regalo under the xmas tree.

    Putashet di ba?

    kengkay: hahaha, nalaglag si santa! aray ko naman, si yaya kasi hindi nagiingat e

    Komento ni taps — Disyembre 8, 2008 @ 9:19 umaga | Sagutin

  14. magtooth brush ng mabuti ang mga little kengkay baka sumakit ang ngipin sa dami ng chocolates

    Komento ni kulot — Disyembre 8, 2008 @ 1:32 hapon | Sagutin

  15. […] Isinalansan sa: Kwentong Bulilit — kengkay @ 1:59 pm eto ang ebidensya na nagpunta kami sa isang vino shop nitong sabado. ayan, dalawang kopita agad ang tumba. sino daw ang uminom? si bunso […]

    Pasa ni lasheng « Kwentong Kengkay — Disyembre 8, 2008 @ 2:26 hapon | Sagutin

  16. sana little kengkay rin ako para madaming madaming chocolates ako ngayon. hehe

    Komento ni utakmunggo — Disyembre 8, 2008 @ 4:11 hapon | Sagutin

  17. wow ang saya, ang generous naman ng mga Santa jan, nung bata pa ko, ang natatanggap ko lang from santa eh isang suklay, hehe.

    Komento ni joycee — Disyembre 8, 2008 @ 4:15 hapon | Sagutin

  18. inggit ako sa mga little kenkays..
    ang sarap, ang saya!
    lol

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 8, 2008 @ 7:07 hapon | Sagutin

  19. Hello Kengkay,

    Sa amin din, umalis na rin. 🙂 Noong 6 rin siya dumating. 🙂

    Komento ni Sofie — Disyembre 9, 2008 @ 7:30 hapon | Sagutin

  20. […] dumating si santa, ang regalo namin sa kanya e walang kamatayang medyas para sa opis at medyas para sa aming ski […]

    Pasa ni may problema ako « Kwentong Kengkay — Disyembre 12, 2008 @ 8:33 umaga | Sagutin

  21. totoo po ba si santa sabi po kasi ng teacher ko di po daw siya totoo

    Komento ni adeia — Disyembre 24, 2009 @ 11:52 umaga | Sagutin

  22. 🙂 masaya ako sa kwento na binigay niyo

    Komento ni adeia — Disyembre 24, 2009 @ 11:54 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: