Kwentong Kengkay

Disyembre 8, 2008

meron akong sikret

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 6:39 hapon

kapag nag shoshopping ako at alam kong medyo luho na ang dating nung shinopping ko, cash ang ginagamit ko.

luho na naka sale. ewan ko ba kung bakit ang lakas ng dating kapag naka sale. kakatakot maubusan ng murang gamit e, haha

para hindi makita ni kengkoy kung ano yung binili ko. mahirap talaga kapag sa bangko nagta-trabaho asawa e. kita agad yung patak ng kilometro ng cards, hehehe

kasi sasabihin na naman non ‘o, pang ilang bag na ba yan?’ o kaya naman, ‘o kawawa naman ang asawa ko, walang maisuot na damit.’ o kaya naman ‘ano? sapatos na naman?’ hmpf, kainis di ba? e sempre hindi ko binibilang, masarap yata mag shopping lalo na kapag sale!

at kapag kulang ang cash ko na halos parati (kasi naman 20 oyro lang laman talaga ng pitaka ko para lang talaga sa pretzels); ang gagamiting kong dahilan kung bakit ako namili e dahil ‘sabi ng mga little kengkays bilhin ko daw para sa kanila pag laki nila’ o kaya naman ‘kailangan ko talaga sya e.’ o kaya naman ‘tumaba na kasi ako e’ o kaya naman ‘pumayat na ako e.’ naks, ang drama ano, hahaha

kapag sapatos ang binili ko, hindi ko na hinihingi yung karton. kapag damit naman inaalis ko agad ang etiketa.

madalas e tinatago ko muna yung mga bagong bili kong gamit pati resibo. at kapag kailangan na silang ilabas at napansin ni kengkoy, ang sasabihin ko agad e, ‘itong damit na to? hay, luma na yan. hindi mo na maalala?’ tsk tsk, kunyari e ako pa daw ang na offend kasi hindi nya matandaan. o de vah, maraming kadramahan talaga.

at sempre nga binili ko na yung relo na pinagpilian natin di ba? nung na click ko yung relo e naghanap din ako ng sale online sa parehong shop, alam nyo na, baka makalusot. ayun, may nakita akong bathing shorts na on sale at sinama ko dun sa relo.

dumating na yung relo at yung bathing shorts… tumawag si kengkoy. ‘magkano nga yung relo na pinili mo para pamasko mo?’ sabi nya.

sabi ko naman, ‘ammm, mga ____ oyro.’ sempre dinagdagan ko na kasi nga sinalisihan ko sya ng isang bathing shorts di ba, hehehe. hindi naman nya nahalata kasi yung total na yung lumabas sa bangko, waaa

ang sama sama ko talaga, hmpf. huwag gayahin si kengkay, plis.

atsaka sikret lang natin to ha 😀

Advertisements

26 mga puna »

  1. hahaha, Kenks, ok lang yan eh hubby mo naman yun at nagkataon eh ikaw naman ang gagamit so, enjoy the gifts!

    kengkay: gifts ko sa sarili ko, hahaha

    Komento ni k — Disyembre 8, 2008 @ 6:52 hapon | Sagutin

  2. pag gusto may dahilan talaga e ano ms.kengks!
    katuwa ang post na to..
    diskarte lang naman iyan e. Lol
    saka mas masrap ang feel good sA sarili mo dba?
    para din naman kay mR.kengks iyun tama? haha

    kengkay: feel good na guilty naman kay kengkoy, hehe

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 8, 2008 @ 7:18 hapon | Sagutin

  3. hahahhahaha. super nakakarelate ako. ako rin tinatago ko muna bago ko ilabas. kaya kapag binanatan ko ng ‘bakit may bago ka?’ Ang sagot: hindi noh, luma na yan. kanina lang galing kami sa mall, eh bumili ng shoes brother ko sabi ko siya na rin magbayad ng sandals bayaran ko na lang – eh di paglabas ng store ask kaagad si hubby – anong nabili nyo? Sabi ko, si brother lang bumili ng shoes at sandals. hahahaha One good thing, may sarili akong bank account at credit card so my husband doesn’t see what I charge except when I charge to his card. Style ko naman yon pag minsan card nya ginagamit ko para sya magbayad. hahahahhaha….

    kengkay: naku nina, meron din akong sariling account kaso mo parehong bangko kung saan sya nag ta trabaho kaya walang lusot, hahaha

    Komento ni nina — Disyembre 8, 2008 @ 8:56 hapon | Sagutin

  4. Naku kenkay, kunyari lang yan sale na yan. lalo na yung may mga free na nakasama. Like sa shampoo na may kasamang sabon. O milk na may lalagyan. Dinadag-dag nila ang cost with kunting maark up sa orig nakasama o naka bundle. Hehehe

    kengkay: kaya kapag sale yung talagang 70 to 80 percent ang binabantayan ko, kasi yung mga plus extra gift o kaya naman 15 percent off, hay, di ko sya type dahil lugi pa rin ako

    Komento ni fatherlyours — Disyembre 8, 2008 @ 9:47 hapon | Sagutin

  5. hehehe…parang naka-relate naman ako dito. Have a nice day!

    kengkay: girls would be girls 😀

    Komento ni Ging — Disyembre 9, 2008 @ 12:19 umaga | Sagutin

  6. sa totoo lang ayokong nag sho- shopping ng sale kasi naman minsan mura nga pero di naman sulit yung mga ganung dahilan ba.. pero ayun sinusuri ko muna talaga bago ako bumili ng sale ^^

    kengkay: tama ka dun, dapat talagang tingnang mabuti kapag naka sale. pero minsan kapag hindi sale tapos may konting damage, pwede kang mag ask ng discount, ibibigay nila din sa yo. minsan nga kahit na walang damage basta magtanong ka, pwede. esp kung sa sunod na week na yon e sale season na nila

    Komento ni cindyrella — Disyembre 9, 2008 @ 2:55 umaga | Sagutin

  7. Natutunan ko rin itong style na ito sa Nanay ko. Kasi raw according sa mga libro ay malilimutin at di gasinong attention sa detail ang mga lalake, kaya ayon naiisahan natin sila. Sarap naman ng sale, pasama ako sa susunod na sale sa inyo. Mayron din ditong end of the year sale, ay naku mga out of season ang mga pinagbibiling 1-2 dollars. Tara ate, punta tayo ha? Kapag suot suot ko na rin sa Summer, oo nga tama ka Ate, luma na sya. hehehe

    kengkay: hahaha, ayan, tama talaga ang mga nanay di ba? halika, mag halunggkat tayo, masarap na exercise yan 😀

    Komento ni Mahalia — Disyembre 9, 2008 @ 5:38 umaga | Sagutin

  8. pareho kayo ng style ng gelpren ko dati.

    extension kasi sya ng card ko before. alam mo na, kaskas dito…kaskas doon… it’s okay galing naman sa pinaghirapan namin pareho yon…

    pero minsan OA na. LOL

    basta masaya sya, kamot ulo na lang ako.

    kengkay: agree ako dyan, minsan super OA na ang shopping na yan, pero ang sarap kasi e, hayy

    Komento ni taps — Disyembre 9, 2008 @ 6:08 umaga | Sagutin

  9. nyahaha
    ang lupeeet!
    idol talaga kita
    hehe

    kengkay: pero sikret natin to ha, hehe

    Komento ni raft3r — Disyembre 9, 2008 @ 9:49 umaga | Sagutin

  10. ahaha… sumbong kita ke kengkoy. joke!

    kengkay: hindi maniniwala yon sa yo, hahaha

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 9, 2008 @ 11:20 umaga | Sagutin

  11. hala ka kay kengkoy!! hahaha sorry po ngayon lang ulit nakadalaw dito

    kengkay: bakit hindi pa rin ako makapasok dun sa bago mong site?

    Komento ni angel — Disyembre 9, 2008 @ 11:27 umaga | Sagutin

  12. at least di naman naubos ng walang kwenta….

    kengkay: ikaw ang panalo, lahat talaga nung binili ko may kwenta, di ba

    Komento ni ron — Disyembre 9, 2008 @ 11:28 umaga | Sagutin

  13. eh kengkay tulad nga ng lagikong sinasabi, if you have the money then enjoy it LOL

    kengkay: ayan ang gusto ko, iencourage mo pa ako, haha

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 9, 2008 @ 11:50 umaga | Sagutin

  14. Haha ganyan din gawain ko pag na love at first sight sa isang bagay at aksidenteng nabili ko. Tago muna para di masabihan na impulsive buyer ng mga tao dito.

    kengkay: hindi ako impulsive buyer, kundi professional shopper, naks, kunyari lang

    Komento ni Helena — Disyembre 9, 2008 @ 11:51 umaga | Sagutin

  15. hahaha, katuwa naman ng mga dahilan mo, pati ba naman mga little kengkays, kasabwat.. isuot paglaki, charing hahaha..

    kengkay: benta yan kay kengkoy, haha

    Komento ni analyse — Disyembre 9, 2008 @ 11:53 umaga | Sagutin

  16. naku, hindi ko masusunod ang payo mo, I’m a “retail theraphy” advocate kasi. ang paniniwala ko, it’s either I go shopping or I go crazy. So, in a way, nakakatipid ako kasi ang alam ko mahal ang session sa psychiatrist.

    kengkay: ay, pahiram ng ganyang excuse ha 😀

    Komento ni attyarj — Disyembre 9, 2008 @ 3:47 hapon | Sagutin

  17. Hello Kengkay,

    Hahaha, pag 20 swiss francs, cash rin bayad ko. Pero pagdating sa bahay, sinasabi ko pa rin na may binili ako at kung magkano. 🙂

    kengkay: ang bait mo naman, waaa

    Komento ni Sofie — Disyembre 9, 2008 @ 7:34 hapon | Sagutin

  18. nyhaha… maabilidad mangupit sa asawa si kengkay.. kayang-kaya idenggoy si kengkoy…

    wag ka alala di ko gagayahin yan kasi kuripot akong nilalang.. cheers;p-glesy the great

    kengkay: kuripot din naman ako ah, pag sale lang ako bumibili, hehe

    Komento ni glesy the great — Disyembre 10, 2008 @ 12:35 umaga | Sagutin

  19. hayuf sa palusot!
    wahihihi!
    okey lang yan!
    sikret lang natin pramis!

    hekhek!

    kengkay: pramis ha

    Komento ni eloiski — Disyembre 10, 2008 @ 1:32 umaga | Sagutin

  20. ang gf ko rin ganyan mami… pareho pareho kayong mga babae…parati kailangan may bago… hindi pwedeng walang bago pag lalabas kame… at pag nag shopping ka sa sale ay hindi ibig sabihin nag save ka kasi pera rin ang ginastos mo…

    kengkay: tama ka dun, kapag sale tapos bumili ka e gumastos ka rin, pero sempre kunyari naka save ka, pero inuto lang naman sarili haha

    Komento ni mangbadoy — Disyembre 10, 2008 @ 2:56 umaga | Sagutin

  21. hahahaha yun pala ang sikwet! lagot! Huli ka! hahaha joke! I’m sure matutuwa si Daddy Kengkoy sa gift mo!

    kengkay: naku sana matuwa sya ano, dapat lang

    Komento ni Ambo — Disyembre 10, 2008 @ 5:15 umaga | Sagutin

  22. akala ko ako lang ang ganyan hahahahha

    kengkay: wehehehe, nakakahawa yan

    Komento ni lilaybulilay — Disyembre 10, 2008 @ 7:53 umaga | Sagutin

  23. no harm done. hehe..

    ako rin ayokong sinisilip yung account ko at inuusisa kung pang ilang kaekekan na ba meron ako, etc.. etc..

    kengkay: salamat, alam kong no harm done talaga ;D kunyari

    Komento ni utakmunggo — Disyembre 10, 2008 @ 7:53 umaga | Sagutin

  24. hehe, natuwa naman ako, gawain ko din kasi…”luma na yan, nagyon mo lang napansin?” wahaha.. gasgas na gasgas na sakin to e…

    kengkay: pektib naman di ba, hehe

    Komento ni belle — Disyembre 11, 2008 @ 3:30 umaga | Sagutin

  25. ay common ata tong shopping dito rin sa singapore may sale namakyaw ako eh pinagalitan din ako ng bf ko ): pero nice trick yung pagsale tapos aggregate lang kita ng hubby mo – isa kang henyo! haha

    Komento ni cheesyskepticism — Disyembre 11, 2008 @ 5:23 hapon | Sagutin

  26. Thank you for creating meron akong sikret Kwentong Kengkay I’m loving your posts. Would you do a guest post on a web site I assist run? Do you think that you could contribute? You can look at our post styles at http://www.stumbleupon.com/stumbler/doferrarar/ and certainly we could be interested in having you post an article or two on our blog, what do you think? If you are interested let me know via the contacts page on our web site.meron akong sikret Kwentong Kengkay is an fascinating name for a blog, keep up the great work, thanks, from Hermione Norris

    Komento ni Hermione Norris — Abril 27, 2011 @ 11:37 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: