Kwentong Kengkay

Disyembre 12, 2008

may problema ako

Filed under: Kwentong Kengkoy — kengkay @ 8:33 umaga

hindi ko alam kung anong ireregalo ko kay kengkoy ngayong pasko 😦

nitong dumating si santa, ang regalo namin sa kanya e walang kamatayang medyas para sa opis at medyas para sa aming ski vacation. at isang set ng LED flashlight. hohum, boring ano?

e papano ngayong pasko? hindi na nya kailangan ng belt at ng sapatos at kung ano pang kadamitan dahil nung asa Pinas kami e sa SM kami nag hoard.

at loyal sya sa kanyang nagiisang wallet at nagiisang relo. ayokong bigyan sya ng gift certificate for dinner kasi parating yun na lang atsaka on diet sya.

hindi nya kailangan ng bagong cellfon at masaya na sya sa kanyang palm. nope, hindi tech gear crazy si kengkoy e.

kailangan ko ng mga tatlong regalo. galing kay kengkay at galing para sa mga little kengkays. exchange gifts kasi kami parati kapag pasko e 😀

kaya ibabato ko sa inyo ang tanong, anong magandang regalo para kay kengkoy sa pasko? eto mga naisip ko:

1. fitness machine or gear – sira na kasi yung aming stationary bike, balak kong bigyan sya ng iba. atsaka desidido talaga syang araw arawin ang kanyang fitness regime

2. jogging suit – para sa kanyang jogging days

3.  dalawang ticket para sa isang theater date – para naman may date kaming dalawa 😀

4. neck tie – hahaha, naiyak ako sa mga naiisip ko, hmpf

bilhan ko kaya sya ng bagong vaccuum cleaner, hahahaha.

may naisip ba kayo?

Advertisements

18 mga puna »

  1. bilhan mo kaya siya ng something special.. like uhm.. ano ba hilig niya? mahilig ba siya sa video games? eh di regaluhan mo siya ng bagong laruan.. hindi nman dapat kapaki- pakinabang palagi ang regalo mo sa isang tao eh. just don’t take the gifts too seriously, kahit anong nakakatawa.. bakit hindi na lang brief?

    kengkay: hindi sya mahilig sa mga videohan e. atsaka sangkatutak na brief na nabili namin sa SM, haysss

    Komento ni cindyrellaz — Disyembre 12, 2008 @ 9:13 umaga | Sagutin

  2. dalawa iregalo mo sa kanya..1)isang fitness machine gear or jogging suits( kahit ano dito) para sa kanyang health at 2)theater tickets for two para naman sa inyong dalawa. di ba sweet no’n. 🙂

    kengkay: naku, lubog ako sa utang kapag yung dalawang yan agad ang bilhin ko, hahaha. pero silang dalawa talaga ang pinag iisipan ko. may bago bang fitness gear or gadget ngayon na uso?

    Komento ni sandijmartin — Disyembre 12, 2008 @ 9:27 umaga | Sagutin

  3. theater tickets mare ok yun or ,massage and welness gift certificate

    kengkay: uy, maganda rin yang massage. private massage. kaso yung binigay kong gutschein sa kanya na dating private massage until now hindi ko pa rin magawa, hahaha. two years ago na yon. daming asungot

    Komento ni lilaybulilay — Disyembre 12, 2008 @ 9:59 umaga | Sagutin

  4. okay yung gear… o kaya pa-spa kayong dalawa para marelax kayo… o kaya cookbook or book for healthy living.. cheers;p-glesy the great

    kengkay: hmm, dami ng collection ng cookbook for health and not healthy living e 😀

    Komento ni glesy the great — Disyembre 12, 2008 @ 12:00 hapon | Sagutin

  5. Hello Kengkay,

    Pareho tayo ng problema. Ang hirap talagang bumili ng regalo para sa mga lalaki lalo nat mapili gaya ko. Hehehe….

    Hindi mo alam kung anong ibibigay mo lalo nat meron na siya lahat. Hindi mahilig sa ganyan, hindi mahilig sa ganito, kung may gusto man, meron na siya nito. Pinaringgan kong bibigyan ko siya ng iPhone, ay sus sabi ba naman niya, happy na siya sa cell phone niya. Tuloy naisip ko, bigyan ko siya ng gusto ko at puwedeng gusto rin niya, para at least kung hindi niya gamitin ako ang gagamit. O di ba? Hahaha…

    kengkay: hahaha, actually, kaya gusto ko nung fitness gear kasi for she and for he, hahaha

    Komento ni Sofie — Disyembre 12, 2008 @ 1:03 hapon | Sagutin

  6. sa tingin ko kengkay, mas matutuwa si kengkoy kung fitness gear ang ireregalo mo sa kanya kasi yun ang gusto niyang gawin ngayon. ^_^

    kengkay: mukhang yan na nga talaga at necktie, hahaha

    Komento ni Snow — Disyembre 12, 2008 @ 1:06 hapon | Sagutin

  7. fitness machine lang te’ since talagang desidido xa jan.. 🙂 umm.. pwedeng date din sa isang hotel. pero more on lalake kasi gumagawa nun.

    kengkay: uy, ako nagregalo na rin akong ilang beses ng pang motel, eheste, pang hotel pala, hahaha

    Komento ni walongbote — Disyembre 12, 2008 @ 1:11 hapon | Sagutin

  8. wow sweet… try mo ate kengs yung gift certificate ng spa… meron bang ganun dyan? hehehe… kung manggagaling naman sa little kengkays… mas sweet kung sila mismo gagawa… o kaya naman… kahit simpleng “special candle light family dinner” sa garahe/garden nyo? 😀

    yung lang naiisip ko eh :D.

    kengkay: brrrr, sa garahe at sa hardin, ang lameg, hahaha. pero breakfast in bed, mukhang parang ganun din di ba

    Komento ni lalaine — Disyembre 12, 2008 @ 3:31 hapon | Sagutin

  9. kahet kelan talaga anhirap magregalo sa lalake noh?

    uhh, boxer shorts? treat mo ng wall climbing or bowling or badminton.

    pede din videocam para he can capture all the special moments in your life. kung wala pa sya nun.

    or kahit dslr kung mahilig sya magpipipichur..

    goodluvk mami kengks!

    kengkay: bowling na lang kaso ang bolingan dito e yung private two lanes lang, edi boring din, hahaha.

    Komento ni joycee — Disyembre 12, 2008 @ 4:23 hapon | Sagutin

  10. buti kaw ang problema mo e bibilhin. ako ang problema ko e pambili! isip ka ng regalo na sa tingin mo e lubos na makakaapekto sa emotion niya na bukal sa loob mo. ahehe! try mo magtanong sa mga relatives o friends niya kung ano gusto niya non single pa siya. para sakin e go ako sa #1 mo. damay mo na ako sa listahan ng reregaluhan mo.joke1 advance merry christmas!

    Komento ni itot54itot — Disyembre 12, 2008 @ 9:30 hapon | Sagutin

  11. threadmill, a gym and spa membership, yoga class membership, swiss knife, binoculars, a mountain bike?, a horse?? hehehe

    Komento ni partofyou — Disyembre 12, 2008 @ 10:03 hapon | Sagutin

  12. Hmm, mukhang okay nga kung fitness machine. O kaya a pair of good sunglasses para sa summer outings. 🙂

    Komento ni Lainey — Disyembre 12, 2008 @ 10:23 hapon | Sagutin

  13. ok po yung fitness machine, ballpen po kaya na naka engrave ang name nya okaya jacket..

    Komento ni eiwanku — Disyembre 13, 2008 @ 12:44 umaga | Sagutin

  14. Siguro mas ok yung theater tickets then buy something special na gustong gusto nya o hilig nya. Teka ano ba hilig nya? Kung sikret wag mo ng sabihin alam ko na yun Momski hahahaha

    Komento ni Ambo — Disyembre 13, 2008 @ 1:43 umaga | Sagutin

  15. .. for me? dalawang ticket para sa isang theater DATE!.. wahaha its gonna be a different date.. gift mo sa kanya yun e..hehehe… :)..

    Komento ni jhohanna003 — Disyembre 13, 2008 @ 7:22 umaga | Sagutin

  16. […] parati kong binibiro na dalhin nya ako dun. bakit kaya hindi na lang ticket para sa erotik messe ang iregalo ko sa kanya, huh? seryus yan. benefits for he and she, […]

    Pasa ni erotic shop « Kwentong Kengkay — Disyembre 13, 2008 @ 8:17 umaga | Sagutin

  17. sa pag-aaral ko ng salansan ng iyong mga salita mas prayoridad ni kengkoy ‘yun health n’ya kaya wan en tu ang pwede mong pagpilian depende din sa badyet mo.

    yun namber tri,bonus mo na para sa intimasi!

    Komento ni emanzky88 — Disyembre 14, 2008 @ 3:23 umaga | Sagutin

  18. […] it is! Isinalansan sa: business — kengkay @ 8:18 pm Remember my last post asking for advices on what to get for my precious husband this […]

    Pasa ni Fitness it is! « Kwentong Kengkay — Disyembre 14, 2008 @ 8:18 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: