Kwentong Kengkay

Disyembre 13, 2008

erotic shop

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 8:14 umaga

eto ang tuwang tuwa ako dito sa alemanya.

merong regular na erotik messe (erotik trade and exhibit at sa simpleng salita ay sex toys exhibits), laban kayo?

basta makikita nyo na lang sya.

sa bawat daan. may poster. erotik messe. tapos yung poster, may seksing halos hubot hubad na babae. bakit kaya walang hubot hubad na lalaki?

wala ba kaming karapatan na mga babae at mga gurls na mag enjoy ng erotika?

yang litratong yan naman sa itaas? signage ng isang local erotic store. grabe. sa taas ng signage nya na yan e pati yung mga asa eroplano malalaman kung saan sila pwedeng mag shopping ng erotic things.

hindi pa ako nakaka-attend ng erotik messe. pero si kengkoy parati kong binibiro na dalhin nya ako dun. bakit kaya hindi na lang ticket para sa erotik messe ang iregalo ko sa kanya, huh? seryus yan. benefits for he and she, hehehe.

at oo, marami ring erotik sari sari stores. sa bawat kanto ng mga malalaking baryo. wala dito sa amin pero kapag gusto mo, may alam ako. malalaman mong erotik store sya kasi kulay pulang kurtina ang nakatambad sa yo. para may tabing ba. pero wag ka, may mga naka display na mga erotic sex toys sa display cabinets nila, hahaha. at may kulay pulang ilaw kapag gabi.

unang pasok ko sa ganyan e nung may dumalaw na mabuting kaibigan dito sa amin sa alemanya. oo, pinay yung kaibigan ko 😀 pero hindi ko sinabi na pinay lang ang mahilig dyan, pinoy din 😀 takot pa nga kami dahil nga ang kapal nung kurtinang nakatabing.

pero dahil dalawa kami, sugod na rin. si kengkoy iniwan namin sa labas kasi kasama namin ang mga little kengkays. ano ba yun, what kind of nanay am i, hmpf.

pagpasok mo sa loob, wala lang, parang grocery store. parang horror shop actually, hahaha. yung kulay ng ilaw sa loob parang sa blue ribbon ba, kulay blue sempre. tapos may mga items na talagang nakaka intriga. tanong nga kami ng tanong e. sagot naman ng sagot yung tindero, kainis. kaya tuloy nagtagal kami.

sempre wala akong binili pwede ko naman kasi balikan. pero yung kaibigan ko daming binili, nanghakot talaga. at gusto pang mag pa order, hahaha.

marami rin online shopping na erotika dito. at ang assurance nila e sa resibo e ibang pangalan ng companya ang lalabas. discreet sempre. pero sempre, alam na ng mga postman at postwoman kung ano yung laman nung box, ano sa tingin ninyo?

heniway, ano naman daw ang laman ng erotik store? hhmm, marami e.

tanungin niyo ako 😀

mukhang dyan ako pupunta para sa regalo kay kengkoy, ehem

Advertisements

10 mga puna »

  1. ay, mareng kengks, nakakita din ako ng ganyang museum of erotik arts sa berlin nung pumunta kami… sayang at hindi namin napasok 🙂 interesting pa naman yung mga displays. hehe

    kengkay: bakit naman pinalampas ninyo ang pagkakataon, hehe

    Komento ni taroogs — Disyembre 13, 2008 @ 10:28 umaga | Sagutin

  2. pero kenks talagang mas marami ang eroti-stuff yung mga sa girls, well some thinks it’s dirty pero in HK popular sya sa mga rigid na asawa.

    walang mga lalaking hubad kasi pangit tingnan sa flyover or sa magazine – isipin mo baka ikaw matusok noh?

    pati yung silicon mannequin andun din sa ST-shop nakabukaka din sya. Naku….

    kengkay: rigid na asawa? rigid na nga e, hahahaha. panget ba tingnan yung mga may tusok? hahaha

    Komento ni K — Disyembre 13, 2008 @ 11:00 umaga | Sagutin

  3. Ala bang picture? Lagyan mo na lang ng password para kami lang makakita. hehehe. Teka ineng, Bawal nga pala sa akin yan. Father ako eh.

    kengkay: naku, edi bawal din sa akin yan kasi mother ako e 😀

    Komento ni Fatherlyours — Disyembre 13, 2008 @ 11:08 umaga | Sagutin

  4. oo nga picture naman jan.. gusto ko din yun makita ehe.. 🙂

    kengkay: sinubukas ko piktyuran kaso mo asa loob kami ng kotse e, hindi ko masipatan

    Komento ni walongbote — Disyembre 13, 2008 @ 1:21 hapon | Sagutin

  5. picture! picture!
    haha
    teka aba ms.kengks at balak mo pa bumalik haha.
    enjoy lang
    🙂

    kengkay: sabi nyo gusto nyo ng picture e, edi babalik ako, hehe

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 13, 2008 @ 2:31 hapon | Sagutin

  6. dyan yata dapat ako tumira hehe

    kengkay: hahaha. oo nga

    Komento ni taps — Disyembre 13, 2008 @ 6:12 hapon | Sagutin

  7. meron din nyan sa Paris at sa Amsterdam…

    kengkay: laganap sya sa oyropa, ang babastos ng mga tao dito, hahaha

    Komento ni nina — Disyembre 13, 2008 @ 6:22 hapon | Sagutin

  8. naku kung meron dito nyan malamang ubos lagi ang paninda nyan dito. hahaha.

    kengkay: kaya siguro akala nyo wala na, kasi naubos na agad, hehe

    Komento ni gmacomics — Disyembre 13, 2008 @ 7:03 hapon | Sagutin

  9. Tunay na puno ba yan? Sobrang ganda siguro. I haven’t seen a real live xmas tree ever.

    kengkay: naligaw ang comment mo 😀

    Komento ni duskfading — Disyembre 14, 2008 @ 8:51 umaga | Sagutin

  10. wala ba kaming karapatan na mga babae at mga gurls na mag enjoy ng erotika??

    Oo nga naman! Bakit? Why? Ayan nagalit na si mami kengkay! Yung picture mami ha hintayin ko. wahaha.

    kengkay: hanu ba, talagang pinababalik ako para sa picture, naks, kunyari daw ayaw bumalik, hehe

    Komento ni Helena — Disyembre 15, 2008 @ 12:15 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: