Kwentong Kengkay

Disyembre 13, 2008

krismas trihan

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 9:01 hapon

dito pwedeng bumili ng krismas tri. hindi na dun sa bundok kung saan puputulin ba yung puno πŸ˜€

uy, nakabili na rin kami ng krismas tri. kaninang umaga, nagpunta kami sa krismastrihan. dun sa may malapit lang sa bahay namin. dala namin kotse. kasi naman nung ilang nakaraang taon e talagang bitbit namin yung krismas tri hanggang bahay.

aguy, ang sakit ng katawan ng buong pamilya ano. kasi naman mga ilang minuto din ang lalakarin namin bago makarating ng bahay ano.

dati disyember a uno pa lang may krismas tri na kami. kahit na ang tradisyon dito e disyembre 23 sila nagkakabit talaga ng krismas tri. pero bitin naman yata yon. ilang araw na lang pasko na, di ba? sayang yung dekorasyon. so dahil pinay si ako, sinimulan namin pagpasok pa lang ng disyembre.

pinagtatawanan nga kami nung mga kamag anak namin dito kasi nga ang aga daw. OA daw kami. nagbago lang ang isip namin nung nagkaron na ng birthday party si panganay. kasi naman halos magiba yung krismas tri namin sa mga kakulitan nung mga bata. muntik ng gawing tsubibo. muntik ng gawing lambitin. muntik ng tayuan ng palo sebo. ano ba yun, waaa

kaya naman sabi namin, pagkatapos na lang ng birthday party ni panganay, dun kami magkakabit ng krismas tri. ayun, punta nga kami sa tindahan at nagsiyasat ng aming puno. posing posing dapat, para makita kung maganda itsura at kung ayos ba ang laki ng puno.

pero sempre, ang mga little kengkays, wala silang pakialam. kasi naman may libreng donuts, prutas, at kung ano anong sweets dun sa krismastrihan. dun sila sa buffet table nagkagulo. biglang bahala na daw kami pumili sa krismas tri!

tinapos na rin namin ang dekorasyon. ano kaya ang itsura ng aming krismas tri? ganito pala sya dati click. at ngayon? abangan ang susunod na kabanata!

Advertisements

18 mga puna »

  1. haha, ano kayang itsura ng christmas tree niyo, ate kengks? πŸ™‚

    kengkay: abangan πŸ˜€

    Komento ni pao — Disyembre 13, 2008 @ 10:08 hapon | Sagutin

  2. hay kami sampung taon ng hindi nagkakabit ng christmas tree. Inutusan nga ko ng tatay kong bumili ng xmas lights, sabi ko wag na..ang taas na ng singil ng koryente grabe. Hello! Meralco, anong jowk ito daig pa namin ang may computer shop sa taas ng bill namin. Aargh!

    kengkay: bakit naman ang taas ng bill ninyo? dito uso pa yung tunay na kandila ang kinakabit sa krismas tri πŸ˜€

    Komento ni Helena — Disyembre 14, 2008 @ 1:33 umaga | Sagutin

  3. katulad ni helene, matagal na rin kami di kabit ng x’mas tri na yan kaya kahit pasko parang wala lang…

    kengkay: kami nung walang pera pambili ng krismas tri meron kaming sinulid na pinaluputan namin ng thumbtaks para may krismas tri kami πŸ˜€

    Komento ni ron — Disyembre 14, 2008 @ 2:37 umaga | Sagutin

  4. nako sobrang aliw ko naman ipronounce ang krismastrihan na word LOL excited na ko makita ang new look ng tree!

    kengkay: hahaha, naaliw din akong isulat sya!

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 14, 2008 @ 4:21 umaga | Sagutin

  5. kakainis, ngayon lang ako mag papasko ng walang christmas tree.. pero ano na kaya hitsura ng christmas tree mo?

    kengkay: sikret pa πŸ˜€ bakit wala kang tri ngayong pasko?

    Komento ni cindyrellaz — Disyembre 14, 2008 @ 4:59 umaga | Sagutin

  6. Napag desisyonan namin ngayong taon na wag plastik gamitin.Buti na rin nakakapagod mag halungkat sa basement hehehe at sundin namin yung tradisyon ng pamilya na mag dekorasyon sa Christmas eve;)

    Have a nice week ahead mi kengs! Ingats

    kengkay: uy, talaga, christmas eve kayo magdekorasyon? parang bitin, hahaha

    Komento ni cheh — Disyembre 14, 2008 @ 6:46 umaga | Sagutin

  7. Tunay na puno ba yan? Sobrang ganda siguro. I haven’t seen a real live xmas tree ever.

    (Sorry I think I misplaced my comment on your “erotic shop” post)

    kengkay: sa mga hotels sa pinas karamihan tunay na puno ang krismas tri nila πŸ˜€

    Komento ni duskfading — Disyembre 14, 2008 @ 8:53 umaga | Sagutin

  8. nabitin ako dun ah. im sure maganda yan. wag lang ulit gawing tsubibo. hehehe. belated happy bertdey kay panganay kengkay!

    kengkay: hay, tsubibong krismas tri

    Komento ni gmac — Disyembre 14, 2008 @ 8:58 umaga | Sagutin

  9. nabitin ako dun ah. im sure maganda ang kalabasan nyan wag lang gawing tsubibo ulit.

    Komento ni gmac — Disyembre 14, 2008 @ 9:01 umaga | Sagutin

  10. decorating mode pala ang mama. i hope everything turns out pretty and the process calm and enjoyable. hehehe. knows na knows that decorating and kids don’t mix. But its fun to see them enjoy too.

    kengkay: bigla ngang na bore after 15 mins na nagdedecorate kami e. sabi ba naman e ‘tapusin mo na, mama. titingnan namin kung maganda gawa mo,’ hahaha

    Komento ni Mahalia — Disyembre 14, 2008 @ 10:49 umaga | Sagutin

  11. simple lang ayos ng christmas tree nyo nitong nakaraan christmas.. Ano kaya ngayon ang ayos? abangan ang susunod na kabanata πŸ™‚

    kengkay: simple lang sya dati kasi nga takot pa ako kasi malilikot pa sila dati e, ngayon sana hindi na sila ganun kalikot!

    Komento ni sandijmartin — Disyembre 14, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin

  12. Yehey aabangan ko xmas tree mo. sa wakas, anim na tayo sa parada pag nagkataon hahaha

    kengkay: oy, kasali ako sa parada at ayoko sa huli, hehehe

    Komento ni bluepanjeet — Disyembre 14, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin

  13. totoo pala iyong xmas tree na puno tlaga?
    ang galing.

    kengkay: ganyan din reaction ko nung unang bumili kami e, as in, uy, meron kaming tunay na puno sa loob ng bahay, yehey!

    Komento ni Pepe McKunat — Disyembre 14, 2008 @ 3:21 hapon | Sagutin

  14. totoong puno ba iyan? basta abangan ko na lang! πŸ™‚

    kengkay: tunay na tunay, at mabango πŸ˜€

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 14, 2008 @ 6:41 hapon | Sagutin

  15. Wala akong Xmas tree, as much as I’d want the real tree (popular sya dito, all trees are fresh from Europe) di na kakasya sa pad ko, kaasar. Ang bango ng real xmas tree, kaso baka magalit na si Madir Earth sa dami ng puno na ‘kinakatay’ malamang yung mga Environmentalist pipila sa IKEA para i-ban ang pag benta neto.

    kengkay: aray ko naman, ang isang puno daw e sampung taon kailangan para tumaas na pang krismas tri. pero kasi dito maraming krismastrihan. kumbaga e merong space na talagang para sa krismas tri lang, at mabilis sya lumaki. siguro may mga special methods na silang ginagawa para dito.

    Komento ni K — Disyembre 14, 2008 @ 7:18 hapon | Sagutin

  16. Wala akong Xmas tree, as much as I’d want the real tree (popular sya dito, all trees are fresh from Europe) di na kakasya sa pad ko, kaasar. Ang bango ng real xmas tree, kaso baka magalit na si Madir Earth sa dami ng puno na ‘kinakatay’ malamang yung mga Environmentalist pipila sa IKEA para i-ban ang pag benta neto.

    Komento ni K — Disyembre 14, 2008 @ 7:20 hapon | Sagutin

  17. […] ng krismas trihan na sa tingin ninyo e may magandang puno. dito sa baryo namin e suki na kami dito. lapit lang sa […]

    Pasa ni pabili ng krismas tri « Kwentong Kengkay — Disyembre 14, 2008 @ 8:19 hapon | Sagutin

  18. dito sa pinagtratrabahuhan ko
    every year may frsh xmas tree
    galing pa talaga ng us
    pero dahil sa recession, ayun
    plastic tree ang nakatayo for this year
    ayos
    hehe

    Komento ni raft3r — Disyembre 15, 2008 @ 12:03 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: