Kwentong Kengkay

Disyembre 16, 2008

pakilista po

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 9:13 hapon

nabanggit ko na sa inyo na ako e hindi halos nagdadala ng pera kapag naglilibot ako dito sa aming baryo di ba? pero sempre dapat may dalang pera kapag mag-grocery sa palengke. kasi nga halos lahat ng tindahan dito e yung cash card lang ang tinatanggap, kundi man, cash talaga.

so kaninang umaga. sabi ko, mag grocery na ako. magtatambak na ako ng supply para sa papasok na pasko. kasi naman, ang haba na ng pila sa lahat ng tindahan. atsaka super siksikan. mahirap makisabay. atsaka wala lang, gusto ko lang magexercise ngayon at magbitbit ng cases ng beer at tubig at maghakot ng ilang kilong arina at asukal dahil balak na namang mag bake ng cookies ni kengkoy.

dala ko ang kotse. andun yung bag ko. andun yung pitaka ko. oks na. unang hinto, sa karnehan (meat shop). bili ako ng isang fleischwurst (malaking hotdog), at anim na pirasong wieneler (maliit na hotdogs), at kalahating kilong giniling. nung kinikilo na sya lahat, ayos, silip ako sa pitaka ko. waaa, isang ulilang limang (5) oyro na lang ang laman nya, at dalawang singkong centimong duling.

naku, sabi ko, sana mura lang. kaso mo, 7.26 oyro sya, waaa. may utang pa akong 2.26 oyro. sabi ko dun sa tindera — ‘errmm, ich hab nur funf euro’ (meron lang akong limang oyro). nangiti lang si tindera. sabi nya, edi ilista ko muna. pakisulat lang yung pangalan at telepon namber.

uy, yun lang. tapos na, hindi man lang ako pinagpawisan. hahaha

sabi ko naman sa inyo e, dito pwedeng magpalista kapag kulang ang pera. kahit pa nga hindi nila ako kilala sa pangalan, kundi sa mukha lang. mukha daw akong kagalang-galang na magbabayad ng utang!

tinawagan ko agad si kengkoy. pinagmalaki ko sa kanya na may utang ako sa meat shop, hahaha

tawa sya ng tawa. ako lang daw ang kilala nya na ganun! ewan ko ba, at masyado akong toxic ngayon. dami kong nalilimutan, sa totoo lang. halatang nag pa praktis na para sa halos 30 kong inaanak, hehe

anyway, naghalungkat din ako sa kotse ng barya pero hindi rin aabot dun sa kulang e. at bagong linis yung bag ko kaya walang nakakalat na barya. kaya ang ginawa ko, pinagpatuloy ako ang pamimili at binalikan ko na lang yung utang ko makaraan ang ilang oras.

pero cool di ba? uso pa dito ang palista, hahah

Advertisements

19 mga puna »

  1. fleischwurst – wow gusto ko nito mami. Meron ba nyan dito sa pilipinas? Seryoso po ang tanong hindi double meaning. Pramis! Kros may hart!!

    kengkay: merong malaking hotdog sa pinas. super chunky juicy and tasty pa, hehehe

    Komento ni Helena — Disyembre 16, 2008 @ 9:20 hapon | Sagutin

  2. go kengkoy galingan mo ang pagbake! kengkay post mo naman yung itsura ng cookies pag meron na LOL

    kengkay: mas magaling pa sa kin yan, kaya lang ang kusina e parang sinabugan ng bomba kapag sya ang nagbake, heheh

    eto link nung pechurs http://homeworked.blogspot.com/2008/11/mama-is-out-for-weekend.html

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 16, 2008 @ 11:38 hapon | Sagutin

  3. ang galing mo naman kengkay pati diyan sa germany dinala mo yung pangpapalista kala ko sa tindahan sa kanto pwede lang yan!!!

    kengkay: kung pwede lang ipalista lahat, hahaha

    Komento ni elaine — Disyembre 17, 2008 @ 12:53 umaga | Sagutin

  4. baka pagsa pinas pa yan tinatalakan ka na ng ale…heheeh

    kengkay: baka kamo pinaiwan din pati yung mga binili ko, hostage ba, hahaha

    Komento ni dakilang islander — Disyembre 17, 2008 @ 1:41 umaga | Sagutin

  5. ang galing! buti may translation ate ng alemanya sa tagalog kung hindi di ko naintindihan yun.. kulet pala ng salita jan.. parang may pag french..swerte naman ni kuya kengkoy may loving na kengkay.. always cooking for him 😉

    kengkay: swerte din ni kengkay dahil si cooking alwasy cooking for me din e, palitan lang. kung sino mas tamad sya panalo, haha

    Komento ni walongbote — Disyembre 17, 2008 @ 1:42 umaga | Sagutin

  6. Ate Kengkay,
    Mabuti pa kayo may cash, ako puro palista lang at umaasa sa mga Bombay na nagpapautang ng five-six hehehe. Sabi ko nga sa kanila forget my utang once in a while ang make singil the others. Or if I make utang to you just lista it to the tubig. Natatawa lang ang mga Bombay. Sa mga ordinaryong mangagawang katulad ko, sino ba ang hindi nangungutang kapag may pangangailangan.Pero talagang ganyan lang ang buhay, pasasaan ba at bukas makalawa ay makakaraos din tayo sa ating economic crisis. Si Wonder Woman nga nagpapadede na lang para makamenos sa gatas ng bata. LOL.
    Sana po ay magawi naman kayo sa aking Hardin http://segundina.wordpress.com
    Maraming salamat po.

    kengkay: naku, dumaan din kami dyan sa five sixs na yan at sa bumbay. at least sa bumbay may regalong payong kapag pasko, hehe

    Komento ni secondlady — Disyembre 17, 2008 @ 2:16 umaga | Sagutin

  7. hahaha buti pa dyan pwede lista. pag ako kulang ang pera talagang hindi pwedeng hindi magbabawas ng pinamili kahit cents lang ang kulang=(

    kengkay: mga mga tindahan nga dito na may mga cents na nakatabi. kapag may kulang, dun mo na lang kunin. pero sa sunod na may barya ka, dapat may i hulog ka dun para naman masaya at di maubos yung barya 😀

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 17, 2008 @ 4:27 umaga | Sagutin

  8. sa atin sa pinas may malaking karatula.. credit is good but we need cash! hehe. buti jan pede magpalista. astig! hehe.

    kengkay: ay tuwang tuwa talaga ako nung pwede ang palista

    Komento ni gmacomics — Disyembre 17, 2008 @ 5:15 umaga | Sagutin

  9. wow sosyal.. palista sa grocery… yaman naman! pahingi naman ako ng malaking hotdog ms kengkay.. mukang masarap yun ah… hehehe

    kengkay: dadalhan kita pag uwi ko ng pinas 😀

    Komento ni yhen — Disyembre 17, 2008 @ 6:37 umaga | Sagutin

  10. ang galing naman.. pwede utang.. uso pa pala jan… jan din ba yung schublig? gusto ni kumander yun eh..

    kengkay: kakaiba di ba? at walang kasamang talak or pingerprints, hehe. hindi ko alam kung ano yung schublig, ano yun?

    Komento ni potsquared — Disyembre 17, 2008 @ 8:04 umaga | Sagutin

  11. pano bigkasin yung -malaking hotdog- at -maliit na hotdog-? 🙂 ehehe. mabuti pa dyan may palista. dito uutang ka palang, nakasimangot na. kahit isang pak ng noodol lang amf, nabati na buong kamag-anakan sa haba ng sermon, daig pa si Fader! 😀

    kengkay: ffflaysshhhwwurssst at yung isa naman ay winele ang basa 😀 kaya nga sabi ko hindi ako pinagpawisan kasi hindi ako napahiya, hehe. bakit di ako makapasok sa site mo?

    Komento ni pilar — Disyembre 17, 2008 @ 11:10 umaga | Sagutin

  12. sana pala nabasa ko itong post na to nung una pa lang kami ngbake.
    sayang.
    nahuli ako sa pagboBLOG!
    🙂

    kengkay: may oras pa!

    Komento ni Pepe McKunat — Disyembre 17, 2008 @ 12:15 hapon | Sagutin

  13. Hello Kengkay,

    Natatawa ako sa yo. Nagdala ka pa ng bag at pitaka tapos nakakotse ka pa. Yong bag sa past blog entry mo, ang laki no. Tapos may I check ka pa yon pala papalista ka rin lang pala. Hahaha… Tawang-tawa talaga ako sa yo.

    Have a nice week!

    kengkay: hay, nakakabaliw di ba? chinek ko pa yun pala walang pera pa rin, hehehe. yung importante talaga ang naiwan!

    Komento ni Sofie — Disyembre 17, 2008 @ 2:07 hapon | Sagutin

  14. kengkay ang suwerte mo kay kengkoy !

    pareho din tau di mahilig mag dala ng pera !
    pero ako ung taong di mahilig mangutang ! ^_^

    kengkay: palista daw tawag dun, hindi pautang, hehe

    Komento ni Jex ~ Saah Paahk — Disyembre 17, 2008 @ 2:42 hapon | Sagutin

  15. question….sa palara (foil) din ba ng sigarilyo nilista nung meat vendor yung utang mo? hehehe =)

    kengkay: hahaha, hindi. dun sa resibo 😀

    Komento ni attyarj — Disyembre 17, 2008 @ 3:16 hapon | Sagutin

  16. I don’t think it will work if you’re in the city, baka mamura ka pa ng tindera. Pero uso pa ata ang listahan sa (tubig) sa atin. or else kung wala neto, mabubulok ang mga chicharon sa eskaparati, anoh?

    Goodluck on homebaking. Merry Xmas Kenks.

    kengkay: si kengkoy ang homebaker, hehe. listahang tubig, hay, ang dami kong ganyan, hahaha

    Komento ni K — Disyembre 17, 2008 @ 5:16 hapon | Sagutin

  17. aysus!
    dito sa pinas ang dami pang chenes para pwede kang palista!
    hindi mo na kasi matukoy kung sino ang nagbabayad talaga o hindi!

    kengkay: nagiiba ng pangalan at anyo, hahaha

    Komento ni eloiski — Disyembre 18, 2008 @ 12:14 umaga | Sagutin

  18. kengks……. yung gift ko sa pasko, ililista mo rin ba? ^_^ hahaha!

    kengkay: uy oo, lista lang ng lista

    Komento ni foobarph — Disyembre 18, 2008 @ 6:03 umaga | Sagutin

  19. Galing! Uso pa pala ang pagpapalista jan! Naku cguro kasi hindi uso ang tumatakbo sa utang jan…puro honest ang mga tao. 🙂 Cool talaga!

    Dito pag nakulangan ka ng barya iismiran ka na papahiyain ka pa, karaniwang eksena sa palengke ng Pinas yan, at ang next scene eh itataboy ka pa…( na-witness ko ito minsan ).

    Teka paano po i pronounce ung malaking hotdog dyan? 🙂

    Komento ni 24x7 Online Diva — Disyembre 29, 2008 @ 9:42 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: