Kwentong Kengkay

Disyembre 19, 2008

paikot-ikot

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 2:58 hapon

ang pinakamasarap na rides nung bata pa tayo? yung paikot-ikot, tulad ng ferris wheel, carousel, caterpillar, choo choo train, magic cup, at kung ano pang umiikot.

sempre, kapag may paskuhan at may peryahan, ganyan din ang pinagkaka-abalahan ng mga little kengkays.

takbo muna sila sa carousel. ikot. ikot sila sa isang makinang na silya. kaway kaway sa mga nanay at tatay na sumasakit leeg at ulo kakatingin. at kakatingala.

tapos pangalawang round. sakay naman sila ng kabayo. tigidig tigidig. ikot ikot na naman, kaway kaway. hayyyy

nakakakita ng choo choo train. sempre papalampasin ba naman nila? ang matindi pa nito, hindi lang kaway, give me five pa ngayon. huwag tularan, dahil delikado yan. actually, pinigilan na namin sila sa give me five na yan. kasi may nangyari sa isang carnival sa france na dahil sa kakagive me five e nahulog yung isang bata sa carousel at nabagok ang ulo. sad to let you know, namatay yung bata 😦 freak accident pero pwede nating maiwasan.

at andun rin kami nung isang batang bulinggit ang nahulog sa isang carousel. nawalan ng malay ang bata. sa mismong harapan namin nahulog. hindi napansin nung mga magulang na hindi na nakaupo yung anak nila kasi hindi na sila nakatingin sa ikot ikot na carousel. kasi ang bata pa nya para iwanan mag isa sa carousel e. nung maliit pa mga little kengkays, parati kasama si kengkoy sa carousel lalo pat kung hindi pa sumasayad ang paa nila dun sa upuan. mahirap na.

sa totoo lang, mga isang dosenang ikutan yata ang nangyari dito. pati ako nahilo na. hindi simple ang kumaway kaway sa mga nag choo choo choo train ha.

at sempre kapag babaan na, pabilisan din. parang maiiwan ng biyahe sa susunod na ikutan.

isang ikot pa ulit! hayyy, ayoko ng tumingin at hilo na rin ako. umiikot na rin ang aking paningin.

Advertisements

19 mga puna »

  1. Hello Kengkay,

    Grabe talaga ang saya na binibigay ng mga rides sa mga bata no. Aba e, kahit sa matatanda rin naman e. Di talaga nakakasawa kahit na minsan may takot at nagsisigaw pa. Hilong-talilong ka na nga lang pagtapos na. 🙂

    Miss ko na rin sumakay sa roller coaster, ferris wheel, etc. Tagal na rin palang di ako nakasakay. Hay…..

    kengkay: ayaw ko ng sumakay ng paikot ikot, nalulula na ako sa ferris wheel at nasusuka na ako sa carousel, halatang tumatanda na ako, waaaa

    Komento ni Sofie — Disyembre 19, 2008 @ 4:25 hapon | Sagutin

  2. aminin… sumakay karin.. hehe

    kengkay: aamin ako, ang dami kong kinain, hahaha

    Komento ni Jof — Disyembre 19, 2008 @ 4:55 hapon | Sagutin

  3. wow! kakainggit…di pa ko nakakasakay ng carousel mami. 😦 Tapos ngayong matanda na ko..nakakahiya na sumakay. Waaaah!

    kengkay: ganito yon, kapag may kasama kang bata na kunyari e babantayan mo, hindi yon nakakahiya, hehe

    Komento ni Helena — Disyembre 19, 2008 @ 5:06 hapon | Sagutin

  4. ako nga enjoy sa carousel eh mga little kengkay pa kaya 🙂 hehehe

    kengkay: ako lumipas na ako dyan, pass na.

    Komento ni nina — Disyembre 19, 2008 @ 5:36 hapon | Sagutin

  5. ay ako di nagsasawa dyan..hihihi

    kengkay: hindi ko na sya matake, waaa

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 19, 2008 @ 6:01 hapon | Sagutin

  6. sarap maging bata!
    🙂

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 19, 2008 @ 6:09 hapon | Sagutin

  7. naku kengkay di na ako sumasakay sa mga ganyan lalo na sa ferris wheel…para kasing hinuhugot ang kaluluwa ko…di sanay ano?

    kengkay: nung bata pa si kengkay, hindi ko pinapalampas yan. pero ngayong nanay na ako, hindi ko na sya talaga kaya

    Komento ni ron — Disyembre 19, 2008 @ 9:23 hapon | Sagutin

  8. ang paborito ko ay yun optupos
    pag puro kawalang pa yun ride, mas gusto ko
    halata bang may death wish?
    hehe

    kengkay: pareho tayo, mas type ko yung thrill ng octupus at ng horror house, hahaha

    Komento ni raft3r — Disyembre 20, 2008 @ 2:28 umaga | Sagutin

  9. hi! MERRY CHRISTMAS! a christmas greeting is awaiting for you in my blog. Pls. Take a look.
    and also here’s my greeting card. click this ECARD
    Hope you like it!!! More blogging year’s for us to come!! mwaaahh..

    kengkay: huy, meri krismas na talaga ah, salamat po. puntahan ko blog mo para kunin ang aking card

    Komento ni walongbote — Disyembre 20, 2008 @ 4:04 umaga | Sagutin

  10. nung bata pa ako, takot din ako sumakay kahit man lang carousel pero ngayong malaki na ako..yan lang ang favorite kong sakyan..hindi kasi nakakatakot unlike sa ferris wheel at roller coaster..

    Merry Christmas ate kengs sau at sa buo mo pong pamilya..

    kengkay: hahaha, ano ka ba, e takot ka nga sa tiny bubbles eh, hahaha

    Komento ni rio — Disyembre 20, 2008 @ 5:31 umaga | Sagutin

  11. kaht hanggang ngayon ang mga sinasakyan ko lang ay yung mga carousel at mga choo choo train hindi ko kasi talaga kaya yung roller coaster kaya kahit naman nasakyan ko na mga iyon, hindi na ako umulit pa. May nabalitaan din kasi ako na naaksidente sa mga ganyan eh. Pero buti naman natuwa yung mga kids mo.

    kengkay: iba ang thrill ng roller coaster kesa sa carousel. ang carousel ikot ikot, ang roller coaster ikot ikot at takot takot, hahaha

    Komento ni cindyrellaz — Disyembre 20, 2008 @ 9:55 umaga | Sagutin

  12. isang beses lang ako nakasakay sa ferris wheel tapos ‘di na naulit.. bumaligtad kasi ang sikmura ko pagka-baba ko kaya hanggang ngayon takot akong ulitin 🙂

    kengkay: ibig sabihin kahit ilibre kita dun sa pinakamalaking ferris wheel hindi ka sasakay? mabuti na lang kasi ayaw ko din sumakay, hahaha

    Komento ni sandijmartin — Disyembre 20, 2008 @ 10:34 umaga | Sagutin

  13. naku kengkay favorite ko yang ferris wheel! pakiramdam ko prinsesa ako kapag nakasakay diyan. ^_^

    Komento ni Snow — Disyembre 20, 2008 @ 12:04 hapon | Sagutin

  14. sa germany yata kinuhanan ang picture mo.

    anyway, kahit na 20 anyos na ako, enjoy pa rin ako sa merry-go-round at ferris wheel. Mas gusto ko silang sakyan kaysa sa roller coaster!!!

    http://cardinalbitchspecials.wordpress.com

    Komento ni pinoyonlinenovels — Disyembre 20, 2008 @ 12:49 hapon | Sagutin

  15. kakamiss ung mga peryaan sa pinas tuwing magffiesta…
    yun lang…
    nakidaan at naki epal ng konti
    ahihihihihi

    Komento ni yanah — Disyembre 20, 2008 @ 12:54 hapon | Sagutin

  16. sana sumakay din sila sa parang anchor’s away. hehehe. pero i doubt papasukin sila dun. hehee. mukha ngang enjoy ang mga little kengkays.

    Komento ni gmacomics — Disyembre 21, 2008 @ 7:09 umaga | Sagutin

  17. bakit kaya noong bata pa tayo, masaya na tayong sumakay ng carousel eh kung tutuusin, wala naman siyang ginagawa kundi tumaas-baba at umikot-ikot. ang boring kung iisipin natin pero nung bata tayo, grabe, halos umiyak na tayo sa kahihila ng palda ng magulang natin para pumayag silang sumakay tayo.

    hay, i miss my childhood. andali kong pasayahin.

    wait lang ate. sumakay ka rin ba? hehehe… umamin…

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 21, 2008 @ 8:29 umaga | Sagutin

  18. wapak!
    gusto ko tuloy uli sumakay sa mga rides!
    suto ko pumunta ng star city! oo star city lang ang layo naman kasi dyan eh!
    amp!
    nakakamiss tuloy… huhuhu!

    Komento ni eloiski — Disyembre 21, 2008 @ 8:46 umaga | Sagutin

  19. Hi Kengkay,

    Naku sad naman pala ang nangyari doon sa bata. Dapat talaga nag iingat lalo na ciempre ang purpose mo jan eh magsaya di ba?

    Parang hindi ko na maalala kung kailan ako huling sumakay sa mga tsubibo na yan, pero I hope that you really made the best out of your holiday with your family. 🙂

    Komento ni Pinay Freelancer — Disyembre 29, 2008 @ 9:34 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: