Kwentong Kengkay

Disyembre 21, 2008

sinoli ang regalo

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:10 hapon

naalala nyo yung pinagmamalaki kong regalo namin kay panganay nung pitong taong berdey nya nitong nakaraan? yung digicam na asa itaas?

pwes, sinoli namin sya.

kasi naman ilang minuto pa lang sya ginagamit e biglang kailangan kaagad ng bagong baterya. as in, sa buong araw na gamit sya ni little kengkay e naka apat na palit kami ng bateryo sa camera. parang may mali yata dun di ba?

e hindi naman sya masyadong ginagamit nung panganay ko. lalo namang hindi namin sya magamit kasi bawal kaming gumamit at exclusive lang daw yon kay panganay ko.

tapos nung pangalawang araw, aba, kapapalit lang nung baterya ayaw ng gumana. as in, hindi na bumubukas yung camera. e parang nakakaloko yata ano? bagong baterya. bagong kamera. tapos hindi gumagana?

ginawa ni kengkoy, hinalunggat yung mga baterya sa basura na tinapon nya. ginamit nya sa ibang bagay. ayun, matinong gumana naman. ibig sabihin matino yung baterya. yung camera ang may sira.

so binalik ni kengkoy sa tindahan. dito kasi yes return, yes exchange. hindi katulad sa pinas na no credit, no utang tapos no return no exchange pa. sabi nung mama kaya daw hindi gumana yung baterya e kasi daw chipipay daw yung baterya na ginamit namin! wahahahaha, nagulantang ang kengkoy. sabi nya e galing sa inyo yung baterya ano!

sa inis ni kengkoy, sinoli nya ang camera. nagreklamo yung tindero. sira na daw yung kahon. sabi ni kengkoy, pwes, gawan mo ng paraan na maayos ulit yung kahon. kinausap yung manager ng tindahan at binalikย  sa kanya ang pera. tapos. soli ang regalo.

iyak sempre ang panganay namin. kasi wala na daw syang regalo. pero binilhan namin sya ng bagong camera agad. yung hindi na yung naka-sale. dagdag lang ng sampung oyro, mas maganda at mas matino pa.

sa totoo lang, dito sa alemanya, kapag ayaw mo nung regalo mo, pwede mong ibalik. kaya karamihan sa mga nagreregalo, dala rin yung resibo nung regalo. kasi nga, just in case na may diprensya o kaya hindi type nung niregaluhan yung kanyang regalo, pwedeng palitan at pwedeng ibalik. ganun ka simple.

may mga tuso na ginagamit muna bago ipalit yung regalo. tulad ng relos, coats at kung ano pa. hay, makonsyensa naman kayo mga tuso! natawa ako kasi may isang ale na nagreklamo sa tindahan. ayaw daw nya nung regalo sa kanyang coat. edi okay naman yung tindera, kasi costumers are always right. binalik yung regalo. chineck muna nung tindera lahat ng bulsa ng coats. ayun, daming wrappers ng candies at mga gamit na bus tickets. obvious ba na nagamit na yung coats?

kaya dito, mas maraming tao kapag tapos ng pasko at bagong taon sa shopping areas. mga taong na re-return and nag e-exchange. ang kulit talaga ano? hindi makuntento! pero naman, kung ayaw mo talaga nung regalo, advantage din yon, hehehe

Advertisements

22 mga puna »

  1. naks! parang gusto ko na talagang tumira dyan mami!! Pwedeng isoli kapag ayaw mo ng regalo mo?! Huwaat! Eh kung wala kang natanggap na regalo kahit isa…pwede rin ba manghingi?? Nyahaha. Meri Krismas mami. Ahlabshu!

    kengkay: sa totoo lang, kapag pasko dito? kahit hindi ka manghingi daming pwedeng damputan ng regalo, hehe. sa restaurant pag upo mo pa lang may mga cookies na sa lamesa. sa mga shopping areas may mga libreng tikim at libreng souvenirs kahit na hindi ka pa bumibili, dapat lang lakwatsera ka, hehe

    Komento ni Helena — Disyembre 21, 2008 @ 1:41 hapon | Sagutin

  2. buti pa dyan ganoon, pero sa pilipinas naku pahirapan pa bago mo masoli ang isang bagay, siguro nga pwedeng manghingi.. LOL! within 2 weeks lang ba dapat isoli na?

    kengkay: dapat 14 days isoli mo na. pero minsan kahit na more than 14 days pwede pa rin ๐Ÿ˜€ at ang warranty dito minsan e 3 years

    Komento ni cindyrellaz — Disyembre 21, 2008 @ 2:37 hapon | Sagutin

  3. haha. kala ko sinoli sa nagregalo ung gift. hehehe. kung sa atin yun no refund talaga. buti jan lahat may sa ayos. anu ung bagong camera na nabili? same brand? hehe

    Komento ni gmacomics — Disyembre 21, 2008 @ 5:29 hapon | Sagutin

  4. ay buti pinalitan nyo..mukhang sobrang excited pa naman ni panganay sa digicam na yun…

    hihihi baka nga kaya naka sale yun kasi may depekto na..

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 21, 2008 @ 5:31 hapon | Sagutin

  5. note: right tlaga un ng mamimili na ibalik ung gmit nya kung ayaw or may deperensya. bsta may resibo at pwede ibalik with in 3 weeks.

    gnun din d2 sa u.s. ate, dami ding “suot-soli” haha!

    Komento ni Jof — Disyembre 21, 2008 @ 6:10 hapon | Sagutin

  6. wow! baket ba dito sa pinas hindi ganyan.. hindi din natutupad yung 1 year warranty. minsan sa bilihan ng mumurahing computer stuffs eh 1 week lang eh di na tatanggapin.. kung ganyan lang ba kasimple lahat ng bagay, pwede mong isoli kung ayaw mo baka lahat ng pinoy eh isinolo na si madame gloria sa sinapupunan ng nanay nya..

    Komento ni FerBert — Disyembre 21, 2008 @ 9:24 hapon | Sagutin

  7. e di ok na ngayon si panganay mo kengkay? mabuti naman at napalitan agad ng mas maganda ang regalo nya….yun bang pentax ang sinoli mo? maige naman at na publish mo to para sa pagbili ko ng cam e di na ako maeengganyong bumili ng pentax cam…babu….

    Komento ni ron — Disyembre 21, 2008 @ 9:36 hapon | Sagutin

  8. huwaw!
    okay na okay pala magsoli ng gips ano?
    ang saya naman diyan!
    akala ko pa naman sinoli ni little kengkay kasi ayaw niya
    kung ayaw niya akin na lang
    pero sa tingin ko lab na lab niya ang kanyang cam kasi iniyakan niya pa
    ano na po yung bago niang cam?
    anong itsura na po?

    hakhak!
    nakikichicmis!

    Komento ni eloiski — Disyembre 22, 2008 @ 12:30 umaga | Sagutin

  9. hehehe, pano kung sipilyo niregalo ko?

    Komento ni akosiyin — Disyembre 22, 2008 @ 5:39 umaga | Sagutin

  10. Haaay, tita same dito. Yes return, yes exchange. Problema sa atin, yung ‘no return, no exchange’ policy ay pinagbabawal talaga, problema, ang ‘walang alam’ na Pinoy consumer sige lang nang sige para wala na lang trouble. Kung ikumpara mo sa mas malaki na problema, minsan payag na ang sambayanan na may corruption sa lipunan basta nakakatawid sila… Yaay! lumalim na. heniway, good at may bago ulit camera si little kengkay No. 1! ๐Ÿ™‚

    Komento ni Jim — Disyembre 22, 2008 @ 5:45 umaga | Sagutin

  11. buti na lang di pa kami nag-mimit ni Santa.
    kundi isosoli ko sa kanya iyong iba.
    sumasakit na kasi ngipin ko eh.

    Komento ni Pepe McKunat — Disyembre 22, 2008 @ 5:53 umaga | Sagutin

  12. kung ako yun ibinato ko na sa mukha ng tindero ang palpak na gadget nila lalo kung gago pa yung tindero.

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 22, 2008 @ 6:10 umaga | Sagutin

  13. atlis po naibalik mo di ba? pero infairness sana ganyan din dito pwedeng ibalik pag chaka o hindi gumagana. hehe! ๐Ÿ˜‰

    Komento ni yhen — Disyembre 22, 2008 @ 6:30 umaga | Sagutin

  14. pati pala sa alemanya sinakop na ng made in china..amffff…japeyks talga ung nabili nyo..siguro kug sa pinas yan nangyari..kamote na lang maabot sayo ng tindero…with matching presinto..(mga magugulang sa daya)

    buti na lang hindi yan pinas..ano pang hinihintay???click click na! ๐Ÿ™‚

    Komento ni khzr4u — Disyembre 22, 2008 @ 8:20 umaga | Sagutin

  15. nyahaha
    palaban din pala si kengkoy mo, ha
    panalo

    saka ang lakas naman sa betrya nyan
    buti na din at sinoli nyo

    eto noong nasa baltimore ako
    diba panay shopping ko at ng mga kasamahan ko
    ngayon yun isang kasama namin ng maubusan ng allowance
    todo soli ng mga pinamili nya
    ayun may pera uli
    hehe

    Komento ni raft3r — Disyembre 22, 2008 @ 8:41 umaga | Sagutin

  16. Guilty ako dito. Kasi dati bumili ako ng libro tapos binasa ko muna then isinoli ko nung natapos ko na. Hehe! Pero once lang naman yun di ko na inulit. ๐Ÿ™‚

    Merry Christmas and Happy New Year Kengks! Regards to your family.

    Komento ni Kiko Matsing — Disyembre 22, 2008 @ 8:51 umaga | Sagutin

  17. Hello Kengkay,

    Minsan talaga ingat rin tayo sa pagbili pag may sale. Minsan nga kahit di naka-sale, di maiwasan, may factory defect pala, tapos na-overlook during quality control. Pero di bale, at least masaya na uli si Panganay. Ituloy ang pagkuha ng pictures.

    Maligayang Pasko sa inyong lahat dyan!

    Komento ni Sofie — Disyembre 22, 2008 @ 3:06 hapon | Sagutin

  18. dito sa pinas kapag nagsoli ka ng binili mo sa binilhan mo at nataon muslim pa ang may ari ng tindahan yari ka…

    tatakutin ka pa.

    ang gago di ba?

    Komento ni taps — Disyembre 22, 2008 @ 5:31 hapon | Sagutin

  19. sana ganyan nnga din sa pinas pag nagregalo kasama resibo.. pero wala pa ring tutulad sa cash.. haha joke lang ^_^

    maligayang pasko mami kengkay ^_^

    Komento ni angel — Disyembre 22, 2008 @ 5:44 hapon | Sagutin

  20. Aray ko mama! Bwhehehe…

    Komento ni YoungCan — Disyembre 22, 2008 @ 9:48 hapon | Sagutin

  21. okay yan ah… pag nandiyan pala ang mga maraming Pinoy… maibabalik nila ang mga usual na regalo na ayaw nila gaya ng photo album, photo frames, towel, sabon, at fruit cake.

    Komento ni hitokirihoshi — Disyembre 23, 2008 @ 12:39 umaga | Sagutin

  22. […] Bulilit, Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:07 pm ayan ulitin ko na naman. dito sa alemanya, yes return, yes exchange sabi ko nga di […]

    Pasa ni yes return, yes exchange « Kwentong Kengkay — Disyembre 27, 2008 @ 1:07 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: