Kwentong Kengkay

Disyembre 22, 2008

kengkoy’s bakery

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Kengkoy — kengkay @ 6:27 hapon

kapag pasko, talsik ang pandesalan ni kengkay sa aming kusina.

dahil nagbubukas ng maaga ang kengkoy’s bakery. pagpasok pa lang ng disyembre e nagbe-bake na si kengkoy kasama ng mga little kengkays. si nanay kengkay? sa mga pagkakataong yan e pasulpot sulpot lang ang beauty ko para kunan sila ng piktyur at asarin sila ng konti. bonding time nilang mag-aama yan kaya hindi ako kasali.

ayan, si kengkoy. busy. kapag yan ang asa kusina? halos lahat yata ng gamit e nakalabas. pati mga drawers at aparador, bukas lahat. ewan ko ba, hindi daw nya makita yung mga dapat nyang gamitin.

si bunsoy. yan ang paborito nyang gawin. ang mag lagay ng dekorasyon. kasi yang dekorasyon na yan ang mas kinakain nya kesa dun sa cookies talaga, hehe. actually, mas kinakain pa nila yung hindi pa bake na dough, yikes.

ayan ang kinalabasan ng kanyang baking time. isang malaking box ng tinatawag na coole auge (literal translation – cool eye). marmalade ang tuldok na pula sa gitna.

at isang malaking kahon ng buttergebackenes ‘butter cookies’. yang ang binake ni kengkoy kasi yan ang paborito nya. mabuti na lang paborito ko rin sila, hehehe

sempre kapag cleaning time na? nagtatago na si kengkay! ilang tulog na lang pasko na!

maligayang pasko po.

Advertisements

45 mga puna »

  1. hapi pasko sayo!

    hmmm paskong pasko na nga sa inyo!

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 22, 2008 @ 7:31 hapon | Sagutin

  2. Hello Kengkay,

    Bat kaya karamihan sa mga lalaki, pag nagluluto e, ang kalat-kalat rin. Ako kasi pag nagluluto, sinusundan ko rin ng linis. Ewan ko lang ha, kung karamihan nga sa mga lalaki ganyan. Buti na lang kamo masarap ang luto nila. Doon na lang binabawi yon e. 🙂 Hehehe…

    Christmas na talaga, kasi andyan na yong mga cookies niyo e. Merry Christmas! Maligayang Pasko sa inyong lahat dyan!

    Komento ni Sofie — Disyembre 22, 2008 @ 7:41 hapon | Sagutin

  3. Maligayang paskyo sayo Kengkay at sa pamilya mo!

    Tem-i of Alasais

    Komento ni alasais — Disyembre 22, 2008 @ 7:41 hapon | Sagutin

  4. Siguro isa ito sa mga rason ng patuloy kong pagtaba: ang mga pagkain na nakikita ko sa mga blog niyo kaya lagi akong ginugutom. Hmpf.

    Komento ni The Gasoline Dude — Disyembre 22, 2008 @ 8:24 hapon | Sagutin

  5. mukang masarap yong cool eye ah hmmm

    Komento ni YoungCan — Disyembre 22, 2008 @ 9:50 hapon | Sagutin

  6. Maligayang Pasko!!! ^-^

    Komento ni batopik — Disyembre 22, 2008 @ 11:11 hapon | Sagutin

  7. Gee! nakakagutom naman tong post na to!

    Ang daming talent ni Manong Kengkoy…pati baking! Bilib na ko ah!

    Advance Merry Christmas!

    Komento ni ruthie — Disyembre 23, 2008 @ 12:27 umaga | Sagutin

  8. saya-saya naman ng mag-aama… magandang bonding moment yan, masarap pa.

    Komento ni hitokirihoshi — Disyembre 23, 2008 @ 12:31 umaga | Sagutin

  9. mommy kengks! bumili na ako kanina ng bread machine! woohooooooooo!!! pero gustohin ko mang mag-almusal ng pan de sal bukas eh mukhang sa 24 ng umaga ko pa magagawa dahil HINDI AKO NAKABILI NG YEAST! hmp.

    natawa ako sa hirit mo tungkol kay daddy kengkoy. pati kasi si sarge ganyan, lahat ng drawer nakabukas at lahat ng gamit kahit hindi kailangan, nakalabas. ay naku kapag nasa kusina si sarge, escape artist rin ang show ko. hehe

    Komento ni utakmunggo — Disyembre 23, 2008 @ 12:34 umaga | Sagutin

  10. pasensya na, busy ang lola, daming assignments na pinagawa yong isang lola sa kabilang bayan! pero maligayang pasko at sana happy si aling natividad and wish you the best of all the best at sana matupad lahat nang pangarap mo at sama mo na rin ako hahaha!

    Komento ni reyna elena — Disyembre 23, 2008 @ 1:15 umaga | Sagutin

  11. nainggit ako sa cookies

    ang dame! parang pwede ko iluglog ulo ko dun!

    hehe

    merry christmas!

    *bearhugs*

    Komento ni iya — Disyembre 23, 2008 @ 1:27 umaga | Sagutin

  12. penge ako! penge!
    hindi ko pa natry gumawa ng cookies!
    ay teka!
    nakagawa na pala!
    pero yung instant lang!

    Komento ni eloiski — Disyembre 23, 2008 @ 1:38 umaga | Sagutin

  13. Merry Christmas and A Prosperous New Year to you and your family, Kengkay!!!

    Komento ni sheilamarie — Disyembre 23, 2008 @ 2:26 umaga | Sagutin

  14. p.s. the food looks yummylicious!!! kainggit!

    Komento ni sheilamarie — Disyembre 23, 2008 @ 2:30 umaga | Sagutin

  15. Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon mula sa bayan ng mga recessionista!!! 🙂

    Komento ni Jake — Disyembre 23, 2008 @ 2:33 umaga | Sagutin

  16. wow bonding momment with their tatay.. mukang masarap ang mga cookies ah.. 😉

    Komento ni walongbote — Disyembre 23, 2008 @ 4:12 umaga | Sagutin

  17. sarap ng cookies at sweet naman bonding ng tatay at daughters. Merry Christmas!

    Komento ni Ging — Disyembre 23, 2008 @ 5:25 umaga | Sagutin

  18. buti pa sa inyo paskung pasko na… hay!

    Komento ni kulot — Disyembre 23, 2008 @ 6:21 umaga | Sagutin

  19. how do you call the one with jam? may recipe ako parang ganyan. it’s called jam thumbprint kaya lang mabusisi kailangan pa kasi ipagulong sa nuts, etc. kaya di ko ginagawa. pero nag bake din ako kagabi – peanut butter, crinkles, choco chip and oatmeal. Kaya lang maliit ang oven ako. I can only bake 9-12 pcs at a time aaya ang tagal bago ako makatapos 🙂

    Komento ni nina — Disyembre 23, 2008 @ 7:24 umaga | Sagutin

  20. Malligayang Pasko sa iyo at sa buo mong pamilya! 🙂

    Komento ni sandi — Disyembre 23, 2008 @ 8:14 umaga | Sagutin

  21. ang saya naman.. parang ang sarap.. kaasar kasi ako di marunong magluto o mag bake! ewan ko ba.. masarap naman kasi yung dough kahit di pa luto diba? hehe

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 23, 2008 @ 8:22 umaga | Sagutin

  22. wow!!!ang sarap naman nyan..

    tulugan na lang pagkatapos ng baking time..hahahha

    Komento ni khzr4u — Disyembre 23, 2008 @ 8:52 umaga | Sagutin

  23. meri krismas rin!

    Komento ni Solid Liquid Gas Plasma Matter — Disyembre 23, 2008 @ 9:35 umaga | Sagutin

  24. ang talented naman ng pamilyang to..kulang nalang ay gumawa kayu ng gadgets..ahahhaa..

    merri xmas mami kengks! have a blessed xmas!

    Komento ni Maldito — Disyembre 23, 2008 @ 9:43 umaga | Sagutin

  25. Kengks,

    Nakakatuwa naman ang mga roles nyo pag ganitong pasko fren. You gave me an idea. Magbe-bake nga rin ako para may konting libangan this season. Sana lang maging successful ang aking “attempts to baking” gaya ng sa hubby mo.

    Komento ni jessie — Disyembre 23, 2008 @ 9:47 umaga | Sagutin

  26. merry christmas to you too! stay nice and wish you more exciting blog entry, asset ka daw ng pinoy blogosphere!

    Komento ni partofyou — Disyembre 23, 2008 @ 10:03 umaga | Sagutin

  27. ay, eto pa: sana swertihin tayong lahat!

    Komento ni partofyou — Disyembre 23, 2008 @ 10:03 umaga | Sagutin

  28. mukhang masarap ang mga kukiz na yan sis ah.. maligayang pasko sis at maligo sa bagong taon ahehe..

    Komento ni joanjoyce — Disyembre 23, 2008 @ 10:21 umaga | Sagutin

  29. AHahaha ! pag katapos mag bake nag tago kagad?!? ayos ! pero ang cute ng anak nyo po ahihihih ! cute din b si kengkay ?!? ahihihi !

    Komento ni Jex ~ Saah Paahk — Disyembre 23, 2008 @ 10:25 umaga | Sagutin

  30. di kaya malabo na ang mata ni kengkoy nyan kaya lahat ng gamit mo e nakalabas na? o kaya naman e bumabawi lang sya sayo dahil ikaw ang taga linis nya ng kalat? hehehehehe

    Komento ni ron — Disyembre 23, 2008 @ 11:26 umaga | Sagutin

  31. Merry Christmas din Mami Kengks!

    Komento ni kirksydney — Disyembre 23, 2008 @ 11:44 umaga | Sagutin

  32. Fröhliche Weihnachten! to you 🙂

    Komento ni rommel — Disyembre 23, 2008 @ 12:37 hapon | Sagutin

  33. happi christmas.

    Komento ni Pepe McKunat — Disyembre 23, 2008 @ 1:17 hapon | Sagutin

  34. maligayang pasko rin po

    sa iyo at sa iyong pamilya.

    : )

    Komento ni kalye11onse — Disyembre 23, 2008 @ 2:17 hapon | Sagutin

  35. Huwaw. Mukhang ang sarap ah. matagal ko ng gustong matutong magbake. x_x

    Komento ni Fia — Disyembre 23, 2008 @ 4:10 hapon | Sagutin

  36. Looks very delicioso! Merry Christmas and cheers to the New Year!

    Komento ni K — Disyembre 23, 2008 @ 5:59 hapon | Sagutin

  37. huwaww at talented din pala ang buong family eh no? ang cute talaga ni bunso.

    Merry Christmas sa yo mami kengkay at sa family mo ^_^

    Komento ni angel — Disyembre 23, 2008 @ 7:09 hapon | Sagutin

  38. wow, mukhang ansasarap ng mga cookies!!!

    alam mo, kenks, noong nasa pinas pa ako eh ilag ako sa oven. di ko kasi alam kung anong gagawin dun. dito sa kabundukan eh halos lahat ng niluluto ko sa hapunan eh ino-oven ko.ü nakapagluto na ako ng mga cakes, at recently, leche flan at macaroons sa oven. hehehe…
    excited na akong umuwi para maipagyabang ang aking newfound talent.ü

    merry christmas sayo!

    Komento ni brotherutoy — Disyembre 23, 2008 @ 10:11 hapon | Sagutin

  39. sa may bahay ang aming bati merry xmas na malwalhati!!! Mamamasko po!!!!!

    wala munang diet-diet.. let go and let’s eat!!!!
    wala munang galit-galit… forgive and forget!!!!
    wala munang malungkot… sit back, relax and enjoy..

    dahil Birthday ni Papa Jesus!!!

    HAPPY BIRTHDAY BJ (baby jesus)!!!
    cheers;p-glesy the great

    Komento ni glesy the great — Disyembre 24, 2008 @ 7:09 umaga | Sagutin

  40. saya naman ng bonding ng mag-ama mo! meri krismas, keng! ^_^

    Komento ni sensoryreplays — Disyembre 24, 2008 @ 7:44 umaga | Sagutin

  41. ‘ligayang pasko
    kilala mo pa naman ako di ba? bwahahahah!

    Komento ni Jon Cabron — Disyembre 24, 2008 @ 9:12 umaga | Sagutin

  42. pwede ba akong mag-part time dito?
    never ako nale-late
    hehe

    Komento ni raft3r — Disyembre 24, 2008 @ 4:53 hapon | Sagutin

  43. belated merry xmas ate 😀 hehehe…, hehehe

    Komento ni Gabriel — Disyembre 25, 2008 @ 6:02 hapon | Sagutin

  44. Ibibigay nyo ba yan for the Holidays or kayo rin ang kakain…mukhang masasarap! At ung butter cookies ang parang masarap lalo sa mainit na kape…:)

    Komento ni Simple Married Life — Disyembre 29, 2008 @ 9:28 umaga | Sagutin

  45. ang kulit ni pekto amp xD. . si target hanggang sa tv bastos .. anu daw sabi sa? banyo ? xD. . kulit ni dello :))….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Marivel — Nobyembre 24, 2012 @ 2:48 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: