Kwentong Kengkay

Disyembre 23, 2008

nakakita ako ng anghel

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 7:43 hapon

kapag magpapasko talaga, kung ano ano ang nangyayari. ayan na nga at nagkalat na ang mga anghel.

kita nyo ang mga anghel. ang bilis maglakad! teka muna, wag muna kayo lumipad!

teka muna, parang kilala ko yata itong isang anghel na ito ah? aba, ang aking panganay! mala anghel sa kakulitan. kanino kaya nagmana. hehe


nagsimula akong magbloghopping kahapon. ginawa ko ng tradisyon yan kapag pasko, bagong taon at mother’s day. inisa isa ko ang listahan ng aking blogroll. mula A hanggang B, eheste Y pala. nagulat ako sa mga nabisita ko. kasi marami sa mga kablag ko e sinusian na ang kanilang mga blogs. hindi na pwede sumilip kung walang password. bakit kaya?

yung iba naman e wala na sa ere. naglaho na sila. deleted na daw ang kanilang blogs. at hindi man lang nagsabi, huh. kung asan man kayo ngayon… kalabitin niyo naman ako 🙂 at yung iba naglipat bahay. at ang iba, sosyal na, dotcom na sila 😀

at yung iba naman, wala ng updates! yung huling comment dun e yung pagbati ko pa nung nakaraang Pasko. hanu ba yun. pero di bale na, kung maligaw man kayo, nagpaparamdam lang si ako. kasi nangangaroling 😀

Maligayang Pasko sa ating lahat!

at alam ko, sa bawat lakad natin ay may nakikita tayong anghel. wala mang pakpak, basta ang mga taong nagbibigay ng saya sa atin, anghel na yun 😀

katulad nung anghel na nagpadala ng regalo sa amin

salamat po, kapitbahay na cheh. ‘manay, nakuha ko na yung hugs na padala mo galing sa postman, hahaha.’

Advertisements

27 mga puna »

  1. korak…angel is everywhere…tulad mo angel na walang pakpak..tulad ko angel na malaki ang pekpek na wala ding pakpak!

    hapi pasko sa inyong lahat!

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 23, 2008 @ 9:37 hapon | Sagutin

  2. ang cute! hehe

    nga pla. angel din ako..

    angel na may sungay.. wahahaha!

    Komento ni Jof — Disyembre 23, 2008 @ 9:38 hapon | Sagutin

  3. oh wow kengkay your little kengkays are just adorable. kanino kaya mana? siguro kay kengkoy LOL. happy holidays to you and your family!

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 23, 2008 @ 11:00 hapon | Sagutin

  4. salamat kengkay sa pagbati sa aming blog! 😉 medyo isa ata kme sa madalang mag-update at bloghop pero pinipilit p din namin..lol

    cute ng mga anghel mo parang little chizmosa!

    Meri Xmas sa inyong buong pamilya! 🙂

    Komento ni vhincent — Disyembre 24, 2008 @ 1:47 umaga | Sagutin

  5. ay ang taray!

    merry krismas! ^_^ salamat sa pakikipagkwentuhan… nawa’y pagpalain tayong lahat ni Batman, este ni Papa Jesus.

    hanggang sa muling pagbubungguan!

    ~Ang May-aKDa…

    Komento ni aKDa — Disyembre 24, 2008 @ 2:35 umaga | Sagutin

  6. merry xmas ate kengkay 🙂 hindi na ko makapag-update ng blog kc busy sa work e saka tinatamad na rin pero il be having another site, online shop naman para dagdag kita. suportahan mo din sana… hehe

    Komento ni dayunyor — Disyembre 24, 2008 @ 2:50 umaga | Sagutin

  7. mga angel nga! Merry Christmas!

    Komento ni nina — Disyembre 24, 2008 @ 3:05 umaga | Sagutin

  8. ehem! nakita mo rin po siguro ako kasi angel din ako eh! hekhek
    ang kyut namin ng angel na yun!
    at ba may gift na ah!
    mamaya bukasan na ng gift!
    bwahahahahahahaha!

    maligayang pasko!

    Komento ni eloiski — Disyembre 24, 2008 @ 4:00 umaga | Sagutin

  9. ang ganda ng mga anghel mo mami kengks 🙂

    merry christmas sa inyo ni kengkoy at mga little kengkays mwahhhh

    Komento ni pusa — Disyembre 24, 2008 @ 4:07 umaga | Sagutin

  10. pupuwede ba namang hindi ako magkukumento ukol dito sa post mo, ate? obviously, hinde. dahil AKO, AKO ang orihinal na anghel na walang pakpak. (insert evil laugh here)…

    enihoo, isa ba sa mga little kengkays mo yung batang nakapink diyan? kataray ng posing ah. parang pang-FHM! hahaha… hay ate1 ingit talaga ako sa yo. ang gaganda ng mga kids mo!

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 24, 2008 @ 5:17 umaga | Sagutin

  11. merry christmas ate kengkay

    Komento ni rio — Disyembre 24, 2008 @ 5:45 umaga | Sagutin

  12. tama iyan!
    ang anghel ay karaniwang walang pakpak
    dadaan lang yan para pangitiin ka para sa mga susunod mong moment sa buhay ay masaya ka. =)

    hapi pasko!

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 24, 2008 @ 6:23 umaga | Sagutin

  13. ang dami dami pala ninyo! ang liwanag tuloy dito, paskung pasko!

    Komento ni partofyou — Disyembre 24, 2008 @ 8:19 umaga | Sagutin

  14. ang gaganda naman ng mga sisters ko dyan..hehe. Merry CHRISTmas mami kengkay.
    Panoorin nyo po ang video sa last post ko. Andun ka mami!! nyahaha. Salamat po sa lahat.

    Komento ni Helena — Disyembre 24, 2008 @ 9:03 umaga | Sagutin

  15. Cute little kengks! Maligayang pasko sa inyo dyan Momski! Regards to everyone! Enjoy the holidays!

    Komento ni Ambo — Disyembre 24, 2008 @ 11:37 umaga | Sagutin

  16. MERRY CHRISTMAS, Tama ka maraming ANGEL ngayon!!! ayyyyy masarap talaga ang pakiramdam kapag Christmas!!!! Sana padalhan mo rin ako ng Hugs para matanggap ko rin sa postman namin dito hehehehehe!!!!!!!

    MERRY CHRISTMAS KENGKAY FAMILY!

    Komento ni MFF — Disyembre 24, 2008 @ 11:42 umaga | Sagutin

  17. hi kengkay, ako andito pa hehehe medyo busy lang sa trabaho at bihira ng magbloghop. ang cute ng mga anghel mo! Maligayang Pasko na lang saan mang sulok ng earth!

    Komento ni bernardumali — Disyembre 24, 2008 @ 1:27 hapon | Sagutin

  18. Hello Kengkay, ang cutie talaga ng mga little angels mo. hehe, may i rereto na ako sa little kenkoy ko paglaki. Hehee.

    Merry Christmas sayo at sa pamilya mo at mga kaibigan at kamag-anak. Nawa’y bubuhos sa inyo ang grasya at pagmamahal mula sa Poong Maykapal.

    GOD bless you.

    Komento ni bloggista — Disyembre 24, 2008 @ 1:29 hapon | Sagutin

  19. unga, cute ng angel mo. mana sa iyo?Ganun din mga anak ko. Cute din gaya ko.

    Komento ni Fatherlyours — Disyembre 24, 2008 @ 2:17 hapon | Sagutin

  20. Meri Krismas ate Kenkay. Sana maging masaya ang kapaskohan at ang darating na bagong taon sa inyong lahat. My prayers too for a prosperous new year to all. Once again Merry Christmas to all the Kenkay readers. LOL.

    Komento ni Colegiala girl — Disyembre 24, 2008 @ 2:54 hapon | Sagutin

  21. Have a Blessed Christmas to you and your family!!

    Komento ni Thesserie — Disyembre 24, 2008 @ 3:35 hapon | Sagutin

  22. merry christmas, kengkay

    tama ka makulit nga mga anghel
    noong bata si raft3r
    naging anghel din sya sa mga kung anu-anong palabas sa eskwela
    tignan mo sya ngayon
    isa ng pasaway
    hehe

    Komento ni raft3r — Disyembre 24, 2008 @ 4:51 hapon | Sagutin

  23. eh yung vampirang gaya ko counted? hahaha! lahat nang niliparan ko andun ka hak hak hak! merry merry! di pa pasko samen! an tagal! tapos na sa mundo wala pa samen hahaha

    Komento ni reyna elena — Disyembre 24, 2008 @ 6:35 hapon | Sagutin

  24. Hi Kengkay,
    Here’s greeting you the very best of the Christmas season. May the Lord shower you and your family with countless blessings this coming year. Thanks for joining Filipinos Unite!!! God bless you and your loved ones always.

    Mel Alarilla of Filipinos Unite!!!

    Komento ni Mel Alarilla — Disyembre 24, 2008 @ 8:55 hapon | Sagutin

  25. ang cuty ng baby mo kengs mana sa akin hehe

    Happy Christmas!!hugs hugs hugs

    Komento ni cheh — Disyembre 24, 2008 @ 10:11 hapon | Sagutin

  26. hi! sandi here! salamat sa pagdalaw.. sipag mo 🙂

    Komento ni sandi — Disyembre 25, 2008 @ 10:49 umaga | Sagutin

  27. […] ang inyong guardian angel? basta sabi ko nga maraming anghel na akong nakasalubong sa lupang ibabaw yung iba pala naka-chat at naka blog hop ko pa […]

    Pasa ni sino inyong guardian angel? (updated) « Kwentong Kengkay — Enero 1, 2009 @ 2:06 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: