Kwentong Kengkay

Disyembre 27, 2008

yes return, yes exchange

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:07 hapon

ayan ulitin ko na naman. dito sa alemanya, yes return, yes exchange sabi ko nga di ba?

ang nakakainis lang, dapat magandang quality kasi kamahal mahal talaga ng bilihin tapos biglang low class o kaya naman sira. kaya naman nanggigil na si kengkay nung pagkatapos buksan ng mga little kengkays ang kanilang regalo nung bisperas ng Pasko e kapanget nung asa loob.

isang double portable DVD player ang binili namin para sa mga little kengkays. nagkataong naka sale din sya, pero naman, halos na yata nung paninda nitong pasko e naka sale dahil nga takot na takot ang mga tindahan na walang bumili sa kanila ano.

baket naman panget yung DVD players? kasi naman bagong bago sya pero ang dami ng scratches nung mga players. akala mo e pinagbabato na sa kung saang bundok at pinagkiskis na sa kung saang batuhan. eh sempre, ayaw naman namin ng ganon. kasi kahit na magasgas man yan sa paggamit, at least sariling gasgas namin di ba, hehe

kaya ang nangyari, kaninang umaga e maaga kaming nagising para palitan ang DVD players. ngayon ang unang araw na bukas ang mga tindahan dito. kaya naman sugod mga kapatid agad! sabi namin alas nueve ng umaga dapat alis na kami kahit na alas gis pa ang bukas ng tindahan.

alam nyo ba kung ano ang naabutan namin? halos wala ng parking! waaaa. grabe, takbo na kami agad at baka hindi lang namin alam na bukas na yung mga tindahan ngayon ng mas maaga. pwes, huli kami talaga sa balita.

medyo tumunganga pa kami sa mga naka display. halata bang ngayon lang kami nakapag lakwatsa?

pero teka, may pila…
haysss. ayan, ang haba ng pila sa yes return, yes exchange ng toys r us! akala namin ang aga namin yun pala may mas maaga pa sa amin, waaa.

pero mabilis naman ang pila. kasi limang tao ang humaharap sa mga gustong magpapalit – nagpapalit dahil sira o kulang yung parts o kaya naman dahil lang hindi nila type yung regalo. walang diskusyong malakihan. basta ipakita lang yung resibo at sabihin kung ano ang gusto nilang gawin, tapos.

anong nangyari sa aming DVD players? wala binalik namin. kasi wala ng available na stock.

hanap ulit kami ng bago. hay, saan naman kaya.

ang maganda lang, bagsak presyo na ngayon lahat ng tindahan. krismas shopping na ako for next year, hehehe

Advertisements

11 mga puna »

  1. hapi new year! yey, una ako! (putok, putok, putok!)

    Komento ni partofyou — Disyembre 27, 2008 @ 6:10 hapon | Sagutin

  2. happy new year!
    palit lang ng palit hanggang di masatisfY!
    Totoo bang ice yung nasa 2nd pic?

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 27, 2008 @ 6:16 hapon | Sagutin

  3. nakakatakot mamasyal/mag shopping ngayun at ang daming tao sa malls!!! 🙂 ako siguro after new year na ulet, pag ubos na ang pera ng mga tao kaya wala nang masyadong mag sho-shopping, hehehe…

    sana makahanap kayo ulet ng portable dvd player for the kids…..

    Komento ni sheilamarie — Disyembre 27, 2008 @ 10:54 hapon | Sagutin

  4. happy new year!! at ang sarap nga naman mag shopping kapag sale.. Swerte talaga dyan pwedeng ibalik nung regalo.

    Komento ni angel — Disyembre 28, 2008 @ 7:40 umaga | Sagutin

  5. ahaha… tama ba namang magbenta sila ng marami ng scratch? baka naman lumang stock na yun. at pagsauli, tama ba namang maubusan na sila ng stock? akala ko pa naman, astigin ang mga tindahan diyan sa alemanya. hehehe…

    eh so, anong binili niyo na lang pamalit ate?

    advance hafi new year!

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 28, 2008 @ 10:21 umaga | Sagutin

  6. hahah, suli lang ng suli ate :D… happy new year po :D…

    Komento ni Gabriel — Disyembre 28, 2008 @ 5:48 hapon | Sagutin

  7. pwede na rin naman sa Pilipinas ang yes return yes exchange, yun nga lang, sisimangutan ka ng mga sales lady na para bang sila ang may ari ng mall 😉 manigong bagong taon at nawa’y maging mapayapa, malusog at mas masagana pa taong darating sa ating lahat!

    Komento ni bernardumali — Disyembre 28, 2008 @ 6:01 hapon | Sagutin

  8. aww.. yun lang mahirap ehhh.. last stock na pala yung mga portable

    Komento ni wei vines — Disyembre 28, 2008 @ 6:03 hapon | Sagutin

  9. eh teka sis bakit ng binili niyo di niyo agad nakita ang gasgas? in fairness, very convenient ang palitan dyan ha. dito pahirapan. explain to the max, minsan explain in writing pa. patawarin! at bonggang bonggang lima ang humaharap sa mga nagpapapalit. Dito good luck kung meron at kung meron man iirapan ka pa ng customer’s service kaya nga pag ako tlagang minsan sa asar ko tinatanong ko tlaga ang serbidora na mukang di niya gusto ang trabaho niya. minsan mgbabago ang mga muka at medyo umaayos, nahihimasmasan. Pro kadalasan hinahayaan ko nalang pag wla ako sa mood makipag talastasan. 😀

    Komento ni Jennie — Disyembre 29, 2008 @ 12:39 umaga | Sagutin

  10. pwede bang sumama magshopping? hehehe!

    Komento ni ifoundme — Disyembre 29, 2008 @ 8:10 umaga | Sagutin

  11. Happy New Year sau Kengkay! 🙂

    Naku kainis talaga at hassle ng bonggang bongga kapag nagpapalit ng mga defective items, tama ka perang pinagpaguran mo ang ginamit mo kaya dapat lang talaga na magdemand ka ng quality items/service.

    Buti naman dyan eh wala ng patumpik tumpik eh papalitan na…dito sa pinas naku ibang istorya yan, katakut-takot na tanong pa at iismiran ka ng mga loka loka, eh sila na nga ang nagbenta ng defective hay!

    Komento ni Call Center Gal — Disyembre 29, 2008 @ 9:15 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: