Kwentong Kengkay

Disyembre 29, 2008

manigong bagong taon po

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 8:03 hapon

manigong bagong taon!

sa totoo lang, antay na antay ko na ang 2009. ang dami ko kasing pangarap na sa tingin ko ay magkakatotoo. tadtad na ako ng dasal at kasabay na rin ng gawa at pagiging positive thinker. kaya alam ko. matutupad silang lahat— weeee!

pero teka muna, ano ba ang mga new year’s eve rituals na nangyayari sa pinas at sa alemanya?

sa pinas ganito ang listahan:

1. bilog bilog na prutas sa hapag kainan para maraming pera

2. barya sa bulsa at pitaka para mas maraming pera at sempre magsuot ng polkadots para mas maginhawa ang dating ng pera

3. buksan daw ang mga pintuan at bintana para pumasok ang swerte

4. magpaputok para umalis ang mga malas

5. kapag gusto mong tumanggkad e tumalon daw kapag sapit mismo ng alas dose (hindi ako naniniwala dito sa totoo lang, hehe)

6. at sabi ng nanay ko, dapat daw magkakasama ang pamilya para siguradong parati silang magkasama sa buong taon (bawal kami gumala bago lumipas ang alas dose ng gabi)

at sa alemanya naman ganito:

1. nanonood sila ng Dinner for One (as in everytime na lang new year’s eve yan ang palabas sa tv, waaa)

2. ang pagkain kung hindi fondue e raclette (basta yung niluluto sa mismong harapan ba katulad nung litrato sa ibaba)
3. sempre merong sparking wine (sekt) o kung may pera e champagne (masaya na ako sa isang shot ng tequila)

4. may confetti, may table fireworks, may kung ano anong pakulo tulad nung litrato sa ibaba

5. uso rin yung may isang dosenang bilugan na prutas kasi pinauso ko sya, hehe6. nagpapalitan ng maliit na regalo na nagbibigay ng swerte — katulad ng higanteng pretzel, chimney sweeper figures, donuts, baboy, ladybugs, horeshoes at clover plants.
7. at naglalaro ng yero na tinutunaw, hehe, tawag nila dun e bleigissen. paki basa dito.
P.S. ang bentahan dito ng paputok e mga apat o tatlong araw bago mag new year. ang pinagtataka ko lang, kapag may fussball dito, ang daming may paputok! san kaya nila binibili yon, huh?
Advertisements

28 mga puna »

  1. Sa tagal ko na rin sa HK, I don’t follow na the New Year’s ritual, so I’m actually excited with the Chinese New Year (Jan 25, 26, 27). Red (money) pockets, wear some jade jewelry, new shoes, new dress, new hairdo, watch the firerworks (the closer you get, the more lucky etcheteras you’ll get), watch the Lion Dance, wear something RED, remove the wedding band (para makarami ng Lai-See money pocket), mamigay ng Lai-See sa mga single and kids, manood ng movie, wag buksan ang Lai-See within 2 weeks, mag pai-san (incense stick).. ang dami.

    Sa Pinas, ilang beses na akong tumalon sa lamesa, short pa rin height ko. Wag lumapit sa paputok baka ma-ospital, wag maglakad mag isa sa kalsada baka ikaw matapunan ng watusi, bagong shoes, magsimba, itapon ang mga basurahan sa gitna ng kalsada (mga pasaway lang), mag text sa mga prends ng Happy New Year or else sila ay matatampo, tumawag sa parents or else sila ay magagalit, kumain ng spaghetti or pancit (pampahaba ng buhay?).

    HAPPY NA, NEW YEAR PA!

    kengkay: edi ba bawal din maglaba kapag new year? hehehe

    Komento ni K — Disyembre 29, 2008 @ 8:34 hapon | Sagutin

  2. Manigong Bagong Taon Kengkay. Harinawa’y maging maligaya tayong lahat sa 2009 sis. By the way, masarap yang fondue sis, kasama rin namin yan sa menu ideal kasi yan sa mga hindi marunong magluto tulad ko. ^_^

    kengkay: hay oo, kaya lang naiinip ang mga little kengkays sa ganyang lutuan, haha

    Komento ni Snow — Disyembre 30, 2008 @ 1:22 umaga | Sagutin

  3. As much as possible, my family keep the same tradition that we have back home sa Pinas. Pero siyempre medyo tahimik ang mga ‘paputok’ eheheh… kwitis lang ang puwede then nood lang ng fireworks, kung makikita mo mula sa bahay mo… πŸ˜€

    Have a blessed New Year!

    kengkay: walang kwitis dito! penge. pero sa mga bata merong knall erbsen na tinatawag, yung parang small peas na kapag tinapon mo e pumuputok πŸ˜€

    Komento ni Jim — Disyembre 30, 2008 @ 1:23 umaga | Sagutin

  4. gusto ko nong higanteng pretzel isawsaw ko sa kape πŸ™‚ Isang punong puno ng biyayang bagong taon sayo at sayong pamilya!

    kengkay: may matitira pa para sa yo. hindi namin yan kayang ubusin πŸ˜€

    Komento ni sandi — Disyembre 30, 2008 @ 1:38 umaga | Sagutin

  5. kami naman, sa last week pa ng january ata kami maghahanda ng bongga and at that tym sigurado madami akong matatanggap na pera mula sa boss at sa iba pa!! weeee!! pero as a filipino, ce- celebrate pa din ako sa dec 31!!

    kengkay: ganun? kakalungkot minsan kapag iba ang tradisyon ano?

    Komento ni cindyrella — Disyembre 30, 2008 @ 3:22 umaga | Sagutin

  6. Happy New Year!!! Ako bumibili ng bilog na prutas saka nagluluto ng malagkit. Pero pag Chinese New Year, nagsasabit ako ng pinya kasi swete daw.

    kengkay: uy, saan ko dapat isabit ang pinya? dun sa ulo ng makukulit na tao? hehehe

    Komento ni nina — Disyembre 30, 2008 @ 4:00 umaga | Sagutin

  7. happy new year ate kengs..nakahanda na ang isusuot kong yellow polka dots na blouse at maraming maraming barya para alugin sa new years eve…

    kengkay: ubos na barya ko, waaa

    Komento ni rio — Disyembre 30, 2008 @ 5:32 umaga | Sagutin

  8. anlaki ng pretzel! nyahahaha sana mahawa din sila sa mga kultura naten, pauso mu pa mami kengks!

    happy new year!

    kengkay: mas masarap dito kasi daming regalo kapag new year, hahaha. mas marami actually silang ritwal kapag new year kesa sa atin e

    Komento ni joycee — Disyembre 30, 2008 @ 8:57 umaga | Sagutin

  9. ang tanda ko sa bagong taon
    dapat tumalon ng tumalon pagsapit ng alas dose para tumangkad
    sa awa naman ng diyos
    umepek naman sakin
    hehe

    lapit na nga 2009
    teka ano ba mga wishes mo, ha?

    kengkay: hindi umepek sa kin. baka sa yo lahat napunta, hehe. wish ko? sana matupad yung aming pangarap na ngayon pa lang ay nilalagare na namin, yun lang πŸ˜€ ikaw?

    Komento ni raft3r — Disyembre 30, 2008 @ 12:12 hapon | Sagutin

  10. kengks ano yan? hot pot o yung grill lang yung mga food?

    hapi nyu yir sayo!!!

    kengkay: grill lang sya. mas masarap yung hot pot, hehehe

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 30, 2008 @ 1:37 hapon | Sagutin

  11. Prosperous New Year Ate kengkay!
    salamat sa pagsubaybay.
    at tsaka salamat sa mga bagay na ngayon ko lang nalaman.
    πŸ™‚

    kengkay: patuloy tayong magturuan πŸ˜€ hapi nu yir!

    Komento ni Pepe McKunat — Disyembre 30, 2008 @ 1:43 hapon | Sagutin

  12. happy new year te kengks!

    Komento ni kurokuro — Disyembre 30, 2008 @ 4:14 hapon | Sagutin

  13. happy new year mommy kengks, daddy kengks, and little kengks!!! hanlaking pretzel naman niyan. hihi

    Komento ni utakmunggo — Disyembre 30, 2008 @ 8:07 hapon | Sagutin

  14. HAPPY NEW YEAR KENG’s FAMILY!!!!
    PAREHO PALA TAYO NG HANDA SA NEW YEAR PALAGING FONDOE HEHEHE!!!!. I WISH ALL THE BEST FOR 2009!!!!!

    Komento ni MayFlowers Foundation — Disyembre 30, 2008 @ 10:45 hapon | Sagutin

  15. maliGEISHAng bagong taon sayu!

    ingat! mwahhh!

    Komento ni Geisha — Disyembre 30, 2008 @ 11:39 hapon | Sagutin

  16. Maligayang Pasko at Bagong taon Kengkay! God Bless you and your family.

    Komento ni NANAYBELEN — Disyembre 30, 2008 @ 11:50 hapon | Sagutin

  17. happy new year sa inyo kengkay! a blessed one to come!

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 31, 2008 @ 1:19 umaga | Sagutin

  18. Hello Mamu! Happy 2009! Tulog ka pa siguro ngayon kasi 442am pa lang diyan. Nonetheless, I hope you enjoy the celebrations tonight, as I know I will πŸ™‚

    Thanks for visiting A Pinay In England. Happy 2009!

    joy
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach
    I, Woman

    Komento ni joy — Disyembre 31, 2008 @ 2:42 umaga | Sagutin

  19. Kami – medyo low key and New Year ngayon. Dati-rati, pupunta kami para manood ng Fireworks. The firework itself is spectacular – pero after waiting for 6 hours, the show last for 20 minutes – then the 3 hour exudos is very daunting. Puno-puno and tren, mga a-alas-tres na ng madaling araw kung makarating kami sa bahay. The past 3 years have been like that – so this year we said, we’re celebrating it at home – wala ng hassle πŸ™‚

    Komento ni rommel — Disyembre 31, 2008 @ 3:06 umaga | Sagutin

  20. hello mami kengks! happy new year to you and your family! mwah!

    Komento ni joshmarie — Disyembre 31, 2008 @ 3:43 umaga | Sagutin

  21. happy new year sa inyo!!! anyway, bilang isang taong influenced by french culture (sa le havre po ako isinilang at lumaki), may mga tradisyon sila tuwing new year na pati kami nahawa at nakigaya. remember cognac? Sa tradisyon nila, ibubuhos namin ang laman ng isang boteng cognac para daw maging masigla raw ang lovelife mo… as in lumakas ang iyongs sex appeal every year. Personally di ako naniniwala kasi nang minsang sinunod ko ang pamahiing iyon, wala pa ring nangyari. Kahit na ilang beses ako maligo sa isang bote ng cognac, hindi pa rin lumalakas ang aking sex appeal. BASTED PA RIN AKO HANGGANG NGAYON. huhuhu. Sayang lang tuloy ang pera. Ang mahal-mahal pa naman ng Remy Martin!!!

    VISIT THE BLOG OF BEAUTY http://cardinalbitchspecials.wordpress.com

    Komento ni pinoyonlinenovels — Disyembre 31, 2008 @ 4:34 umaga | Sagutin

  22. happy new year ms.kengkay!

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 31, 2008 @ 5:59 umaga | Sagutin

  23. alamo ate kengks, kahit na sawang-sawa ka na sa tradisyon diyan, novelty naman samin yan! hehehe. im sure miss mo din ang pinoy way of celebrating new year πŸ™‚

    kaya eto and sari-saring bilog na prutas! hehe. happy new year sa inyo! hugs from me and mia!

    Komento ni iris — Disyembre 31, 2008 @ 11:13 umaga | Sagutin

  24. Happy New Year Ate Kengkay!

    Komento ni MC — Disyembre 31, 2008 @ 12:23 hapon | Sagutin

  25. Hi. recent reader po and First time ko po mag-comment :). Manigong bagong taon! German tradition pala fondue. Yung biyenan ko e Swiss-German at nagprepare ng fondue dinner nung gabi ng pasko (not noche buena). Pinauso din ni mister yun dito sa bahay namin. yung french tradition ng cognac pouring, e interesting din. (ano tagalog sa interesting?) Meron pa akong 14 horas bago tumalon (di pa ko nagi-give up sa pangarap kong tumangkad!)Hapi Nyu Yir ulit!

    Komento ni gandadai — Disyembre 31, 2008 @ 4:21 hapon | Sagutin

  26. at least dyan pwede magpaputok..dito wala…syadong tahimik..sa downtown lang me fireworks kapag countdown 😦

    Manigong Bagong Taon Mami kengkz!

    Komento ni manilenya — Disyembre 31, 2008 @ 9:37 hapon | Sagutin

  27. Hello Kengkay,

    Manigong Bagong Taon sa inyong lahat dyan!

    Komento ni Sofie — Enero 3, 2009 @ 3:07 hapon | Sagutin

  28. I didn’t mind this commercial the? first time I had seen this on TV but after watching this, I couldn’t help crying because of the meaning of the song and the love the couple in the commercial had shown to each other through the years. Years will pass by but the essence and lesson of this commercial is TIMELESS…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Jazmine — Nobyembre 24, 2012 @ 2:47 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: