Kwentong Kengkay

Enero 2, 2009

si monching

Filed under: Kaibigan — kengkay @ 9:37 umaga

maligayang kaarawan sa yo, dear monching! bilog na 40 pero eto at tayo tayo pa rin kahit na layo layo na tayo 🙂

ano nga ba sa akin si monching? sa totoo lang? hindi ko akalain na magiging matagal at matatag ang pagiging magkaibigan namin ni monching.

dahil nasimula lamang ang lahat sa kaartehan, pareho kaming nahilig sa artistang artlets sa UST kung saan naging magkaklase kami nung third year. pero teka muna, e hindi na ako active nun sa artistang artlets, pero active pa rin ako sa kaartehan! at dun yata kami nag click talaga ni monching.

pareho kaming madrama. nagdadrama kami sa labas at loob ng klase. naalala ko, enjoy na enjoy ako kapag nag-hihilahan kami ng mga barkadahan sa hallways. hindi na kailangan maglinis ng janitor pagkatapos kasi nalinis na nung aming palda ang mga dumi! pero ang mga boys, poging pogi pa rin sa kanilang mga barong! kainis, di ba?

at kaya talaga naging close ko si monching? kasi alaga nya ako. ng hindi nya alam, hehe. madalas kasi na alphabetical order ang aming seating arrangement. so parati syang asa harap ko, katabi si daddy, ang aming yumaong class president. edi ibig sabihin non, dahil pareho silang macho, pwedeng pwede akong magtago sa likuran nila kapag oras ng recitation. at kapag oras ng examination, tabing na naman ako. kahit hindi nagpapakopya si monching (kaya naman siya lang ang cum laude sa klase kasi nga ayaw nya magpakopya e, hehe. actually, neutral sya sa kopyahan kaya lang dahil macho nga sya, ang hirap kopyahan, kainis di ba?)

ay ano ba bukuhan lang ba ang pwede kong i-share? kaya ko talaga naging kaibigan si monchong e dahil masarap sya ibuko, hahaha. meron pang mas juicy bits pero wag na lang. berdey nga pala ni monching.

monching, maligayang bati sa yong kaarawan. ikaw ang unang nag celebrate ng golden 4o sa ating barkadahan. kaya siguro sa las vegas ka nagcelebrate ano, takot kang hingan ng 40 roses at 40 candles! hahaha. huwag kang mag alala, mag celebrate tayo together pero antay lang ng konti at sabay sabay tayong mag celebrate din…

i didnt realize monching would be a precious friend when i first saw him. i really thought he would remain a precious clown! i love the way he makes me laugh, the way he makes me think, the way he makes me dance (magaling magsayaw yan at sempre magaling din kumanta — artistang artlets nga di ba?

i love the way he would piggy back me (hay, the last time was in 1996 pa), the way he would insult me kasi i still love jollibee even though we’re supposed to be career boys and girls na (sabi nya dapat daw medyo sosyal na kami so sabi k ko wendy’s?), and i admire the way he supported us, his friends

malayo na ang narating namin ang friends. literaly and figuratively. nakarating na sya sa bangkok kung saan dun ako nagkaron ng munting lungga for a few years bago ako lumipad ng alemanya. naggala kami sa bangkok at sa pattaya, pero sabi ko wala ng bukuhan di ba, hehehe

at sempre, i admire his choice of a wife.

i am happy that you and vi are happy together, dear monching. alala mo nung umuwi kami ng pinas nung 2006? tinannong kita kung bakit ang laki ng sasakyan mo? sabi mo kasi pang pamilya sya, baka sakaling mas mabilis ang swerte na magkaron ka ng pamilya dahil naka-ready ka na. di natin alam na dun mo na nga sa mismong araw na yon makikilala ulit si vi. nung mini reunion natin na yon.

at dun na nga nagsimula ang lahat — wala ng bukuhan sabi ko nga di ba?

uulitin ko — maligayang bati sa iyong kaarawan dear monching!

hats off ako sa yo, pramis!

Advertisements

17 mga puna »

  1. Happy Birthday po kay Monching. More blessings to him. (kahit hindi kami magkakilala hehehe)

    Kengkay, grabe small world! Artistang Artlets ka? Hehehe…hindi po ako member nun. Sa AB Chorale po me. Hay nakakatuwa naman. 🙂

    Komento ni nhilocampo — Enero 2, 2009 @ 9:49 umaga | Sagutin

  2. happy berdey sayong kaibigan!! 😀

    Komento ni winkii — Enero 2, 2009 @ 10:05 umaga | Sagutin

  3. Ms K. Thomasian ka din pala. Hehehe, mas ahead nga lang ako. Happy Birthday sa friend mo.

    Komento ni ging — Enero 2, 2009 @ 12:17 hapon | Sagutin

  4. aha
    uste ka pala
    yun bes oren ko taga don din
    kaya pala magaan ang loob ko sayo
    hehe

    happy 2009, kengkay!!!

    Komento ni raft3r — Enero 2, 2009 @ 1:30 hapon | Sagutin

  5. happy bday sa iyong mabait at funny na friend as you have said. bati mo na lang ako sa kanya ha!! (feeling close?)

    Komento ni Cindyrella — Enero 2, 2009 @ 1:31 hapon | Sagutin

  6. hapi berday!
    hapi nu yir!
    ano pa ba ang susunod edi inuman na!!!
    asust 🙂

    Komento ni aga — Enero 2, 2009 @ 6:34 hapon | Sagutin

  7. happy beeday mr.monching! ang galing at tumagal ang samahan nyo ni ms.kengkay! astig!

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 2, 2009 @ 7:32 hapon | Sagutin

  8. happy new year kengkay at happy birthday sa iyong fwend!

    Komento ni p0kw4ng — Enero 2, 2009 @ 9:24 hapon | Sagutin

  9. happy birthday! si mother goose ko ngayon ang birthday!

    Komento ni prinsesamusang — Enero 3, 2009 @ 12:10 umaga | Sagutin

  10. ehehe…i lyk your story here…so u had a very unique and sweet friendship…by d way, thanks 4 adding…done linking with u 2, feel free 2 check it there… =)

    Komento ni etherealHeaven — Enero 3, 2009 @ 12:31 umaga | Sagutin

  11. a blessed 2009 kenkay!
    napadaan lang galing kay p0kw4ng…

    ayan nakapag-iwan na ako ng bakas dine.
    dati ay lurker-mode lang e. he he!

    HAPPY BIRTHDAY sa friend mo kahit hindi niya ako kilala.
    abs at ka-birthday ni utoy?

    you are always welcome sa aking tindahan. GOD BLESS!

    Komento ni revsiopao — Enero 3, 2009 @ 1:30 umaga | Sagutin

  12. hapi beerday sa fren mo kenks..!!!

    ang sarap magkwento about sa frens noh..?

    proud!!

    Komento ni khzr4u — Enero 3, 2009 @ 3:29 umaga | Sagutin

  13. happeee birthday kay kuya monching your dearest friend from UST. so nagiinarte din pala kayo ate kengs sa UST theater? ilang beses na din ako nanood ng play dun kasi niyaya ako ng mga friendship ko sa USTE.. Happy New year ate kengs! anyway may tag ako sayo.. 🙂

    Komento ni walongbote — Enero 3, 2009 @ 4:40 umaga | Sagutin

  14. happy Birthday kaibigang Monching! btw, i’m Lotlot hahaha joke!

    Komento ni Ambo — Enero 3, 2009 @ 5:39 umaga | Sagutin

  15. Happy Birthday po sa friend mong si Monching. ^_^ In fairness, hindi ka mukhang 40, mukhang nasa mid-30s lang. Cheers sa iyo bro at sa iyo kengkay! ^_^

    Komento ni Snow — Enero 3, 2009 @ 8:54 umaga | Sagutin

  16. makikibati na rin ako! happy birthday kuya monching! hehe. (feeling close na din agad? lol)

    hay. nakakatakot. dati college lang kayo.. ngayon 4o na. e di kami din magiging ganun.. waaaaaaaa! ang bilis tumanda.

    Komento ni Lei — Enero 3, 2009 @ 6:34 hapon | Sagutin

  17. hehehe napakagandang asalto message to para kay Monching ha! Happy Bertday Monching!

    Komento ni manilenya — Enero 3, 2009 @ 7:28 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: