Kwentong Kengkay

Enero 4, 2009

tuloy po kayo

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 8:56 umaga

ehem dotcom na si kengkay, waaa 😀 napansin nyo ba? eto na si ako ngayon

http://www.kwentongkengkay.com

naisip ko lang na piktyuran yung aming bahay habang may mga dekorasyong pampasko pa sya. para naman makita ninyo kung ano ang itsura ng paskuhan village ni kengkay. actually nainggit ako sa mga bloggers na nag display ng kanilang paskuhan village sa kanilang blogs kaya nakigaya rin ako, hehe

sa labas pa lang kumukutitap na ang pampanga parol at ang mga Christmas lights na pinalupot ni kengkoy dun sa napulot nyang wine thinga. yun oh, nakita nyo? yung asa gitna?
tapos sempre, bumabati ang aming mama at baby reindeers sa isang sulok na kasama na si santa at ang aming Christmas wreath na nakasabit sa pintuan naman. may mga nakapapulupot na ilaw din yan kaso mababa ang wattage, kaya hindi halata
ayan naman ang hagdan paakyat sa aming bahay bahayan. may mga lobo pa na naiwan nung nag berdey si panganay. at napansin nyo sa medyo taas yung aming live and fresh mistle twigs? swerte din yan dito kaya naman pinalamutian namin sya ng red ribbons at mananatili yan dyan hanggang sa sunod na taon. kapag asa ilalim daw ng mistle di ba may kiss din, hehe
asa loob na tayo ng paskuhan village ni kengkay. ayan na ang Christmas tree at ang belen at ang advents calendar
sa mismong hallway na yan andyan din ang aming dining table. kita nyo ang pampanga parol? at ang kumakantang santa at snow man, eheste, hindi nyo pala maririnig na kumakanta sila, oops 🙂 yan ang number wan na pinagkakaguluhan ng mga tao dito, kasi kapag pasko mismo, nilalabas namin yang santa at snow man — at dahil may sensor sila, nangangaroling sila sa labas ng bahay kapag may dumadaang tao. ang saya, hahaha

oke, pahinga muna tayo. upo muna kayo at inom ng tubig o juice o wine. at kung may gagamit ng toilet e yung pinto na asa kanan lang ang buksan. bukas naman yung ibang pechurs.

Advertisements

26 mga puna »

  1. cute! mafi-feel pala talaga ang asko jan sa inyo! ang saya siguro magpasko jan!

    kengkay: sa totoo lang, mas masaya pasko sa pinas 😀

    Komento ni joycee — Enero 4, 2009 @ 9:42 umaga | Sagutin

  2. ang homey namang ng bahay niyo! parang ang sarap uwian, sabi nga ni joycee, sarap magpasko dyan!! picture pa lang feel ko na!! home sweet home!

    kengkay: salamat sa complimento 😀

    Komento ni Cindyrella — Enero 4, 2009 @ 10:09 umaga | Sagutin

  3. Katok..Katok! wow dotcom na nga,ang galing galing naman..Congrats! ipagpatuloy mo pa ang iyong ka kengkayan 🙂

    kengkay: parating bukas ang aking tindahan ng kakengkayan, haha

    Komento ni sandi — Enero 4, 2009 @ 12:07 hapon | Sagutin

  4. Wow DOT COM. Welcome to pro-blogging world. No more apartment rentals, it’s going to be your own backyard – enjoy MORE wordpressing this year Kenks.

    kengkay: hahaha, nangangapa ako

    Komento ni K — Enero 4, 2009 @ 3:02 hapon | Sagutin

  5. wow!!!!!
    🙂 asust!

    kengkay: 😀

    Komento ni aga — Enero 4, 2009 @ 4:20 hapon | Sagutin

  6. Hello Kengkay,

    Congrats sa bagong ebahay. Tamang-tama at nag-a-update ako ng mga links.

    Pasko pa rin pala dyan sa inyo. Well, yong xmas tree namin, nakatayo pa rin naman hanggang 6 na nga lang.

    Anyway, HAPPY NEW YEAR uli!

    kengkay: sa dec 10 pa kolekta ng krismas tri kaya sa dec 9 pa namin sya alisin

    Komento ni Sofie — Enero 4, 2009 @ 6:35 hapon | Sagutin

  7. wow! mami congrats!! weee ganda naman ng haus natin..hehe

    kengkay: tenks!

    Komento ni Helena — Enero 4, 2009 @ 6:50 hapon | Sagutin

  8. congrats sa bagong haws at dot com. hehe. 🙂 ang so-sosyal nyo talaga. lol.

    kengkay: sosyal na nangangapa, haha

    Komento ni Lei — Enero 4, 2009 @ 7:57 hapon | Sagutin

  9. wow may bahay ng sarili,congrats!

    danda naman ng house..paskong pasko talaga..

    kengkay: salamat, tatahian ko sya ng kurtina

    Komento ni p0kw4ng — Enero 4, 2009 @ 8:06 hapon | Sagutin

  10. wow congrats. docom! 🙂

    ang nice naman ng bahay niyo, ate kengks, napaka-christmassy 🙂

    kengkay: paskong pasko pa rin sya

    Komento ni iris — Enero 4, 2009 @ 11:05 hapon | Sagutin

  11. Wow! Inggit naman ako sa Pampanga parol na yan! Meri krismas, Kengkay! Huli man daw at magaling, late pa din! hekhekhek

    kengkay: tumpak, hahaha

    Komento ni Iska — Enero 4, 2009 @ 11:28 hapon | Sagutin

  12. ang danda naman ng tree nyo kengkay ah! at wow dot com ka na nga! magkano pay mo?

    kengkay: mura lang sya. may nag sponsor, hahaha

    Komento ni prinsesamusang — Enero 5, 2009 @ 12:09 umaga | Sagutin

  13. congrats sa bago mong link!!! Happy new year!

    kengkay: happy new year din!

    Komento ni mangbadoy — Enero 5, 2009 @ 1:51 umaga | Sagutin

  14. Naks dot com na ang kengkay’s blog,Congratulations! Ako naman nag dot net,umalis na sa dot com hehe

    kengkay: huh, bakit naman?

    Komento ni MC — Enero 5, 2009 @ 3:30 umaga | Sagutin

  15. Kengs Happy New Year! ((besos)) congrats sa bago e bahay;)

    kengkay: besos din 😀

    Komento ni cheh — Enero 5, 2009 @ 5:29 umaga | Sagutin

  16. isa lang masasabi ko: walang ganyan sa dubai! hehe
    at dat kom ka na din, wow… sana may mag sponsor sakin lol. congrats!

    kengkay: magparinig ka at magpa-awa ka, tulad ng ginawa ko, hahaha

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 5, 2009 @ 8:30 umaga | Sagutin

  17. nagtataka naman ako dun sa parol, bakit nasa loob ng bahay? Bakit, takot ba ang Mommy mo na manakaw ang inyong precious star of the night? hehehe!!!

    pero in fairness, masinop kayo sa bahay. cozy!!!

    Visit the blog of beauty:
    http://cardinalbitchspecials.wordpress.com

    kengkay: natatakot ang mommy ko na magbitbit na naman sya ng isang parol kapag nasira sya e. kaya sya asa loob kasi kapag nag isnow at umulan, goodbye parol na, hehe

    Komento ni pinoyonlinenovels — Enero 5, 2009 @ 9:48 umaga | Sagutin

  18. hi, add mo naman kami sa blogroll mo…

    http://cardinalbitch.wordpress.com
    http://cardinalbitchspecials.wordpress.com
    http://pinoyonlinenovels.wordpress.com
    http://silentwaterrunsdeep.wordpress.com
    http://pinoypanitikan.wordpress.com

    nai-add ka na namin sa blogroll namin.

    happy new year!!!

    kengkay: waa, ang dami. teka at isa isahin ko link nyo

    Komento ni pinoyonlinenovels — Enero 5, 2009 @ 9:50 umaga | Sagutin

  19. wow!
    ayos ah.
    kelan kaya ako magiging dot com.
    🙂

    kengkay: isang taon ako nag antay sa dotcom, haha

    Komento ni Pepe McKunat — Enero 5, 2009 @ 11:22 umaga | Sagutin

  20. congrats sa house at sa dotcom nyo

    kengkay: salamat!

    Komento ni kulot — Enero 5, 2009 @ 11:47 umaga | Sagutin

  21. naks! sosyal! darating din ako diyan… estudyante pa po kasi… konti ipon pa… eheheh… pag-isipan pa ang new design at kung saan papa-host… 😀 congrats!

    kengkay: eto sikret ko, hindi ko alam kung saan ako hosted at hindi ko rin alam kung papano nangyari iyon, hahaha

    Komento ni Jim — Enero 5, 2009 @ 12:04 hapon | Sagutin

  22. happy new datkom, mommy kengks!!! talagang bonggang bongga ang pasok ng new year ah. hehe

    kengkay: sayang nga di ako nakagown, hahaha

    Komento ni utakmunggo — Enero 5, 2009 @ 4:07 hapon | Sagutin

  23. ganda,. mas masaya siguro pg my nangaroling,.

    kengkay: sa totoo lang, miss ko yan karoling na yan

    Komento ni accounthing — Enero 5, 2009 @ 7:10 hapon | Sagutin

  24. wow wow! belated happy pasko and new year!
    sayang. di ko naisip picturan ang aming mumunting MALAKING bahay(bahayan). lols!

    have a blessed new year!

    kengkay: bakit, wala na bang dekorasyon ngayon? happy new year din!

    Komento ni Dyepri Budoy — Enero 5, 2009 @ 9:14 hapon | Sagutin

  25. […] ang karugtong ng aking pagdisplay ng paskuhan village ni kengkay. sana e nakapahinga kayo ng mabuti dahil tuloy na ang ating […]

    Pasa ni tuloy po kayo 2 « Kwentong Kengkay — Enero 6, 2009 @ 9:44 umaga | Sagutin

  26. napa-nganga na lang ako dito sa pagka-mangha sa iyong super gandang balay.

    itaga mo sa patay na kuko ni utoy… sa puting buhok ni UM… at sa tigyawat ni p0kw4ng… makikita ko din ang bahay mo ng live! {kelan kaya ‘yun?}

    all the best for 2009!

    Komento ni revsiopao — Enero 7, 2009 @ 12:10 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: