medyo na excite ako dun sa aking dotcom kaya ngayon lang ang sunod na kabanata.
ayan, ang karugtong ng aking pagdisplay ng paskuhan village ni kengkay. sana e nakapahinga kayo ng mabuti dahil tuloy na ang ating usyoso 🙂
napansin nyo yung kumukutitap na kandila sa likod ng Christmas tree? yan ang aming kusina.
konti lang ang pasko dyan, kasi pagkaing pamasko ang andyan e. parating ubos! kaya ang andyan lang e yung naiwan na sumbrero ni santa at yung konting abubot na nilagay ko sa isang bote
silip tayo sa kwarto ni panganay. kahit hindi hawiin ang kanyang pink na kurtina ay makikita agad yung kanyang advents calendar.
at sa likod ng mga kurtina nya ay ang mga kumukutitap na ilaw na korteng santa at anghel. nagreklamo sya kay kengkoy na kung pwede ba daw e patayin yung mga ilaw ng mas maaga kundi daw e hindi sya makatulog, hehe
tapos pasok kayo sa aming sala. ang aabang ang aming teddy bear. at ang mga throw pillows na binalutan ko rin ng pang- pamasko 🙂 yung plato sa may lamesa, gawa yan ng mga little kengkays. pinaghalo halo nila ang mga laruan nila at si santa.
at sa kabilang dulo ng sala, merong isang tuyong sanga na pinuluputan din namn ng ilaw at sinabitan ng mga jingle bells at pekeng ibon. andyan sa sulok yung mga regalo na natanggap namin. at napansin ninyo yung mga manika sa sulok? mga walking dolls yan na sa totoo lang, hindi ko pa nakikitang nag wa-walkathon, baka pag tulog lang kami, hehe
hanggang dyan lang po tayo. upo muna sa sofa at mag relak-relaks.
sa totoo lang, yung ibang parte ng bahay e nalimutan kong piktyuran, hehe. neks yir na lang ulit. eto yung una.
—-
ano ng nangyari sa blog ni taps? bakit hindi ako makapasok nitong makaraang araw?
parang nakapag tour na rin kami sa bahay niyo mami kengks dahil sa mga pityur! 🙂
kengkay: tuloy tuloy lang 😀
Komento ni JOSHMARIE — Enero 6, 2009 @ 10:19 umaga |
Paskong-pasko pala sa bahay nyo. Next year, balak ko rin mag-ayos ng bahay kasi marami ng nabibiling decorations ngayon dito.
Kelan nyo balak magbaksayon sa Pinas?
kengkay: ibig mong sabihin kapag pasko walang sabit sabit dyan? hindi ko pa alam pero balak ko ng magplano, hehehe
Komento ni nina — Enero 6, 2009 @ 10:20 umaga |
naks
di kana talaga ma-reach
.com ka na
hehe
congratulations
pinalita ko na rin yun url mo sa link ko
matutuwa ermats ko sa mga gamit mo sa bahay at kusina
kengkay: usong uso ganyan dito, sabihin mo kay ermats samahan ko sya mag shopping sa flea markets 😀
Komento ni raft3r — Enero 6, 2009 @ 10:29 umaga |
wow! bagong bahay at free tour sa kusina ni mommy kengkz! =)
kengkay: hey, good to hear from you!
Komento ni vanny — Enero 6, 2009 @ 12:30 hapon |
hey kengkay.. slamat sa apgdalaw mu.. dalaw din aku sayo.. kaka dotcom mu lang pla..nkktuwa cgru mag gnyan..ung may dotcom..pero msya nko sa wordpress lang.. haha..
Komento ni netoriffic — Enero 6, 2009 @ 1:39 hapon |
hey kengkay.. slamat sa pagdalaw mu.. dalaw din aku sayo.. kaka dotcom mu lang pla..nkktuwa cgru mag gnyan..ung may dotcom..pero msya nko sa wordpress lang.. haha..
kengkay: welkam, salamat din sa pagbisita.
Komento ni netoriffic — Enero 6, 2009 @ 1:40 hapon |
wow!! congrats sa iyong dot com. ang cute talaga ng haus niyo, parang ang sarap maging bahay, pwede ba ako makitira dyan? LOL!
kengkay: kapag punta ka alemanya, daan ka dito
Komento ni Cindyrella — Enero 6, 2009 @ 2:08 hapon |
wow… gusto ko makita ung banyo… naiihi ako sa sobrang pagkalibang sa paglibot sa bahay ninyo.. ehehe…
kengkay: sige, gamit lang, walang pila, hehe
Komento ni vhonne — Enero 6, 2009 @ 6:44 hapon |
pahabol… congrats sa dotcom…
kengkay: tenks!
Komento ni vhonne — Enero 6, 2009 @ 6:45 hapon |
ang galing galing! tenchu!
virtual tour sa bahay ni kengkay.
dapat matuloy na pala ang next Euro-EB para makabisita kami diyan.
hmmmm… kailan kaya ‘yun? paging p0wk4ng, utoy & UM!
kengkay: may ganun ba talaga, european EB? sige, sige!
Komento ni revsiopao — Enero 7, 2009 @ 12:05 umaga |
teh, naghahanap ba kayu ng maglilinis ng bahay? contakin mo ako ha..ahahaha..
kengkay: naku, pamasahe pa lang ang mahal na, hahaha
Komento ni Maldito — Enero 7, 2009 @ 4:52 umaga |
nakana! lufet ng crib mu ah. at san ka pa? datkomista na! haha! Congrats! more blogging at pataasin ang hits para kumita at me pambawi ng pambayad sa domain LOL. Godbless! link ku ang bonggang bonggang datkom mu 😀
kengkay: hindi ko alam kung papano magparami ng pera sa blogging e, makikikopya muna ako, hahaha
Komento ni jiMboy — Enero 7, 2009 @ 6:40 umaga |
nays. ganda ng bahay. ayos ang decors. 🙂 congrats din sa dotcom mo ate kengks. at least, personalized ka na, kahit ako maeexcite kalikutan pag nagkadotcom na ko pero magtatrabaho muna ako… ahihihi…
ps: di maasikaso ni taps ang kanyang site. ako ang spokesperson nya at ang natitirang social life besides sa pagtulog 😀
kengkay: gisingan mo na si tapos, bawal matulog sa blogging, hahaha
Komento ni Pilar — Enero 7, 2009 @ 6:41 umaga |
may pagkain pa po ba pwedeng makikain?….hehehe
happy new year!
kengkay: may pansit pa at maraming christmas cookies pa, hehe
Komento ni kamotenista — Enero 7, 2009 @ 7:29 umaga |
napakacreative naman ni little kengkay… hehe…
parang sarap tumambay senyo at marming food… d nga lang nakadisplay sa litrato hehe.
kengkay: wala ng food, ubos na sa dami ng nag virtual tour, hahaha
Komento ni yhen — Enero 7, 2009 @ 7:53 umaga |
Wow, may nafifeel ko ang pagkapinoy ng bahay mo! 😀
Good luck sa dotcom! 😀
kengkay: gusto ko talaga bahay kubo 😀
Komento ni aLps — Enero 7, 2009 @ 8:48 umaga |
Wow dot com na pala! Hanef sa olrayt! Inuman dapat ito! Lasingan to the max! hahaha. Congrats mommy kengks!
Komento ni Lavern — Enero 7, 2009 @ 3:07 hapon |
well, nung una ako dito walang masyadong decors ang mga shops kasi nga muslim country. Ngayon marami ng decors at marami na rin nagbebenta kaso dry pa rin. sa bahay naman yong ibang mga pinoy nagdedecorate sila kaso ako walang gana kasi wala pa naman kami anak. Pero next year parang gusto ko bumili ng Christmas Tree.
Komento ni nina — Enero 9, 2009 @ 6:48 hapon |