Kwentong Kengkay

Enero 8, 2009

kahit mahirap lang

Filed under: Seryus — kengkay @ 11:35 umaga

ang headline…

german billionaire killed himself plus other prominent suicides

hindi ko sila maintindihan.

bakit sila magpapakamatay?

dahil lang sa pera?

mabuti pa tayong hindi milyonaryo, bilyonario at trilyonario.. oks lang kapag walang pera.

sanay kasi tayo e.

pano silang sanay na maraming pera?

konting iba ng simoy ng hangin, bumibigay na agad.

hindi man lang nila inisip yung mga taong iniwan nila.

takot ba responsibilidad? o bumigay na lang ang utak?

maging matapang, lalo na kung akala mo ay pasan mo ang mundo. dahil sa totoo lang, hindi lang ikaw ang may pasan ng mundo, marami tayo. yun nga lang, may ibat ibang diskarte ang mga tao.

may kakilala ako, hindi naman sya close. pero isang business associate dito sa alemanya. parating dumadalaw sa bahay. kilala kaming lahat, pati mga little kengkays. isang araw dumating yung pinaka-boss sa amin. wala na daw yung tao. nagpakamatay daw.

iba ang dating kapag suicide ang kinamatay, sa totoo lang. hindi kapanipaniwala. ilang buwan naming pinagusapan. bakit kaya. maraming haka haka. masayahing tao yun. kalmado magisip. mahal nya ang pamilya nya, espesyal sa kanya ang anak nya. bata pa rin sya. bakit kaya sya bumigay? kapag naiisip ko sya, parating nagtatanong pa rin ako. siguradong nagtatanong din ang naiwan nyang pamilya.

ako basta walang wala na talaga? paitaas na ang tingin ko. dasal. yun ang sagot ko.

sabi nga ng tatay ko, kahit mahirap lang tayo, basta masaya. agree ako sa kanya. kayo?

Advertisements

26 mga puna »

  1. oo nga, sige sabihin na nating mayaman ka nga pero wag mo hahayaan na ang pera ang magdadala ng buhay mo, masyadong nagpapaalipin sa pera, buti pa tayu no mama kengkay no? we don’t need much of those, ang gusto ko lang naman ay all the love in the world!! ^^ solve na ako!

    Komento ni Cindyrella — Enero 8, 2009 @ 2:53 hapon | Sagutin

  2. sabi nga ni lola ” ang pira(este pera), ay kampon ni satanas”
    and it’s so dumb to give up life because of money.

    pero pero, at the end of the day and when those people are alone. we dont know whats going on in their minds. maybe, the reason why they did it because money cannot answer their problems anymore. the more you get closer to wealth the more na napapalayo ka sa iyong faith sa itaas, dahil dahil sa tingin mo, masusulusyunan lahat ng mooolah.

    kaya kung sino man yumaman dyan. share it! lols
    pero seriously nakakalungkot.

    may they rest in peace.

    Komento ni Dyepri Budoy — Enero 8, 2009 @ 3:59 hapon | Sagutin

  3. one good example kung bakit di lang sa tinapay nabubuhay ang tao.

    Komento ni partofyou — Enero 8, 2009 @ 4:30 hapon | Sagutin

  4. agree ako!
    tamang tama ang sinsabi nya!
    pero ms.kengks minsan kasi di rin natin sila masisi. iba2 nama kasi tayung mga tao pero kung ako papipiliin dito na lang ako sa kinalalagyan ko, yung tama lang. tamang pagkain at tamang pananampalataya =)

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 8, 2009 @ 5:16 hapon | Sagutin

  5. I read this on the paper this morning. I was like, geez, billionaires still got problems with money? How cuckoo of him to jumped off the train. Sad but true, suicide rates in industrial country are so evident – people with lots of moolahs are scared losing their ari-arians. Pero marami din ang namamatay sa gutom dahil walang pambili ng foodums – hayyy kailangan na nating mag paid per post para pambili man lang ng coke at skyflakes ngayong dot com ka na Kenks.

    Komento ni K — Enero 8, 2009 @ 6:16 hapon | Sagutin

  6. hindi rin pala masaya kahit bilyonaryo ka na,mas okay na yung kahit hindi kami mayaman basta huwag magkakasakit 😀

    Komento ni MC — Enero 8, 2009 @ 6:39 hapon | Sagutin

  7. hindi na nila malaman kung pano nila gagastusin ang pera nila kya ngpapakamatay. :p

    Komento ni Jof — Enero 8, 2009 @ 6:46 hapon | Sagutin

  8. agree! yung isa nga’ng CEO sa Wall Street (habang pine-plead nila case for a bailout), ‘di daw siya makatulog sa pag-iisip na ang 240M worth niya ay magiging 120M na lang–what da??? mag-fund raising tayo para mabigyan sila ng exposure trip sa Somalia or any slum area sa mundo with an overnight stay pa kung gusto nila with one of the families. tignan lang natin, kung ‘di sila magpasalamat nang lampas langit. 😀

    Komento ni Jim — Enero 8, 2009 @ 9:17 hapon | Sagutin

  9. agree ako sa sinabi ng tatay mo. at saka hindi naman kase assurance na magiging masaya ka kapag madami kang pera. baka naman sa dami ng pera mo natatakot ka nang pumunta sa mall kase baka ma-kidnap ka. eh di hindi mo rin na-enjoy ang pera at ang buhay.

    Komento ni ELIment — Enero 9, 2009 @ 1:00 umaga | Sagutin

  10. Heheheh tita saw that the other day lol… 1.9 loses po pero ang worth nya eh 9billion bwahahaha… Kaya ayaw ko yumaman eh lol… thou sabi ng amo ko baka naman daw ang utang eh 500 billion lol

    Komento ni diwatang_byaning — Enero 9, 2009 @ 2:02 umaga | Sagutin

  11. maging matapang, lalo na kung akala mo ay pasan mo ang mundo. dahil sa totoo lang, hindi lang ikaw ang may pasan ng mundo, marami tayo. yun nga lang, may ibat ibang diskarte ang mga tao.-I LIKE THIS MAMI KENGKS. 🙂

    Komento ni JOSHMARIE — Enero 9, 2009 @ 2:12 umaga | Sagutin

  12. haaay.. sb kc nila ms kengkay pag mayaman ka kaunting pagkakamali at disappointments sa buhay eh sobrang affected na. hnd tulad ng mahirap na marunong magtiis at magpasensiya sa life.

    pero lately d2 sa pinas ang dami ng magpakamatay sa hirap ng buhay… hehe… 😉 weird!

    Komento ni yhen — Enero 9, 2009 @ 4:21 umaga | Sagutin

  13. tama.. basta kumpleto at masaya kayo, pra san pa ang pera??? ni hindi nga natin madadala sa langit yan eh.. ska ako, world peace, ok na ok nako..wahaha.. panggulo..pero seryoso, world peace talaga..

    Komento ni neto — Enero 9, 2009 @ 4:58 umaga | Sagutin

  14. ako din sanay na walang pera, pero masaya naman ako. op kors may mga lungkot. parte ng buhay yun pero yung magpatiwakal parang di ko ata kaya. palagi sumasagi sa isip ko ay ano ang sasabihin ko sa Dyos pag nakaharap ko na sya? na nag quit ako? hirap kaya idefend non. kahit sa korte suprema mahirap ilusot yung alibi na yun.

    parang nabasa ko somewhere mommy kengs na sika 32 sa buong mundo ang germany sa pinakamaraming incidence ng suicide. tama ba? baka nasa kultura nila di kaya? o sadya lang mahina ang iba lahi sa stress?

    nakakaawqa yang nagsuicide na yan pero nakakatawa din kasi tayo magka 10k lang eh masaya na, billion pa kaya?

    Komento ni bluep — Enero 9, 2009 @ 6:32 umaga | Sagutin

  15. nga pala congrats sa do com mo hehe. ako nagayos nyan atsaka nung kay maldito nung pasko hehe. ang bait ng benefactress mo grabe. talagang santa klaws sya kahit santita LOL

    Komento ni bluep — Enero 9, 2009 @ 6:34 umaga | Sagutin

  16. Sa hirap ng buhay ngayon, mahirap hindi isipin na kelangan natin ng pera. Kelangan nating maging matapang. Madami naman dyan mas mayaman pa sa kanya, nalulugi din ng mas malaki sa kanya, pero hindi nagpapakamatay. Nasa tao lang yan. Share ko lang nabasa ko sa book:

    If you dont like your job, 1) change your job, or 2) change your attitude.

    Komento ni Jason — Enero 9, 2009 @ 8:57 umaga | Sagutin

  17. ganda nito 🙂

    Komento ni sandi — Enero 9, 2009 @ 9:49 umaga | Sagutin

  18. When a person contemplates suicide – I think they are already at the depth of their depression, no longer sane and in all sense a sick person. If they don’t get professional help – then sadly the ultimate is the result, just like the outcome of a deadly disease.

    Komento ni rommel — Enero 9, 2009 @ 11:00 umaga | Sagutin

  19. baka nahihirapan cla mag isip kung san nila gagastusin yung pera nila. kaya sa sobrang depresyon, nagpapakamatay na lng. 😀

    Komento ni vanny — Enero 9, 2009 @ 11:36 umaga | Sagutin

  20. naalala ko yung poem na inaral namin nung high school

    Richard Cory
    by Edwin Arlington Robinson (1869-1935)

    Whenever Richard Cory went downtown,
    We people on the pavement looked at him:
    He was a gentleman from sole to crown,
    Clean favored, and imperially slim.
    And he was always quietly arrayed,
    And he was always human when he talked;
    But still he fluttered pulses when he said,
    “Good morning,” and he glittered when he walked.

    And he was rich — yes, richer than a king,
    And admirably schooled in every grace:
    In fine, we thought that he was everything
    To make us wish that we were in his place.

    So on we worked, and waited for the light,
    And went without the meat, and cursed the bread,
    And Richard Cory, one calm summer night,
    Went home and put a bullet through his head.

    Komento ni annevdns — Enero 9, 2009 @ 5:26 hapon | Sagutin

  21. sa mga ganyan, gusto kong isuggest na pumunta sila sa mga slums ng pinas para makita nila kung gaano pa rin sila mas blest kesa financially at sa iba’t ibang klaseng comfort sa buhay.

    Komento ni ifoundme — Enero 10, 2009 @ 3:44 umaga | Sagutin

  22. sila kc ung mga taong nasilaw sa pera at di na lang nakuntento ^^

    Komento ni Jex ~ Saah Paahk — Enero 10, 2009 @ 10:09 umaga | Sagutin

  23. basta hindi solusyon ang pagpapakamatay sa kung anu man. meron ding nag suicide recently lang dito sa makati tumalon from the 15th floor ng building nila, and people said masayahing tao din daw yun at walang anu-anong bigla na lang nagpakamatay.

    Komento ni katcarneo — Enero 10, 2009 @ 12:57 hapon | Sagutin

  24. Hello Kengkay,

    Minsan di talaga natin malalaman ang takbo ng utak ng mga tao, mayaman man o mahirap.

    Anyway, have a great weekend!

    Komento ni Sofie — Enero 10, 2009 @ 5:07 hapon | Sagutin

  25. Hindi kaya sya sanay mag-share sa mga mahihirap gaya ng bansa natin na panlima ba sa ranggo ng maraming nagugutom?

    Komento ni kwentulang marino — Enero 11, 2009 @ 8:58 umaga | Sagutin

  26. sad naman…sa japan nga rin daw tumaas ang bilang ng suicide cases dahil sa financial crisis. haays, iba iba kasi ang kakayahan ng taong magdala ng problema. Pero para sa akin hanggat me kasama ka, kaibigan, kapamilya na handang damayan ka kahit sa simpleng paraan lang na kaya nila. Carry na ang lahat ng problema…

    Dasal na lang din siguro…hindi naman tayo nabubuhay lang dito sa mundo para lang lumigaya. Minsan para din magbigay ng kaligayahan sa iba.

    Komento ni Heleyna — Enero 11, 2009 @ 6:08 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: