Kwentong Kengkay

Enero 9, 2009

black forest

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 2:00 hapon

sarap ng black forest di ba? lalo na yung sa red ribbon, yum. sana masarap din yung blask forest dito sa alemanya. kaso di pagkain ang tinutukoy ko, yung black forest o schwarzwald dito sa alemanya. yung kabundukan, yung forest, yung jungle, yung woods, yung kagubatan – weeee

punta kami bundok. sa tuktok ng schwarzwald daw kami. hindi pa nga tapos yung panginginig ko dahil sa lamig dito sa mababang lugar namin e akyat pa daw kami.

kasi mas masarap daw sa tuktok. mas maraming snow, mas malamig, waaa!

nag eempake na ako. bukas kami alis. balik namin sa linggo. tatlong araw kaming magtatampisaw sa snow!

wala lang, biglaang desisyon ni kengkoy. kasi daw ang baet baet daw namin ng mga little kengkays. reward daw yun. reward ba yun e ang lamig lamig nga lumabas at mas masarap maglakad ng hatak hatak ang kumot dito sa loob ng bahay, hmpf πŸ™‚

mabuti nga may nakuha pa kaming hotel room. kasi fully booked na lahat. bakasyon pa kasi dito sa eskwela hanggang lunes e. at sempre, gusto naming hotel yung mismong paglabas mo pa lang ng pintuan e magiging kulay pula na ang ilong mo, magiinit na tenga mo, puputok na labi mo, manunuyo na ang mukha mo, at mangangatal na ngipen mo. ganun ba πŸ™‚

atsaka ayoko yatang magdrive kung saan saan kapag snow. lakad, pwede pa. kaya nga tipid namin ngayong lingo, hindi pa ako nagmamalengke. ayaw ko kasing mag drive. ayun, mauubos na ang laman ng ref at freezer, hehe. pero nakapag shopping ako kanina ha. libre pa!

sinugod ko yung closet ng aking yumaong nanay in law at dun ako nangolekta ng leather gloves, sun cream lotions (oo, nasusunog ka rin sa ilalim ng snow), at isang napakae-eleganteng ‘hut’ na bagay na bagay daw sa akin, haha. kung dati e ayaw ni opa ipagalaw yung mga gamit ni oma, ngayon e medyo okay okay na sya. sabi nung mga little kengkays kawawa naman daw yung ‘tiktilaok’. yup, yan ang tawag nila sa manok πŸ˜€ oops, kasama din pala sa na shopping ko e tatlong leather bags, o di bah. ang saya!
ayan ang ebidensya
kaya naman eto at empake muna na ang drama ko. sa totoo lang, kapag winter vacation, mas marami pang bagahe ang bitbit kesa summer. ang kapal ba naman ng mga dapat dalhin tapos sempre dala din yung dalawang sleds.

sa tingin nyo kaya e magkaron ng lakas ng loob si kengkay na mag ski o mag snow board? abangan!

p.s. kapag hindi na ako nakapag update, nabalian na ako ng buto, hahaha

Advertisements

26 mga puna »

  1. wow! vacations chuva na naman kayo ah!! sounds cold and very interesting!! wonder wat’ll happen sa mga lil kengkays?? abangan!!! LOL!

    kengkay: ayaw na umuwi ng mga little kengkays, hahaha

    Komento ni Cindyrella — Enero 9, 2009 @ 3:05 hapon | Sagutin

  2. nice.. sulitin ang bakasyon! hehe

    ienjoy ang snow! lapit nrin mtunaw ang mga yelo.

    enjoy kau!:p

    kengkay: super enjoy kami. may snow pero yung nasa bundok e hindi na tunay na snow na πŸ˜€ ano nangyari sa blog mo?

    Komento ni Jof — Enero 9, 2009 @ 4:46 hapon | Sagutin

  3. naks naman! puro bakasyon!! malay mo, may red ribbon dun πŸ˜‰

    kengkay: walang red ribbon, pero may halo halo, hehehe

    Komento ni wei vines — Enero 9, 2009 @ 6:04 hapon | Sagutin

  4. Marami daw spa dun? Sa Baden-baden nude daw ang dress code. Palagay mag-eenjoy dun si Reyz….hahahhaha

    kengkay: sa baden baden talagang spa tourism sila e. pwedeng may hubot buhad, sempre, hahaha.

    Komento ni nina — Enero 9, 2009 @ 6:36 hapon | Sagutin

  5. When is the best time to go? Open pa rin ba spa kahit winter?

    kengkay: kapag winter time, may mga open air spa sila na heated, ang sarap ng pakiramdam kapag ganun!

    Komento ni nina — Enero 9, 2009 @ 6:37 hapon | Sagutin

  6. uuy kainggit, masarap dyan at shempre dont forget to taste ang authentic na black forest cake nila =P

    kengkay: sa totoo lang? walang black forest cake dun sa mga restos na pinuntahan namin

    Komento ni lilaybulilay — Enero 9, 2009 @ 6:51 hapon | Sagutin

  7. kengkay ang cool naman! kaso hindi kaya balak kayong gawing ice cream ni kengkoy? LOL mag ingat ka dapat mag ski ka ha!

    kengkay: kumain din kami ng ice cream kahit na super lamig, hahaha. hindi ako nagski e, pero ang lakas ng loob ko na rin na mag sledding, yeeee

    Komento ni prinsesamusang — Enero 10, 2009 @ 1:56 umaga | Sagutin

  8. Take care Kenks, pag di sanay sa lamig double standard dapat, doble-doblehin ang mga pang ilalim. Yaiks, I remember, sa dami ng suot pag winter pag nasa labas at ihing ihi or ebak na ebak na, ang hirap mag hubad, nakaka praning!

    kengkay: hahaha, tunay ka dyan, kaya naman mas gusto kong suot yung jacket at pants kesa sa jumper ski suit. pero alam mo, hindi masyadong malamig. kasi may araw e.

    Komento ni K — Enero 10, 2009 @ 5:40 umaga | Sagutin

  9. puna ko
    mahilig ka umakyat ng bundok, ano
    hindi sa bundok din yun bilihan nyo ng xmas tree

    i love winter
    sarap kasi pumorma sa panahon na ito, eh
    hehe

    kengkay: hahah, iba nga ang pormahan kapag winter. dito yung mga girls? ang lamig lamig na nga e naka labas pa rin ang mga belly buttons at pati na yung mga boobs nila, hay ewan ko ba kung bakit hindi sila tinatrangkaso πŸ˜€

    Komento ni raft3r — Enero 10, 2009 @ 6:46 umaga | Sagutin

  10. bakasyon on the new year! sarap! abangan namen mga fechurs mo na nagssnowboard ha! *mwah

    kengkay: ayaw magpahiram ng snowboard nung mga mama e, hahaha

    Komento ni joycee — Enero 10, 2009 @ 7:58 umaga | Sagutin

  11. nilalamig tuloy ako sa kwento ni tita kengkay ^^

    kengkay: mas lalamigin ka kapag andun ka πŸ˜€

    Komento ni Jex ~ Saah Paahk — Enero 10, 2009 @ 10:11 umaga | Sagutin

  12. teker po ms.kengks!

    kengkay: am back in wan piece πŸ˜€

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 10, 2009 @ 10:44 umaga | Sagutin

  13. ang saya naman niyan, let it snow, let it snow, let it snow! enjoy po kayo. dito sa pilipinas konting lamig lang pero nangangatog na rin kami at mga nagmamadaling maligo.

    kengkay: balita ko nga ang lamig daw dyan sa pinas e.

    Komento ni katcarneo — Enero 10, 2009 @ 12:47 hapon | Sagutin

  14. Wow exciting naman! baon kyo ng black forest sarap kainin dun yun πŸ™‚ hehe pics naman dyan pagbalik, sama ka dapat sa pics ;p

    kengkay: hirap sumama sa pics kasi ayaw nilang lamigin yung kamay nila e, haha

    Komento ni vhincent — Enero 10, 2009 @ 12:50 hapon | Sagutin

  15. huwaaaaaaaaaaw.. so nays. sana ako din! πŸ™‚

    kengkay: hailka, sama ka πŸ˜€

    Komento ni Pilar — Enero 10, 2009 @ 12:50 hapon | Sagutin

  16. Bakit “black” ang “black forest”? πŸ˜€

    kengkay: nung pumunta kami dun e white sya πŸ˜€ dahil sa kulay ng lupa yata

    Komento ni aLps — Enero 10, 2009 @ 1:56 hapon | Sagutin

  17. ENJOY!!!! Kapag sobrang lamig mag sauna na lang πŸ™‚ tapos lundag sa whirlpool sarap ng pakiramdam πŸ™‚

    kengkay: walang sauna yung hotel namin e. pero lundag lang sa bath tub atsaka lubog sa kumot, pwede na, hahaha

    Komento ni MFF — Enero 10, 2009 @ 3:22 hapon | Sagutin

  18. Hello Kengkay,

    Enjoy na lang kayo sa snow. Ang sarap nyan a. πŸ™‚

    kengkay: malapit lang pala sa border ng switzerland ang black forest?

    Komento ni Sofie — Enero 10, 2009 @ 5:07 hapon | Sagutin

  19. mami kengks pasama… hehe

    kengkay: bilisan mo πŸ˜€

    Komento ni JOSHMARIE — Enero 11, 2009 @ 2:33 umaga | Sagutin

  20. Enjoy your vacation. Sayang di ako nakasama..hehe

    kengkay: inantay ka namin kaso ayaw na magpa antay ng mga little kengkays e, hehehe

    Komento ni ging — Enero 11, 2009 @ 5:03 umaga | Sagutin

  21. hev a great vacation kengks! kung natiis ko ang zurich, matitake mo rin yan! brrrrrrrr!

    kengkay: oks lang basta meron akong suot na pang malamig talaga, kasi minsan hindi ready e talaga namang brrr πŸ˜€

    Komento ni eklavumer — Enero 11, 2009 @ 12:15 hapon | Sagutin

  22. Hello Kengkay, musta na? di ka ba nabalian ng buto diyan πŸ˜‰ ingat ingat lang. sige, will come back for your kwentos. uy alam mo pala, nagamit ko na yung cookbook na bigay mo πŸ˜‰ success and first recipe ko, thanks again for that thoughtful gift.

    kengkay: buong buo pa rin ako, mabuti na lang, hehehe. sa sunod na EB natin, luto ka rin from that cookbook πŸ˜€

    Komento ni Toni — Enero 11, 2009 @ 7:07 hapon | Sagutin

  23. […] Kwentong Bulilit, Kwentong Kengkay, Oyropa Ko — kengkay @ 7:58 pm andito na kami. galing sa black forest na naging white forest dahil sa napulbusan sya ng snow pero dahil di pa ako makapag download ng photos, balikan ko muna […]

    Pasa ni papano gumawa ng snow angels? « Kwentong Kengkay — Enero 11, 2009 @ 8:06 hapon | Sagutin

  24. […] snow kaya pagbigyan nyo muna ako sa aking koleksyon ng mga kakaibang tanawin nung aming pag-akyat sa maitim na gubat. black forest saan pa nga […]

    Pasa ni kakaibang tanawin :D « Kwentong Kengkay — Enero 13, 2009 @ 3:43 umaga | Sagutin

  25. halatang nagbabackread lang ako ngayon. tapos na ang bakasyon, ngayon pa lang ako magcocoment sa post na ito. hehe…
    ang yaman nyo, mare. ang mahal kaya magpunta sa mga ski resort!
    God bless!

    kengkay: kaya asa maliit na hotel lang kami at sa isang maliit na resort area kasi nga mahal, hahaha

    Komento ni brotherutoy — Enero 13, 2009 @ 9:38 umaga | Sagutin

  26. […] relics of the past ;D grabe, ang daming snow. sa totoo lang, kasi naman asa tuktok talaga kami ng black forest ano.mahilo hilo nga ako sa kotse nung pagakyat nya sa bundok kasi parang carousel, ayayyy. dagdag pa […]

    Pasa ni ang winter vacation ay hindi tunay na bakasyon « Kwentong Kengkay — Enero 17, 2009 @ 1:07 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: