Kwentong Kengkay

Enero 11, 2009

papano gumawa ng snow angels?

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 7:58 hapon

andito na kami. galing sa black forest na naging white forest dahil sa napulbusan sya ng snow πŸ˜€ pero dahil di pa ako makapag download ng photos, balikan ko muna yung pramis ko na post tungkol sa paggawa ng snow angels.

papano nga ba gumawa ng snow angels? ang pinaka importanteng ingredient nya? edi sempre snow, hehe. pero sabi nga ni katcameo e pwede ring gumawa ng buhangin angels o kaya naman mud angels, depende kung saan kayo nagtatampisaw.

so ready na kayong gumawa ng snow angels? oke, unang una? maghanap ng snow na medyo makapal-kapal at sabay higa. as in todo bigay na higa ha, kasi kung dahan dahan e masisira agad ung anghel ninyo. tulad ng ginawa ng mga little kengkays.
pagkahinga ninyo, sabay kaway ng mga paa at mga paa — parang wiper ba ng sasakyan. siguro to the count of ten, pwede na yon. depende pa rin yun kung gaano kakapal ng snow sempre.
at pagkatapos? sabay bangon. si bunsoy nahirapan bumangon. naiwan pa kanyo yung kanyang sumbrero sa snow.
si panganay naman, may pagka professional na yan e. alam na nya kung papano tumayo ng maayos pagkatapos gumawa ng snow angel.
kaya tingnan nyo ang snow angel ni bunsoy. parang ang gulo di ba, hehe. kasi nga hirap sya tumayo e. ayun tuloy, medyo nabura ang pakpak. kasi nga dapat ang pag execute nyan e gracefully and with finesse. medyo mala sanggano si bunsoy, hahaha
pero ang aking panganay e ayan, perpekto ang dating ng kanyang snow angel.

o di ba, ang simple lang gumawa ng snow angel. gawa na rin kayo sa buhangin o kaya sa putik o kahit sa alikabok, hahaha. basta ang importante, game kayong madumihan πŸ˜€

Advertisements

29 mga puna »

  1. nice! welcome back sa inyo.

    mukhang ngenjoy kau ate ah? nice..

    snow angel.. cute!

    nga pla, si jof po ito. :p

    Komento ni Joffred — Enero 12, 2009 @ 12:05 umaga | Sagutin

  2. Nice one. Tagalog na tagalog ang dating πŸ™‚

    Komento ni millionaireacts — Enero 12, 2009 @ 12:43 umaga | Sagutin

  3. ang cute naman!! kaso tulad nga ng sinabi ako ay isang kambing na ayaw na ayw sa lamig!! gusto ko na nga mag summer eh.. ehehe!! pero ang mga lil kengkays ah professionals na sa snow angel!! teka di ba palabas yung snow angel? ^^

    Komento ni cindyrella — Enero 12, 2009 @ 2:25 umaga | Sagutin

  4. hahaha ang galing naman niyan ms kengkay… gusto ko rin itry yan…

    parang expert na expert c panganay ah… ehhe

    Komento ni yhen — Enero 12, 2009 @ 3:15 umaga | Sagutin

  5. nakakatuwa talaga ang mga little kengkays…
    ang sarap sigurong makipaglaro sa kanila habang gumagawa ng snow man..

    Komento ni rio — Enero 12, 2009 @ 5:09 umaga | Sagutin

  6. nakakaaliw naman yung snow angels ng little kengkay mo! teka, susubukan naman namin ng little boy ko sa mud…hehehe… ^_^

    Komento ni Snow — Enero 12, 2009 @ 6:25 umaga | Sagutin

  7. cute! schwarzwalder pala ang black forest, kasi antagal ko na nakikita yung schwarzwalder dun sa greenbelt (andun pa kaya yun, katabi ng larry’s bar), na miss ko ang makati. maganda kunan ng top view at saka i-kwadro yung snow angel, pede request? ilagay ko sa bedroom ko?

    Komento ni partofyou — Enero 12, 2009 @ 11:32 umaga | Sagutin

  8. ate kung meron lang bang snow dito malamang ginawa ko na yang snow angel mo.. hehehe.. kaya lang mukang buhangin ang gagamitin ko. lolz..

    Join the campaign for senior bloggista pls click!–> http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 SEE YAH!!

    Komento ni jeniffer — Enero 12, 2009 @ 12:42 hapon | Sagutin

  9. Pag nag snow na dito ng makapal susubukan ko gawin yan πŸ™‚

    Komento ni MC — Enero 12, 2009 @ 2:43 hapon | Sagutin

  10. ang husay. sana ikaw din gumawa ms.kengks. gusto ko ng nakawin ang bunso mo ang cute e haha

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 12, 2009 @ 2:47 hapon | Sagutin

  11. “Snow Angels” pala tawag dun. Haha, now I know. :p Ang cute nila (I mean, your kids, hehe)! πŸ˜€

    Komento ni aLps — Enero 12, 2009 @ 3:23 hapon | Sagutin

  12. kaaliw naman yan ate… sana may snow din dito… hmmm… umpisahan ko na mag ipon ng alikabok.. para makagawa din ng dust angel… hahahaha

    Komento ni lalaine — Enero 12, 2009 @ 3:57 hapon | Sagutin

  13. si jof ito ate kengs.. πŸ™‚

    kengkay: i tried leaving comments dun sa blog mo, pero hindi sya lumalabas e, bakit kaya?

    Komento ni Joffred — Enero 12, 2009 @ 8:03 hapon | Sagutin

  14. yan ang unang una kong gagawin.. ang gumawa ng snow angel pag nakarating ako sa lugar na may snow.. hehehe.. ang laking snow angel siguro magagwa ko lol

    Komento ni angel — Enero 12, 2009 @ 9:11 hapon | Sagutin

  15. Hellooo!!! Ang tagal ko na dito pero hinde ko pa na try yan 😦 bukas try ko sa garden. hehehe!!!! πŸ™‚

    Komento ni MFF — Enero 12, 2009 @ 9:20 hapon | Sagutin

  16. parang masaya un ah!!
    praktis din me!!
    bwahahahaha peace!
    asust!

    Komento ni aga — Enero 12, 2009 @ 10:16 hapon | Sagutin

  17. wow gusto ko din gumawa niyan, pag nakapunta na ko sa may snow, medyo nahihirapan ako imagine gumawa niyan sa alikabok eh LOL nakapag ski ka ba kengks?

    Komento ni prinsesamusang — Enero 13, 2009 @ 1:28 umaga | Sagutin

  18. aawww. so cute!

    Komento ni foobarph — Enero 13, 2009 @ 1:33 umaga | Sagutin

  19. dalawang beses nang pumalya ang pangarap kong makagawa ng “snow angels” sa tuwing nakakapag-abroad ako. nung pinalad akong mapadpad sa Japan at Germany, parehong tiyempong hindi winter! tsk… kaya nagtitiis na lang ako sa floridablanca, pampanga — snow heyngels sa la-ar. a a a a πŸ™‚

    Komento ni taroogs — Enero 13, 2009 @ 3:29 umaga | Sagutin

  20. Haha ayos ah. Natawa ko, sanggano yung bunso mo. Buti hinde kabaliktaran ng angel yung nabuo nya. πŸ˜†

    Komento ni kirksydney — Enero 13, 2009 @ 3:51 umaga | Sagutin

  21. paano gumawa ng snow angel?

    step 1: balutin ako ng snow

    yun lang.

    angel na!

    mwehehehe! :p

    Komento ni iya — Enero 13, 2009 @ 4:58 umaga | Sagutin

  22. subukan ko nga rin yan…hindi nga lang sa snow kundi sa alikabok or buhangin hmmm……

    ang saya naman nyan…sali ako!

    Komento ni kamotenista — Enero 13, 2009 @ 5:54 umaga | Sagutin

  23. ayokong gawin yan kasi baka snow devil ang lumabas pagbangon ko.ΓΌ

    Komento ni brotherutoy — Enero 13, 2009 @ 9:31 umaga | Sagutin

  24. Hello Kengkay,

    Makapal pa rin ba ang snow dyan? Dito sa amin mula ng Jan. 1 hindi man lang natunaw. Kakatuwa talaga yang mga little kengkays mo. Masarap talaga maglaro sa snow.

    Have a great week!

    Komento ni Sofie — Enero 13, 2009 @ 12:09 hapon | Sagutin

  25. Gawa kme dito nyan made from fresh alikabok! hahaha

    mukha enjoy na enjoy ang mga little kengkays!

    Komento ni vhincent — Enero 13, 2009 @ 1:56 hapon | Sagutin

  26. ang kyut.. snow angels.. akala ko pagkain yun.. paggawa ng snow angels.. parang tunog cookies.. hahaha..hehe

    Komento ni neto — Enero 13, 2009 @ 4:06 hapon | Sagutin

  27. hmmm iniisip ko kung san pa pedeng gumawa ng ganyan? buhangin? pira-pirasong tela? aahh.

    basta ang kyut at ang gagaling ng mga bebe kengkays. πŸ™‚

    Komento ni joycee — Enero 14, 2009 @ 11:19 hapon | Sagutin

  28. sarap naman maglaro sa snow.. nakaka-inggit πŸ™‚

    Komento ni sandi — Enero 15, 2009 @ 1:19 hapon | Sagutin

  29. Ang CUTE CUTE ng mga little kengkays!!!!

    Gusto ko na silang iuwi! hehehe

    Komento ni ruthie — Enero 15, 2009 @ 11:45 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: