Kwentong Kengkay

Enero 13, 2009

kakaibang tanawin :D

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 3:41 umaga

inaayos ko pa yung mga litrato sa snow kaya pagbigyan nyo muna ako sa aking koleksyon ng mga kakaibang tanawin nung aming pag-akyat sa maitim na gubat. black forest saan pa nga ba πŸ™‚

unang unang kakaiba — dyarann – ang de dial na telepono. gulat na gulat dyan ang mga little kengkays. eto ang kwento ng mga shock na shock na mga little kengkays sa unang kita nila sa ganyang ‘norma’ na telephono : CLICK
pangalawang kakaiba: ang snow cannon. puno na nga ng snow ang paligid e kakailanganin pa talaga nilang gumawa ng panibagong snow para maging mas matinong mag ski at mag sledding. at ang resulta ng pagbomba ng kanyon ng snow ay ang man made snow or artificial snow. hay buhay, kahit snow peke na rin.
pangatlong kakaiba: kapag maliit na hotels dito, halos parating walang tao sa reception. ang matatagpuan nyo lang ay ang mga bells. mag ingay kayo dapat para may dumating na taong haharap sa inyo, hehe. kasi karamihan dito e family business kaya naman kung sino yung asa kusina, sila din yung asa reception, yung asa kaha, yung nagkukuskos πŸ˜€ pero sa totoo lang, very efficient naman sila talaga.
pang apat na kakaiba: tama ba namang ang mga susi ng kwarto ay nakadisplay mismo sa reception area. parang nangiimbita ng nakawan ano, hahaha. imagine, wala na ngang tao sa reception tapos may i display pa nila yung mga susi? pero sempre, walang ganyang garapalang nakawan. yun nga lang, swertihan lang din. kaya dapat, ingat din sa mga gamit. mabuti na lang kahit na maliit lang ang hotel namin, meron silang safety deposit boxes sa mga kwarto nila.
pang limang kakaiba: napansin ninyo yung kulay pulang parang tabo na parang timba dun sa lamesa ng restaurant nung hotel? pwes, ang tawag nila dyan ay breakfast waste πŸ˜€ ibig sabihin, basurahan. waaaa – nakalagay sa mismong lamesa. nung unang nakakita ako ng ganyan dito sa oyropa, shock na shock ako. akala ko naiwan lang yung basurahan, pero talagang nakalagay pala yun dun. kahit na nga nung nagstay kami sa isang chateau sa pransya ay may ganyan din sila! so sabi ko, kung may ganyang gamit ang mga kings and queen, edi sali na rin ako. pero nakaka asiwa, hahaha. dun mo ilalagay ang mga balat ng itlog, balat ng prutas, at kung ano pang balat. ah basta, kung anong kalat makita mo, dun sya, hehe.

at sempre, nung papauwi na kami — alam nyo bang ang dami kong nakitang patay na hayop sa autobahn? tumigil na nga ako ng pagbibilang nung lumampas na ng lima e : fox, rabbits, ibon, wild pigs, reindeer at kung ano ano pa. kasi siguro naghahanap sila ng pagkain dahil nga puno ng snow ang gubat e tapos ang daming sasakyan na umaakyat ng bundok. kawawa naman talaga.

hay busy si nanay kengkay dahil pasukan na naman πŸ˜€

Advertisements

22 mga puna »

  1. Methinks: yung unan pinalitan ba ang pillows? yung bed pinalitan ba ang bedsheets? yung kurtina, pagpagin mo baka maalikabok.

    Napaka vintage naman ng cabin-hotel na yan, siguro nga dahil seasonal lang ang mga guests bumibisita dyan, ker nila kung luma gamit diba? May fax machine ba? Kuryente meron din? Hahaha.

    Komento ni K — Enero 13, 2009 @ 5:28 umaga | Sagutin

  2. telephone – ancient na ung telephone ah? meron pa pla nun? hehe

    snow cannon – gusto ko magkaroon nyan

    ding dong sa hotel? – nakakatuwa

    susi sa may reception? – ancient tlaga

    trash can sa lamesa? – ay kakaiba tlga.

    ngenjoy ka kaya at ang mga little kengkays? hehe

    Komento ni Joffred — Enero 13, 2009 @ 5:34 umaga | Sagutin

  3. hahaha… galing naman ng teleponong yan.. antique… mahal na yan ngayon ms kengkay… ang meron pa sa bahay ng lola ko eh yung plaka… yung parang malalaking cd na pinapatugtog. hehe

    Komento ni yhen — Enero 13, 2009 @ 6:45 umaga | Sagutin

  4. oo nga ano weird ng makakita ng di-dial na telepono…nakakaaliw!

    as for the breakfast waste – talagang kakaiba, kasi ganyan para sa kanila…pero alam mo mas maganda yun kasi at least kokonti na lang lilinisin. ^_^

    enjoy your vacation kengkay! ^_^

    Komento ni Snow — Enero 13, 2009 @ 8:40 umaga | Sagutin

  5. napansin ko rin yan dito sa pransya. pag sinabing hotel, naku, walang binatbat sa mga hotel sa Asia. Maliliit tapos parang lumang luma. Tapos, multitasking ang staff. yung tao sa front desk, sya rin ang bellhop.ΓΌ

    as for patay na hayop, may birdfeeder kami sa labas na mabentang mabenta sa lahat ng lumilipad. nangangamatay rin kasi sa gutom yung mga ibon, wawa naman.

    happy new year!

    Komento ni brotherutoy — Enero 13, 2009 @ 9:28 umaga | Sagutin

  6. hehe
    buhay pa yun itim na di-dial na telepono namin mula pldt
    yun gamit-gamit ko ngayon
    tanda mo pa yon ganong klaseng telepono sa pinas?

    Komento ni raft3r — Enero 13, 2009 @ 10:12 umaga | Sagutin

  7. Hello Kengkay,

    Palagay ko yang susi na yan di mo basta-basta makukuha yan, hanggang di mo nasusian ng another susi. Pag lalabas ka ikakabit mo yong susi na para sa kwarto tapos ang bitbit mo yong susi na maliit na susi para makuha mo later yong susi sa kwarto. Ganyan din ang style ng mga small hotels dito sa amin e. Kaya puwede siyang iwan na ganyan lang.

    Yong small basurahan naman, amazed rin ako dati dyan, pero ngayon sanay na. Para sa iba, yan naman kasama yan sa inaalis kasabay ng pinagkainan mo. So pag bago ang kubyertos at pinggan, bago rin ang small busurahan. May mga design pa yan para di nakakaasiwa. At take note, patented yan ha. Di puwedeng basta gayahin. O di ba? Naku sa Pinas , di puwede yan, daming magrereklamo. πŸ™‚

    Have a great week!

    Komento ni Sofie — Enero 13, 2009 @ 12:17 hapon | Sagutin

  8. Dagdag pa pala… tungkol sa small basurahan… pag meron niyan, yong basura mo, di nakakalat sa pinggan o sa lamesa. May rason na di ka dapat magkalat pag kumakain kasi provided with small basurahan ang lamesa. πŸ™‚

    Komento ni Sofie — Enero 13, 2009 @ 12:23 hapon | Sagutin

  9. Ate mdli lng ang pagsali,if u have read the guidelines, u r qualified kung u r bloggng for m0re than 1yr.hope u join this a tribute and appreciati0n for bloggng for m0re than a yr.

    Komento ni Jeniffer — Enero 13, 2009 @ 12:26 hapon | Sagutin

  10. naku, kung sa pangapat lang e, hindi pwede sa pilipinas yan. pati keychain kukunin.. alam mo naman ang mga pinoy.. kahit anong makita akala pwedeng kunin… anjan na ang mga sabon, shampoo, bath gels, lotion, tisyu, twalya at ash tray ng mga hotel… πŸ˜€ tayp ko ang panglima, dpat mauso sa pinas yan… magulat ka nalang kung may gamit na napkin na nakasama sa basurahan, normal na yan.. hahahaha.. ang bastos! πŸ˜€

    Komento ni Pilar — Enero 13, 2009 @ 1:08 hapon | Sagutin

  11. gusto ko din ng snow canon! =)

    Komento ni vanny — Enero 13, 2009 @ 1:37 hapon | Sagutin

  12. Naabutan ko yang phone na yan. Akshuli merun kami niyan dati nung inosenteng bata pa ku hahaha at hinahanap ku kung nasan na siya ngaun XD

    Komento ni jiMboy — Enero 13, 2009 @ 1:49 hapon | Sagutin

  13. Saan ba yan? Abot ba P7.50 ko diyan. Grrrr. lamig . Dito nalang ako at baka hindi kayanin ng rayuma ko. hehehe

    Komento ni Fatherlyours — Enero 13, 2009 @ 10:13 hapon | Sagutin

  14. kawawa naman ang mga animals na namatay, di mo kasi natatanong may pagka enviromentalist talaga ako eh.. at ganyan lang talaga siguro sa ibang bansa tiwala sila sa mga tao dahil walang magnanakaw.. di mo pwedeng gawin sa pinas yan eh.. di ba?

    Komento ni cindyrella — Enero 14, 2009 @ 3:03 umaga | Sagutin

  15. yung de dial na telepono meron kami nyan sa bahay na tinitirahan ko ngayon..nakakilabot nga parang nakatira ako sa lumang panahon…pinadisconnect lang ng matandang landlord namin dahil ginamit pa naman sa housemate ko pangtawag sa cellphone ayun na charge ang matandang may-ari nagalit..heheh

    Komento ni dakilang islander — Enero 14, 2009 @ 4:13 umaga | Sagutin

  16. Kakaiba ang breakfast waste talaga para sa akin. Paano kapag hindi breakfast? Lunch waste na tawag?

    Try ko nga gawin yan dito sa amin para sanay na rin ako. Baka masyado ako ma-culture shock pag nag-tour. ^_^

    Komento ni emilayskie — Enero 14, 2009 @ 12:58 hapon | Sagutin

  17. […] beses lang na akyatan e labas na mga dila namin, hehehe presenting ang aming hotel kung saan may mga relics of the past ;D grabe, ang daming snow. sa totoo lang, kasi naman asa tuktok talaga kami ng black forest […]

    Pasa ni ang winter vacation ay hindi tunay na bakasyon « Kwentong Kengkay — Enero 16, 2009 @ 2:20 hapon | Sagutin

  18. […] nilang walang tabo. at ang pinakaimportanteng dala namin kapag magbabakasyon kami? edi sempre ang tabo pa rin! kundi daw e magpipigil daw sila hanggang sa umuwi kami sa bahay na may tabo, […]

    Pasa ni nawalan ng trabaho dahil sa tabo « Kwentong Kengkay — Enero 31, 2009 @ 9:47 umaga | Sagutin

  19. […] nilang walang tabo. at ang pinakaimportanteng dala namin kapag magbabakasyon kami? edi sempre ang tabo pa rin! kundi daw e magpipigil daw sila hanggang sa umuwi kami sa bahay na may tabo, […]

    Pasa ni pinatalsik sa trabaho dahil sa tabo (updated) « Kwentong Kengkay — Enero 31, 2009 @ 1:55 hapon | Sagutin

  20. HELLO EVERY ONE,,,,,,,,,,POH:”;

    Komento ni aiko — Pebrero 18, 2010 @ 9:22 umaga | Sagutin

  21. ano ba yan .?
    non-sense nmn ang mga cnsulat nyo….

    Komento ni ewan — Pebrero 28, 2010 @ 4:30 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: