Kwentong Kengkay

Enero 14, 2009

seks toys

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 8:12 umaga

nung nag aantay kami ng pagsalubong sa bagong taon e sempre, kung ano ano ang ginawa namin para hindi kami mainip at especially, para hindi makatulog ang mga little kengkays.

nag ihaw ihaw kami sa harapan ng aming dining table para medyo mabagal ang kainan. raclette ang tawag dun 🙂 tapos inimbita namin yung kapitbahay naming italyanos na may tatlong little boys para mas magulo sa bahay namin at walang makatulog. pero bago sila dumating e natapos na namin yung aming ihaw ihaw. at medyo umiingit na ang mga little kengkays.

boring na daw. ang tagal tagal naman daw ng bagong taon. alas nueve ng gabi yon. kaya naman sabi ko, o sige, nood tayo ng telebisyon. at dahil alas nueve na ng gabi, wala ng cartoons. dito kasi alas otso wala ng pambatang program sa telebisyon. kapag weekends, dun medyo mas mahaba ang kiddie programs. hanggang alas nueve.

so alas nueve nga ng gabi di ba? alam nyo ba kung ano ang nakitang programa ng mga little kengkays?

dyaraaannn…. sex toys!!! aray ko- hanu be. manyika daw yon na binebenta sa isang tv program.
at dalawang parang tunay na manika nga naman.

eto close up nung isa pang manika.

anak ng tipaklong, sabi ko, ilipat kasi nakakatakot yung mga manika. tinanong ko kung hindi ba sila natatakot sa mga itsura ng manikang yon. e sabi nila nakakatakot nga daw kaya nilipat na rin nila. sempre mas mabilis ako kasi pinalabas ko muna sila para piktyuran ko, hahaha

hay opo, ganyan na katitino ang mga programa sa telebisyon ng alemanya kapag gabi. minsan nga sa mga balita sa gabi, mga alas siete pa lang, hindi na censored yung mga hubot hubad e. nung unang nakapanood ako, shock na shock ako. pero nasanay na rin ako. pero sempre, sa mga little kengkays — yung mga over da bakod na e shows e over na talaga.

kaya kayong may mga balak na magpunta sa mga ibang bansa, siguraduhin nyo muna ang mga programang lumalabas sa gabi bago ibigay ang remote control sa mga bata 😀

Advertisements

29 mga puna »

  1. hala ms.kengks eto na pala yung pinaaabangan mo sakin haha.(at inaabangan ko talaga! lol) teka buti at wala pang malay ang mga little kengkays 🙂 sabagay manyika naman talaga ang mga iyan.hehe

    nextime alam na natin ang gagawin. hehe. 😉

    kengkay: aba at talagang inabangan, hahaha

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 14, 2009 @ 8:18 umaga | Sagutin

  2. Kengks, baka mabasa to ng mga little Kenks at magdagsaan ang mga seks manyak sa akismet mo (dibale tagalog naman).

    In HK, people are open-minded about sex toys, there are shops somewhere to buy a battery operated, human-size seks manika. There are sex magazines on the street, but for people who are frigid, this thingies actually help them in a way. May expiry date ba yan baka afterawhile, mabubutas din. I hope di sya Made in Taiwan.

    LOL. Nakakatakot yung manika, ang lalaki ng mouths nila. Susmaryosep.

    kengkay: hahaha, alam mo ba dito may mga shops na ganyan in between churches? makikita mo sila dahil meron makapal na pulang kurtina sa pintuan. bakit kaya malaki bunganga nung mga manyika, hehe

    Komento ni K — Enero 14, 2009 @ 8:19 umaga | Sagutin

  3. sayang walang ganyang palabas dito, masyado kasing conservative mga tao dito eh.. hehe!! wala bang cartoon network dyan? eheheh!

    kengkay: hahaha, kapag alas otso na wala ng karton network… sex bomb na, hahaha

    Komento ni cindyrella — Enero 14, 2009 @ 9:39 umaga | Sagutin

  4. Nakakatakot nga yung mga manika noh? Ganyan pa la yun! pasensya na, medyo inosente pa kasi si Lowla Snow ninyo talaga sa ganyan. hehehe…

    kengkay: hindi ka nag iisa. ngayon lang din ako nakakita ng ganyan… sa telebisyon, hahaha

    Komento ni Snow — Enero 14, 2009 @ 9:49 umaga | Sagutin

  5. in fairness chaka doll sya….pero kakatuwa expression nya parang humahalinghing 🙂 hahahahahah tapos may 1 cent discount.

    kengkay: hay, mas grabe pa kapag nakita mo kung papano nila buhatin ang mga manikang yan

    Komento ni nina — Enero 14, 2009 @ 10:11 umaga | Sagutin

  6. pero hindi parang nakakita ng multo hahahhahaha

    kengkay: hahahaha… multo nga

    Komento ni nina — Enero 14, 2009 @ 10:13 umaga | Sagutin

  7. Panget naman ng mga model,may reregulohan sana ako hahaha yan nga kainis sa mga kiddie chanel,pag lagpas na ng 8 pang malakihan na o hindi naman kaya TV/promo palabas! yung dalawa kong kuto Disney chanel lang sila pero ala na ring prog after 7 pm,may boomerang at DisneyhouseChanel kaso yung mga kengkoy pang malakihan na.

    kengkay: hay, kaya naman kapag alas 7 na, sabi ko parati tapos na ang palabas kasi may ibang lalabas!

    Komento ni cheh — Enero 14, 2009 @ 10:30 umaga | Sagutin

  8. kaya pala uso ang child proof.. pati channels adult supervised… dapat ilagay sa child proof container ang remote control jan! 😀 hahaha. bawal tv sa kwarto! 🙂

    kengkay: wala kaming tv sa kwarto, mabuti na lang, hehe

    Komento ni Pilar — Enero 14, 2009 @ 11:18 umaga | Sagutin

  9. waaah.
    ayos ah.
    may sex education na libre.
    ayos yan kapag matanda na.
    kaso bata pa eh napapanood na.
    masama yaan.
    🙂

    kengkay: hahaha, iba nga kamo ang dating sa mga bata kasi hindi na nila iniintindi kasi nga normal na sa kanila, weird ano, hahaa

    Komento ni Pepe McKunat — Enero 14, 2009 @ 12:10 hapon | Sagutin

  10. hahaha..gusto ko dyan mami kengks..magpapa deport na ako dito sa pinas kaya?ahahha..bigay mo nga sakin ang remote mami kengks!ahaha

    kengkay: idikit ko sa yo yung remote kapag nagpunta ka dito, haha

    Komento ni Maldito — Enero 14, 2009 @ 12:40 hapon | Sagutin

  11. ang pangit ng mga manika! nakakatakot! hahaha..

    kengkay: ano pa nga ba, sino kaya bumibili sa kanila ano, hehe

    Komento ni bert loi — Enero 14, 2009 @ 12:46 hapon | Sagutin

  12. Haha.. Kakatuwa naman ito. Tanong ko lang. Mayron bang demonstration sa TV kung pano ito ginagamit? Hahaha..

    Add po kita sa blogroll ko ha? ^_^

    Komento ni emilayskie — Enero 14, 2009 @ 12:47 hapon | Sagutin

  13. OMG! i dont know wat to say. hehe

    buti wala pang kmalay malay ang mga little kengkays mo.

    ingat sa panonood. :p

    Komento ni Joffred — Enero 14, 2009 @ 6:59 hapon | Sagutin

  14. Nyaaaah, sana man lang magaganda yung mga manika. hehe.

    Komento ni joycee — Enero 14, 2009 @ 11:23 hapon | Sagutin

  15. hahah. Para sa mga desperado nalang talaga yang manikang yan. Chaka eh haha! XD

    Komento ni jiMboy — Enero 15, 2009 @ 12:00 umaga | Sagutin

  16. ngeek sana ginawang sexy naman ng konti..parang multo lang lalo na yung panghuli..hehhe
    sino naman ang target market nila dyan?

    Komento ni dakilang islander — Enero 15, 2009 @ 12:15 umaga | Sagutin

  17. katakot yung manika mas maganda pa yung asawa ni chucky doll jan ah he3..
    masyadong naluto ata yung huling manika hek3…nasunog hek3..

    p.s : salamat sa pag bisita mo ate kengkay hek3…

    ….
    XD

    Komento ni anakngpating — Enero 15, 2009 @ 4:20 umaga | Sagutin

  18. hala… hehe… may mga tv po na may child lock d ba? naku manika nga naman kc cla talaga ms kengkay… pero ang aga niyan ha.. primetime… hehe

    Komento ni yhen — Enero 15, 2009 @ 6:52 umaga | Sagutin

  19. ewwwww… ang chaka ng manika mami. hehe.

    speaking of sex toys, dati parnag me nabasa ako sa amgazine na me mga lalake na nakikipag-chorva sa mga life sized dolls na milyones ang halaga. silicon yung boobei ng dolls para ramdam daw ng guys na parang totoo kapag chinochorva yung manika. haaaaayyy… napachorva ang koment ko. hehe.

    Komento ni JOSHMARIE — Enero 15, 2009 @ 8:32 umaga | Sagutin

  20. hahahaha ayos ah! Bulgaran pala dyan ano? Grabe nakakatakot yung toy na yun parang ayoko di ako gaganahan dyan hahahaha

    Komento ni Ambo — Enero 15, 2009 @ 1:57 hapon | Sagutin

  21. langya ka. kung anu ano nababasa ko dito. wahahahah! madalas nagkaka ideya ako na dagdagan ang mga post mo at ikwento rin dun sa site ko. hehehhehe.

    yun ngang version ko ng kwento mong tabo, di ko pa rin naii-post eh.

    Komento ni BURAOT — Enero 15, 2009 @ 3:03 hapon | Sagutin

  22. nyay masaya pala talaga dyan sa germany mami este mahirap pala dyan kung me mga kids kang kasama..wala ba pwede pang filter ng channels? parental chorva ekek parang sa mga cable networks dito? mahirap din kasing bantayan parate ang tv.

    Komento ni Heleyna — Enero 15, 2009 @ 7:39 hapon | Sagutin

  23. Hello Kengkay,

    Hehehe, may nakuwentuhan nga ako tungkol dyan e. Aba manghang-mangha siya. Kaya naman di puwede TV sa kanya-kanyang kwarto e di gaya sa Pinas na pag maykaya bawat kwarto may TV. Pero dito sa amin, normally naman sa german channels mapapanood, swiss channels, wala masyado, madalang.

    Komento ni Sofie — Enero 15, 2009 @ 8:10 hapon | Sagutin

  24. Naku naman! Bat ganun?

    Ang hirap pa namang ipaliwanag nyan sa mga batang paslit…

    Naimagine ko lang…

    “Kasi ganito yan…”

    hehehe…

    Tapos magtatanong, “mommy bat ang laki ng mouth?”

    bwehehehehe…

    Patay!

    Komento ni ruthie — Enero 16, 2009 @ 2:24 umaga | Sagutin

  25. Liberalism in media! Too bad children might witness this liberalism too! Haha!

    Komento ni aLps — Enero 16, 2009 @ 3:57 hapon | Sagutin

  26. OK pala dyan! Makapag migrate na nga!!!!! Iday!? Ang mga maleta! Ihanda!!!!

    Komento ni Callcenterguy — Enero 16, 2009 @ 5:09 hapon | Sagutin

  27. hahaha, nakakagulat, nakakaenjoy… naintindihan kaya ng mga little kenkays ang pinanuod nila?

    Komento ni Elyong — Enero 18, 2009 @ 10:56 umaga | Sagutin

  28. […] kung gusto nyong hiramin tv namin, halika na dito. remember, merong parating lumalabas na seks toys dun sa tv namin dito, […]

    Pasa ni gusto nyong hiramin tv namin? « Kwentong Kengkay — Marso 9, 2009 @ 5:50 hapon | Sagutin

  29. Hey! I could have sworn I’ve been to this blog before but after
    browsing through some of the post I realized
    it’s new to me. Anyhow, I’m definitely happy I found it and I’ll be book-marking and checking
    back often!

    Komento ni pool — Nobyembre 22, 2013 @ 11:41 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: