Kwentong Kengkay

Enero 15, 2009

anong dapat gawin para maging pogi ako?

Filed under: Patawa — kengkay @ 12:37 hapon

eh ano nga ba dapat gawin? hehehe

isa lang naman yan sa search engine terms na nangingigil sa aking dashboard. nakyutan ako kaya gagawan ko sya ng post. aba, hirap yata ng hindi pogi di ba, hahaha

anong dapat gawin para maging pogi ako? pwes ganito yon….kapag may pera ka:

1. magpa-surgery at magdala ng picture ng artistang pogi na gustong mong makopya

2. magpunta ng beauty farm – andun yung full program – botox, hatak, pilipit, diet, tumbling at kung ano ano pa

3. bumili ng mga cosmetics na pampakinis, pampa-alis kamot, pampabango at pampaalis ng bilbil sa mukha

4. mag enrol sa fitness, magkaron ng regular facial, magkaron ng clothing specialist, at kung anong ka eklatan para maging maganda ang japorms

5. mag attend ng parties ng mga taong magaganda, pogi at mga feeling 😀 kasi nakakahawa daw ang kagandahan. kapag sumali ka sa mga magaganda, feeling maganda ka na rin, di ba, hehe

pero pag wala kang datung, pwes.. simple lang din:

1. isipin mong pogi ka

2. isipin din dapat nilang pogi ka 😀

actually, ganito lang talaga yan. positive thinking lang. kapag masaya ka sa sarili mo, lalabas na rin yang kasayahan na yan sa isip mo, sa  balat mo at pati na rin sa  puso mo. ang kalalabasan nyan? poging pogi ka hindi lang sa sarili mo kundi pati na rin sa lahat ng nakakasalamuha mo. at sempre maligo araw araw at magpalit ng brip, hindi yung baliktaran hehe

ang pagiging pogi ay hindi lamang sa mukha kundi pati na rin sa kaloob-looban mo. kaya ang una mong tingnan? yung kalooban mo. kapag masaya ka dun, pwes, hindi na mahirap maging pogi. wala ka ng dapat gawin kundi tumayo sa isang sulok at ikaw ay dadagsain na ng madlang pipol.

pero tanungin ko din ang mga kablag ko, ano pang dapat gawin para maging pogi talaga?

Advertisements

32 mga puna »

  1. para sakin… nasa loob manggagaling yan e… kung malakas ang confidence mo na pogi ka (pero hindi yung nakakainis na confidence ha) lalabas at lalabas yan… tignan nyo ako… dati ang panget ko, sobra… e habang tumatanda kumakapal ang mukha at sinasabing “gaganda rin ako at di magtatagal luluhod kayo sa Dyosa!!!”… kaya eto… ngayon… panget parin! hahaha! pero kidding aside, epektib yun…

    *nakakaisip ng magandang blog entry* ate kengks, itatag kita pag nagblog ako ng ganoon…. *evil smile*

    kengkay: kaya masarap tumanda e, kasi nagiging mas effective yung positive thinking, hahaha

    Komento ni Pilar — Enero 15, 2009 @ 1:02 hapon | Sagutin

  2. hehehhe.. happy new year ate kengks… ang saya nyan.. hay naku.. iba-iba tlga ang mga pumapasok sa utak ng tao ngayun.. kaya kung anu-anu ang mga pinagtatanung nila… effectiv ba yan.. pag ginawa..???? hehhee

    kengkay: effective yun, tingnan mo ako, pogi na rin, hahaha

    Komento ni repah — Enero 15, 2009 @ 1:14 hapon | Sagutin

  3. isipin mo na lang pogi ka 🙂 nitong nakaraan pasko sabi ng mga inaanak ko..ang pogi pogi ko raw 🙂

    kengkay: o ayan, kitams? pogi kang tunay talaga, pasko e, hahaha

    Komento ni sandi — Enero 15, 2009 @ 1:17 hapon | Sagutin

  4. ooops para sakin ang post na ito ano? hahaha joke! Ang kapogian nanggaling sa tunay na kaayuan – yung panlabas na kaanyuan yun talaga hahaha. Kidding aside kahit sino pwedeng maging pogi. Pwede namang feeling pogi, pogi-pogian di ba? Wag lang puro kayabangan yun ang di pogi hehehe

    kengkay: ang kayabangan ay dapat iuntog, hahaha

    Komento ni Ambo — Enero 15, 2009 @ 1:53 hapon | Sagutin

  5. Di ako masyado attractted sa pogi pero kapag sobrang cute at palaging ngumingiti o malinis sa katawan o malakas ang sense of humor, yun ang pogi para sa akin.

    kengkay: ako mas attracted din ako sa mga taong may sense of humor e

    Komento ni emilayskie — Enero 15, 2009 @ 2:05 hapon | Sagutin

  6. basta mabuti kang tao in all sense hindi lang dun sa taong gusto mo kundi sa lahat…para sa kin yun ang pogi! at syempre yung mabango…nyahaha

    Komento ni Heleyna — Enero 15, 2009 @ 7:54 hapon | Sagutin

  7. Hello Kengkay,

    Pag tungkol dyan ang topic, super nakaka-relate talaga ako dahil sa sagot mo sa number 5. Agree ako sa number 5. Kasi yan ang sagot ko lagi e. Hehehe… Minsan may nagtanong sa akin long long time ago habang nasa loob ng elevator. Tanong niya, bakit daw ang gaganda ng mga kaibigan ko. Sagot ko sa kanya at naririnig ng iba. Sabi ko, kaya puro magaganda sila, kasi para gumanda rin ako. Pag maganda kasama mo, mahahawaan ka rin ng kagandahan nila. Natawa ang ibang tao sa loob ng elevator sabay sabing, tama nga naman ano. 😆

    Have a great week!

    Komento ni Sofie — Enero 15, 2009 @ 8:18 hapon | Sagutin

  8. ahaha..talagang may ganyang tanong sa search engine??
    naku..para sa akin, kapag ang lalaki ay malinis sa katawan,mabait at matalino{pero hindi naman yung sobrang talino ha} para sa akin ay pogi na yun..

    Komento ni rio — Enero 16, 2009 @ 12:08 umaga | Sagutin

  9. hahaha ang swerte naman ng searcher mo nabigyan ng space sa blog bo at baka pumogi na yun…hheh

    Komento ni dakilang islander — Enero 16, 2009 @ 12:10 umaga | Sagutin

  10. hahaha… akalain mo nga nman yun.. taena..
    napamdaan lang po!

    Komento ni kosa — Enero 16, 2009 @ 12:41 umaga | Sagutin

  11. nakakatulong din kasi talaga ang self confidence sa sarili at syempre kung alam mo namang tagyawatin ka di ba eh di wag ka kumain ng mamatikang pagkain. sabi nga nila, wala naman daw pangit na tao, pero may mga taong tamad mag ayos. ^^

    Komento ni cindyrella — Enero 16, 2009 @ 2:04 umaga | Sagutin

  12. ang gandang tanong yan ah …. pero di ko alam ang sagot hahahahaha!
    basta maganda ang ugali mo pogi ka na….. yun naman ang importante
    ang mukha kumukulubot at minsan nalilimutan pero ang ugali hindi eheheh

    Komento ni barquera — Enero 16, 2009 @ 2:04 umaga | Sagutin

  13. agree ako sa lahat ng nagsasabi na mula sa loob nanggagaling ang pag ka pogi ng isang tao.. nkakatawa kasi may mga ganyang tanong pala sa search engine..wahaha

    Komento ni neto — Enero 16, 2009 @ 2:48 umaga | Sagutin

  14. basta malinis tingnan usually mukhang pogi na rin, at kung mabango…hehehe

    Komento ni ruthie — Enero 16, 2009 @ 3:26 umaga | Sagutin

  15. dun nalang ako s apag walang datung… haha! tama isipin mo nalang na gwapo ka… sabi nga nila ms kengkay, ITS ALL IN THE MIND! hahha

    Komento ni yhen — Enero 16, 2009 @ 5:30 umaga | Sagutin

  16. iisipin ko na lang na pogi ako kesa gumastos haha

    masarap tumanda, wisdom yun!

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 16, 2009 @ 5:43 umaga | Sagutin

  17. PARA MAGING POGI..

    SIMPLENG SIMPLE, TUMABI KA SA PANGIT, AS IN MAS PANGIT SAYO.(SIGURO NAPAKAPANGIT NA NUN)

    TAPOS TANUNGIN MO. PARE! POGI BA KO!!!!!!
    AT PARA SIGURADO TUTUKAN MO. SABAY SABING HOLD UP TO. HEHEHE

    Komento ni tina — Enero 16, 2009 @ 6:21 umaga | Sagutin

  18. natawa naman ako sa napadpad na search mo.. hahaha!!! so ibig sabihin ba niyan ay marami talagang gustong pomogi na PInoy? at dahil kang bala para doon kaya naman yung mga keywords ay nasa kwentongkengkay.com…

    hmmm i agree doon sa huli na isipin mo pogi ka… pero wag naman “feeling.” yong tipong di man ako guapo, hindi rin ako pangit. yung pagiging simple yun ang habulin e, actually.

    di ba nga kung sino pa yung ang papangit, yun ang madalas na nangangaliwa at maraming chicks… ewan ang lalakas nga ng loob eh. hahaah. o baka naman ang mabuting solusyon ay magpayaman… para kahit yung beauty queen o bold stars sila na mismo ang lalapit. joke joke!!!

    pero mga tol, walang mas gaguapo sa taong maganda ang personality… promise!

    Komento ni hitokirihoshi — Enero 16, 2009 @ 8:26 umaga | Sagutin

  19. Uy, ampogi naman ng nabungaran ko sa unang pagsilip ko ulit dito sa taon na ito! 😀 Babati lang ng:
    “Masaganang (at mapoging) 2009 sayo, kengkay!”

    Komento ni homebodyhubby — Enero 16, 2009 @ 10:35 umaga | Sagutin

  20. nasa pagdadala lang yan. dapat pasimple lang, wag masiyado mayabang. it’s all in the mind nga, tamang confidence pero ndi mahangin. hehehe.

    Komento ni Ely — Enero 16, 2009 @ 11:09 umaga | Sagutin

  21. lahat may kumukupas, pwera lang ang pantalon, ani ng PCSO.
    kya, isipn ko na lang guwapo ko.
    😆

    Komento ni Pepe McKunat — Enero 16, 2009 @ 1:08 hapon | Sagutin

  22. tama…. hindi kelangan ng malaking pera para lang maging pogi… ang pagiging pogi eh dapat inside and out… kelangan pogi din ang kalooban… 😉

    ate.. may award ako sau… http://lalaine.gameops.net/2009/01/my-first-for-2009.html

    Komento ni lalaine — Enero 16, 2009 @ 1:29 hapon | Sagutin

  23. applicable din naman yan sa girls diba mommy kengks?

    Komento ni joycee — Enero 17, 2009 @ 10:12 umaga | Sagutin

  24. hindi ako maka-relate dito, ah
    bakit kaya
    hehe

    Komento ni raft3r — Enero 17, 2009 @ 10:18 umaga | Sagutin

  25. Managinip na lang, kasi doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin. Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin. Doon ay kaya kung ipagbawal buhos ng ulan. Kung kaya ko lahat yan sa panaginip… ang maging pogi pa kaya.

    Nakaka enjoy naman ang post na ito.. lol!

    Komento ni Elyong — Enero 18, 2009 @ 10:43 umaga | Sagutin

  26. haayss… ang sarap talagang maging pogi!
    {ang umangal fanget!}… he he!

    Komento ni revsiopao — Enero 19, 2009 @ 1:29 umaga | Sagutin

  27. kng ganyan isipin mo ipag laban mo xa bihin mo pogi ako
    wla nman panget xa mundo

    ako pogi ba ako?????

    Komento ni jc — Setyembre 10, 2009 @ 12:01 hapon | Sagutin

  28. bullshit lhat ng cnasbi nyu kung anu ang ginawa sa inyu ng dyos wla kang karapatang baguhin un dahil nanghihiram lng tau ng buhay sa dyos

    Komento ni vincent — Mayo 20, 2010 @ 5:50 umaga | Sagutin

    • walang taong pangit,sa totoo lang. ang pangit na totoo ay yung may maitim na budhi

      Komento ni kengkay — Mayo 22, 2010 @ 12:19 hapon | Sagutin

  29. l

    Komento ni jereca213 — Enero 1, 2011 @ 4:54 hapon | Sagutin

  30. sipa na bata=para sa kin kung gusto mung maging p0gi wag kang mag pa init at maligu ka araw2 at ma2l0g ng maaga at wag kang gumamit ng dryga o kahit ano pa dyan at kumain ng masasustansyang pag kain at bumili ng rin ng facial wash at cream.hAhAhAhA…

    Komento ni jereca213 — Enero 1, 2011 @ 4:56 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: