Kwentong Kengkay

Enero 16, 2009

ang winter vacation ay hindi tunay na bakasyon

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 2:17 hapon

bago magkalimutan sa kwento ng aming winter vacation, ay eto na sya.

alam nyo bang kapag winter vacation e ibang bakasyon ang nakatapat sa inyo? usually kapag bakasyon e late na matulog, late magising… isep isep kung saan pupunta, kung saan kakain, lakad lakad, chikahan, tulog at kainan. kapag winter vacation? waaa, hindi ganyan! lalo na kapag marunong ka mag ski o mag snowboard kasi dapat umaga pa lang gising ka na.pagkatapos ng breakfast, madilim pa, alis na kayo sa hotel dahil akyat pa kayo ng bundok. sempre bago makarating ng bundok, lakad lakad muna. bitbit nyo sempre yung gears ninyo. hay buhay ano? sport vacation kasi ang winter vacation e. kaya parang hindi sya gusto ng mga muscles ko.

akyat baba na kayo nyan. lift paakyat, ski o snowboard pababa. kasama na rin dyan ang pilahang walang katapusan. pila sempre sa ski lift. atsaka kasi sa mahal ba naman ng ski at snowboard gears at sa mahal ng binayad sa bakasyon e talaga namang samantalahin na lahat. hindi yan titigil for lunch, isang tinapay lang o kaya naman e pretzel — tapos tuloy na naman ang ligaya. uwi na lang ulit sila sa hotel nila sa gabi para mag dinner at matulog ng maaga dahil kinabukasan e ganun na naman ang cycle nila.

sempre kahit na kami e sled lang ang dala namin, ganyan din drama namin. akyat babang walang katapusan. mabuti nga may lift for sleds yung pinuntahan naming resort area kundi baka dalawang beses lang na akyatan e labas na mga dila namin, hehehe presenting ang aming hotel kung saan may mga relics of the past ;D grabe, ang daming snow. sa totoo lang, kasi naman asa tuktok talaga kami ng black forest ano.mahilo hilo nga ako sa kotse nung pagakyat nya sa bundok kasi parang carousel, ayayyy. dagdag pa e ilang beses kaming naligaw. kainis, chipipay kasi kami e, wala kaming navigator kundi mapa pa rin dala namin ;D
ayan naman yung likuran nung hotel. dyan kami nag experiment. hindi kami gumamit ng sled kundi naupo lang kami at nagpadulas hanggang sa ibaba, hehehe. ano daw ginagawa ni panganay kay bunsoy? aba, ibabaon daw nya si bunsoy sa snow, aray ko, hehehe
pagkatapos naming hilain ang mga little kengkays sa snow na nakakalat sa kalsada ay inabot na rin namin ang mismong snow playground. ayan na ang lift. kita nyo si kengkoy at ang mga little kengkays? paakyat na sila sa bundok. ako e may i picture lang sa baba. yung ibang taong walang tickets e umaakyat hanggang lumampas dun sa may harang, tapos dun sila may i ride along. wala namang nag rereklamo. minsan pa nga sila pa nagtatanong kung gusto nilang makisakay, hehe. ang baet ng mga tao dito ano? oks lang kapag may sumingit πŸ˜€
ayan, nakarating na ang pamilya ni kengkay sa tuktok ng bundok. as in umakyat pa sila talaga sa pinakatuktok para daw mas masarap mag padulas pababa. gamit na nila ang sled nila at hindi lang ang pwet, sempre naman. kita nyo sila? sila yung tatlo dun sa pinakatuktok mismo.
whoaaaa – ayan na, papalapit na ng papalapit. maririnig nyo ang sigawan ng mga little kengkays. actually, kami nga lang yata ang sumisigaw dito sa resort e, hahaha. yung ibang mga bata wala lang, sled lang sila, walang reaction. itong mga anak ko, pinay na pinay sa ingay, hahahaha. bigay hilig.

oops, teka muna, bakit biglang si kengkay ang nahulog sa baba? hindi kasi ako umilag dahil sa kaka click ko ng camera eh, hehe. op kors naman, sempre pati si nanay kengkay e naki padulas din ano. nainggit ako e. sa totoo lang, ang sarap. parang hmmm.. parang nakasakay ka sa roller coaster dun sa enchanted kingdom, hehehe. iba ang adrenaline pull.

sempre, nakakagutom yan. mismong alas dose ng tanghali e nagaalburoto na si bunsoy. gutom na daw sya. at hindi papayag si kengkay na tinapay o pretzel lang ano. lamon ang hanap ko kapag ganyan. mabuti na lang may malapit na restaurant, yun nga lang, sarado, hahaha. konting hakbang lang ay may isa pa kaming nakitang restaurant. ayun, nanginain na kami. sempre, pagkatapos ng kain? padulasan na namang umaatikabo.

isa talaga yan sa kinatatakutan ko sa winter e, ang mag akyat baba sa bundok, hehe

Advertisements

19 mga puna »

  1. Ang lameggggg yuko mag padulas dyan. Magandang tingnan Kenks, parang mas maganda sa rollercoaster pero yaikss I am prone to funny-accidents like yours. Dibale na lang sa mainit na lugar.

    kengkay: hahaha, ganun, pareho tayong kaliwa papa sa mga ganyan! sa totoo lang, sumaket paa ko sa lamig dahil sa kakapicture

    Komento ni K — Enero 16, 2009 @ 3:48 hapon | Sagutin

  2. masabi nga lang na bakasyon pero dami pa ding gawa no?

    kengkay kalugar na kita,hihihi…sana magkita din tayo..pasyal ako dyan minsan pag long weekend o kaya kayo ang pumasyal dito…

    kengkay: hhuy, weklam sa alemanya! halika na dito, daliiiiiii

    Komento ni p0kw4ng — Enero 16, 2009 @ 7:03 hapon | Sagutin

  3. hi kengkay, ok naman ang bakasyon di ba? swerte ka pa rin dahil sa hirap ng buhay ngayon e tuloy pa rin ang hapi-hapi nyo..goodluck at paki-aa=dd mo ko ha, tanx

    kengkay: ay naku, hapi hapi na ako kahit sa tapat ng bilihan ng bola bola, hehe. am trying to check your blog kaso mo mali daw yung URL mo e

    Komento ni payatot — Enero 17, 2009 @ 1:08 umaga | Sagutin

  4. huwaaaw kakainggit ate kengks! sarap naman sa isnow. ganda ng pics πŸ™‚ nanlalamig din ako dito! wehehe.

    kengkay: dahil sa mga pictures na yan kaya din ako nilamig ano, hahaha

    Komento ni Pilar — Enero 17, 2009 @ 3:25 umaga | Sagutin

  5. kala ko din nuong una masarap magbakasyon kasama ng mga snow…isang malaking hindi pala…bukod sa gigising ka ng maaga…ang dami mo pang bitit, tapos yung suot mo pang gears eh napakadami, tuloy parang ang bigat na ng katawan mo…tapos lalakad ka pa sa snow in an upward slope…ayoko na nga ng snow…nice to see lang, pero ang sakit sa paa ng lamig after 20 mins.

    kengkay: kainis di ba? para kang astronaut sa kapal ng suot mo, hahaha

    Komento ni mousmous — Enero 17, 2009 @ 3:26 umaga | Sagutin

  6. dito nga walang snow pero ang lamig lamig na! mas masarap mag bakasyon sa summer di ba? ^^

    kengkay: mas type ko summer talaga

    Komento ni Cindyrella — Enero 17, 2009 @ 6:09 umaga | Sagutin

  7. Wow ang sarap naman! Naku sa Wii lang ako nakakapag skii kahit maghapon sa loob lang ng bahay hahaha.

    kengkay: ganun, peram nga yang Wii mo, hehe

    Komento ni Ambo — Enero 17, 2009 @ 6:13 umaga | Sagutin

  8. ay, gusto ko nito – di ko pa na-experience ito eh…

    kengkay: sa sunod na bakasyon ninyo winter naman πŸ˜€

    Komento ni nina — Enero 17, 2009 @ 6:47 umaga | Sagutin

  9. ganda ng view ms. kengk’ πŸ™‚

    kengkay: ganda talaga, kung di lang ako nadudulas, hehe

    Komento ni sandi — Enero 17, 2009 @ 8:41 umaga | Sagutin

  10. panalo ang vacation mo! okay lang malamig sa kin basta makaka ski ako πŸ˜€

    kengkay: pero tama ka, ibang experience talaga

    Komento ni annevdns — Enero 17, 2009 @ 9:51 umaga | Sagutin

  11. Gusto ko maexperience yan Mami! Kahit 5mins lang magpapapicture lang ako.

    kaya lang naisip ko dito nga sa Pinas lamig na lamig na ko, eh jan pa kaya? hehe.

    kengkay: naku joycee, baka pati kumot e dalhin mo sa labas, hahaha

    Komento ni joycee — Enero 17, 2009 @ 10:14 umaga | Sagutin

  12. astig hotel nyo
    i wanna learn how to ski
    turuan mo naman ako!

    kengkay: huwag kang mag alala, kapag asa pinas kami, magturuan tayo mag ski πŸ˜€

    Komento ni raft3r — Enero 17, 2009 @ 10:17 umaga | Sagutin

  13. wow, ang ganda naman jan ate kengkay, kakatuwa naman mga experience mo, sana minsan makatuntong din ako sa totong snow, dito kasi sa Ski Dubai, Artificial Snow ang meron, may ski at snow board din…. pero mas mukhang masarap jan sa lugar na yan…

    kengkay: ano kaya hitsura ng artificial snow?

    Komento ni lhay — Enero 17, 2009 @ 11:17 umaga | Sagutin

  14. another snow story.. kahit d2 ate kengs, malamig din.. hmmp..

    kengkay: kakabaliw na nga ang weather e

    Komento ni jeniffer — Enero 17, 2009 @ 12:09 hapon | Sagutin

  15. aks pakibura na lang yung unang comment hehehe.. namali ako.

    >a href= “http://painuminmoko.idlip.net/?p=104/”>

    sinadya kong gawing > yon.. dapat < para lang mag apir ditO.. sana magapir na..

    Komento ni jeniffer — Enero 17, 2009 @ 12:49 hapon | Sagutin

  16. ate pakibura talaga yung 2 anu ba yan. nagspam na ako.. ayaw tumalab.. sige email ko na lang sayo.. hai.. xenxa na talaga..

    Komento ni jeniffer — Enero 17, 2009 @ 12:49 hapon | Sagutin

  17. hahaha..pano ka nga naman magbakasyon sa ganyang klima. pero baka yan na ang hudyat para sa ski carrer mo. tinitingnan ko palang maga pix mo giniginaw na ako. hehe

    kengkay: sa totoo lang, ang ini-imagine kong bakasyon sa ganyang klima e yung sa loob ka lang ng bahay tapos daming pagkain, ganon, hahaha. asan ang URL mo para mabisita kita?

    Komento ni ELIment — Enero 18, 2009 @ 4:09 umaga | Sagutin

  18. Sosi naman ang winter vacation!
    Sa totoo lang, hindi ako maka-relate. He he!
    Mantakin mo… almost 4 years na din ako sa Oyropa pero hindi pa ako nakakapag-ski… pwamis! Higa higa lang sa yelo… ha ha ha…. jologs me!

    Hihintayin ko ang araw na mag-wi-winter holiday din ako tulad ni Senyorita Kenkay. {kelan kaya?}

    kengkay: alam mo bang walong taon na ako dito e dalawang beses pa lang ako nakapag winter vacation? patas pa rin tayo, pwede ka pa humabol πŸ˜€

    Komento ni revsiopao — Enero 18, 2009 @ 9:45 umaga | Sagutin

  19. wow! parang hallmark cards!!! ang danda!

    Komento ni ruthie — Enero 19, 2009 @ 12:35 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: