Kwentong Kengkay

Enero 17, 2009

senyorita daw ako

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:03 hapon

dahil labs ko si jennifer πŸ˜€

nung bata pa si kengkay, kapag matigas ulo ko at ayaw kong sundin ang utos ng kung sino man nag uutos sa akin; sasabihin agad nung nag utos sa akin ‘hmpf, napaka-senyorita mo naman.’ kasi dati usong uso talaga yang bansag na senyorita, senyorito, senyora, senyor, donya, don bilang paggalang sa mga amo natin πŸ™‚

at least yan yung mga napapanood ko sa telebisyon. si matutina, sisigaw ng ‘senyorita shirleeeeeey’.. hehehe

kahit parang malayo ang relasyon nya dun sa certified senyor bloggista ni jennifer e basta, yan ang intro ko!

sabi ko nga, hindi ko pa feel na isa akong senyorang bloggista. kasi nagsimula ako nuong may 2007 lamang. at dun mismo sa araw na yun, dun ko lang nalaman kung ano yung sinasabi nilang blogging! waaa, ang eng eng ko talaga ano? sa totoo lang, sabihin mang andito ako sa alemanya, tsong, huling huli ako sa balita. una kasi sa akin dito ang pagiging nanay e.

kaya din ako nagpursiging magblog ay dahil sa mga nanay na unang nag engganyo talaga sa akin para magblog. nabasa ko sa inquirer dotcom yung samahan ng mga nanay na nagbo-blog na pinangungunahan ng mga sikat na sina connie, noemi, annamanila, pinayexpat, at sexymom — yung pinoymomsnetwork. com (PMN) na ngayon e nawala sa ere kasi naman tatlong beses ba namang nahack sa dalawang buwan, ano ba yun! pero sana mabuhay ulit sya πŸ™‚

nung nabasa ko yung mga kwento nung mga nanay dun? naging excited ako kasi may pwede pala akong kakwentuhan at kapalitan ng kuro kuro. isa lang kasi ako di sa alemanya e. ang kausap ko lang mga little kengkays at si kengkoy, paminsan minsan yung mga kamag anak at mga kapitbahay. pero dahil karamihan sa kanila e walang mga anak? hayysss.. frustrating.

una nag lurk lang ako. tapos dahil dami kong gustong isambulat, kahit nahihiya pa ako, nag comment din ako. kaya lang, alanganin talaga ako. akala ko sasabihin nila ‘huh, sino tong walang karapatang mag comment na to sa aming baryo?’ hindi ko alam ang mga comments para e parang nagtatapik sa likod ng mga bloggers… at mula dun, nagblog na ako. una yung homeworked.

hirap ako dun kasi hirap yata mag inglis, hehehe. kaso mo kasi walang nagbo-blog dun sa PMN ng tagalog e kaya napainglis din tuloy ako kahit na pilipit yung inglis ko. nangapa ako dun. wala kasi akong mapagtanungan. kahit nga yung mag link hindi ako marunong e.

tapos naligaw ako sa isang tagalog na blog. hindi ko na matandaan kung sino e. sabi ko, aba, pwede rin pala magtagalog. ganun ako ka engeng! ni di ko nga alam kung papano magblog hopping, waaaa! hanggang sa naengganyo akong mag contribute sa PMN, at naging editor din ako dun. at dahil wordpress sya, dun ko nadisover ang tagalog blogs! ang saya pala!

in fact, mas madalas pa akong tumambay ngayon dito sa tagalog blog ko kesa dun sa inglis, hehehe! ang unang tumambad sa akin dito kaya nabaliw ako agad e si maru at si reyna elena.

nasundan ni malenski at ni chuckie kaya napalupot ako sa chikahan sa WPP. ano na kaya talaga nangyari sa WPP? kayo alam nyo ba?

so ayan, senyorita nga ba ako sa blogging?

sa tingin ko marami pa akong kakainin, sa totoo lang. isa lang akong aliping sagigilid at nananatiling nagmamasid πŸ˜€

Advertisements

20 mga puna »

  1. Una thank you kasi sumali ka d2 sa tribute campaign, which is di naman talaga xa for technical writer.. ang sinsabi lang sa description ay paano ka nagsimula, sino nakaimpluwensya sayo na magstay ng mahigit 1 yr. na sa blogging, di kailangan kung di ka marunong magtagalog or ingles.. basta kung ano ang rason mo sa pag stay.. kaya pag naka 1 yr. na senior na yun.. kahit anu pa man style nya sa writing..and you are certified blogger for me.. kasi 2007 ka pa.. which means iba ang naidulot sayo ng blogging.. kaya ka nagtagal ng ganyan, the reason kung bakit yung iba di naintindihan yung pagsali, is hindi sila nagbasa ng matino.. akala nila for technical writer.. simple lang naman yung description, “TRIBUTE” lang xa.. meaning just appreciation to those influences you to blog..

    ate, natawa ako na akala mo ay di pwede tagalog.. pero sa totoo lang isa ka sa mga pundasyon ng wordpress, kasi kung wala ka di maeenganyo ang mga tao magblog.. isa ka sa mga blogger d2 sa blogosphere na mabait at nakakahanga ang pagiging tatak pinoy mo pO, kahit nasa alemanya kana.. since tagalog pa din ang gamit mo sa blogging πŸ™‚

    You are certied senior bloggista..MABUHAY si ate kengs..

    kengkay: heheh, labs ko talaga ang wordpress pinoys sa totoo lang kaya hindi kita matanggihan e dahil kayo ang aking inspirasyon. meaning, kayo ang kinokopyahan ko, hahaha

    Komento ni jeniffer — Enero 17, 2009 @ 1:23 hapon | Sagutin

  2. senior blogista!parang si badoodles. hehe. πŸ™‚

    mami me kilala ka na member dun sa pinaymomsnetwork? πŸ™‚

    kengkay: kilala ko halos lahat nung members dun. nag EB na rin kami last 2008 nung asa pinas ako

    Komento ni joshmarie — Enero 17, 2009 @ 2:52 hapon | Sagutin

  3. Tumpak talaga ako, asset ka talaga ng wordpress! pakiramdam ko rin bagito pa rin ako sa blag kablag na ito (bakit kaya katunog ng dagasa?).

    kengkay: ang dami pa kasing dapat matutunan di ba? e ang bagal ko sa ganyan, eng eng kasi ako, e hahaha

    Komento ni partofyou — Enero 17, 2009 @ 4:28 hapon | Sagutin

  4. ano nga ba nangyari sa WPP mommy? i thought it was just my server that was having problems.

    ilang buwan lang pala ang tanda mo saken sa blogging. i think i started, if not june, july of 2007 too. i’m having a little problem managing my time dahil sa work (and QT with hubby) kaya di laging nakakabisita at nakakapag-post pero i enjoy blogging too. yun nga lang, mejo tinatamad paminsan minsan.

    stress-buster ko ang pagbabasa ng mga blog ng mga nasa blogroll ko. hehe.

    kengkay: sa totoo lang, di ko rin alam 😦 kakamiss sya ano? blogging is a part of my world na talaga. babalikan at binabalikan

    Komento ni antuken — Enero 17, 2009 @ 5:15 hapon | Sagutin

  5. ako naman matagal na din akong nagblo- blog kaso ako lang nakakabasa ng blog ko dati.. pero now? nakakauwa nga yung may kapalitan ka ng kuro kuro! di nasasayang ang mga sinusulat mo ^^

    kengkay: hahaha, ako nung nagsimula isa lang ang nagbabasa ng blog ko tapos hindi pa nya maintindihan kasi tagalog, si kengkoy ang ang tinutukoy πŸ˜€

    Komento ni Cindyrella — Enero 17, 2009 @ 5:16 hapon | Sagutin

  6. Minsan nagtatagalog din ako. Masarap kasi magblog na parang nagkukuwento lang. kaya lang dati kasi gusto ko i-monetize yong blog ko kaya sinimulan ko ng English pero wala talaga ako masyadong time mag-blog kaya wala pa rin akong na-monetize. Hahahahahhaha

    kengkay: nagpagisipan ko din yang magmonetize kaso mo tamad ako, hahaha

    Komento ni nina — Enero 17, 2009 @ 6:05 hapon | Sagutin

  7. Ang naalala ko sa kengkay blog yung Pizza ata yun or Spaghetti house. You just keep posting about life in your place and kittle kenks mo. Time ata yun when I first created my tagalog blog until you joined wordpress pinoy ni Chuckie Dreyfus. I joined din dun pero lately, I found out some of our kababayans talk to themselves pero it keeps me coming back here in your blog, katuwa kasi.

    It’s not about naman how many years we blog na, yung maganda eh we create our own community. Mabuhay ang kwentong kengkay dot com.

    kengkay: alala kita kasi isa ka sa mga tumulong sa akin about something something na di ko maintindihan sa wordpress. kaya naman kahit anong gawin mo sa akin e hindi ako bibisita at bibisita ako sa blog mo. loyal ako sa mga tumulong sa aking e, hehe

    Komento ni K — Enero 17, 2009 @ 6:16 hapon | Sagutin

  8. napadaan lang po senyorita…

    keep on posting!

    kengkay: salamat sa pagdaan! sa sunod iwan mo din yung URL mo para mabisita kita πŸ˜€

    Komento ni Jhaynee — Enero 17, 2009 @ 7:19 hapon | Sagutin

  9. your post is so cute kengkay and honest. it’s wonderful. i’d like to tell you that for me you are a senyorita kasi i enjoy reading you kung tutuusin i am not even a mom nor am married pero i like going to this place feeling ko sumasaya ako so keep it up!

    kengkay: ang sarap naman basahin ng komento mo πŸ™‚ salamat!

    Komento ni prinsesamusang — Enero 18, 2009 @ 12:21 umaga | Sagutin

  10. ako nung nagsimula na alam ko hanggang ngayon po eh nagsisimula pa rin di ko din po alam ang ibig sabihin ng blog at ang mga blog hopp pati din po yung pag link di ko alam hehe pero sinubukan kong halukayin kung paano at para makapag simula sa awa ng mouse nalaman ko rin hek3…

    ate kengkays..senior kna sa blog world hehe…pero alam kong hindi ka pa senior citizen hehe senior lang sa blogging..peace…

    sayo rin ako kokopya hehe..

    XD

    kengkay: hala, kopyahan na lang tayo, hahaha

    Komento ni anakngpating — Enero 18, 2009 @ 3:47 umaga | Sagutin

  11. ate kengs

    gusto ko lang sbihin na natutuwa ako tuwing binabanggit mo ung “oyropa”

    nakikita ko kasi sa mga comment mo sa ibang blog.

    wala lang ang kulit.

    layo ko sa topic. hehe

    ingat ate!:p

    kengkay: hahaha, eto pa isa ‘oyropa’ .. alam mo bang hirap mag iwan ng comments sa blog mo? paulit ulit ako pero parating nawawala sa ere, waaaa

    Komento ni Joffred — Enero 18, 2009 @ 5:38 umaga | Sagutin

  12. Ang ganda naman po ng post mo Ate Kengkay, napaka-humble at honest. Ang mga taong katulad mo po ang tinitingala ko rito sa blog world dahil laging mapagkumbaba kahit marami ng narating at nagawa. Isa ka pong ehemplo (naks ang lalim!) sa aming lahat. ^_^

    kengkay: salamat ha. pagbubutihin ko pa ang pangongopya ko, hahaha.

    Komento ni emilayskie — Enero 18, 2009 @ 7:33 umaga | Sagutin

  13. Basta… certified senorita blagista ka para sa akin Kenkz.
    Salamat sa pagbabahagi mo ng iyong talambuhay sa larangan ng blogging.

    Inspire more.
    Blog more.

    Kailan ang EB sa Germany (with Powkie) aber?
    Gagawan ko talaga ng paraan ‘yan.

    All the best. Ciao!

    kengkay: andito na nga daw si pokwang, yipeee! sabi ko sakay agad sya ng tren papunta dito e kaso mo saya pa sya s mansyon nya e, hahaha. oo naman, EB tayo, weee

    Komento ni revsiopao — Enero 18, 2009 @ 9:32 umaga | Sagutin

  14. Hi senorita Kengkay! napadaan lang po ako sa inyong mansyon para mag-apply ng hardinero o tsuper man lang πŸ™‚ maraming salamat sa’yo πŸ™‚

    kengkay: hahaha, walang bakante at lahat ng yan e trabaho ni kengkoy πŸ˜€

    Komento ni sandi — Enero 18, 2009 @ 11:41 umaga | Sagutin

  15. Break into mainstream blogging na Ate Kengkay!

    kengkay: tamad ako magisip e, hahaha

    Komento ni aLps — Enero 18, 2009 @ 3:47 hapon | Sagutin

  16. Walang duda Kengks Ikaw ay isan tunay na Senorita….

    Komento ni empress — Enero 18, 2009 @ 11:51 hapon | Sagutin

  17. naka 1 yr ka na pala sa blogging ha! galing naman…sana ako din tumagal ng ganyan..naghuhumiyaw na rin siguro ang mga nai post mo sa dami nila ano?

    Komento ni payatot — Enero 19, 2009 @ 3:04 umaga | Sagutin

  18. Dun daw sa UST arts&letters e may tinatawag silang seΓ±ora. Ikaw ba’yun kengkay?

    Matanda ka pala sakin ng 3months sa blogging August ako e ΓΌ tsaka sensya na at di ako makapagparamdam lagi, blocked ka kase sa china kaya dito lang ako sa phone sumisilip. E ang hirap kaya magtype ΓΌ

    Komento ni kotsengkuba — Enero 19, 2009 @ 4:43 hapon | Sagutin

  19. Bigay nyo nalang sakin lahat ng hersheys nyo! BWAHAHAHAHHA

    Uhmm.. in the other hand, they might be that big but look, they’re happy and smiling! Ayaw nyo ba sumaya din? LOL XD

    Komento ni jiMboy — Enero 20, 2009 @ 5:55 umaga | Sagutin

  20. Wah buset mali ung comment ku! ebak nagccrash kasi google chrome huhuhu! sorry sa spam ms kengkay XD

    Komento ni jiMboy — Enero 20, 2009 @ 5:57 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: