Kwentong Kengkay

Enero 18, 2009

madulas

Filed under: Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 12:12 hapon

sa litratong ito, makikita ninyo kung gaano katarik ang bundok na papunta sa bahay ng aking in laws. ayun na ang pamilya ni kengkay sa ibaba, binibisita na si opa. kuha ito nung nakaraang summer.

kaya naman imagine nyo kung ano nangyari nung isang araw na puno ng snow ang paligid. may mga snow na tumigas na sa kalye dahil sa sobrang lamig. tapos nung umagang iyon pa e umulan ng konti. pagkatapos e biglang nag snow. ayan, patong patong na talaga. pero hindi ko naisip na magiging delikado ang daan nung umakyat kami sa bundok na yan dahil may lunch date kami kay opa (ang lolo ng mga little kengkays).

okay naman yung pag akyat namin ng bundok kahit na maputi na ang paligid dahil patuloy ang pag snow. nung natapos na ang lunch namin, biglang nagyaya ang mga little kengkays na umuwi na daw kami. okay lang. ayaw kong magpahatid kay opa sa bahay ng kotse kasi delikado na ang daan. masyado ng madulas. hindi ko naisip na madulas na talaga kahit saan.

tumawid kami ng kalsada. muntik ng madulas si kengkay. hawak ko si bunsoy, na muntik na ring madulas. si panganay dala dala nya yung school bag nya sa likuran na parang backpack. sabi ko dahan dahan lang dahil nga muntik na akong madulas. nakasalubong namin ang kapitbahay ni opa na nagwiwisik ng asin sa kalye, para matunaw agad yung snow at hindi madulas. sa bawat hakbang ko e ilang beses na akong madulas. pati na si bunsoy. si panganay e confident pa rin sa paglalakad. tapos nung pababa na talaga, hindi na kaya ng winter booties ko, pati na rin ng booties ni bunsoy.

feeling ko mahuhulog na lang kami hanggang sa ilalim ng kalye. sabi ko sa kapitbahay ni opa, dun muna sya sa daraanan namin mag wisik ng asin. ginawa nga nya. tumigil muna kami sa isang bahagi ng kalye na deretso at hindi pababa. imagine, asa harap pa rin kami ng bahay ni opa e hindi man lang kami makarating sa baba dahil sa sobrang dulas.

naglakad pababa si panganay. nadulas! bagsak talaga sya sa pwet. mabuti na lang may backpack sya sa likod kaya hindi nasaktan. iyak si bebi ko. hindi naman ako makatakbo para tulungan sya dahil ayokong hilahin din si bunsoy at madulas talaga. takbo yung kapitbahay. nadulas din!  talagang nasaktan yung mama. at ilang beses sya nag try tumayo pero dahil nga madulas, ang tagal bago sya nakarating kay panganay. imagine. kung ako ang nadulas pati si bunsoy na saktan na rin. hindi kami pwedeng umakyat ulit kasi nga ang dulas, hindi rin pwedeng bumama kasi ang dulas. waaaa

asa harap pa rin kami ng bahay ni opa. nakiusap ako dun sa mama. sabi ko kung pwedeng tulungan nya si panganay ko na makarating muna sa baba. ayun naman ang ginawa nya. kahit na duguan na yung mama, hinatid nya hanggang baba. kami naman ni bunsoy ko? dahan dahang pumunta sa gilid mismo, para may mahawakan. nabunot yung mga halaman sa hardin ng may hardin dahil sa takot kong hindi madulas.

ayun, pagkatapos ng makabagbagdamdaming ilang minuto ay nakababa rin kami ng bundok. imagine, dati e dalawang minuto lang nakababa na kami ng bundok, ngayon inabot ng sampung minuto!

at todo pasalamat ko dun sa mama. kasi ang alternative dun, at talagang pinagisipan ko na – ay paupong, pagapang na pagbaba sa bundok. yun nga lang, basang basa kami pero di bale na, at least hindi kami nasaktan. pwede ring sa kalsada kami maglakad, kaso mo masikip ang kalsada at yung mga sasakyan nga e hirap na hirap din umakyat na. mas delikado. hayyy.

ayoko na ng ganon. pati mga little kengkay na trauma yata sa snow. pero si panganay ko ang naisip agad nya yung opa nya. dapat daw wag lumabas ng bahay at wag mag drive. dahil delikado ang kalye.

wala lang, nakwento ko lang ang isang madulas na experience namin.

Advertisements

16 mga puna »

  1. ok na rin kahit madulas ng konti dahil dito sa atin sa pinas e sobra naman ang baha, dyan naman yelo pag ganyan season..ingat na lang

    Komento ni payatot — Enero 18, 2009 @ 12:18 hapon | Sagutin

  2. hala… grabe naman yun… yngat yngat po ate… bait naman ni panganay at naisip nya agad lolo nya =)

    Komento ni lalaine — Enero 18, 2009 @ 12:55 hapon | Sagutin

  3. ang hirap naman. malamang kung ako yan gumulong na lang ako. kahit nga walang snow nadudulas ako. grabe hindi ko malimutan yong nadulas ako sa hagdan ng school namin, ang daming steps nun saka sa divisoria as in ….hahahahah

    Komento ni nina — Enero 18, 2009 @ 12:56 hapon | Sagutin

  4. Blog Hopping! Cute Blogger Dropping by!
    http://perspektib.blogspot.com,
    http://marlonofmanila.blogspot.com
    thanks for visiting!

    Komento ni Marlon — Enero 18, 2009 @ 1:08 hapon | Sagutin

  5. Hindi ba sa mga comedies sa TV eh kapag me pinapakitang nadudulas ‘yung mga artista eh lumalabas na katawa-tawa? Pero kung sa atin mismo nangyayari ‘yun eh hindi na siguro. = D

    Komento ni The Gasoline Dude — Enero 18, 2009 @ 6:01 hapon | Sagutin

  6. Yan ang ayoko pag nag snow! I have many near misses, pero never pa akong nadulas AT ayokong ma-experience dahil alam ko masakit. It’s just been cold and wet lately, thank goodness. Kumusta na mamu? See sa 24 January sa Usapang Pinoy? 😀

    Thanks for visiting A Pinay In England and leaving your comments.

    joy
    Your Love Coach
    I, Woman
    Norwich Daily Photo

    Komento ni joy — Enero 18, 2009 @ 6:04 hapon | Sagutin

  7. “nakasalubong namin ang kapitbahay ni opa na nagwiwisik ng asin sa kalye, para matunaw agad yung snow”

    Nakakalito naman ang asin, ano ba talaga ang gamit ng asin? Dito sa pinas nilalagay sa yelo para di madaling matunaw ang yelo, diyan sa inyo nilalagay sa snow para madaling matunaw ang snow… hehehe

    Komento ni Elyong — Enero 18, 2009 @ 8:29 hapon | Sagutin

  8. answeet naman talaga ni panganay little kengkay. buti wala pa din nangyaring masama sa inyo.

    at thank you din kay manong na tumulong senyo. ingats mami kengks!

    Komento ni joycee — Enero 18, 2009 @ 11:27 hapon | Sagutin

  9. Dear Fellow Member of Filipinos Unite!!!,

    We enjoin you to please copy and paste the Prayer Tag and Link For The Philippines and The Filipinos and post it at your own blog. You can add your other blog/s at the end of the link or if you have only one blog and are already included in the link, you may repeat your blog’s name at the end of the link. Be sure to utter the prayer for 9 consecutive days or as often as you can. Tag as many bloggers as you can, preferably Filipino bloggers. But only bona fide Filipinos will be included in the official registry of all Filipino bloggers. As a service to our fellow members, may we request you to please visit at least 10 members a day- 5 members that you know and 5 members that you do not know so that we can help each other improve our page rankings. Please copy the whole post from the picture to the end of copy sign.

    Thank you very much for your wholehearted support of this project. God bless you and your family always.

    Very respectfully,

    Mel Alarilla of Filipinos Unite!!!

    Komento ni Mel Alarilla — Enero 19, 2009 @ 1:14 umaga | Sagutin

  10. Perfect ang title: MADULAS nga.
    Super na-imagine ko ang bawat tagpo…
    Hindi nga iyan biro Kengz.
    Ang sweet naman ni panganay to think of her Opa.
    Ingat ingat po palagi.

    Komento ni revsiopao — Enero 19, 2009 @ 1:36 umaga | Sagutin

  11. haaay naku ms kengkay, di bale ng madulas basta hndi maputik… hehe! kelangan talaga ng tsinelas na makapit para di dumulas… hehe 😉

    Komento ni yhen — Enero 19, 2009 @ 7:04 umaga | Sagutin

  12. buti pa sa tondo, hindi matarik ang mga bahay. nyahaha!

    Komento ni foobarph — Enero 19, 2009 @ 8:56 umaga | Sagutin

  13. magiingat ka lagi ate kengkay.
    tsaka pasabi sa anak mo.
    galing. keep it up.
    🙂

    Komento ni Pepe McKunat — Enero 19, 2009 @ 12:35 hapon | Sagutin

  14. Yayks, nakakatakot magBike/magRollerscates dyan! :/

    Komento ni aLps — Enero 19, 2009 @ 2:54 hapon | Sagutin

  15. naka! pag nag-post na ako nang snow sa philadelphia, maloloka ka hahaha kaya lang for now, sikweet. dapat naka ice skates ka para figure skating ang dating. hehehe

    Komento ni reyna elena — Enero 19, 2009 @ 3:14 hapon | Sagutin

  16. wow astig. thnx light tv, for giving us a oppurtunity to our? music….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Breann — Nobyembre 24, 2012 @ 3:28 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: