Kwentong Kengkay

Enero 22, 2009

kaponpal na blogger

Filed under: Mabait ang Pinoy — kengkay @ 2:48 hapon

natuwa naman ako kasi may tumawag sa akin kahapon

si p0kw4ng, ang babaeng kakatawid lang ng tulay mula italya at ngayon e kapitbahay ko na šŸ˜€ welkam sa alemanya dir!

sempre alam ko ng tatawag sya sa akin kasi nangalabit na sya e. ano ba daw telepon namber ko. easy to get naman ako, binigay ko sa kanya. hindi ko nga lang mabigay yung cell ko kasi hindi ko maalala yung number ko, hehehe

so kahapon. aba, nag ring ang aming telepono. ang nasakabilang linya ang sigaw agad e ‘kengkay!’ e ako naman, sabi ko agad ko, huyyyy!! naks, parang alam ko agad kung sino yung tumawag ano, hahaha. pero dahil malakas ang ESQ ko, naamoy ko agad na si p0kw4ng ang asa kabilang linya. chikahan kami. bistuhan. kulitan. feeling matagal na magkaibigan. matalanang mga ilang buwan pa lang kami nagkokomentan sa blogs namin.

iba talaga ang dating ng blogging ano? tulad ni sofie. isa pa yan sa kaponpal ko. tumawag sya sa king nung isang araw na down na down ang kakengkayan ko. at dahil sa kanya e naging up ako. hindi ko yon malilimutan. at ang masarap non, kapag tumatawag sya sa akin e magandang sorpresa parati sa akin, sarap ba naman ng chismisan namin e. pinaguusapan namin yung mga taong hindi naman namin kilala pero nagkakaintindihan kami. o de vah! at marami na ring akong naging kaponpal na bloggers talaga, pramis enjoy ako šŸ˜€ tahimik kasi telepono namin dito e. mas marami pang kaponpal mga little kengkays kesa sa nanay nila, waaa

kakatuwa talaga ang maging kaponpal ang mga kablogs. nung umuwi ako ng pinas nitong 2008, binigay ko sa madlang pipol ang aking cell pon sa pinas, aba, ang daming nangulet. yung iba nga yata hindi ko talaga kablog pero nakikulit din, hahaha. pero dahil game naman si ako, ayun, nakikulet din. ang masaya pa nito, biglang may susundo na lang sa akin sa hotel. gimik daw kami kasi andun na daw sila sa baba. antay naman ako sa baba. kahit hindi ko pa sila nakikita at kahit hindi pa nila ako nakikita, sapul parati. ‘kengkay?’ sagot ako agad ng ‘uu’ — walang sablay yan.parang may sariling antenna yata ang bloggers kapag kita kits e. kapag EB ba.

may mga taong ako naman ang nangulit sa telepono. pero lahat sila ang baet baet. kung saan saan kami na invite. kahit naliligaw kami e punta pa rin kami. kaya naman nung umuwi kami dito ang sabi ni kengkoy ‘bakit daw parang araw araw yata kaming lumalabas nitong nakaraang bakasyon.’ hindi nya alam dahil yon sa walang katapusang EB, hehehe

kung gusto nyong makita ang EB namin? halungkatin dito sa aking blog, basta may EB, yun na yun, hehehe

Advertisements

28 mga puna »

  1. nakakatuwa kasi ang mga blog prenz šŸ˜€
    sila karamay mo kapag down ka talga..
    ahahaha..

    nga pala, ate, sayang di po kau makapagkoment
    samen, pero xlinks po tau ah!:D

    Komento ni nadine — Enero 22, 2009 @ 3:59 hapon | Sagutin

  2. nakakatuwa kasi ang mga blog prenz šŸ˜€
    sila karamay mo kapag down ka talga..
    ahahaha..

    nga pala, ate, sayang di po kau makapagkoment
    samen, pero xlinks po tau ah!:D

    ingat po:D

    kengkay: linked ;D sayang nga at speechless ako dun sa blogs ninyo, hehe

    Komento ni nadine — Enero 22, 2009 @ 4:00 hapon | Sagutin

  3. hihihi..ihanda mo lang ang sarili mo at tatawag tawagan kita…hirap din naman ng walang kadaldalan no kahit sa phone lang!

    kengkay: haha ang hindi handa yung phone ko kasi ang baterya nya pang 30 mins chika lang, kainis!

    Komento ni p0kw4ng — Enero 22, 2009 @ 6:07 hapon | Sagutin

  4. Hello Kengkay,

    Sus… wala yon. Anytime, alam ko namang malayo ka sa kabihasnan e, sabi mo kasi e. šŸ˜† Pero di naman malayo kasi lapitlapit mo nga sa Heidelberg e. Balak kong puntahan balang araw yan at ng makita ko naman yong istatwa ni lolo jose. šŸ™‚

    Pero salamat nga pala sa link. šŸ™‚

    kengkay: sabay tayo dumalaw kay rizal at di ko pa rin sya nabisita, kahiya!

    Komento ni Sofie — Enero 22, 2009 @ 6:23 hapon | Sagutin

  5. sige kukulitin kita šŸ™‚ 2 cents/minute lang sa skype šŸ™‚

    kengkay: ang mahal, haha

    Komento ni nina — Enero 22, 2009 @ 6:49 hapon | Sagutin

  6. korek… naging bc din ang fon ko nung umuwi ako..sana ako rin may mga kaponpal…lungkot kasi ako mami kengkz e ..la ako barkada dito..hmmn kunin ko nga ang number mo…unilimted ako sa Skype e šŸ™‚

    kengkay: di ako marunong mag skype, hehehe. kakalungkot talaga ano? mas marami pang tawag para sa mga little kengkays, waaa

    Komento ni manilenya — Enero 22, 2009 @ 7:26 hapon | Sagutin

  7. akalain mo nga naman… nabanggit nga sakin ni Ms Pokwie na kinaladkad sya ng AMO nya mula italya hanggang alemanya. Akalain mo yun? sa italya nameet na nya at nakilala sina REV, ngayon naman may namumugtong EB naman sa ALEMANYA? huwaw! ang swerte nga naman talaga.. hehehehe.. mami-meet na nya ang the great “KENGKAY” … kakainggit! hehehehe

    hitsbinawayl Madam… hehehe, wala na yung malaking ballpen sa header mo a.. šŸ˜›

    kengkay: great kengkay daw o – great ronturon din, hahaha

    Komento ni ronturon — Enero 22, 2009 @ 8:25 hapon | Sagutin

  8. kengkay, bigyan mo nga si manilenya ng kaponpal para matahimik yan..mukhang malungkot sya doon sa bayan ng mga dahon..buti pa kayo kita kits na..

    kengkay: hahaha, wawa naman kaming asa abrod no? tahimik ang telepon

    Komento ni payatot — Enero 23, 2009 @ 12:01 umaga | Sagutin

  9. pwede ba siyang maging kaponpal? bored na ako dito sa Girona e.

    kengkay: naku baka mabuntal kami ng asawa mong espanyola, hahaha

    Komento ni pinoyonlinenovels — Enero 23, 2009 @ 12:42 umaga | Sagutin

  10. {may halong pait ng ampalaya}
    inagaw mo sa akin si powkie! una siyang naging akin! LOL
    na-miss ko tuloy ang pangungulit ni powkie sa YM at celfone.
    dati, ‘pag may free credit na siya (dahil pareho kami ng network), guguluhin na niyan ang nananahimik na KYUT kong buhay. as in parang nasa cubao lang sa haba ng chikahan.

    sige… ipinagkakaloob ko na siya sa ‘yo {may ganun?!}. ha ha ha.

    kailangang matuloy na ang EB sa Germany na ‘yan! Utoy sama ka?

    kengkay: hahaha, ang iyong kawalan ang napunan naman sa kin! ganunan lang šŸ™‚ ah basta mag EB tayo, kelan ba? dito tayo sa bahay namin, malaki garden namin. mag camping tayo, hehehe

    Komento ni revsiopao — Enero 23, 2009 @ 3:17 umaga | Sagutin

  11. hmm, kakatuwa talaga ang pagblo blog no? lalo na pag nagiging ka phone pal mo na siya! ^^

    kengkay: iba talaga ang blogging, hayss

    Komento ni cindyrella — Enero 23, 2009 @ 4:52 umaga | Sagutin

  12. in fairness mkkhanap k nga ng frens d2 sa blogomosphere… galing naman yan ms kengkay… šŸ˜‰

    kengkay: fair na fair di ba, hahaha

    Komento ni yhen — Enero 23, 2009 @ 8:41 umaga | Sagutin

  13. sarap ng feeling ng ganon… prens sa blogosperyo… palipad nga jan sa germany ate kengks… šŸ™‚ hehehe.

    Komento ni Pilar — Enero 23, 2009 @ 10:11 umaga | Sagutin

  14. ang mga blog kasi ay repleksyon ng isang blogger kaya kahit hindi natin nakikita ay nagiging magaan ang loob natin sa isa’t isa.

    huy, buti pa kayo regular ng mage-EB. ^_^

    Komento ni Snow — Enero 23, 2009 @ 11:48 umaga | Sagutin

  15. nyahaha
    natawa ako dito
    ganon talaga siguro pag kapwa mo blogger
    feeling mo matagal na kayo magkakilala
    iba talaga pag online relationships, ano?
    =P

    Komento ni raft3r — Enero 23, 2009 @ 12:49 hapon | Sagutin

  16. teka
    tayo kaya kelan magkakausap o kaya eb?
    hehe

    Komento ni raft3r — Enero 23, 2009 @ 12:49 hapon | Sagutin

  17. wow naman kengkay.in-demand ka talaga.haha.pwede tayong magponpal din?tawag ka sa malaysian number ko.haha.joke.ayan.feeling close na rin ako.

    Komento ni flamindevil — Enero 23, 2009 @ 1:03 hapon | Sagutin

  18. wow naman kengkay.in-demand ka talaga.haha.pwede tayong magponpal din?tawag ka sa malaysian number ko.haha.joke.ayan.feeling close na rin ako.

    Komento ni flamindevil — Enero 23, 2009 @ 1:04 hapon | Sagutin

  19. sweet! minsan kase ate, your blogger friends completely understand you, kaya ansaya-saya nila kausap.

    they’ll never judge you kase hinde naman talaga kayo magkakakilala. and the friendship will start there.

    i sooo love my blogger friends. šŸ™‚

    Komento ni joycee — Enero 23, 2009 @ 1:22 hapon | Sagutin

  20. ahahaha :)) ang galing naman.. posible talaga pla yun! šŸ™‚

    Komento ni gudang — Enero 23, 2009 @ 2:23 hapon | Sagutin

  21. hehehe okey lang yun mami kengkz from pc to phone naman yun e ako magsskype tawagan kita sa fone mo šŸ™‚

    Komento ni manilenya — Enero 23, 2009 @ 4:15 hapon | Sagutin

  22. Naka-katuwa naman no?

    Missed talaga ang kwentong baluktot.

    JOb well done.

    Komento ni Chie — Enero 23, 2009 @ 6:09 hapon | Sagutin

  23. Naka-katuwa naman no?

    Missed talaga ang kwentong baluktot.

    JOb well done.

    Komento ni Chie — Enero 23, 2009 @ 6:09 hapon | Sagutin

  24. gs2 ko sana maghalungkat sa blog mo kengks kaya lang, bagal ng net ko at pc. siguro pagdating ko sa office sa monday. hint naman jan kung nasan yung eb pic. hahah!

    Komento ni foobarph — Enero 23, 2009 @ 11:02 hapon | Sagutin

  25. Ay phone pal gusto ko yan tsaka telebabad. Parang yung huling post ko. Haha.. Tama lang yan Ate Kengkay makipag-chika ka everyday sa mga close at feeling close friends para di masyado malungkot da vah?

    Komento ni emilayskie — Enero 24, 2009 @ 1:54 umaga | Sagutin

  26. sali na kayo ni pokwang dito: http://buladasphere.ning.com/group/pinoyblagerssayurup kasi 4 million pa lang kami nina brother utoy, rev at mc don. para maging 6 million na tayo. haha

    Komento ni utakmunggo — Enero 24, 2009 @ 8:36 umaga | Sagutin

  27. Wow! nakakarelate naman ako dito mommy kengks?! Sa dami ng mga naging friends ko dito at tumatawag pa from middle east to pilipins. Kakatouch diba?! Andami pa ring magandang bagay ang nagagawa ng blogging. Sabi nga ni joyce habang naiiyak kami sa isang koment ni kuya utoy “sis, minsan hindi ko alam kung totoong tao pa yung mga nakakausap natin” Too good to be true kasi minsan…yung may magmamahal sayo bilang kaibigan kahit di mo pa nakikita. Bat kaya si joyce di ako tinatawagan. Hmmm

    Komento ni Heleyna — Enero 24, 2009 @ 12:00 hapon | Sagutin

  28. Jabbawockeez , supercrew,? poreotix… pinoy pride… magagaling talaga pinoy….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Shira — Nobyembre 25, 2012 @ 12:35 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: