Kwentong Kengkay

Enero 23, 2009

ang aming isdaan

Filed under: Kwentong Kengkoy,Oyropa Ko — kengkay @ 7:10 hapon

ayan ang aming isdaan sa likod ng bahay (fish pond o malaking aquarium) nitong nakaraang linggo.

kawawa naman di ba? napuno ng snow. sa tingin nyo kaya e buhay pa yung mag second babies ng aking si kengkoy na mga koi na isda? ewan ko. yan din tanong sa akin ni kengkoy nung nakita nyang napuno talaga ng snow e.

sabi nya na medyo nanginginig-nginig na sa takot ‘mabuhay kaya ang mga isda? sa tingin mo?’

e ano naman sasabihin ko nung nagbe-breakdown na itong si kengkoy. di sabi ko oo naman, am sure! kahit na hindi ako sure! mahal kasi ang kois dito. tapos ang tagal din bago sila lumaki. nung 2001, sa sobrang tutok nya sa panganay namin e nalimutan nya ang mga isda nya.

ayun, napansin na lang namin na lumulutang na lang sila pagkatapos nung natunaw ang snow. dedong na sila. ang kawawang kengkoy. sinubukan ba namang ibalik yung mga isda sa ilalim ng tubig at baka daw mabuhay ulit, waaa. ayaw na nya maulit yon. kasi yung apat na malalaking isda ang nawala e, between 8-12 years nyang pinalaki. at ang gaganda pa naman ng kulay nila. pwedeng isali sa koi beauty contest dito sa alemanya.

ang laki pa naman ng premyo sa mga beauty contest ng kois na isda dito, hehe. malaking biznes yan talaga, pramis.

pero alam nyo, swerte naman kasi buhay ang mga isda nung natunaw ang snow kahapon. yehey! bakit kanyo may harang yang aming pond? kasi ayaw naming gawing swimming pool yan ng mga bata e. safety first 😀

Advertisements

13 mga puna »

  1. di naman masisi si kengkoy kung ganun sya e paanu ba naman ang hirap naman kasi magalaga ng isda lalao kung mamahalin na tulad ng alaga nyo. grabe ms.kengs from luntian pond to iced pond? buti at nabuhay talaga ang isda sa kapal ng yelong iyan. whew! sana may pic na close up ng isda haha. 😉

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 23, 2009 @ 7:37 hapon | Sagutin

  2. buti di na-frozen ang mga isda? may sa pusa ata ang mga yan..

    Komento ni payatot — Enero 23, 2009 @ 8:11 hapon | Sagutin

  3. Nakakain ba ‘yang isda niyo? Hahaha. Kung mamatay kasi dahil sa snow, OK lang kasi frozen fish lalabas ‘yan pwedeng kainin.

    Teka, pwede nga bang kainin ang Kois? *LOLz*

    Komento ni The Gasoline Dude — Enero 23, 2009 @ 11:51 hapon | Sagutin

  4. Ay gusto ko rin ng kois. Lumalaki yan di ba tapos ang cute? Nami-miss ko na tuloy mga oscar kong inalagaan dati.

    Komento ni emilayskie — Enero 24, 2009 @ 1:44 umaga | Sagutin

  5. sana buhay pa rin ang mga koi. 😀
    anong kulay nila?
    gusto ko ring mag-alaga nyan eH!

    Komento ni winkii — Enero 24, 2009 @ 4:46 umaga | Sagutin

  6. ay, mabuti naman at buhay pa ang mga koi. medyo nagsimula na akong mag-worry habang binabasa ko ang entry na `to. Tiyaga talaga kailangan para makita ang beauty nila. In fairness, masarap silang panooring lumalanguy-langoy.

    Komento ni Salve — Enero 24, 2009 @ 6:10 umaga | Sagutin

  7. buti nalang hindi ako ginawang isda ni papa God. naiimagine ko kasi ang lamig ng tubig kapag winter (halos ayoko na ngang maligo eh) haha.

    Komento ni utakmunggo — Enero 24, 2009 @ 8:38 umaga | Sagutin

  8. Buti naman okey lang yun Koi! Nung namatay ang alaga kong arowana.. nalungkot ako, naluha din dahil matagal ko siyang inalagaan at inilibing ko sa lupa bilang respeto naman sa kanya, parang kapamilya na rin turing ko sa mga alaga kong hayop 🙂

    Komento ni sandi martin — Enero 24, 2009 @ 8:49 umaga | Sagutin

  9. nakahinga ako ng maluwag, buti naman at buhay pa sila.

    Komento ni partofyou — Enero 24, 2009 @ 12:46 hapon | Sagutin

  10. buti naman buhay pa…kasi nung binabasa ko naisip ko kahit tao ata ang mababad sa snow eh baka hindi rin tumagal 🙂

    Komento ni nina — Enero 24, 2009 @ 6:20 hapon | Sagutin

  11. Galing naman ng mga isdang yan at may beauty contest pang nalalaman!
    nakikiramay ako sa mga sinawimpalad na mga isda mo, aling kengkay. 😦

    Komento ni Iska — Enero 25, 2009 @ 1:59 umaga | Sagutin

  12. sarap dyan
    winter wonderland
    hehe

    Komento ni raft3r — Enero 25, 2009 @ 12:32 hapon | Sagutin

  13. naku sayang naman. i can feel his pain. ako rin kasi namatayan ng alagang isda dati. kahit hindi sa pond at hindi koi (sa aquarium lang at mga red pacu lang) ay nakakalungkot pa din talaga.

    Komento ni taroogs — Enero 26, 2009 @ 10:17 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: