Kwentong Kengkay

Enero 28, 2009

Balik Uling?

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 4:37 hapon

meron akong kaibigan, am sure mag-react yan kapag nabasa nya itong blog ko 😀, isang businesswoman.

meron silang tindahan. ang pinakamalaking kita nila ay galing sa pagbenta ng LPG tanks. pero bumaliktad daw ang trend ngayong nagkaron ng financial crisis. halos ilang buwan na daw na wala — as in WALA — walang nabiling LPG tank sa kanila. imagine that!

e ang kanilang baryo e daming tao ha. tapos may kalapit baryo din na maraming tao, ah basta, sa pinas naman daming tao talaga e. sa dami ng taong yon, nag-uuling daw lahat! as in!

ibig bang sabihin e balik uling na para makatipid? aba, praktikal ang mga pinoys. kung ako man, mas hilig ko pa ang mag ihaw kesa sa magprito e. mas malinamnam.

kapag summer dito sa alemanya, halos araw araw e nagiihaw kami. uling din gamit namin. kahit na ubuhin kami sa usok, di bale na, ang sarap yata ng ihaw!

actually kahit nga nagsnow basta walang malakas na hangin e nag-iihaw din kami. yun nga lang, electric grill ang gamit namin. ibang usapan na, hehe

siguro ngayon dapat na ring pagisipan ang magtanim ng sariling gulay at prutas. kahit na sa paso lamang. pa-isa isa. mas matipid talaga kapag may sariling tanim, di ba nga kami may hardin din ng prutas at gulay? o ayan, kahit na winter na at tuyo na ang lupa ay may ipon pa rin kami. kasi yung sobrang gulay e naka-freezer. praktikal din di ba? lalo pa sa pinas na halos buong taon e pwedeng mag tanim.

may patutunguhan naman itong pinagsasabi ko di ba 😀

Advertisements

25 mga puna »

  1. sa tingin ko ang pagiihaw ay pagiging praktikal at mas matipid. pero mas masustansya at masarap ang pagkain =) mahilig din kame sa inihaw basta isda at mais da bes!

    kengkay: hay tulo laway ko masambit ko pa lang ang ihaw 😀

    Komento ni hisnameisdencios — Enero 28, 2009 @ 7:05 hapon | Sagutin

  2. masarap naman talaga ang inhaw lalo na yung tilapia o plapla, naku nagutom ako bigla

    kengkay: ulo ng tuna, liempo, yum!

    Komento ni payatot — Enero 29, 2009 @ 12:54 umaga | Sagutin

  3. tama.

    meron nga yung iba, sa rooftop eh, may mini greenhouse sila dun.

    tapos yung iba naman, walang lupa, as in tubig lang na nilagyan ng nutrients na nakukuha rin sa lupa (sympre pra mabuhay yung mga tanim)

    hahay!

    kengkay: ayan, di ba nagiging creative at praktical para mas masagana ang buhay

    Komento ni foobarph — Enero 29, 2009 @ 1:20 umaga | Sagutin

  4. patutunguhan? hmmm meron syempre!

    malaking bagay ang pagiging praktikal, sa panahon nyayon yung dapat ang gawin sabay na din dapat kng panu magkakaron ng dagdag kita .. gulay kyo dyan bile n kyo! hehe yun eh kung meron kang pagtataniman kung wala eh pede p din ibang bagay …

    kengkay: nung bata pa kami, nangunguha kami ng tubo at kangkong sa likuran ng bahay tapos binebenta namin sa palengke kasi gusto namin bumili ng halo halo 😀

    Komento ni vhincent — Enero 29, 2009 @ 2:18 umaga | Sagutin

  5. in nga ang uling ngayon mami kengks. 🙂

    kengkay: so dapat itabi muna LPG at mag benta ng uling ;D

    Komento ni JOSHMARIE — Enero 29, 2009 @ 2:40 umaga | Sagutin

  6. agree ako sa mga sinabi mo mami kengkay! tama! dapat talagang mag tipid na sa panahon ngayon at sa halip na mag LPG ay mag uling na lang, makakapag exercise ka pa dahil sa kakapay pay ^^

    kengkay: ahahay, paypay dito paypay duon

    Komento ni cindyrella — Enero 29, 2009 @ 4:16 umaga | Sagutin

  7. sa picnic o kaya swimming outing yan ang da bes na pagkain inihaw na isda at liempo,manok tapos sa gulay naman yung nilaga lang at samahan mo ng binagoong isda wah nakakapag laway tlaga :)yang pipino na yan sarap sa suka yan na may paminta..ang taas pa rin ng presyo ng LPG kahit sabihin nilang bumababa na ang presyo ng langis ngayon wala nmn nagbago eh..:)

    kengkay: naglaway naman ako ng todo dyan sa komento mo, feel na feel ko yung mga summer outings namin sa laguna at batangas dati

    Komento ni anakngpating — Enero 29, 2009 @ 4:35 umaga | Sagutin

  8. alam mo kengks ginagawa din namin yan. uling power yung isang lutuan tapos may veggie garden nga si don domeng diba. hard times kasi. LOL. nga pala i have something for you on my blog. enjoy.

    kengkay: ayan, kitams, praktikal dapat. at salamat dun sa regalo mo, inuwi ko na, hehe

    Komento ni prinsesamusang — Enero 29, 2009 @ 7:36 umaga | Sagutin

  9. haha.. balitang balita nga yan d2 sa news.. baliktad nga, wala ng mabiling LPG tank.. imbes walang bumibili sa tindahan.. ULING na uso ngayon sa pinas.. AWTS!! GOBYERNO!!!

    kengkay: uy talaga? na news pa sya ha

    Komento ni jeniffer — Enero 29, 2009 @ 8:28 umaga | Sagutin

  10. uy timing naman..kanina lang naririnig ko sa radyo sa may jeep, wala nga daw mabiling LPG tank ngayon…sabi ng dj tinatago ng mga negosyante para makapagtaas sila ng presyo. Dito naman sa post mo mommy, negosyante naman nagrereklamo. Hanggulo ng ekonomiya..sus.

    kengkay: oo nga ano? sino ba tama? pero sabi nung prend ko lugi na nga daw sila talaga e kasi walang bumibili ng LPG. sana nnga magbenta na muna sya ng uling

    Komento ni Heleyna — Enero 29, 2009 @ 9:26 umaga | Sagutin

  11. Kapag nag ihaw ako ng food dito sa Apartment ko, baka may 999 (emergency call) ako ng mga neighbours ko, baka akala nila may sunog. In a more industrialized setting, this tipid-thingie is not advisable baka masunog ang buong building, pati ako kasama, so wag na lang.

    Sa amin sa bicol, until now nagluluto pa rin kami sa “uling” or pang-gatong. Sosyal kaya ang di-LPG anoh?
    kengkay: hahaha, dito rin sa alemanya, kapag grill, dapat may oras lang kundi aalma buong kapitbahayan. pero pwede naman ang electric grill di ba

    Komento ni K — Enero 29, 2009 @ 9:29 umaga | Sagutin

  12. oo nga, dapat na tayong maging praktikal ngayon! wag na tayong kumain, este, wag na tayong magastos! 🙂

    daan ka sa blog ko. 🙂

    kengkay: hahaha, wag na nga kumain talaga para makatipid

    Komento ni winkii — Enero 29, 2009 @ 9:30 umaga | Sagutin

  13. balik uling nga kami ms. kengks’.. walang mabiling lpg! kaya eto, amoy usok ako 🙂

    kengkay: sa cavite, dun sa kaibigan ko, wala daw bumibili sa LPG nya. naamoy nga kita, pengeng inihaw

    Komento ni sandi martin — Enero 29, 2009 @ 10:18 umaga | Sagutin

  14. hehe..ang layo ms. kengks’.. 1 and half hours din ang byahe ron 🙂 ewan ko ba kung bakit dito sa manila walang mabiling lpg.

    kengkay: maynila tapos 1 and a half hours na ang biyahe papunta cavite? ganun na ka trapik! waaa

    Komento ni sandi martin — Enero 29, 2009 @ 10:44 umaga | Sagutin

  15. at sinong nagsabi na mahirap ang pilipinas? rich ang knowledge. *toink* ain’t that proof enough na kahit naghihikahos e kaya pang mabuhay? 🙂

    kengkay: tumpak pilar! kahit hikakos, may karapatang mabuhay. depende na yon kung papano nya gagawan ng paraan

    Komento ni Pilar — Enero 29, 2009 @ 10:49 umaga | Sagutin

  16. nakakatuwa naman at pumasok na ang mensahe mo sa site ko…salamat po…

    kengkay: naku swertihan lang kasi yung sumunod ayaw na ulit, waaa

    Komento ni payatot — Enero 29, 2009 @ 11:35 umaga | Sagutin

  17. magtipid sa LPG, uling ang gamitin!

    Dito sa Girona, Spain mahilig kami sa ihaw-ihaw. Lahat ng pagkain na pwedeng ihawin, iihawin ng misis ko. Magugulat ka, alimango iniihaw!!!

    Well, may pagkain sa Spain kung tawagin ay grilled txangurros. iba ito sa una kong ipinost na “txangurros al horno”. Yun nga lang para akong kumakain ng plema sa sobrang lansa!!!

    kengkay: ano be, lasang plema? ayaw ko nyan, hahaha. uy oo naman, kami sa bahay iniihaw din namin alimango ano, hahaha

    Komento ni pinoyonlinenovels — Enero 29, 2009 @ 12:43 hapon | Sagutin

  18. the ever creative kengkay, hahaha, iniisip ko nga kung anung pagkain ang namimiss ko, parang wala ata. then that’s it, yung inihaw na panga tsaka tyan ng tuna, with sukang puti na may bawang, awwww! mas masarap ang pagkain kapag uling ang gamit. mmmm, magandang ideya ngayung tag-lamig, kaya lang, super mahal ng uling dito.

    kengkay: sa sunod na uwi mo mag bitbit ka ng uling, hahaha. ah basta, masarap magihaw!

    Komento ni partofyou — Enero 29, 2009 @ 1:14 hapon | Sagutin

  19. Ayos yan! Balik uling na lang lahat. Hehehe.. Buti hindi ako masyado apektado ng LPG kasi butane gas lang ang gamit ko sa portable gas burner ko. Di rin kasi ako masyado nagluluto dahil mag-isa lang ako sa bahay. ^_^

    Tama. Sa panahon ng krisis, dapat talaga magtipid. Hindi naman sa natutuwa ako na bagsak ang business ng kapatid mo Ate Kengks pero parang nakakatuwa isipin na marunong magrespond ng tama ang ibang mga Pinoy sa panahon ng krisis.

    kengkay: hindi ba mas mahal ang butane gas? kasi gamit din namin yan kapag camping e, pero super mahal dito yan

    Komento ni emilayskie — Enero 29, 2009 @ 2:37 hapon | Sagutin

  20. kengkay: ayan, di ba nagiging creative at praktical para mas masagana ang buhay

    foo: agree! pero lam mo, yung patubig na sinasabi ko sayo, yung greenhouse na sa tubig binubuhay ang plants eh $5,000 ang puhunan! grabe! japanese ang nag-start nun. hahay…

    kengkay: ano be, bilyones pesoses, maghihirap ka muna bago ka umani, hahaha

    Komento ni foobarph — Enero 29, 2009 @ 3:21 hapon | Sagutin

  21. nakakagutom mami kengks! i love inihaw! 🙂

    i remember nung maliit pa ko, err, gangngayon naman maliit ako, i mean nung bata pa ko, nagtatanim ang tatay ko ng mga gulay, kase maliit lang ang sweldo nya sa pagpapastor tas madame kameng anak nya.

    kaya super tipid talaga kame nung bata, at anlolobo ng mga pisngi namen. hehe. 🙂

    kengkay: kami ganyan din, nung maliit ako na maliit pa rin ako ngayon, hahaha – meron kaming tanim na gulay at prutas, ang sarap sarap! pero ngayon wala na kasi apartment na yung lupain na yon, hayyysss

    Komento ni joycee — Enero 29, 2009 @ 3:52 hapon | Sagutin

  22. Hello Kengkay,

    Sinabi mo pa. Masarap talaga ang inihaw. Kami rin nga e, kahit winter, yong nga lang de-gas gamit namin hindi na uling. Dati uling pero ngayon hindi na. Pero puro meat e. Kaka-miss yong inihaw na isda. Hay sarap!

    Komento ni Sofie — Enero 30, 2009 @ 4:44 hapon | Sagutin

  23. Hi,

    Good day!!!

    Here our invention in youtube, visit link:

    http://rolexawards.com/en/the-laureates/alexisbelonio-the-project.jsp

    http://www.youtube.com/user/MJAPPROTECH2009#p/u/1/KHqIZSUlOz4

    http://www.youtube.com/user/MJAPPROTECH2009

    Contact details:
    Engr. Alexis Belonio Email: atbelonio@yahoo.com
    Mr. Bima Tahar Email: bimatahar@yahoo.co.id
    Cell number: 62-818611718
    Mr. Michael Belonio Email: Mhbelonio@yahoo.com
    Cell number: +62-85882957712
    Address: K2-7 Taman Techno Park, BSD City , Serpong, Tangerang, Banten , Indonesia

    Thank you.

    BELONIO METAL CRAFT
    (MJ APPROTECH)
    Purok II, Pavia, Iloilo
    Email: jrev_04@yahoo.com
    Contact: Lucio Larano ‐ 09196648315

    Komento ni Winz Tan — Disyembre 3, 2009 @ 5:40 umaga | Sagutin

  24. huwag!!!!!! masarap nga ang inihaw subalit nakakakanser…..taz kawawa naman ang kalikasan kapag uling ang gagamitin…ok lang kung marunong c pinoy magtanim ng magtanim…yun bang gawin nyang pasttime ang pagtatanim.

    Komento ni malu — Pebrero 17, 2010 @ 1:30 umaga | Sagutin

    • kulang lang naman e kaalaman e. kapag nagtanim, may aanihin, di ba?

      Komento ni kengkay — Pebrero 17, 2010 @ 7:15 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: