Kwentong Kengkay

Enero 29, 2009

eng-eng kayo sa blogging?

Filed under: Kaibigan,Magaling ang Pinoy — kengkay @ 3:47 hapon

pwes, katulad kayo ni kengkay, hahahaha.

aaminin ko, kahit na mahigit isang taon na akong nagboblog e eng eng pa rin ako sa mga bagay bagay na sinasakop ng blogging.

ang alam ko lang talaga e madaldal ako.

chismosa ako.

mausisa ako.

marami akong kwento.

mahirap ang walang kausap.

gusto kong bumalik ang aking tagalog.

at sa blog ako nakakahanap ng kausap ng tagalog.

ibig sabihin, tapik tapik lang ng daliri ko sa keyboards ang alam ko.

pero tanungin mo ako kung ano ang hosting? kung ano ang plug ins? pwes, hindi ko po alam ;D

ngayon kung nagiisip ka namang gawing mas maganda ang iyong blog. gusto mo syang lagyan ng kurtina? gusto mong maging atraksyon sya sa puting tabing? gusto mong maging hindi lang sya pang pamilya kundi pang isports pa? gusto mong magkaron ng maraming fans? o kahit na gusto mo lang na maging iba ang iyong blog?

Bigyan ko kayo ng preview kung papano magiiba ang anyo ng inyong blog dahil sa mga ganitong serbisyo (sori inglis kasi kinopya ko lang, hehehe:

  1. We will set-up and fully customize your blog. Theme is ours.
  2. We will provide you with unlimited WordPress blog support.
  3. No membership required of any kind.

We will take care of the following:

  1. Website design and Content Management Software installations;
  2. WordPress installation and development;
  3. WordPress theme design, customization and development;
  4. WordPress recovery from previous hacks, losses and other related errors;
  5. WordPress migration from old to new domain and web hosting; and
  6. Other WordPress back-end and front-end optimization.

naintriga kayo? puntahan ang serbisyong royal. eto ang sagot dyan: CLICK

wala akong komisyon dyan meron mukhang magiging loyal costumer ako ;D

Advertisements

16 mga puna »

  1. maraming salamat! hahaha! maganda ang pasok nang january! thank you again!

    kengkay: welkam. mabuti naman at maganda ang pasok ng taon, tuloy tuloy na yan

    Komento ni reyna elena — Enero 29, 2009 @ 3:50 hapon | Sagutin

  2. reyna elena! my dear! nakalimutan kitang i-add sa akin spam list. hehehe. add na rin kita. ^^

    (ano ba yan, mukhang si reyna ang naging bida sa comments form, lolz!)

    kengkay: oks lang, foo, basta para sa iyong spam list, hehe

    Komento ni foobarph — Enero 29, 2009 @ 5:01 hapon | Sagutin

  3. yun pala yon. parang like ko nga pero ayaw ko naman umalis sa blogger. hirap kasi sa word press eh.

    kengkay: alam mo nina, hmmm…. ewan ko, hahaha. kasi ako oks lang din ang blogger sa kin e pero oks lang din ang wordpress πŸ˜€

    Komento ni nina — Enero 29, 2009 @ 7:32 hapon | Sagutin

  4. haha! pareho pala tayo..tagal ko na ding nagbblog (dati sa blogdrive) pero nagyon pa lang ako nagkakamuwang sa mechanism at kung anu ano’ng jargons..basta sa akin, makapagpost at comment lang, okie na..hapi blogging!

    kengkay: salamat sa pagdaan. hahaha, ako until now di ko alam mga mechanism at mga jargons ano. post at comment, yun ang importante, hehehe

    Komento ni jem — Enero 30, 2009 @ 12:39 umaga | Sagutin

  5. plugging pala etesh… πŸ™‚ madaanan nga.. πŸ˜‰

    kengkay: commercial break daw, hehe

    Komento ni Pilar — Enero 30, 2009 @ 12:53 umaga | Sagutin

  6. talaga bang maganda ang kalalabasan ng blog sayt.. akin lang naman eh makilala ang sayt ko.. salamat sa eng-eng sa blogging….

    kengkay: minsan kasi kapag maganda ang itsura kahit walang laman o minsan lang magpost, daming bisita, hahahaha. pero kung gusto mo kumita, aba, good investment din ang magpakurtina πŸ˜€ salamat sa pagdaan at sa sunod iwan mo URL para mabisita kita ;D

    Komento ni rebeldengpalaka — Enero 30, 2009 @ 2:03 umaga | Sagutin

  7. pwede tutorial!? joke!

    kengkay: seryus? tanong mo din sa kanila πŸ˜€

    Komento ni kwentulang marino — Enero 30, 2009 @ 3:49 umaga | Sagutin

  8. sa totoo lang, ganyan din ako..wala din masyado alam sa pag customise at kung anu-ano pa..dinadaan ko na lang sa pangongopya…ehehehe

    Komento ni payatot — Enero 30, 2009 @ 7:54 umaga | Sagutin

  9. ahaha.. taas ang kamay eng-eng din ako sa blogging.. salamat… cheers;p-glesy the great

    Komento ni glesy the great — Enero 30, 2009 @ 10:13 umaga | Sagutin

  10. uy, para pala sa akin itong blog na ito πŸ™‚

    Komento ni sandi martin — Enero 30, 2009 @ 12:20 hapon | Sagutin

  11. in a scale of one to ten = my knowledge is negatite(-)9 ang alam ko lang magtype kasi pinapalo kami ng teacher ko sa typing noon eh si sSir Benjie na kamukha ni Atoy Ko, mas mataba nga lang siya at kafederacion din ng VS, anong ibig sabihin ng EB? Eternal Blogger? Everybody’s Beautiful? siempre sa Blogging world lahat beautiful aba gamitin ba naman ang mga pix ng mga tartits wag lang yong kay Mark Wahlber

    kengkay: hahaha, apir tayo. ako marunong magtype pero dahil aleman itong keyboard ko e pati pagtatype e nabubulol pa minsan, hehehe. dati rin di ko alam yang EB na yan, pero kunyari alam ko. ang alam ko lang kapag EB ang story e nagkikita kita sila, pero yung tunay na ibig sabihin wiz ko knowing, kawawa naman tayo, πŸ˜€

    Komento ni lcm — Enero 31, 2009 @ 5:36 hapon | Sagutin

  12. isa ring eng-eng…medyo shocking nga ang unang pagkakakilala namin ng installed wordpress. Malay ko bang ganun kahirap yun. Well, lahat naman mahirap sa simula. Inaral ko rin ng ilang buwan…awa ng Diyos medyo natuto naman. Wala kasi ko pambayad sa mga ganyan..wahehe

    Komento ni Heleyna — Enero 31, 2009 @ 7:06 hapon | Sagutin

  13. ok lets call 911 re EB, attenton Reyna E, pls pakisagot mo bago ko sabunutan ang kili kili ko oppps wala na pala, tyinani ko kagabi kasi hindi ako me sumpi ang modem ko, eh eng-eng nga kaya panay tadyak lang ang ginagawa ko sa CPU EB? EB? parang fez to fez ba yon, eye to eye, honestly, di ko alam, wiz ako time to create my own blog kaya i just bwisit Reyna and Ca T and you

    kengkay: eye to eye di ba kay inday badiday yon? hahaha. pareho tayo, tyani pa rin gamit ko. diring diri pati itong si kengkoy kasi ngayon lang daw sya nakakita nung binubunut yung buhok sa kilikili. e masakit daw yon, hahaha. sabi ko naman e kesa naman maging damuhan ang kilikili ko e tiis ko na lang. regaluhan daw nya ako ng razor, nyak, baka mas masakit yun ano, hahaha.

    Komento ni lcm — Pebrero 1, 2009 @ 6:06 hapon | Sagutin

  14. hokey, hokey, nasagot ko na ang tanong ko, i remeber itong ka trabajo ko na Vietnamese, sabi ng kachika ko na Pinay na mas bata sa aking ng 15 years siguro, nakiki pag Eye Ball daw sa mga nakikita niya doon sa mga Singles website. mas gusto ko pa rin yong Everybodys Beautiful he he he, pag gumawa ako si Sofia Loren lalagay ko na pix

    kengkay: hahahaha, mas maganda nga ang everybody’s beautiful kesa sa eye ball, parag eye bag ;D hanu be, talagang nag research ka pa ha, tenks ha.

    Komento ni lcm — Pebrero 1, 2009 @ 7:31 hapon | Sagutin

  15. para pala sa akin itong blog na ito
    WORDPRESS MIGRATION

    Komento ni WORDPRESSMIGRATION — Agosto 28, 2010 @ 1:45 hapon | Sagutin

  16. go go astig pinoy????. from carl barrack….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Evelyn — Nobyembre 24, 2012 @ 4:50 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: