Kwentong Kengkay

Enero 31, 2009

pinatalsik sa trabaho dahil sa tabo (updated)

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 9:43 umaga

isa itong tabo alert na binulong sa akin ni nina, tenks beri mats talaga. naiyak ako sa kabaliwan nung nabasa ko tong kwento na to. tinamaan ako kasi ang pamilya kengkay ay fan ng tabo.

alam naman ninyong labs na labs namin ang tabo dito sa alemanya. ang mga little kengkays hindi yan gagawa ng milagro sa toilet kapag alam nilang walang tabo. at ang pinakaimportanteng dala namin kapag magbabakasyon kami? edi sempre ang tabo pa rin! kundi daw e magpipigil daw sila hanggang sa umuwi kami sa bahay na may tabo, hehe

nung unang pasok nga ni bunsoy ko sa kindergarten e bago sya umalis ng bahay ang tanong nya ganito. ‘mama, papano yan kapag pupunta ako ng toilet? meron bang tabo dun?’ hahahaha. ang kyut talaga ng mga little kengkays di ba? sila ang aking tabo girls!

bago mapakwento na naman ako ng tungkol sa tabo e basahin nyo ang istorya ng isang pinoy na natanggal sa trabaho nya sa australia dahil sa paggamit nya ng tabo. bilib ako sa kanya ha, pinanindigan nya ang pag-gamit nya ng tabo! saludo ako sa mga taong proud na gumagamit ng tabo! kadugo namin sila. at bisita namin dati na gustong matutong mag tabo? pwes, nag aantay pa rin sya ng demo, hahaha

galing sya dito.

Townsville Bulletin

by Lendl Ryan

January 24th, 2009

A TOWNSVILLE man has been sacked for `un-Australian’ toilet habits.

Amador Bernabe, 43, uses water to clean himself instead of toilet paper.

Mr Bernabe, a machine operator on a working visa from the Philippines, said it was his culture.

But on Thursday he got the shock of his life when his foreman followed him into the toilet questioning his toilet hygiene.

Mr Bernabe said his employer Townsville Engineering Industries (TEI) sacked him yesterday for not going to the toilet the Australian way.

TEI, which is located at the Bohle, could not be reached for comment yesterday.

The move has angered union bosses and politicians on the Australia Day weekend.

“I went to go to the toilet and I took a bottle of water when my foreman saw me and he said `you can’t bring the water in there’,” Mr Bernabe said.

“I asked why and he said it wasn’t good but I said it’s our way and he followed me into the toilet.

“I said it’s my personal hygiene. I didn’t break any law, I didn’t break any rules of the company, why can’t I do this, and he said he would report me to the manager.

“The next morning when I came in I went to punch my time card and he told me the manager wanted to talk to me in his office.

“He asked me what had happened and I explained to him and he said if I didn’t follow the Australian way I would be immediately terminated and I said `sir, then you better terminate me’.”

Australian Manufacturing Worker’s Union state organiser Rick Finch said the incident was shocking.

“I think it is atrocious, an invasion of a person’s rights and cultural beliefs,” he said.

“The paradox of the toilet and a person’s actions is something that no boss can even think about interfering with and the thought that bosses think they have the control to get involved in the toiletry is a gross invasion of an employee’s privacy.

“If it wasn’t so disgusting it would almost be laughable.”

Mr Finch slammed the move as `bigoted’.

Greens spokeswoman Jenny Stirling praised Mr Bernabe for standing up for his rights.

“I commend the man for standing up for himself and I encourage the employer to have further talks with the union and the employee and I am sure commonsense will prevail,” she said.

“I would like to see how Australians feel when they go to Europe where in places they don’t have toilet paper.”

Thuringowa MP Craig Wallace said the company should re-evaluate their priorities.

“Employers should be worried how their business operates rather than what their employees do in the loo,” he said.

“I know in a number of cultures using paper to clean yourself is considered an offence because of their beliefs.

“If he is being hygienic and not bothering anyone else then good luck to him.”

Mr Finch said employers should be more tolerant of their employees, especially in Mr Bernabe’s case where he has been brought to the country by TEI on a 457 visa.

“At the end of the day we are a multicultural society and if they want to import workers then they need to be tolerant of other workers and other cultures,” he said.

“They don’t own these workers, they are borrowed and hired to carry out a job.

“The thought these bosses think they can lord it over these workers is insane.

“What it shows is the company’s complete arrogance for workers’ rights.”

Mr Bernabe, a father of four, had been with the company since April 2008 and said he had no problems until yesterday.

“It’s hard work but it is my skill so it is good,” he said.

“The only problem was yesterday.”

anong masasabi ninyo? over naman di ba? nanilip pa talaga yung mama. violation agad yung una na yun. tapos kung ano man gawin ng tao para maging manilis ang pwet nya, pwes, kanyang bisnes na yon, ano be!

salamat kay sofie — eto naman ang sagot nung employer

Firm denies man sacked over toilet habits

LEONIE JOHNSON

January 27th, 2009

TOWNSVILLE Engineering Industries (TEI) has denied their employee was sacked for his toilet habits.

TOWNSVILLE Engineering Industries (TEI) has denied their employee was sacked for his toilet habits.

Company manager Byron Carter said Amador Bernabe’s toilet habits had posed a `serious health risk’ to his other employees and he had been counselled a number of times about the issue.

The 43-year-old machine operator was working for TEI Bohle on a working visa from the Philippines and used water to clean himself instead of toilet paper.

Mr Carter said health and hygiene issues had been raised by other staff members.

“The issue concerning Mr Bernabe is not about toilet etiquette, it is about hygiene and the health of other employees,” he said.

“Mr Bernabe’s technique to cleanse himself with water after his toiletry visits leaves the toilet cubical splashed with water suspected to be contaminated with faeces and wet soggy toilet paper lying on the floor.

“Other employees complain about the mess and the possible spread of disease and will not use the cubicles until they are cleaned and disinfected.”

Australian Manufacturing Worker’s Union state organiser Rick Finch said Mr Bernabe was sacked for not going to the toilet the Australian way.

Mr Carter denied Mr Bernabe was sacked.

“Mr Bernabe was given the opportunity to clean up his toiletry habits or he would be terminated. He was told the choice was his,” he said.

“After a heated discussion with the workshop foreman, Mr Bernabe left his place of work without notice and has not been back to work.”

Mr Carter said the problem was an ongoing issue.

“Contrary to Mr Bernabe’s statement that he had no problems until yesterday (Friday), he had been counselled a number of times about his toiletry habits,” he said.

“On one occasion he was instructed to clean out the mess he made in the toilet cubicle as it was not acceptable to leave it in such a state. On a number of occasions Mr Bernabe was urged to carry out his toiletry functions in the Australian way in order to prevent contamination of the toilet cubicle and upsetting other users of the facilities.

“The continuation of Mr Bernabe’s toiletry habits poses an unnecessary health risk to other employees and cannot be accepted.”

well, tama naman na dapat maging maayos sa pag gamit ng tabo. kadiri naman talaga kung basa at daming kalat ang papasukan mong toilet di ba? maging maayos naman dapat. kahit sa anong bagay, lalo pat maraming gumagamit. kung ayaw mong gumamit ng maduming toilet, edi iwanang maayos para sa mga susunod na gagamit. atsaka wag kalimutan mag hugas ng kamay pagkatapos.

nga pala, kami dito nagpapahid muna ng basang toilet paper bago mag tabo ;D para hindi masyadong kadiri, hehehe

Advertisements

16 mga puna »

  1. di na talaga mawawala sa kultura natin ang tabo, ang nakakaasar nga lang e minsan nagiging dahilan yon ng di magandang karanasan tulad ni mang amador..hay, tabo…marnong na ba ang aleman na gumamit ng tabo?

    kengkay: hindi pa marunong gumamit ng tabo, hehe

    Komento ni payatot — Enero 31, 2009 @ 10:47 umaga | Sagutin

  2. ay naku kami rin po hindi pwedeng walang tabo sa bahay tatlo-tatlo nga tabo namen (paramihan ba ito?):) hindi kasi syempre isa sa banyo,(rest room sa ingles) lababo, at isa pa para sa mga chikiting namen..hindi kami nakakapagsimula ng walang tabo sa banyo dahil yun na gamit namen dahil wala naman kaming shower saka hindi sanay sa patissue2 na yan ng ibang mayayaman hehe..
    mas presko kasi pag tabo na may tubig ang panghugas mo i debah..:)
    kesa sa tissue na minsan may naiiwan pa :)LOL

    kengkay: ay, dalawa lang tabo namin, panalo kayo, hahaha

    Komento ni anakngpating — Enero 31, 2009 @ 11:16 umaga | Sagutin

  3. kulturang filipino na kasi ito.. ang tabo bow 🙂

    kengkay: pinoy tabo ;D

    Komento ni sandi martin — Enero 31, 2009 @ 12:07 hapon | Sagutin

  4. EXAGE!!! grabe. pati pagtae babantayan!

    kengkay: yun ang over da bakod talaga

    Komento ni Pilar — Enero 31, 2009 @ 12:14 hapon | Sagutin

  5. Hello Kengkay,

    No offense lang sa karamihan na gumagamit ng tabo. Tingnan natin sa ibang anggulo.

    Ok, sa tutuo lang, di ako gumagamit ng tabo sa bahay. May bidet kasi. Pag sa labas, toilet paper pero kakapalan ko siya tapos babasain ko muna siya. Sa tutuo lang, ok lang na gagamit ng tabo yong tao basta ba hindi mababasa ang floor. Yon ang concern ko. I don’t like it when the floor gets wet. At kung pagkatapos ng gamit ng toilet e, punasan naman nila at linisan ang toilet seat or toilet kung sila ang nagcause na nabasa ang floor. Kakadiri kaya yon. Napansin nyo ba na ang mga sapatos dito e kahit nakahiga sa kama, hindi hinuhubad. Minsan kahit nakaupo, nakataas ang paang may sapatos pa. Hindi naman kabastusan yon lalo nat kung magkakabarkada. Pero dahil filipino nga ako, ayoko ko ring makakita ng sapatos sa kama. E papaano kung ang gawi nating ganyan, malinis ka nga, pero yong iniwan mo naman dumi sa toilet e nandoon. Tapos papasok ka, e di sapatos noong iba ang nadumihan. Yon ang nakakadiri. Kaya iniiwasan kung pumunta ng public toilet dahil ayoko normally papasok sa basang toilet.

    May reply ako sa isang blog na pag seguro alam kung galing sa banyo ang isang tao at gumagamit ng tabo, kahit alam ko pang naghugas siya ng kamay, mag-hehesitate pa rin ako to shake hands with the person. Sorry guys, pero ha, siguraduhin nyo lang na naghugas kayo ng tatlong beses at walang naiwan sa mga fingernails nyo. Hehehe…

    Sa bahay sa Pinas, may bidet rin pero may gumagamit pa rin ng tabo. Pero siniseguro ko kaagad na kung sino man ang gumamit ng toilet, kailangan pagpasok ko e hindi sya basa kung hindi sermon ang aabutin. Hahaha.. 😆 Nakapaa kaya ako minsan papasok ng toilet.

    Eto ang isang version ng report. Ilagay ko na rin dito yong importante na nakasaad sa report.

    “The issue concerning Mr Bernabe is not about toilet etiquette, it is about hygiene and the health of other employees,” he said.

    “Mr Bernabe’s technique to cleanse himself with water after his toiletry visits leaves the toilet cubical splashed with water suspected to be contaminated with faeces and wet soggy toilet paper lying on the floor.

    “Other employees complain about the mess and the possible spread of disease and will not use the cubicles until they are cleaned and disinfected.”

    Galing dito… http://www.townsvillebulletin.com.au/article/2009/01/27/35221_hpnews.html

    Grabe, Kengkay, isang blog entry na to ha… hehehe….

    Anyway, have a great week! Peace to all! 🙂

    kengkay: salamat sa news update mo. naghanap ako ng news about it pero di na ko nakahanap e. pero alam mo, tama ka naman e. ako ayoko din na umupo sa basang toilet seat ano. pero naging propesyonal na ako sa paghugas ng pwet using da tabo e. hindi na sya nakakabasa ng upuan, hehehe. kanya kanyang style lang yan. at oo, kapag walang tabo, tisyu na basa, oks na rin sya.

    at saka naman, dapat lang naman na linisin ang toilet bawat gamit di ba? minsan kasi may mga taong balasubas e o kaya naman sanay na may naglilinis para sa kanila. magpasintabi naman tayo para sa mga susunod na gagamit di ba?

    Komento ni Sofie — Enero 31, 2009 @ 1:40 hapon | Sagutin

  6. Hi Ms Kengkay,
    I’m starting to love your blogs, feel na feel ko ang mga experiences mo abroad, andaming mong nshare, I just want to commend you sa galing mong maging writer… From now on, magiging regular visitor na ako ng blog mo.. hoping to read more blogs of yours

    kengkay: blogs ba sabi mo? ibig mong sabihin e naglakbay ka na sa mga pinaiwanan ko ng aking kwentong wala akong magpagkwentuhan kaya dito ako sa mga blogs nagkwento, hehe. welkam at kung may blog ka, iwan mo ang URL para mabisita din kita

    Komento ni melai1022 — Enero 31, 2009 @ 2:13 hapon | Sagutin

  7. hahaha. ang cute! sabi nga nila, pinoy cr is equal to tabo. haha

    kengkay: makontrobersyal talaga ang tabo ano?

    Komento ni sexybitchy — Enero 31, 2009 @ 2:38 hapon | Sagutin

  8. grabe! pero kahit ako talaga di mabubuhay kung walang tabo no.. lalo na at di naman ako sanay sa tissue.. iba pa din ang may tubig! tsk tsk!

    Komento ni Cindyrella — Enero 31, 2009 @ 3:30 hapon | Sagutin

  9. Nyay lumaki ang isyu dahil alng sa tabo? Hanubayun! Anyway, parehong may point…pero compromise na lang sana like maglagay ng rules sa tamang paggamit ng tabo..wag naman termination agad.

    Komento ni Heleyna — Enero 31, 2009 @ 6:52 hapon | Sagutin

  10. Thinking about it, so pag nasa public toilet kaya si Manong, nag tatabo din kaya sya?

    Minsan it’s common sense na rin eh, if you invited me sa bahay mo, of course, I will use toilet paper kahit tabong-tabo na ako, eh kung ang mga little kenks pagkatapos mong gamitin pumasok at naka paa lang, baka maapakan nila yung mga grapes looking ebs sa floor, diba super ewwwww?

    Tas nakalimutan mo pang mag hugas, yung kuku may ebs din. Ewww.

    Papano kung yung ebs ni Manong bugris? Ewwww.

    Diba?

    Komento ni K — Enero 31, 2009 @ 10:42 hapon | Sagutin

  11. LOL when i first heard this hindi ako makapaniwala LOL!

    Komento ni prinsesamusang — Pebrero 1, 2009 @ 12:27 umaga | Sagutin

  12. err. sometimes, palpak ang pagtatanggol ng sarili kung isang side lang ng istorya ang paiiralin.
    you can practice things na culture mo but by doing so, respect others culture too.

    saludo ako in a way sa pagtayo nya sa karapatan nya, pero yung employer eh may dahilan din naman. parang yung pinoy pa yung nagmukhang unprofesional dahil sa hindi paglitaw sa trabaho imbes na nag compromise.

    we can all practice our cultural diversity pero siguro respect others–compromise.

    la lang. haha

    Komento ni Dyepri Budoy — Pebrero 1, 2009 @ 3:08 umaga | Sagutin

  13. Iba-iba talaga prefrence ng tao. Dito kasi uso yong parang spray – di ko kasi alam ang tawag. Normally, sa lababo sa pinas mayroon noon. Dito lahat ng CR meron noon panghugas talaga. I use that first and tissue then I wash with anti-bacterial soap. Tapos I wash my hand after with soap and water.

    At kahit weewee lang, I wash unless wala talagang way para maghugas. I will feel really uncomfortable if I don’t wash.

    ANyways, may e-mail ako sa’yo baka kasi mapunta sa spam. Thanks.

    Komento ni nina — Pebrero 1, 2009 @ 4:29 umaga | Sagutin

  14. Parte ng ng kulturang Filipino yung tabo. Di ko rin ma-imagine ang sarili ko na hindi gagamit ng tabo.

    Komento ni Den Relojo — Pebrero 1, 2009 @ 1:33 hapon | Sagutin

  15. Hmpft…inggit lang sila sa Pinoy kasi tayo gumagamit ng tabo sa toilet. Hindi kaya komportable kapag hindi naka-wash up! ^_^

    Komento ni Snow — Pebrero 1, 2009 @ 3:53 hapon | Sagutin

  16. totoo yan
    pag lulumalabas ako ng pinas
    angh una kong hinahanap ang tabo
    nyahaha

    Komento ni raft3r — Pebrero 3, 2009 @ 8:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: