Kwentong Kengkay

Pebrero 1, 2009

pang-kamot

Filed under: Kwentong Kengkoy,Pinas — kengkay @ 2:56 hapon

mimis-camera-043 am sure pamilyar sa inyong lahat itong asa litrato. am sure meron din kayo nyan sa bahay. am sure parati ninyong gamit yan. am sure kung wala man kayo nyan e hinahanap hanap nyo yan.

yan ang opisyal pang kamot sa pinas di ba? hehehe. alam nyo bang isa yan sa mga pinunta namin sa baguio nung asa pinas kami nung 2006? imagine asa la union kami nakalagak pero tinahak namin ang baguio dahil intrigang intriga dyan si kengkoy.

kasi naman over si kengkoy kapag nangangamot e. kapag may makati gusto nyan super diin ang kamot. e ayoko nga. baka mabali mga kuko ko, peke pa naman sila! ehem, actually hindi mahaba kuko ko ano. kaya lang di ko talaga type ang mangamot. ang mga little kengkays ang opisyal na taga kamot ng tatay nila. o kaya naman yung poste ng bahay, hahaha.

pero sabi ko sa pinas merong magandang pang kamot. gusto daw ni kengkoy ng ganun. o ayan, edi nakahanap sya ng pang kamot. made in pinas pa talaga. proud na proud sya nung nakakita sya ng ganyan sa baguio. nag test kamot pa muna syaΒ  sa tindahan para malaman kung alin ang pipiliin nya, hehe. sempre yung mga tindera e pinag bigyan naman si kengkoy. tuwang tuwa sila sa pinag-gagawa ng asawa ko, hmpf πŸ˜€

kaya ayun tuloy, nung bayaran na? tinawaran ng husto ni kengkoy. kasi daw ang daming bumili din nung magtest kamot sya e. pero totoo naman, naging center of attraction ang kanilang tindahan habang nag de-demonstrate si kengkoy. kaya may discount syang nakuha. may i buy pa nga sya ng pang kamot as pasalubong dito.

kayo, may pang kamot din ba sa bahay?

Advertisements

22 mga puna »

  1. may pangkamot sa aming tahanan pero hindi siya ginagamit dahil dekorasyon na lang siya sa bahay! ^_^

    kengkay: hehe, yung mga taong pinasalubungan namin ng ganyan sinabit din nila e. pero nung sinabi namin na pang kamot yon, aba, edi kamot na rin sila ;D

    Komento ni Snow — Pebrero 1, 2009 @ 3:55 hapon | Sagutin

  2. parang best friend ko na rin yang pangkamot na yan eh hehehe..

    kaya dito sa bahay yan palagi ang katabi ko noon kahit pa matutulog na ko. πŸ˜†

    kengkay: aba, at kamot queen ka rin pala, hahaha

    Komento ni angel — Pebrero 1, 2009 @ 4:33 hapon | Sagutin

  3. tuwing me galing Pinas binibigyan nila ako ng pangkamot, sabi naman ng Sweet One ko bakit daw ayaw kong gamitin, my answer eh anjan ka naman Honey para kumamot. aside from the pangkamot usual pasalubong din yong mga pamaypay kaya ipangdedecoarate ko naman siya sa Opis, this reminds me yong aking biniling relo na me sungay ng kalabaw doon sa Mines, I have to bring it here sa US, pinagkaguluhan din kami kasi napagtripan namin yong mga wall hangers na made of cloth, showing ng tindera sa amin ang mga design kaya ang daming nakiuzi

    kengkay: hahahaha, di ba mas madali syang bitbitin? hindi lang sya pwedeng pang kamot kundi pang kotong din sa mga makulit na waswit, hehe. aba, mukhang maganda yang relo mo na may sungay ah. nainggit si kengkay, hahahaah

    Komento ni lcm — Pebrero 1, 2009 @ 6:24 hapon | Sagutin

  4. hay kailangan ko yata nyan..pero hindi sa likod ko gagamitin,hihihi

    kengkay: nakow, masakit yan, masyadong payat at mahaba, hahaha

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 1, 2009 @ 9:09 hapon | Sagutin

  5. ohhhh! sarap kaya kamutin kapg may makati. hehe

    lalo na kung likod mo ang makati.

    may trill kamutin! haha

    ate kengs nrecieve ko na comment mo. yahoo!

    kengkay: challenging talaga kapag sa likod na ang makati ano, haha.
    pinahihirapan ako ng blogspot sa pag comment, sa totoo lang

    Komento ni Joffred — Pebrero 1, 2009 @ 9:50 hapon | Sagutin

  6. meron akong pangkamot sa bahay!

    *titig sa tinidor*

    fork: wah! why me!?
    foo: shadap and be silent.
    fork: *sniffs*

    kengkay: mukhang tunay na tinidor yang hawak mo, foo! mag ingat ka, hehe

    Komento ni foobarph — Pebrero 2, 2009 @ 12:03 umaga | Sagutin

  7. kami.. kami.. meron pangkamot.. sarap gamitin niyan..ahhaha
    kengkay: sabi ko na nga ba, may aamin!

    Komento ni neto — Pebrero 2, 2009 @ 12:45 umaga | Sagutin

  8. alala ko yung biyenan kong lalaki, sa pader ng bahay siya nagpapakamot..hehehehe
    kengkay: hahaha, tatay ko ganyan din. kaya minsan kala namin lumilindol!

    Komento ni payatot — Pebrero 2, 2009 @ 1:22 umaga | Sagutin

  9. meron din kaming pang kamot sa bahay pero siguro di siya sa baguio binili. grabe din kasi magkamot ang aking ama.. ^^

    kengkay: ewan ko ba sa mga tatay na yan, mga kamot kings ;D

    Komento ni cindyrella — Pebrero 2, 2009 @ 4:27 umaga | Sagutin

  10. hahaha ang kulit naman ni kengkoy. at infairness mabentang mabenta sa mga dayuhan ang pangkamot na yan ms kengkay, lalo na yung hirap na hirap abutin ang likod nila… πŸ˜‰

    kengkay: hanu pa nga ba, para na silang asa heaven kapag may ganyang pang kamot, ano ;D

    Komento ni yhen — Pebrero 2, 2009 @ 5:09 umaga | Sagutin

  11. palagay ko bawat pinoy alam ang makasaysayan at walang kamatayang pangkamot na yan.
    bagaman wala kaming ganyan sa ngayon, kapag makati ang likod ay dumatalikod nalang ako at ikinakaskas ang likod sa haligi o dingding ng bahay.

    kengkay: actually, ako ganyan din ginagawa ko, hahaha. takot kasi akong masugatan sa mga kuko ng may kuko e, praktical pa, hehe

    Komento ni ELIment — Pebrero 2, 2009 @ 5:14 umaga | Sagutin

  12. hhaa. namiss ko yung ultimate pangkamot namin sa pinas dati. ultimate dahil simula pagkabata sya na ang pangkamot namin. LOLS/ marami rin syang naging gamit. puno na rin sya ng packaging tapes dahil naalala kong yun ang pinampalo sa akin ni inay upang itest kung matigas at kaya ko na daw bang lumaban. LOLS. nakakatawa talaga itsura ng pankamot na yun. nahati sya diagonally sa center. puno ng tapes then yung daliri kulang na. pero pangkamot pa rin namin sya. bwahaha
    kengkay: ano ba si nanay mo, hindi na lang gumamit ng walis tingting para pamalo, hehehe.

    Komento ni Dyepri Budoy — Pebrero 2, 2009 @ 6:30 umaga | Sagutin

  13. kami rin merong pangkamot! tatay ko kasi ang hilig magkamot.
    kaya ayon. meron din naman sa mga palengke pero iba pa rin kapag fresh from baguio! πŸ™‚

    kengkay: uy, meron na rin sya sa palengke? aba am sure mas mura sya, hehe

    Komento ni winkii — Pebrero 2, 2009 @ 8:48 umaga | Sagutin

  14. mayroon din akong pangkamot na dinala dito sa Spain. As usual, tulad ni Kengkoy, tuwang-tuwa rin si Komander ko at wiling-wili niyang ipinakita sa mga amigas niya. Yung isa naming kumareng Espanyola,bumisita pa ng Pinas at bumili rin ng pangkamot na iyan (kasama ng mga peanut brittle, dried mangos, etc.)!!!

    ibang klase talaga ang mga foreigner no? Halatang inosente sa kultura natin… πŸ™‚

    kengkay: ano ba, sana sinabi mong may pupunta dyan at magpapabili rin ako, hahaha

    Komento ni pinoyonlinenovels — Pebrero 2, 2009 @ 9:30 umaga | Sagutin

  15. may pang kamot din dito sa bahay ms. kengks’, pero hindi ko makita ngayon pwede bang mahiram muna yang sa inyo? nangangati na likod ko eh πŸ™‚ Seryoso, ang sarap talaga ng pakiramdam kapag nakamot na likod mo nyang gamit na yan πŸ™‚

    kengkay: walang hiraman at yan ang tanging yaman ni kengkoy, hahaha

    Komento ni sandi martin — Pebrero 2, 2009 @ 10:31 umaga | Sagutin

  16. Nice naman pangkamot! Haha.. Ate Kengks ang kengkoy mo ba ay isang Aleman? Sorry po sa personal question. T__T

    kengkay: hahaha, oo, isa syang aleman pero sabi nya e pinoy na daw sya ;D

    Komento ni emilayskie — Pebrero 2, 2009 @ 12:02 hapon | Sagutin

  17. meron kameng ganyan mami kengks kaya lang dahil sa madaming makukulet na bata samen hinde ko na alam kung nasan ngayun. linsyak.

    kengkay: hay kung minsan tinatago rin ng mga little kengkays yang pang kamot na yan ano. pero kapag hinanap na ng tatay nila e ikot pwet nilang lahat

    Komento ni joycee — Pebrero 2, 2009 @ 12:44 hapon | Sagutin

  18. mas masarap kung mga kamay ang pangkamot mami kengs..

    kengkay: kamay o kuko? hehehe

    Komento ni mangbadoy — Pebrero 2, 2009 @ 1:11 hapon | Sagutin

  19. akala ko sex toy iyan
    hehe

    Komento ni raft3r — Pebrero 3, 2009 @ 8:32 umaga | Sagutin

  20. meron kami nya sa pinas!haha.sinong pinoy ba ang wala nyan?

    gusto sa baguio lengua saka chocolate flakes.

    Komento ni flamindevil — Pebrero 5, 2009 @ 10:38 umaga | Sagutin

  21. mas masarap kapag tunay na kamay ang kakamot sa likod…

    kengkay: haha, sakit lang kapag mahaba kuko ;D

    Komento ni efren — Pebrero 6, 2009 @ 4:50 umaga | Sagutin

  22. yung pangkamot talaga ah.
    hahaha πŸ™‚
    nice blog. πŸ˜‰

    kengkay: tunay na pang kamot πŸ˜€

    Komento ni darwin =D — Pebrero 6, 2009 @ 9:24 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: