Kwentong Kengkay

Pebrero 3, 2009

asia grocery shopping

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 2:50 hapon

asia shopwala na kaming bigas. kaya naman naligaw ulit kami sa asia shop na malapit sa amin. sempre naman, importante ang bigas sa amin.

kahit pa sanay na kaming kumain ng tinapay at patatas e hindi maaaring hindi mag-kanin ng mga ilang beses sa isang linggo.

at dahil andun na rin kami sa asia shop, sininghot singhot at inamoy amoy ko na rin ang mga pagkain na gusto kong ulit matikman. para namang marunong ako magluto, hehe.

sempre, kahit sinabi ko kay kengkoy na bigas lang kailangan namin e nadagdagan pa rin ang aming lista. si kengkoy e napabili ng kanyang paboritong very, very spicy chilli. oo, kayang kaya nito ang maanghang! paborito nya yung tipong naluluha na ako sa anghang.

tapos nadagdagan ng indian curry paste kasi paborito ko ang indian food sa totoo lang. tapos sabi nung vietnamese na may ari e merong daw syang bagong gawang fresh tofu. edi bili ako ng dalawang piraso. sarap yata ng tokwa’t baboy! yum. sabi ko igigisa ko ang tokwa, sabi nya hindi daw kasi hindi daw dapat lutong luto ang tokwa. edi sabi ko sa kanya na masarap yon dahil tokwat baboy nga ano, edi na shock sya kasi hindi daw nya alam yon. o ngayon alam na nya, hehe

tapos si kengkoy nakakita ng lychee in can. bili sya ng dalawang lata. tapos nakakita ako ng hopia, hahaha. hindi nga lang polland o holland, made in france kamo sya, ano ba yun! at bumili rin ako ng chicharon at ng toyo.

at magkano kanyo ang binayaran namin? tumataginting na 45,05 oyro o kung convert natin ay 2,838.25 pesoses (dito sa alemanya e hindi period ang nakalagay kundi comma).

ang isang sako ng bigas, 10 kilo ang laman? 28 oyro po isa. at yung chicharon? 2,20 oyro sempre. at yung toyo? 1,89 oyro po. hindi ko alam kung mahal o hinde. dahil tinigilan ko na ang pag convert at ako ay nababaliw lamang ;D

Advertisements

23 mga puna »

  1. mahilig rin sa lychee ang mister mo? yung mister ko mahilig din non at yung isa pang nasa lata. Longgans yata iyon. ay ang sarap. sarap din ng towa’t baboy. lalo na’t puno ng green onions. yum.

    kengkay: si papa in law ko mahilig din, ayun at sinubukang magtanim ng lychee kaso mo ayun, ang taas na ng halaman pero wala pa ring bunga. nalalamigan siguro. sabi ko din kay kengkoy e tikman nya yung rambutan e. di ba masarap din yun

    Komento ni Mahalia — Pebrero 3, 2009 @ 3:15 hapon | Sagutin

  2. baka may frozen grated cassava dyan 🙂 madali lang yong cassava cake. yakang, yaka mo, search ka lang sa google ng recipe.

    Buti pa dyan may baboy. dito maraming tofu pero walang baboy wah… Mas mahal ang bigas dyan ng konti… ako din di na masyado nagcoconvert. May swift and purefoods hotdog na kami rito. yey!

    kengkay: hay, nag try na ako using frozen grated cassava. sempre, palpak, hahaha. yung kaibigan ko na taga abu dhabi nagdala rin dati sa amin dito ng purefoods, hay, sarap.

    Komento ni nina — Pebrero 3, 2009 @ 4:04 hapon | Sagutin

  3. msrp talga kumain kung may kanin ahehe nakakasawa kasi kung puro karne lang e, hilig ko rin ang maanghang ^^, i agree na masarap talaga ang tokwa’t baboy isa rin sa peboret’s ko yan ^^

    kengkay: sa totoo lang, kapag nilatag sa yo yung pagkalaki laking steak sempre ang hanap mo agad kanin, hehehe

    Komento ni jex — Pebrero 3, 2009 @ 4:08 hapon | Sagutin

  4. omg, 1,680 pesos ang 10 kgs ng bigas jan! dito 588 pesos.

    kengkay: waaa, padalhan mo ako ng bigas dito ;D

    Komento ni partofyou — Pebrero 3, 2009 @ 7:04 hapon | Sagutin

  5. hahaha apir tayo kengkay..kadadaan ko lang din sa asian market kanina at bumili din ako ng hopia,chippy at oishi,hihihi

    kengkay: pengeng chippy, wala dito nyan e

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 3, 2009 @ 7:23 hapon | Sagutin

  6. masarap ang indian curry paste. nakatikim ako sa eroplano ng emirates. =) magggrosery na nga ako bukas hehe. bibili din ako ng chicharon.. hehe

    kengkay: sa totoo lang, masarap talaga ang indian food at sempre mas masarap ang chicharon.

    Komento ni hisnameisdencios — Pebrero 3, 2009 @ 7:47 hapon | Sagutin

  7. hehe
    paborito ko ang tokwa
    pati tokwa,t baboy
    may natira paba?
    padalhan mo naman ako

    basta may tokwa
    trip ko
    hehe

    kengkay: hoy, ikaw magpadala. dun sa may kanto ni bago dumating kina aling charing, masarap ang tokwat baboy nila dun, hahaha

    Komento ni raft3r — Pebrero 3, 2009 @ 9:30 hapon | Sagutin

  8. oyro!nabasa ko nanaman. nkakatuwa. hehe

    msarap ang tokwat baboy kung may lugaw.

    tpos malamig panahon. woah! sarap!

    kengkay: lugaw o kaya gotto. tapos may puto, yumyum! haha, ang kyut naman talaga ng oyro di ba!

    Komento ni Joffred — Pebrero 3, 2009 @ 10:17 hapon | Sagutin

  9. [blog-hopping mode]

    san bansa ba currency ang oyro? ngayon ko lang narinig yun eh. hehehe… kakamis din ang pinoy food kung out of the country ka. pero di pa ko nakakatikim ng indian curry paste. pero peborit ko yung roti prata na sinawsaw sa fish head curry. pareho ba yun? hehe!

    kengkay: uy, oo roti sarap din pero subukan mo ang indian curry paste, tsalap. at ang oyro ay matatagpuan mo sa bansa sa oyropa, hahaha. euro = europe ;D

    Komento ni enjoy — Pebrero 4, 2009 @ 12:22 umaga | Sagutin

  10. ok ang post mo ha! may natutunan tuloy kami sa kung paano mag kwenta ang mga aleman sa pera

    kengkay: nakakalito talaga kapag una mong makikita ang comma, para nga akong eng-eng pero masasanay rin ;D

    Komento ni payatot — Pebrero 4, 2009 @ 2:29 umaga | Sagutin

  11. Tungkol sa paggo-grocery sa panahong ito, kailangan nang magdala ng calculator para mabudget na husto ang ating bibilhin. Kaso wala na ngang mabudget pa sa hirap ng buhay ngayon. Mabuti na lang lagi akong nakakakita ng kangkong sa grocery kaya kahit kaunti lang ang pera ko, sa balutan na lang parang marami na akong napamili, hehehe.

    kengkay: dali sa may likod bahay namin e maraming kangkong, tubo, kamote, bayabas, manga, santol, kaimito, saging at kung ano ano pa. pero dahil sa hirap ng buhay e ginawang apartments, o ayun, kung ginawa na lang bang hardin ng prutas at gulay edi mas lalong mas maginhawa sana buhay ano? ako hindi calculator dala ko, kundi isang maliit na supot kasi kapag cart ang dala ko napapadagdag ng bilihin e, hehehe

    Komento ni Colegiala girl — Pebrero 4, 2009 @ 3:23 umaga | Sagutin

  12. LOL that is the irony of life kengkay no? pag nasa RP ka you opt for imported goodies but when you are abroad, aba kahit mega spend ka sige lang basta matikman mo lang ang sariling atin.

    kengkay: tunay ka dyan. imported din ulit ang gusto pero yung mga galing sa pinangalingang bansa, hay buhey

    Komento ni prinsesamusang — Pebrero 4, 2009 @ 5:31 umaga | Sagutin

  13. naku damang-dama ko ata ang pagka-miss mo sa mga pagkain sa atin. ako man talamak na sa tokwa’t baboy.. hehe

    kengkay: mas natutulo laway ko kapag nag blog hop ako at pagkain ang nakalagay, waaaa

    Komento ni hitokirihoshi — Pebrero 4, 2009 @ 6:59 umaga | Sagutin

  14. mahal pala ang bigas sainyo mami. inferness, natuto ako s apagko-convert mo 😛

    kengkay: alam mo bang dati, nung 2001 e 11 oyro lang ang bigas? sobrang doble ng tinaas ng presyo ano

    Komento ni joshmarie — Pebrero 4, 2009 @ 7:12 umaga | Sagutin

  15. ms. kengks, namiss ko kayo 🙂

    next time, wag ka na mag-coconvert kasi, hahaha… oo nga, yung boss ko german, tapos head office namin Germany, comma nga ginagamit nila sa mga prices/numbers… naloka nga ako sa mga invoices noong nag-uumpisa palang ako magwork sa kanila, hahaha…

    kengkay: hay na miss din kita. musta na? hindi ka ba nabaliw nung nakita mo yung mga commas? hahaha

    Komento ni wifeybee — Pebrero 4, 2009 @ 8:54 umaga | Sagutin

  16. mami kengks! grocery na namen yan for 1 month huwaaa, mahal ng cost of living jan hihi.

    pero keri lang super happy naman kayu eh. 🙂

    kengkay: kaya naman feeling mayaman kami kapag umuwi kami ng pinas, hehe

    Komento ni joycee — Pebrero 4, 2009 @ 3:16 hapon | Sagutin

  17. kung ico convert mo siya sa peso mas mura talaga sa pilipinas.. kaya nga pag uwi ko medyo magro grocery na din ako dun sa atin hehe ^^

    kengkay: hay ako din, napupuno ang bahage namin ng pinoy items hehe

    Komento ni Cindyrella — Pebrero 4, 2009 @ 3:19 hapon | Sagutin

  18. Anong brand nung chicharon? 😀

    kengkay: ni re pack na sya e. danish brand na, hahaha

    Komento ni aLps — Pebrero 4, 2009 @ 6:06 hapon | Sagutin

  19. tama.pag nasa ibang bansa,wag na mag convert para hindi masakit sa ulo.bili lang nang bili.hehe

    gusto mo indian food?ayoko ng roti canai nila,ewan kung narinig mo na.

    kengkay: may mga indian food din na ayaw ko pero karamihan e gusto ko sila, basta roti e type ko ;D

    Komento ni flamindevil — Pebrero 5, 2009 @ 10:33 umaga | Sagutin

  20. ahahaha! ‘yun pala yun! oyro = euro… uu nga noh! hehehe! salamat nga pala sa pagdaan mo sa site ko. sige next time try ko yung indian curry paste. balitaan kita sa lasa. 😀

    teker!

    kengkay: OA lang ako kaya sya oyro, heheh. ay super sarap ng indian curry paste, penge!

    Komento ni enjoy — Pebrero 5, 2009 @ 5:32 hapon | Sagutin

  21. na-highblood naman ako dun sa presyo ng binayaran mo! kunsabagay, kahapon eh bumili ako ng “suzi wan” na toyo (iba ang lasa, wierd), 6€ agad.

    oyro pala ang pronounce dyan. dito, uh-roh. parang umlaut e lang.ü

    kengkay: ahaha, oo, tigas ng pronounciation nila dito ng oyro. ang mahal naman ng toyo mo, ako datu puti 1.99 oyro lang, hehehe

    Komento ni brotherutoy — Pebrero 5, 2009 @ 9:06 hapon | Sagutin

  22. ayaw mag open yong site kung saan nakuha ko recipe ng cassava cake 🙂 e-mail ko sa’yo buti naisulat ko…

    Komento ni nina — Pebrero 6, 2009 @ 5:17 hapon | Sagutin

  23. oh inutang ko pa nga ke Boying yong $40 kasi hindi na daw siya natanggap ng credit card so bumalik ako after two days to pay in cash yong 2 magnolia ice cream, one ube, one mango, sukang iloko isang spicy isang regular, boy bawang korniks of course at sinigang mix, dati yong $40 me kasama ng isang tray ng lechon, ngayon ito na lang ang laman ng $40

    kengkay: waaa, pakisabi mo kay boying magtayo din sya dito ng tindahan. ano be, walang ganyan dito ano. karamihan ng tinda lang na pinoy brands e yung toyo at suka at chicharon, kakainggit naman kayo dyan, waaaa ulit

    Komento ni lcm — Pebrero 7, 2009 @ 11:49 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: