Kwentong Kengkay

Pebrero 4, 2009

saan magandang resort sa subic?

Filed under: Pinas — kengkay @ 4:31 hapon
Tags: , , , , , ,

nagsesekontot ako. dati gusto ko bumalik ulit kami sa batangas. o kaya naman sa la union kung saan na padpad na rin kami. basta konting dagat ba. yung konting maneho lang palayo ng maynila ay asa dagat ka na agad. ayoko naman lumipad. ayoko naman mag barko. basta yung malapit lang sa maynila.

sayang wala ng lido beach o kaya nido beach sa cavite, heheh. sempre pwedeng sa batangas na nakarating na kami; pero pwede rin sa subic na di pa nadadalaw ng aking imported na pamilya, di ba? kaya naman ako ay nangangarap na. patungong subic na ang aking pangarap.

pero as usual, ang hirap mag-hanap ng resort kasi kundi walang website yung resorts e kulang ang information. at ang hirap sempre mang hula di ba? lalo pat dito kami sa alemanya mag-bo-book tapos pagdating pala dun e kanya kanyang dala ng bahay kubo at panggatong ;D

kaya naman naghanap hanap ako sa internet at eto mga nakita ko na mukhang maganda. kung sino man nakarating na dito, pwedeng mag iwan ng comments? kung maganda, pangets, pwede na rin, huwag na huwag, at kung pwedeng masagot yung mga tanong ko. ang importante e kung maganda ang daan papunta at kung maganda at malinis ang dagat. salamat pow!

Grande Island Resort

SPECIAL PROMO
(Jan. 6 to Mar. 31, 2009)

Room per night
(Maximum of 4 persons per room per night) P 6,600.00

INCLUSIVE OF:
Room

Ferry transfer (2:15pm to Grande)
Ferry transfer (1:15 pm to Subic)

3 Meals per room night
(Set breakfast, Resort lunch and BBQ dinner)

One Complimentary banana boat ride for 4 persons
Free use of all amenities such as fishing reel, billiard, volley ball, free fishing in the lake, life jacket and others.
(Except ATV and water sport towable)

**All the above mentioned are subject to change without prior notice**

at eto naman kapag normal rates ang hanap nyo:

HOTEL ROOM

Overnight Rate/Room

USD 150
Includes:

* Breakfast for two (2) persons
* Maximum of two (2) persons in a room

parang mahirap magcalculate kasi yung quaruple e isa lang ay may pagkain. kawawa naman yung tatlo, may i tingin lang, hehe. at sempre kasama na dun yung ferry rides, mukhang mas mura kapag apatan ano? siksikan pero dahil malalaki naman yung kama nila, mukhang okay lang kapag ang kasama ay mga batang bulinggit.

pero ang tanong ko e, gaano katagal ang biyahe ng ferry papunta dun sa island? ayoko masyadong nagbabangka e. pero kung sandali lang, mukhang maganda dito.

White Rock Resort

eto naman ay promo nila para sa holy week. okay din kaya lang okay ba ang beach nila?

Type of Rooms Number of Rooms Overnight Room Rate
MAIN
Deluxe 42 P 7,100
Corner Suite 3 P 10,800
Family Room (2 adjoining Rooms) 23 For Four (4) P 12,200
BEACHFRONT
Beachfront 20 P 8,300
Suit Room 1 P 12,200
Suite Room (w/ guest room) 1 P 13,350
BEACHSIDE
Beachside Room 15 P 8,300
Beach Cottage (3 Bedrooms) 4 For Four (4)P 16,800
Extra Person (Charge w/ Accommodation and Breakfast) P 1,600
Child Rate (Sharing Bed w/ Adults)
(Todlers, below 2 yrs. old not required to pay for buffet breakfast)
FREE Room Charge
buffet breakfast P 450
(for children age 3-7 yrs. old)

INCLUSIONS:

  • FREE Live Entertainment nightly
  • FREE parking space, use of swimming pools, hammocks & Beach
  • FREE mineral water in Hotel Room (replenished daily
  • All rooms with complimentary coffee & tea
  • Enjoy our 10-Lane Bowling Alley:P80 / Game
  • Relax at our Wellness Center and Enjoy Afternoon at Spa
  • FREE use of kayaks (20 units)
  • Jet skiing, Water skiing & Banana Boat Riding available
    at Water Sports Center with reasonable price

Full payment is required to confirm reservation

Check-out Time: 12:00 nn

  • (Request fot 1 up to 2 hour extension is allowed if preceding low occupancy night)
  • Guest may check-in their luggage at the Fron Desk and may proceed
    to enjoy the resort facilities.
  • Early check-in or late checkout allowed during low occupancy nights.

****RATES ARE SUBJECT TO CHANGE WITHOUT PRIOR NOTICE


Camayan Beach Resort Subic

dito naman ang dami kong nakitang istorya kaso mo naman hindi ko magets yun image nya e. hindi ko makita yung wa presyo nya atsaka wala syang pool. maganda rin kaya ang beach nya? sinong nakarating na dito?

Subic Legend Hotel
Dito naman, maganda ba ang dagat?

ROOM TYPE
RATES
  • Php 4,500
  • Php 5,500
  • Php 6,000
  • Php 6,500
  • Php 7,500
  • Php 8,500
  • Php 15,000
  • Php 20,000
  • Php 25,000
  • Php 500

Vista Marina
na rekomendado ng aking sister at ng isang taga Subic na si ellieshe

Advertisements

18 mga puna »

  1. Hi, actually taga Bataan aq, so sobrang lapit lang namin sa Subic, ok ang mga beaches dun, ang daan naman papunta dun, eh ok namn kasi nga ginawa na ang NLEX sook ang byahe, diretso lang talaga.. about sa mga beaches, i will recommend to you ang Legenda, ok ang service at super relaxing ang place… ok din ang White Rock.. maganda ang lahat ng beaches dun.. enjoy your vacation…

    kengkay: uy, salamat sa iniwan mong komento. balik ka sana at iwan mo ang iyong link para mabisita rin kita šŸ˜€

    Komento ni melai1022 — Pebrero 4, 2009 @ 5:51 hapon | Sagutin

  2. uuwi kayo? why not go sa south…dito ka maghanap ng resort…
    http://www.travelsmart.net

    kengkay: balak balakan muna, nina. plano planuhan. kung sakaling umuwi man kami e walang oras para sa malayong biyahe e. pang malapitan lang sa maynila ang balak namin muna. wala munang eroplano kasi hassle din yung magbook sa airlines e. at least kapag malapit lang, sakay lang ng bus e pwede na ;D

    Komento ni nina — Pebrero 4, 2009 @ 7:31 hapon | Sagutin

  3. kengks, puro class pala na resort ang nadapuan mo sa net..meron pa rin naman lido beach dito sa cavite kaya lang pangit na itsura nya..yung mga nabanggit mo e di ko pa napuntahan..ang sikat ngayon dito sa cavite e yung island cove, pag aari sya ng dating gov. remulla at may share din ata si loren legarda..nasa dagat sya pero nagbukod na sya..ibig sabihin, bagamat dagat e kinulong nila yung lugar at nilagyan ng pool..dito malimit mag punta yung mga artista natin..yan lang ang ma share ko sayo..ingat

    kengkay: uy, buhay pa pala ang lido beach sa cavite? dyan kami parati nung bata pa kami e. ayaw ko sa island cove kasi pool lang sya e. mas type ko yung may dagat para sa aking bunsoy na kailangan ng tubig alat ;D

    Komento ni payatot — Pebrero 5, 2009 @ 12:24 umaga | Sagutin

  4. kengkay dear, nagpunta na ako ng grande island mga 5 times na…maganda naman…tiyak mag-e-enjoy anak mo dun kasi may man-made lagoon, swimming pool at sasakay pa ng yate bago makarating sa island. i enjoyed my stay there talaga! šŸ™‚

    kengkay: maganda nga daw ang grande kaso mo parang ayaw kong sumakat ng bangka papunta dun e, nyay, tapos mga 30 mins daw ang byahe.

    Komento ni Snow — Pebrero 5, 2009 @ 3:42 umaga | Sagutin

  5. wala akong maiishare hehehe ate kengks hehe gusto ko rin kasi maghanap ng resort na maganada hehe o dagat marinduque yung last na napuntahan kong dagat tawid dagat nga lang yun malayo hehe..kung sa batangas madami nga dun dagat hehe..:)enjoy sa vacation ate kengks ..ang dami uuwi ngayon sa pilipinas ah ang saya …

    kengkay: kapag hindi ako nakakita sa subic baka balik batangas kami

    Komento ni anakngpating — Pebrero 5, 2009 @ 3:47 umaga | Sagutin

  6. hmmm… im really not familiar sa subic ms kengkay, pero il try to ask my fren na taga dun kung ano ang magandang resort dun… šŸ˜‰

    kengkay: sige nga, tanong mo. mas maraming idea mas okay ;D

    Komento ni yhen — Pebrero 5, 2009 @ 6:24 umaga | Sagutin

  7. hindi pa ako nakarating sa mga yan mami kasi puro beach sa south ang napupuntahan ko. mga virgin beach sa quezon. šŸ™‚

    kengkay: kapag papuntang quezon kami atsaka kita kalabitin ;D

    Komento ni JOSHMARIE — Pebrero 5, 2009 @ 7:27 umaga | Sagutin

  8. Ate,

    Try mo i check wesbite ng vista marina sa subic, we’ve been there last year. And planned to go back again this March. uwi ba kayo?

    kengkay: nakita ko nga sya kaso parang may kulang… hmmm. kasi isang resto lang sya. parang gusto ko yung may mas maraming pagkain, hehe.

    Komento ni Jo-Anne — Pebrero 5, 2009 @ 7:57 umaga | Sagutin

  9. hi po,

    try niyo po sa vista marina..maganda ang view tsaka me swimming pool sila…malapit rin sila sa pier one at sobrang ganda dun(pier one) kasi me mga live band na swak sa panlasa niyo ang mga songs. ..

    sa norte naman po , mas magaganda dun kasi malinis ang tubig dagat.

    nagwowork po ako dito sa Olongapo, malapit sa sbma.

    kengkay: uy, salamat sa pagiwan ng comment. yung vista marina ba walking distance lang sa mga restaurants at pasyalan? kung ganun e mas ok nga sya

    Komento ni ellieshe — Pebrero 5, 2009 @ 9:27 umaga | Sagutin

  10. naku ayan na si ellieshe, taga dun yan kaya siguradong kabisado lang lugar.

    kengkay: aba, at kilala mo pala si ellieshe

    Komento ni ELIment — Pebrero 5, 2009 @ 9:39 umaga | Sagutin

  11. kengkay, nalula ako sa presyo! grabe! samantalang mga resorts dito sa spain e 20 euros lang 4 na katao na!

    whew! ang aga niyo naman magbakasyon!lol!

    kengkay: hahaha, over sa dami ng thousen thousen yung presyo sa pinas ano? pero naman, super mahal sa espanya ano. san ba malapit ang girona?

    Komento ni pinoyonlinenovels — Pebrero 5, 2009 @ 10:00 umaga | Sagutin

  12. wala akong magandang alam sa subic, sa white rock..wag dun ms.kengkay panget dun.

    konting drive pa kayo.punta kayo zambales..anawangin cove,ok na ok.

    kengkay: ayoko sa anawangin dahil pang camping yung area di ba? parang di na bagay yon sa nanay at tatay ko, hahaha

    Komento ni flamindevil — Pebrero 5, 2009 @ 10:30 umaga | Sagutin

  13. nakaratng na ako sa subic pero noong prep hahah! tagal na kaya nun! pero alam ko maganda dun! ayaw niyo mag BORA? hehe!

    kengkay: kapag subic kasi kahit kelan pwede pumunta kasi sakay ka lang ng kotse o bus pwede na, kapag bora mag book ka pa ng eroplano e.

    Komento ni Cindyrella — Pebrero 5, 2009 @ 1:05 hapon | Sagutin

  14. Kengkay, I’ve been to Camayan na. Kaya lang, namahalan ako sa food. But that was about 2 or 3 years pa yata. Baka lower na price ngayon. Ang advantage nga lang, malapit siya sa Ocean Adventure šŸ˜‰

    Okay din po ang suggestion ni Cindyrella. If not Bora, pwede rin po sa Palawan. Madali na naman po magpa-book ng plane lalo na’t maraming promo. Kung meron ka mga kamag-anak na pwedeng mag-book in advance for your family, much better. Kasi the earlier you book, the cheaper. Also, you can avail of promos.

    Here’s an example kung gaano kamura ang pwedeng makuhang plane fare: Dati ang regular plane fare papunta sa mahal kong probinsya is around 3,500. Nung nagpromo, nakuha ko ng 1,200. Yesterday, may nakita akong isa pang promo, 888 na lang hehehe. Pero ito sigurong pinakamura eh baka talagang unahan para makakuha hehehe

    kengkay: hirap yata akong makipag unahan kasi wala ako dyan sa pinas, pero maganda yang suggestions mo ha

    Komento ni Nortehanon — Pebrero 5, 2009 @ 11:55 hapon | Sagutin

  15. […] kengkay @ 2:13 pm parang na-convince nyo akong lumipad na lang papunta ng bohol o boracay, hmmm nagdalawang isip tuloy ako sa subic, […]

    Pasa ni bohol o boracay? « Kwentong Kengkay — Pebrero 7, 2009 @ 2:15 hapon | Sagutin

  16. mommy kengkz! taga subic din ako.
    maganda sa grande island. sobra! exciting yung mga water sports nila. šŸ™‚
    yung ferry travel is 5-10 minutes sa big boat.
    pero 30 mins pag yung small boat lang ang gagamitin.

    sa white rock naman, maganda din. madanda din yung rooms nila. yung beach.. uhmm. ok cya pero last time kong pumunta eh nangati ako. šŸ˜¦

    sa subic legend hotel naman, hmm. di ko feel yung beach kc hnde naman sa kanila yun. ang meron lang sila is swimming pool.

    sa camayan.. i’ll prefer white rock kesa sa camayan.. pero all in all, i’ll say yes to grande island. šŸ™‚

    kengkay: subic girl ka pala ha. mukhang maganda nga talaga sa grande, kung 15 mins lang sya, baka ok na rin na magbangka

    Komento ni vanny — Pebrero 7, 2009 @ 2:32 hapon | Sagutin

  17. hi mami kengks. ang tagal ko hindi nadalaw dito. may sarili ka na palang domain! ang galing!

    heniway, nakarating na ako ng subic medyo several times na pero balikan lang. nagbabalak din sana kami bumalik for at least an overnight stay kaya naghahanap-hanap din ako

    isa sa mga kinonsider ko ay yung camayan nga dahil katabi lang ocean adventure. at pag dun ka nag-stay libre na entrance sa OA. i suggest, you take a look sa wikimapia para may picture ka kung alin ba ang malapit sa beach o kung okay lang mag-stay sa isang hotel without beach, then mag-beach hopping na lang.

    basta iiwasan mo lang yung hotel na madals nawawalan ng valuables ang guests. sori, hindi ko na maalala name ng hotel na yun. kung type mo mag-read ng forum – http://www.virtualtourist.com/.

    inside Subic Bay Freeport ba ang type mo? kasi yung whiterock yata hindi yun sa loob ng SBMA.

    blated happy vday!

    kengkay: nyayyy, yun ay ayaw ko, yang mga malilikot ang kamay. kaka walang gana agad simula ng bakasyon kapag ganyan e. i check ko nga yang wikimapia at virtualtourist

    Komento ni Bem — Pebrero 15, 2009 @ 11:55 umaga | Sagutin

  18. halo pare….. kamusta?anung balita?. i’m? from indonesia. i have many friend pinoy here in saudi….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Lawana — Nobyembre 24, 2012 @ 3:11 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s