Kwentong Kengkay

Pebrero 7, 2009

bohol o boracay?

Filed under: Masarap sa Pinas — kengkay @ 2:13 hapon
Tags: ,

parang na-convince nyo akong lumipad na lang papunta ng bohol o boracay, hmmm πŸ˜€ nagdalawang isip tuloy ako sa subic, hmmm.

so ngayon eto talaga ang kwento. sana hindi nagbabasa ng blog ko ang nanay at tatay ko. at sa mga kapitbahay at kamag-anak at mga kaututang dila namin na napadpad dito, sikret muna natin to, okay?

kasi ngayong marso e magcelebrate ang nanay at tatay ko ng kanilang 40th wedding anniversary. parang ang sarap naman yata kung i sorpresa sila ng second honeymoon trip di ba? sabi nga lang ni kengkoy e make sure daw na walang iuuwing bagong anak, hahaha

mas ok kung isakay sila ng eroplano at ibaba sa isa sa pinakamagandang lugar sa ating bayan na hindi pa nila nararating. pati tuloy ako e na excite naman. parang gusto ko sumama, waaaa. kaya naman napili namin e bohol o kaya naman e boracay.

at dahil ang huling punta ko sa boracay e nung early 1980s pa — at talaga namang pinaghandaan ko pa dahil nag enrol ako sa isang fitness studio sa pinas, gumastos talaga ako para magkaron ng karapatan na makapag two piece, hahaha. sempre iba na ang boracay ngayon. dami na ring hotels at 24 hours na ang kuryente??? kasi nung andun kami dati e may schedule ang generator services pero sempre mas masaya at mas konti ang tao. meron kayong gustong irecommend na resorts?

paradise garden resort
friday’s boracay
nami boracay
boracay regency

at sempre ang bohol. parang gusto kong umakyat ng chocolate hills at pagpadulas. e pero teka, nanay at tatay ko nga pala ang bida dito. maganda din dun sa panglao di ba? atsaka historical site sya, am sure magugustuhan din yan ng nanay at tatay ko. pero dahil di pa ko nakakarating dyan, hindi ko rin alam kung saan sila dadalhin. kaya tanong ko ulit? san maganda sa bohol para sa second honeymooners?

bohol bee farm?
bohol beach club?
panglao island nature resort?
bohol plaza resort?

sempre ang number wan na dapat e… hindi mataas ang lugar kasi si nanay ko hindi na masyado yan maka-akyat e. atsaka malapit lang ang mga lakwatsahan at kainan. at sempre dapat yung walang masyadong kaguluhan sa paligid. kasi nga dapat relak relak lang sila.

ayan, antayin ko ang mga recommendations ninyo ha!

Advertisements

41 mga puna »

  1. hmm. never been in bohol and bora. 😦
    snxt month pa lang ako pupunta ng bohol. at sa april pa ako pupunta ng bora. hehehe.

    pero im sure mas ok ang bora. :_)

    kengkay: score one for bora ;D

    Komento ni vanny — Pebrero 7, 2009 @ 2:33 hapon | Sagutin

  2. Oh, sa Bora we like the Regency, kasi nasa beach front, tapos Mandala spa. Sa Bohol naman, very nice sa Panglao Island Nature Resort. I would say 4-5 stars yung amenities. Merong cottages na may sariling jacuzzi. Malawak yung area kaya hindi nagiging crowded talaga. Tapos sumaglit na lang kayo sa Bee Farm, for lunch halimbawa. Really nice yung owner, si Vicky, at healthy yung food. Between Bohol and Bora, mas maraming pwedeng gawin at makita sa Bohol, hindi lang swimming like see the Chocolate hills, the tarsiers, go on a river cruise, visit the Baclayon church, etc. White, powdery beach din naman sa Panglao.

    kengkay: score one for bohol ;D

    Komento ni Lalaine — Pebrero 7, 2009 @ 5:24 hapon | Sagutin

  3. syempre irerecommend ko sana ang project namin sa boracay – alta vista de boracay. kaso hindi siya beachfront infact hilltop siya. may shuttle para kung gusto mong umikot sa bora. Very relaxing, good views kasi nga hilltop, may infinity pool din. medyo crowded na kasi at maingay sa beachfront. atleast to, hitting 2 birds in one stone, relaxing sa condotel at kung gusto mo ng fun, they can take you there sa central bora. puka beach ang nearest beach. By the way, bukas na rin ang shangrila boracay, pwede mo ring i-check.

    kengkay: score two for bora. walang maayos na site ng shangrila boracay sa internet e. mahirap kapag hindi beachfront sa mga nanay e

    Komento ni bernardumali — Pebrero 7, 2009 @ 6:21 hapon | Sagutin

  4. nag-enjoy kami ng aking unica hija sa Bora dec 2006, katatapos ng bagyo yong iba wala pang kuryente when we got there, we stayed at Le Soleil, iniiwan namin ng anak ko yong camera doon sa beach chair walang kumukuha while we enjoy swimming , nagpamasahe habang umaambon, we fell asleep we missed all the partying so bumawi kami ng fresh seafood the next day, we toured the island, si Israel yong bankero, kilala siya doon, ang contact yong nagtitinda ng puca shells doon sa Villa Pilar yata yon, ill give the phone number if my bff who always go there still have it, since I ahvent been to Bohol, from what I’ve heard from other kabayan, its a good destination too. Have you heard about Badian, I think this is a German operated island, mas $$$$ nga lang

    kengkay: narinig ko na yang badian, pero kung german operated yan…. am sure i discourage ako ni kengkoy, hehehe

    Komento ni lcm — Pebrero 7, 2009 @ 11:31 hapon | Sagutin

  5. wala akong pede ma-rekomenda sayo dahil di pa ako nakakapunta dyan sa 2 lugar na nabanggit mo..ingat na lang pag uwi..

    kengkay: sina nanay at tatay ko mag second honeymoon ;D

    Komento ni payatot — Pebrero 8, 2009 @ 12:58 umaga | Sagutin

  6. bohol!!!
    old folks (oops) di masyado mag-eenjoy sa bora
    maganda sa panglao
    kaso malayo sa mga kainan sa labas
    pero sobrang ganda ng resort
    tahimik at romantic
    may kweba pa don para kung adventures sina ermats at erpats
    saka mura naman ang pagkain sa loob ng resort

    tapos bila sila ng osang’s broas
    the best yon!!!

    kengkay: tama, masarap ang broas, oops, hahaha. score two sa bohol

    Komento ni raft3r — Pebrero 8, 2009 @ 3:10 umaga | Sagutin

  7. happy 40th anniv. sa iyong mga magulang ate kengs..napakagandang gifts nung naiisip mo, tiyak matutuwa sila mag round trip.. xmpre yung pinaka the best ang piliin mo πŸ™‚

    kengkay: tenks, am sure magtatambling sila sa tuwa, hehehe

    Komento ni painuminmoko — Pebrero 8, 2009 @ 4:23 umaga | Sagutin

  8. ms.kengks bohol daw maganda e. sa bora din maganda kaso ang daming tao jan lalo ngayong summer. peor ang bora ay bora. maganda talaga dun. pero kung ako papipiliin, saa bohol gusto ko – nature triping from chocolate hills to primates. ganda!

    kengkay: score three for bohol

    Komento ni dencio — Pebrero 8, 2009 @ 4:38 umaga | Sagutin

  9. Sorry Ate Kengks loser ako. Di pa ako nakakapunta sa parehong places kaya wala akong ma-recommend. T__T

    Galing naman ng parents! 40 years na. Hihi..

    kengkay: galing ano? 40 years na pagmamahalan

    Komento ni emilayskie — Pebrero 8, 2009 @ 4:46 umaga | Sagutin

  10. ako din parehas nung nasa taas, hindi pa ko nakakapunta sa kahit saan jan. try mo sa Palawan, maganda dun. at kung tatanungin mo ko kung anung meron sa Palawan, HMM.. try mo sa Las Pinaaaas, merong Bamboo Organ, AYUN AYON! maganda dun. πŸ˜€ haha..

    o eto: hmm.. sa BOHOL x) kasi puro boracay na lage eh.. πŸ˜€
    kengkay: score four sa bohol. nakarating na kami ng ilang beses sa bamboo organ, hehehe. pero pwede ko syang bisitahin ulit

    Komento ni gudang — Pebrero 8, 2009 @ 5:26 umaga | Sagutin

  11. Mami kengks dahil both ay napuntahan ko na…i would prefer your mom and dad to go to bohol instead…sa may panglao island resort..mas makakasave ka dito and not that commercialize kagaya ng bora…mas makakaenjoy pa sila kasi nga kunti lang ang tao…sama ako mami kengks..ahahahhaa..besides mura lang transportation dito sa bohol!makakabisita pa sila ng Cebu ciy if they want a side trip!

    kengkay: score five sa bohol, pwede kang badigard? hahaha. talaga, pwedeng mag cebu? hmm

    Komento ni Maldito — Pebrero 8, 2009 @ 5:34 umaga | Sagutin

  12. Masyado ng crowded sa bora saka more on nighlife doon so between Bohol and Bora, Bohol ang vote ko pero di pa ako napunta doon. Pero kung ako tatanungin mo eh mas gusto ko sa Palawan kesa sa Bohol or Bora πŸ™‚ Palawan is the last frontier ika nga…

    kengkay: nalilito na ang ako sa bohol at bora dagdagan mo pa ng palawan, hahaha. pero naka score na naman ang bohol, five points na sya

    Komento ni nina — Pebrero 8, 2009 @ 6:00 umaga | Sagutin

  13. bora bora bora!! never been there pero im sure mas makakapag relax sila sa pagswi- swimming! at teka, mas maganda pag solo lang sila no? lol!

    kengkay: score three for bora

    Komento ni Cindyrella — Pebrero 8, 2009 @ 7:04 umaga | Sagutin

  14. bohol n lng! ^^

    kengkay: score six for bohol

    Komento ni foobarph — Pebrero 8, 2009 @ 8:40 umaga | Sagutin

  15. i recommend sa bohol ang iyong mg parents, boracay is too comercialized and caters mostly sa yuppies who love gimmicks and night life, bohol is more serene and maganda rin ang beach dito…

    maganda ang bohol beach club but expensive pero sa alona beach kasi sila ang pinaka maganda. bohol bee farm is okay rin sana kaya lang paakyat yun parang asa burol or what so medyo mahira[pan sila mag akyat akyat dun sa restaurant.

    kengkay: score 7 for bohol. ma check nga ang alona beach. tenks sa tip

    Komento ni pusa — Pebrero 8, 2009 @ 9:21 umaga | Sagutin

  16. I would like to recommend Bohol na lang. We went there last December hehehe. Though yun nga kasi si Nanay at Tatay ay mapagod at medyo mataas ang Chocolate Hills kasi para matanaw sia. Pero meron sa baba pwede din. Kasi sa Bohol pwede mong libutin kahit four hours lang ang lugar. Tapos they can stay sa Panglao. Boracay oks din. Kaso mapagod sila sa byahe. Lam mo naman dun sasakay pa ng bangka tsaka Tricycle bago makarating sa Bora. Haba yata hahaha. Teka maipost ko nga yung trip namin sa Bohol haha.

    kengkay: ay ganun, daming lipat sakay sa bora? medyo ayaw nga nila ng ganon. score 8 na ang bohol. sige nga, ipost mo yung trip mo para masilip naman. san kayo nag stay?

    Komento ni Ambo — Pebrero 8, 2009 @ 11:00 umaga | Sagutin

  17. hello kengks, sa wakas, pumasok ang matagal ng hinihiling ng bayan..hahahaha, aprubado na po ang mensahe nyo..

    kengkay: hay salamat naman. napaka trying hard ko na nga e, hahaha

    Komento ni payatot — Pebrero 8, 2009 @ 11:13 umaga | Sagutin

  18. ms. kengks’, medyo wala rito ang gusto kong pasyalan mo, recommend ko sana ang Palawan πŸ™‚

    kengkay: baka sa sunod, palawan naman, hehehe

    Komento ni sandi martin — Pebrero 8, 2009 @ 11:36 umaga | Sagutin

  19. Bohol po ako…pero bias opinion kasi di ako mahilig sa beach hehe. Ang sweet talaga ni mami kengks! Happy 40th wedding anniversary kay nanay at tatay. Wuuhoo!

    kengkay: dami na pang bohol

    Komento ni Heleyna — Pebrero 8, 2009 @ 12:36 hapon | Sagutin

  20. yup….bohol to cebu is just an hour away via fast craft..kaya sakay na!ahahhaa…

    kengkay: parang sarap ngang sumakay

    Komento ni Maldito — Pebrero 8, 2009 @ 12:39 hapon | Sagutin

  21. wahahaah go bora go!!! magbora ka na girl! enjoy the bitches! este beach… kokokok

    kengkay: kung ako lang bora, kaso nanay at tatay ko e, hahaha

    Komento ni biba — Pebrero 8, 2009 @ 12:51 hapon | Sagutin

  22. kengs, pareho namang ok ang bora at bohol dpende lang sayo. kung gusto mong medyo konting tao na may kasamang historical tour,bohol ang suggestion ko. kasi sa bora maraming bars and restaurants sa beachside so expect mo na maraming tao maingay at shempre walang tours dun ka lang talga. sa bohol merong ding mini bora na may stretch ng mga resto sa bandang alona beach side, sa may panglao side di matao at tahimik. recommend ko sa panglao island yung bohol beach club at island nature resort,kung pang jologs naman sa tabi ng bohol beach club may dumaluan beach resort na middle class ang dating. last last year sa bohol kami at http://ensbohol.multiply.com/ sila ang nagfacilitate ng tour namin, sayang down lang ang site nila at the moment

    kengkay: mukhang bohol na talaga kaso mo am not sure about booking online e

    Komento ni lilaybulilay — Pebrero 8, 2009 @ 1:52 hapon | Sagutin

  23. Hayan mommy Kengks napost ko na yung visit namin sa Cebu Bohol! Naks ang lakas mo talaga sa akin haha

    kengkay: tenks, nabisita ko na nga agad e, haha

    Komento ni Ambo — Pebrero 8, 2009 @ 2:10 hapon | Sagutin

  24. Maam Kengkay I’ve been to both, I suggest mag panglao, bohol kayo… πŸ˜› maganda dun

    kengkay: bohol talaga ang panalo ;D

    Komento ni Basti — Pebrero 8, 2009 @ 2:38 hapon | Sagutin

  25. makikialam lang po mami kengkay.. mas maigi dalhin sila sa lugar na ma-pamper sila.. makapagrelax.. mgaganda ung suggested place mu jan.. pero mas masaya siguro sila kng lugar n pde sila mamasahe, magrelax, magawa nila yung gusto talaga nila gawin..ehehehe.. or yung mga hindi pa nila talaga nagagawa.. magand din sa panglao..

    kengkay: so panglao ka rin ha? hehe

    Komento ni neto — Pebrero 8, 2009 @ 3:50 hapon | Sagutin

  26. Hello Kengkay,

    Bias ako sa Boracay dahil di pa ako nakapunta sa Bohol.

    Totoong maraming tao sa Boracay pero depende sa lugar. Tatlong lugar ang puwedeng mong pagpipilian sa Boracay along White Beach na napakahaba naman talaga. Yong dulo na nasa bandang Fridays resort at yong dulo na bandang Lorenzo South before at yong nasa gitna na talagang napakabusy, kung saan naman yong Boracay Regency na malapit sa D’mall at shopping areas.

    Sa Fridays area, tahimik dyan, hindi kagaya sa gitna. Di yan daanan ng mga tao kasi dulo at napakaganda ng beach. Beach front yan. Definitely very relaxing. May restaurant ang Fridays at nearby resorts, pero di ako sigurado kung gaano kalayo at kalapit ang kayang lakarin nila nanay at tatay mo kung halimbawang gusto niyong kumain sa nearby resorts. Try looking for Pearl of the Pacific resort too. Last April 2008 na punta ko doon, parang andyan pa ang Pearl of the Pacific. Pero sa tutuo lang maganda ang Fridays. Pero I can’t assure you of the facilities siempre dahil di ko pa na-try yan dahil laging Lorenzo talaga kami.

    Yong gimikan gaya ng bars, etc., nasa gitna yan, in between Fridays resort at Boracay Regency. Pag ayaw na nila nanay at tatay mo, puwede kayong gumimik na kayo lang sa gabi.

    Pag gabi na bandang alas 7, sa gitna naman between Boracay Regency at Paradise Garden nag-se-set-up ang mga restaurants ng chairs and tables sa beach area for buffet at iba pa. Marami yan, parang nasa fish market ka. Mamili ka lulutuin nila. May prepared food na rin. Depende kung saan mo gustong kumain. Yan ay kung nasa Boracay Regency ka. Siempre may restaurant rin ang hotel. Yong maraming kainan ay nasa gitna ng Boracay Regency at Paradise Garden. Hindi dyan ang gimikan pero yan naman ang shopping area. By 9:30pm – 10:00pm, tahimik na naman, at aalisin na naman nila yong chairs and tables at kinabukasan, bandang gabi na naman nila uli i-se-set-up.

    Pero ang Paradise Garden, kahit na balita ko maganda rin daw, nasa likod yan, kahit na nabili na nila ang dating Lorenzo Main, di eto pareho sa Lorenzo South ha, di pa rin siya beach front.

    Boracay Regency, beach front siya, pero medyo busy nga dyan. Paglabas mo ng hotel, foot path na kaya busy. Pero lumakad ka lang ng limang hakbang, beach front na. Pero kahit na busy, kung di pa nakapunta sila nanay at tatay niyo, baka naman mag-enjoy sila. Kahit na umupo lang kayo sa beach at magkuwentuhan. Most likely baka may makakuwentuhan pa kayong ibang tao. πŸ™‚

    Nami Boracay, di ako sigurado dito ha, pero ang alam ko yata e, nasa dulo pa yan ng Fridays resort. Parang nasa mataas na lugar. At baka di na siya sa White Beach. Baka Diniwid Beach na siya. Maganda yong lugar, overlooking siya ng White Beach pero di seguro advisable para kila nanay at tatay mo kung medyo mataas. Pero sabi ko nga di ako masyadong sigurado dito ha.

    Sa tutuo lang kulang ang tatlong araw to enjoy Boracay. Pero pag type nila nanay at tatay niyo, try going around the island with a boat. Mraming nag-o-offer nyan. Ask mo rin yong resort. Daan kayo ng Puka Beach at magpicnic. Tahimik rin dyan sa Puka Beach, other side of the island yan.

    Pagdating sa transpo, plane to Caticlan, van or tricycle to the ferry station, then pumpboat to the island (15-20 minutes seguro), then tricyle to the resort (15 minutes lang rin seguro). Pero kung ako sa yo, ask for transfer from the resort para di kayo mahirapan para sa Caticlan airport mismo may magsusundo sa inyo at may mag-aasikaso ng luggage niyo.

    Sa Bohol naman, pagdating mo sa airport, sasakay ka pa rin sa sasakyan para makarating sa resort. So kahit na Boracay o Bohol, ganoon din pagdating sa transpo. Pero kahit na ano, parehong ok naman seguro. Kahit ako gusto ko ring pumunta ng Bohol. Pero mas uunahin ko muna yong Palawan. πŸ™‚

    O shya, haba na naman nitong sagot ko. Nagsulat na naman ako ng isang blog entry sa blog mo. Hahaha…

    Alam mo naman pag Boracay na ang pinag-uusapan. πŸ™‚

    kengkay: aba, sumagot ang boracay profi, hahaha. salamat sa information. sa sunod naming punta ng pinas e sa yo talaga ako magtatanong, hahaha. nung pumunta kami ng boracay e fridays pa lang ang tunay na resort dun e. tumira kami sa isang bahay kubo na katabi ng fridays mismo. dun sa may kadulu-duluhan na nga. tapos karamihan e mga barong barong ba na mga sariling luto tapos kapag gusto mong magpaluto e bayad mo de lata, ganun pa sya dati. sempre ngayon ibang iba na kasi may mga shopping centers na tapos dami ng gimkan. hay sana makarating ulit ako ng bora

    Komento ni sofie — Pebrero 8, 2009 @ 7:26 hapon | Sagutin

  27. Kung boracay maganda talaga siya! Dahil wala sa list mo ang palawan I recommend Bohol, may photos ako sa bohol, panglao island, bohol beach club, loboc river. Nasa multiply πŸ™‚

    kengkay: masilip nga ang mga litrato mo sa bohol

    Komento ni sandi martin — Pebrero 8, 2009 @ 10:51 hapon | Sagutin

  28. hello mas maganda sa bohol di masyadong crowded.. then sa resort nman maganda din nman ung bohol beach club– beach front and indi crowded.. I am sure maenjoy mother at father mo dun…at maraming din nature tripping dun like caving, may mga hiking trails at ung chocolate hills din dun– kung gusto tlga ng adventure..

    regards:)

    kengkay: sa tingin ko nga mas okay sa kanila ang bohol, tenks ha

    Komento ni Angelie — Pebrero 8, 2009 @ 11:28 hapon | Sagutin

  29. hirap naman nito… eh parang pag ako gusto ko parehong puntahan. eh kung gimikera si mama mo.. boracay na lang pero kung nature lover pwedeng-pwede sa bohol. pero dahil kasama ka, mag-boracay na kayo. heheh

    kengkay: mukhang kapag kami nina kengkoy e sa bora talaga

    Komento ni hitokirihoshi — Pebrero 9, 2009 @ 12:35 umaga | Sagutin

  30. di pa ko nakapunta sa bora ee.kea sa bohol na lang hehe.tapos padiretsuhin mu sa tagbilaran…

    kengkay: alam mo bang ang tagbilaran airport ang airport sa bohol? pwes, ako hindi ko rin alam, ngayon ko lang din nalaman, hahaha

    Komento ni azul — Pebrero 9, 2009 @ 1:59 umaga | Sagutin

  31. daming naglalabasang negative feedback about bora ngayon pero may tiwala pa rin ako sa bora. kaya bora ang iboboto ko.

    kengkay: aba, bora ka din ha, hindi ka napasunod sa alon ng negative feedbacks ;D

    Komento ni abrel — Pebrero 9, 2009 @ 2:46 umaga | Sagutin

  32. bohol nature lover din kasi ko hehe…
    pero mukang pareho magandang puntahan kahit hindi pa ko nakapunta and mas maganda kung bohol kasi tahimik saka may privacy yun malamang sa bora madaming pipol eh hehe..ang gulo ko noh..at kengks..

    kengkay: hindi naman masyado magulo, pero ano ba talaga, bora o bohol, hahaha

    Komento ni anakngpating — Pebrero 9, 2009 @ 4:11 umaga | Sagutin

  33. naku po! sa mga nabanggit po niyo..sa totoo lang, wala pa po akong napuntahan…. sana lang mapuntahan ko rin cla balang araw!hehehehe

    i know mag eenjoy kau dyan!

    kengkay: uy, dapat talagang mapuntahan mo sila

    Komento ni mayyang — Pebrero 9, 2009 @ 7:30 umaga | Sagutin

  34. Bora! Bora! Bora! hehehe.
    Pasensha na, favorite place ko kasi yun.
    Pero maganda rin sa Bohol.

    BORACAY vs. BOHOL

    Mas maganda ang beach sa Boracay. Mas madaming resort, activities at restaurant. Kahit anong maisipan mong kainin, meron dun. In other words, super convenient. May bagong resort na mas maganda ang amenities at mas malapit sa beach, check out Two Seasons. Yung Nami masyado expensive at malayo sa white beach. Pang honeymoon yun hindi pang family outing. Medyo luma na ang mga rooms sa Fridays. Medyo malayo sa beach ang rooms sa Boracay Regency.

    Maganda sa Bohol kasi maraming kakaibang makikita. maganda ang Baclayon church, cute ang mga tarsier at amazing ang chocolate hills. Kaya lang konti lang ang matinong restaurants at yung ibang resort daw eh hindi maganda ang accomodations (walang tubig!) But I can recommend Bohol Beach Club, we stayed there and okay yung amenities and service. Okay din yung food pero hindi exceptional.

    Kung sakaling tumuloy ka sa Subic, sa White Rock ka, okay dun, mag-eenjoy kayo. It’s outside subic na pero about 15 min away lang.

    I can show you pictures of all places if you want.

    Komento ni attyarj — Pebrero 10, 2009 @ 4:56 hapon | Sagutin

  35. One more thing, kung Holy Week mo balak mag Bora or Bohol, wag mo na ituloy, sayang bakasyon nyo kasi masyado madaming tao, maiinis ka lang. The best time to go to Boracay is late February or early March kasi wala pang masyadong tao (hindi pa kasi summer vacation) and okay yung weather, hindi masyadong mainit, hindi rin malamig.

    Komento ni attyarj — Pebrero 10, 2009 @ 5:00 hapon | Sagutin

  36. mas maganda pa rin ang palawan!!!palawan is the philippines last frontier!!!meaning,all beautiful sceneries can only be found in palawan!!!also,palawan has the most preserved marine wildlife…very spectacular!!!palawan has the BEST BEACHES IN THE WORLD!!!so…what are you waiting for???go to palawan and enjoy the taste of the whole province of palawan!!!I LOVE PALAWAN!!!

    Komento ni RODOLFO SAYANG — Marso 14, 2010 @ 4:27 umaga | Sagutin

    • rodolfo,

      maganda nga daw sa palawan, kaya lang malaria area dun e; dahil nga sa preserved wildlife kaya ganun. so pupunta rin kami sa palawan, kaya lang, atsaka na kapag hindi na sya yellow flag when it comes to malaria πŸ™‚ or ano sa tingin mo? esp kung parati kang andun? sa tingin mo ba exaggerated yang report na yan about the malaria sa palawan? sana maka-punta ka ulit dito. thanks!

      Komento ni kengkay — Marso 14, 2010 @ 11:31 hapon | Sagutin

  37. Wow nice blog. Mas gusto ko sa boracay. Kasi dun talaga, makakapag swimming kapa. makikita mo yung nature dun, maganda viewing, at relaxing kaysa sa bohol na. aakyat akyat ka ng mga bundok, swimming sa hotel, nakakaenjoy din sa bohol kaso nakakapagod. But it up to you parin. Compare mo nalang sila, at kung ano ung mas enjoyable dun ka nalang.

    Tanya Gemarin

    Komento ni Boracay Hotels — Hulyo 21, 2010 @ 1:17 umaga | Sagutin

  38. If you want some quietly vacation and pure of land nature just go in bohol.
    If you want to see some real ocean and the best of the best beaches is boracay and more interesting thing that you can go there.

    —Yuri Itchiro

    Komento ni yuriitchiro — Nobyembre 11, 2010 @ 7:26 umaga | Sagutin

  39. If you want some quietly vacation and pure of land nature just go in bohol.
    If you want to see some real ocean and the best of the best beaches is boracay and more interesting thing that you can go there.

    β€”Yuri Itchiro

    Komento ni Bohol Hotels — Nobyembre 11, 2010 @ 7:28 umaga | Sagutin

  40. basta akoBoracayparin ang gusto ko…

    -alfie-

    Komento ni Alfie Llabres — Nobyembre 12, 2010 @ 4:21 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: