Kwentong Kengkay

Pebrero 8, 2009

may smokey mountain sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko,Pinas — kengkay @ 12:43 hapon
Tags: , , ,

18.45 pm — oras ng panood ng telebisyon. news. balita. narinig ko ang tungkol sa smokey mountain. may espesyal na feature ang news magazine ng RTL, isa sa pinakama-malaking station ng TV dito sa alemanya.

tinawag ko si kengkoy, pati mga little kengkays. sabi ko panoorin natin ng magkakasama. gusto kong makita nila. gusto kong madama nila. gusto kong magkaron sila ng reaksyon. ang hindi ko alam, ako ang unang bibigay, naiyak po si kengkay, waaaa. gusto nyong makita yung kanilang report? may inglis version din sya: click

pinanood namin. ang nangyari pala, 8 months ago e nagkaron na ng special report ang RTL tungkol sa smokey mountain. ang daming tinamaan ang puso sa nakita nila. mga batang sa bundok ng basura nakatira. mga batang sa basura nanginginain. mga batang hindi nakapag-aral dahil kailangan nilang maghalukay sa basura para mabuhay. mga batang nalalamon ng mga traktorang puno ng basura. hindi nila akalain dito sa alemanya na may ganung klaseng buhay.

ang nangyari? mga ilang private individuals sa ibat ibang siudad dito sa alemanya ang nagvolunteer na mangolekta ng gamit at pera para sa smokey mountain. mga kindergarten, mga eskwelahan, pati yung mga clubs na nangolekta ng pera sa pamamagitan ng cake/cookies/candies selling, at may nagluto pa kanyo ng espesyal na sopas ala pinas at binenta sa mga nagdaraan. nakaka touch ang programa nila. naiyak na talaga ako, waaa

binalikan ng RTL ang smokey mountain at dala ang mahigit sa 1.5 toneladang gamit at laruan para sa smokey mountain at mahigit sa 100,000 oyro na nakolektang pera. binigay sa Vincentian Fathers na nagtayo ng health center na may playground at wadding pool sa malapit. at may konting lugar na rin para bigyan ng magandang bukas ang mga marurunong at masisipag kahit na maliit lang.

may program. at sino ang andun? si jollibee! pati kamo mga little kengkays tuwang tuwa kasi sempre kilala nila si bee di ba ;D 

yung reporter ng RTL na babae? game na game sya na naglakad sa smokey mountain ng dalawang oras at ng walang kaartehan! kasi sabi nya kung yung mga tao daw dun na nakatira e nakakahiya naman daw na dalawang oras lang e di pa nya matiis yung amoy. may ininterview na pamilya. yung nanay dalawang beses sa isang araw pinaliliguan yung anak nya para daw di magkasakit. kaso naman ang kinakain nila yung mga bulok na pagkain na nakukuha nila sa basura, ironic ano?

tapos may kinausap din silang representative ng ateng presidentita. ang sabi ng babaita e mas maganda na daw ang posisyon ngayon ng mga taga smokey mountain kesa nung hindi pa nakaupo si GMA. waaaa. parang gusto kong alugin yung babae at hatakin sya papunta ng smokey mountain!  ano ba talaga itong mga nakaupo sa pinas, mga bulag pipi at bingi? am sure mga wala na ring pang amoy yang mga yan, lintek!

sempre sinabi ng RTL na mas lalo pa daw sumama ang kondisyon don. at may bago sempre. dahil binatikos ng RTL nung unang reporting nila yung mga traktor na pinag-aagawan ng mga basurero at nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga bata… ngayon may bago na, nilagyan na nila ng pader yung bagsakan ng basura at may mga goons na na taga bantay. hindi na sila pwedeng mag film dun sa bagsakan ng basura. yon kaya yung mas magandang kundisyon na sinasabi nung representative ni presidentita?

hay, matutulog ako ngayon na medyo mabigat ang puso. mabuti na lang tumaya ako sa lotto, kapag nanalo ako? babalatuhan ko ang smokey mountain.

sabi nga pala nung mga little kengkays, maghalunggkat daw ulit kami ng mga gamit at damit nila at namin para sa smokey mountain mamya. kapapadala lang nami ng dalawang balikbayan box sa bahay kalinga nitong nakaraang linggo. pero ayun na nga at na-apektuhan sila nung nakita nila sa tv.

ang tanong nila ay ganito: bakit daw hindi namin binisita ang smokey mountain nung andun kami sa pinas? medyo napahiya ako, kasi sa totoo lang, nasa kalikod-likuran na ng utak ko ang smokey mountain. kundi pa sa smokey mountain dito sa alemanya e nalimutan ko na sila.

ngayon may assignment ako sa inyo mga kablog. pwede malaman kung anong address nung vincentian health center dun sa may payatas? paki email naman ako o o paki iwan ng address dito sa comment box. salamat po ;D

—-
salamat kay heleyna, sa summer itatanim ko yung bulaklak na galing sa yo sa aming hardin ;D

Advertisements

23 mga puna »

  1. alam mo naman dito sa atin ang mga alipores ni pgma, laging sabi nila ay ayos ang lahat lalo na nga ang kalusugan at ekonomiya pero waa naman..kasukalam ano?

    at nagmana sayo ang mga little kengkay mo, nakuha sayo ang dugong pinay na maawain sa kapwa lalo na sa walang wala..

    yun naman add ng vincentian, siguro sa iba nating ka blog may alam sila tungkol dyan..

    kengkay: alam mo nung napanood ko yung babaita na nagsabing maganda na daw kundisyon sa smokey mountain? parang gusto ko syang i wrestling

    Komento ni payatot — Pebrero 8, 2009 @ 1:36 hapon | Sagutin

  2. Kahit saan possible na atang magkaroon ng smokey mountain eh. Kakalungkot tsaka kakatakut din.

    Pass muna ako sa assignment, may exam akong kelangang seryosohin eh. ahehe

    (datcom ka na pala mommy kengks. nice naman) 🙂

    kengkay: huy oo, regalo sa kin ni malen ang dotcom ko, hehe. good luck sa exam!

    Komento ni Neex — Pebrero 8, 2009 @ 2:22 hapon | Sagutin

  3. happy hearts day..! 😉

    kengkay: sa yo din!

    Komento ni Bombero King — Pebrero 8, 2009 @ 3:02 hapon | Sagutin

  4. hi! baka gusto mo bisitahin itong site na ito, meron silang ministry sa payatas.

    http://www.itphilippines.org/ministries/payatas.htm

    kengkay: salamat sa tip. nagiwan ako ng email sa kanila ;D

    Komento ni Rocks — Pebrero 8, 2009 @ 5:00 hapon | Sagutin

  5. natuklasan mo nb ate yan! hinahanap mo te? alam mo te! ang swerte ng ibang pamilya dito sa pinas na hindi nakakaranas ng mga ganyan bagay! hay…

    kengkay: wala pa, hanap pa ako e. sa totoo lang, napapahiya ako sa mga kakengkayan ko mantalang ayun at sa smokeys e ang kinakain nila mga galing sa basura.

    Komento ni Gabriel — Pebrero 8, 2009 @ 6:01 hapon | Sagutin

  6. hay pag nakakakita ako ng mga ganyan eh talaga namang laglag ang dapat na malalaglag sa akin…nakakaawa at talagang nakakadurog ng puso!

    kengkay: hindi mo napanood?

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 8, 2009 @ 6:51 hapon | Sagutin

  7. grabe a. pero kung Gobyerno naman ang usapan ay naku wala na ko masabing maganda sa mga politiko natin. kulang na kulang tayo sa pagmamahal. pero ms.kengks ang payatas sa atin ay naging maayos na kahit paano pero halos ang kabuunan pa din tapunan pa din ng basura, wala naman kasi tayung choice kasi walang mapaglagyan. ang pondo naman kasi di naglalaan ng maayos e, kimukurakot pa! anu ba yun!

    kengkay: yun ang masama talaga, pondo na nga para sa payatas tapos kinukurakot pa ng mga taong dapat makatikim ng pagkain na galing sa basura

    Komento ni hisnameisdencios — Pebrero 8, 2009 @ 6:52 hapon | Sagutin

  8. kalan pa nman ba kasi ngsabi ng totoo ang gobyerno ni arroyo? kahit pahirap na ng phirap lalo ang pilipinas eh sinasabing umuunlad na daw. aysos!

    nga pla, malapit lng aq sa smokey mountain nkatira dun sa pilipinas.

    lagi ko silang nakikita. hay. nkaka awa.

    new theme ate kengs ah? nice. 🙂

    kengkay: hindi pa ko nakakarating dyan e. kakahiya ako ano? nilalaro ko yung theme pero di ko sya magamay e

    Komento ni Joffred — Pebrero 8, 2009 @ 10:40 hapon | Sagutin

  9. “laging maayos, okay na okay at tumataas ang antas ng ekonomiya” yan ang paboritong statement ni pgma. pero ewan ko lang kung saan nya nakuha yun. baka yong family at kabuhayan lang niya ang umaayos habang pabulusok ang pinas!?

    ang problema sa basura, parang walang katapusan. lalo na kung iisipin ang mga plastic na biodegredable. 4ever na natin itong kasa-kasama kung hindi natin sosolusyunan ito.

    abt dun sa tutorial, dapat pala may translator yong tutorial ko! hehe

    salamat po sa pagdalaw.

    kengkay: baka yun na nga yon, pamilya nya maayos, sobrang ayos pero ang mga kapitbahay? ano kayang nakikita nya?

    oo nga, lagyan mo ng translator, heheeh

    Komento ni ELIment — Pebrero 8, 2009 @ 11:11 hapon | Sagutin

  10. eto po ang natagpuan ko sa web upon doing a research

    http://www.pbase.com/bobbyw/vincentian

    may contact numbers po diyan at email add nang taong pwedeng kontakin

    kengkay: uy, abrel, salamat sa paggawa ng assignment, hehe. pass your paper na ;D i check ko sya

    Komento ni abrel — Pebrero 9, 2009 @ 1:33 umaga | Sagutin

  11. Province of the Philippines
    Congregation of the Mission
    18 St. Martin Street., Rosalia Village II
    Tandang Sora Avenue
    Quezon City 1116, Philippines

    yan po ang main office nila pero ung mga fathers may satellite office sa payatas… sure po ung info na yan kasi po dito ko sa payatas din nagwwork, gov’t. office naman, kausap namin vincentian re sa scavengers organizations..

    kengkay: hi belle, salamat sa info ha. sana nga makarating sa kanila yung tulong

    Komento ni belle — Pebrero 9, 2009 @ 1:56 umaga | Sagutin

  12. c abrel po tama din research nya, c fr aldrin ung nasa pic nung website..

    kengkay: icheck ko yung website mamya, thanks for confirming

    Komento ni belle — Pebrero 9, 2009 @ 1:57 umaga | Sagutin

  13. di ko nakita yung english version. sayang gusto ko pa naman malaman kung ano na lagay nun. taga-tondo kasi ako dun sa pinas. lapit lang sa amin nun actually [mga 5mins kung sakay ng jeep]. akala ko ok na yun kasi balita namin dati isinara na yun at gumawa ng tenement para sa mga nakatira dun. ala na kong balita after.

    nakakalungkot lang kasi gnun pa rin pala ang sitwasyon nila 😦

    kengkay: yun nga din huling balita ko e, na inalis na daw sya pero ayan at andyan pa rin sila. yung english version makikita mo dun sa flag ng england sa may bandang taas ;D

    Komento ni enjoy — Pebrero 9, 2009 @ 4:29 umaga | Sagutin

  14. nga pala, in-add kita sa blogroll ko ha. para madali na kita madadalaw 🙂

    kengkay: tenks ha, asa blogroll na rin kita

    Komento ni enjoy — Pebrero 9, 2009 @ 4:33 umaga | Sagutin

  15. nakakahabag talaga makakita ng ganyan…tsk tsk
    nung nag out reach kami ng mga pinsan ko somewhere in la union naiiyak pa kami habang nagaabot ng mga toys at gamit sa skul…tapos sarap ng feeling na sasayawan ka nila at kakantahan bilang pasasalamat nila..hahay…hopefully sa dec makauwi ulit mga pinsan ko para makapag out rech ulit kami..

    kengkay: iba ang dating kapag nakakatulong ano? ibang klaseng reaching out talaga. saludo ako sa yo at sana dumami ang lahi mong matulungin ;D

    Komento ni azul — Pebrero 9, 2009 @ 6:10 umaga | Sagutin

  16. Nakakatuwang isipin hanggang dyan umaabot ang pakikiramay ng ibang tao sa mga kapos palad nating kababayan sa Smokey Mountain. Samantalang dito, ang daming mayayaman at mga pulitiko kaso pinandidirihan sila imbes na bigyan ng magandang proyekto. Kung sino pa ang mga banyaga, sila pa ang tumutulong. Tsk tsk sakit isipin.

    kengkay: sa totoo lang ambo, tunay ka dyan. nung pinanood ko yung report dito? naghahanap ako ng pinay sa mga kasali, pero talagang mga aleman ang nanguna. iba kasi ang dating sa kanila dito kasi walang ganyan, eh sa atin, nagbubulagbulagan ang mga tao. ilan kaya sa mga opisyal natin ang nakarating na dyan sa smokey mountain?

    Komento ni Ambo — Pebrero 9, 2009 @ 6:56 umaga | Sagutin

  17. hmmmm….nakakalungkot tlgang isipin na marami pa rin po ang naghihirap. Napakalaking trahedya ang nagyari sa smokey mountain… at napakagandang isipin na kahit kahit nasa malayo kayo ay inyo pa rin nabibigyan pansin ang mga ganitong sakuna….

    basura po tlga ang problem d2…maraming nagkalat pero dyan sa smokey mountain tlga ang grabe….

    sana ang gov’t ay mapansin ito. Sana lang po….

    kengkay: bakit kaya hindi nila mapansin e amoy pa nga lang e kapansin pansin na?

    Komento ni mayyang — Pebrero 9, 2009 @ 7:28 umaga | Sagutin

  18. wow..tutulong ka rin ms. kengks’? sana ay dumami pa ang mga katulad nyo 🙂

    kengkay: nakafocus kami sa bahay kalinga e. pero sabi nga ng mga little kengkays e kung alam lang daw nila dapat daw hinati yung mga balikbayan boxes na pinadala namin. salamat

    Komento ni sandi martin — Pebrero 9, 2009 @ 7:56 umaga | Sagutin

  19. try ko mag research as of now, pero nakakatuwa naman ang lil kengkays sa mga naiisip nila!! ayos talaga ang pagpapalaki mo sa kanila ^^ bihira lang sa bata ang ganyan eh! ^_^

    kengkay: gusto ko kasi malaman nila na may ibang mundo pa pero minsan sempre dahan dahan dapat kasi nakaka shock din talaga e

    Komento ni cindyrella — Pebrero 9, 2009 @ 8:37 umaga | Sagutin

  20. Mommy Kengs ang alam ko lahat ng mails nila ay dumadaan muna sa Provincialate nila sa Angono Rizal pero hanapin ko yung mailing address nila email ko sayo pag nakita ko.

    Isnt it Ironic na mga banyaga pa ang gumagawa ng paraan just to alleviate the plight of the poor in payatas? Asan na kaya yung mmga pork barrel ng mga distingusihed gentleman natin dyan?

    Ang pinagtataka ko, bakit kaya hindi nila isara yan sa mga tao na nagiisquat ng sa gayon hindi na manirahan dyan ang mga tao at ng hindi naman nakakaawa ang kanilang kalagayan.

    kengkay: imagine, ang layo ng alemanya tapos sila pa ang tinamaan at na move dahil sa mga nakita nila dun? kasi sa atin pang araw araw na tanawin na sila e. na nakakalungkot talaga kasi ayan na nga at alam natin ang nangyayari pero wala pa ring magawang matino para maahon ang mga taong andyan. may paraan naman di ba? kailangan lang ng matinong pagsasagawa ng mga paraang yan

    Komento ni bluepanjeet — Pebrero 9, 2009 @ 10:55 hapon | Sagutin

  21. Try to contact Mommy kengs their provicial headqrts lumipat na pala. Yung Angono pala ay datihan. They will give you the name and the address of the Vincentian Fathers assigned in Smokey Mountain

    Province of the Philippines
    Congregation of the Mission
    18 St. Martin Street., Rosalia Village II
    Tandang Sora Avenue
    Quezon City 1116, Philippines

    Tel: (63-2) 456-3015
    Fax: (63-2) 930-9415
    E-mail: cmphilcuria@yahoo.com.ph

    kengkay: salamat bluepj, mag email din ako sa kanila.

    Komento ni bluepanjeet — Pebrero 9, 2009 @ 11:07 hapon | Sagutin

  22. wow.at least this is good news ms.kengkay.yeah,ako rin hindi ko naman binabalak na bumisita dun sa 10 day vacation ko sa jube.nakalimutan ko na rin pala sila.pero is there a cure for poverty?

    kengkay: pakonti-konting tulong, sigurado masisiyahan na sila 🙂 cure to poverty? hindi ko alam, basta ang alam ko, if there is a will, there is a way

    Komento ni flamindevil — Pebrero 10, 2009 @ 12:38 umaga | Sagutin

  23. dapat yung tatay ni Marcel si Philip salvador na lang, yun yung bagay na tatay ni Marcel jan sa TV series na yan.. para kasing ang? layo ng ugali nung tatay ni Marcel sa totoong korean version ng Temptation Of Wife…… visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Gregoria — Nobyembre 24, 2012 @ 2:41 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: