Kwentong Kengkay

Pebrero 10, 2009

napaiyak dahil sa pinas

Filed under: Oyropa Ko,Pinas — kengkay @ 10:20 umaga

sinundo ni kengkoy ang mga little kengkays kahapon. napansin kong medyo malalim ang diskusyonan nila ng mga bata. hindi ako nakatiis, nagtanong sempre si nanay kengkay.

‘o bakit parang seryus na seryus ang usapan ninyong mag-aama?’

nagkwento si panganay. kasi daw yung tinuturing nyang bestprend dito ay napaiyak nya daw. dahil nung recess daw nila sa eskwelahan ay nagkwento sya tungkol sa pinas. sabi nya ay baka sa pinas na daw kami maglagi. baka kapag lumipad kami ng pinas ay matagalan bago kami bumalik. pero sabi ni panganay e pwede naman nila kaming dalawin sa pinas. o pwede rin daw syang bumalik sa alemanya tapos dun sya matutulog sa bahay nung kaibigan nya.

naiyak yung bata sa narinig nya. nung 2008 kasi ay medyo nagtagal kami ng mahigit isang buwan sa pinas. ang akala nung bata ay hindi na kami babalik. ayaw na pumasok sa kindergarten kasi daw wala naman daw syang kaibigan. ayun, na trauma na yata. kawawa naman.

nung kami na lang ni kengkoy ang nag-uusap, nagturuan kaming dalawa. sempre kanino pa magkakaron ng ideya ang mga bata kundi dahil sa mga naririnig nilang usapan namin, hehe. may mga pagbabago kasi sa buhay namin e. malaking pagbabago.

halata bang nagpaplano kaming mamalagi sa pinas? basta ako mas gusto kong sa pinas kami. at si kengkoy, yun ang talagang hot na hot sa pinas. kung pwede lang ngayon na e lilipad na agad yun. pero sempre kailangan planuhin, paghandaan, pagsikapan, ipagdasal ;D

nga pala, kinausap na nung bata ang nanay nya. ginawan na nya ng espasyo kung kwarto nya para sa damit ni panganay ko, hehehe. ang bilis ng pangyayari ano?

Advertisements

34 mga puna »

  1. siguro sa umpisa mahirap. pero konting usapan ng maayos saka (siguro) isama yung mga bata sa plano, yung paunti unti namumulat sila sa usapan para di biglaan. kung anu pa man, ang desisyon ay nasa inyong mag-asawa. kung anu mang pagbabago iyan sana maganda at por de better. ipagdadasal na lang natin yan. πŸ˜‰

    kengkay: pramis ha, pagdasal mo kami, tenks πŸ˜€

    Komento ni dencio — Pebrero 10, 2009 @ 10:54 umaga | Sagutin

  2. ang sweeeeeet naman ng batang ‘yun. parang gusto ko na tuloy siyang maging besfrend. ahehe!

    kengkay: bang klase ano? close na close!

    Komento ni enjoy — Pebrero 10, 2009 @ 10:55 umaga | Sagutin

  3. best friend talaga ah malulungkot si clasmeyts ni little kengkays kapag umuwi at hindi na mag aaral dahil wala na syang kaibigan how sweet grabe ang nice ng ganun yung tipong boyps mo na ayaw mong mawala sa piling nya hehe..ganun na ganun eh ..
    at ang ideya na lagayan ng damit ng panganay mo sa bahay nung bata wahaha ang bilis nga ang galing…

    kengkay: naplano na nga rin na magbakasyon daw sa pinas, sabi ko kahit na andito kami sa alemanya pwede sila magbakasyon sa pinas, hehehe

    Komento ni anakngpating — Pebrero 10, 2009 @ 10:59 umaga | Sagutin

  4. matindi ang impak ng pinas sa bata ano? akala nya nga ata ay di na kayo babalik pa..

    at dun naman sa pamamalagi nyo dito sa pinas, masarap talaga dito, sabi nga nila ders no pleys layk home..

    kayang kaya nyo yan…ingat

    kengkay: tru tu layp yan, there’s no place like home talaga

    Komento ni payatot — Pebrero 10, 2009 @ 10:59 umaga | Sagutin

  5. naman baki iiwanan mo na din ako,hihihi

    kengks tawag ulit ako 1 of these days..baka lang ha..baka makarating ako sa bahay mo,hihihi

    may tag ka sa bahay ko..silipin mo..hindi pwesahan to…

    kengkay: hahaha, kwentuhan lang yan ikaw naman. kelan mo ko dalawin? sige antay ako ng tawag mo

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 10, 2009 @ 11:55 umaga | Sagutin

  6. mommy kengks, that’s sweet. to think kids pa lang sila. haay. to be kids again….

    kengkay: prangkang prangka ano?

    Komento ni antuken — Pebrero 10, 2009 @ 12:57 hapon | Sagutin

  7. una sa lahat, comment muna ko sa bago mong layout mami kengks, i love iT! very clean, matagal na ba ‘to? matagal kase ko nawala dahil nasira ang pc namen. nyaaaak.

    heniwey, and sweet naman ng friend ni panganay. for sure kahet naman dito na kayo magstay sa Pinas eh magcocommunicate paren silang magkaibigan.. πŸ™‚

    kengkay: bagong linis ang bahay ko hehe. alam mo naman mga bata, ang layo agad ng imahinasyon

    Komento ni joycee — Pebrero 10, 2009 @ 2:44 hapon | Sagutin

  8. kung ako lang, hindi hamak na maganda na manirahan sa Pinas,dangan nga lang na dito ko rin nasumpungan ang aking kapalaran sa europa.

    binibilang ko rin sa aking daliri ang aking pagbabalik sa Pinas, malapit na …kaya lang sad to say…bakasyon lang heheheh…

    kengkay: aha, kelan ka magbabakasyon sa pinas at saan ka sa oyropa? may blog ka ba para masilip ko naman ang iyong kweba? hehehe

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 10, 2009 @ 3:13 hapon | Sagutin

  9. nahihirapan lang siguro sila magadjust talaga..
    pero kung tutuusin, mas masaya talaga ang buhay sa Pinas, sana magkaroon na sila ng maraming kaibigan pagpunta niyo dito^^

    kengkay: dami kasi nila kalaro dyan sa pinas talaga e, sempre daming kamag anakan, hehehe

    Komento ni nadine — Pebrero 10, 2009 @ 4:43 hapon | Sagutin

  10. pag uwi nyo ng pinas, dapat laging naka-medyas ang mga little kenks, baka galisin dahil tyak na lalanggamin….sa tamis. you’re a successful mother, you know that?

    kengkay: aray ko, hahaha. parating may kulambo.

    Komento ni partofyou — Pebrero 10, 2009 @ 5:16 hapon | Sagutin

  11. mamiii! hahahhaah naiimagine ko si panganay mo, ang cute!

    hope to see you soon here in Pinas πŸ™‚

    kengkay: ehehehe, isa ka sa kakalabitin ko sempre

    Komento ni chuvaness — Pebrero 10, 2009 @ 8:24 hapon | Sagutin

  12. hope to see you here mami kengks! sana dito na kayo sa pinas! πŸ˜€

    kengkay: naku sana nga dyan na kami. pangarap namin yan

    Komento ni Geisha — Pebrero 10, 2009 @ 9:49 hapon | Sagutin

  13. nakakatuwa naman… at that age nakahanap na kagad siya ng friend… kasi madalas sa mga ganyang bata, away bati ang alam…

    teka nga… talaga bang mamamalagi na kayo dito sa pinas… huwaw… sounds promising.. ahehe…. cheers;p-glesy the great

    kengkay: pangarap namin na sa pinas na maglagi, sempre hindi ganun kadali, pero malay natin di ba

    Komento ni glesy the great — Pebrero 10, 2009 @ 11:30 hapon | Sagutin

  14. super iiyak naman si best friend. siguro, lab na lab niya ang panganay mo ate kengks. napaiyak tuloy. . Pero mgnda tlga dito sa Pinas. Ako nga dko maimagine sarili ko na makikihalubilo sa ibang culture.

    kengkay: masyadong adult thinking na ang mga bata dito e, nakikita agad nila yung consequences ng mga plano pa lang

    Komento ni winkii — Pebrero 11, 2009 @ 12:07 umaga | Sagutin

  15. Talagang ganyan ang mga children, lalo na may mga kalaro at kaibigan sa kanilang place ay ayaw nilang umalis. Gusto nila todits na lang. Pero kapag na-use na iyan sa Pinas, hindi na iyan magiisip pang umuwi ng Yurop. Dalhin mo sila sa Boracay, sa Sagada, sa Davao, sa Zamboanga at tiyak na mawiwili sila sa ating bansa. Godbless, and more power to all.

    kengkay: kapag asa pinas sila kapag bakasyon? naku kapag namimili kasama sa pamimili pati mga kaibigan nila, ang gastos, hehehe

    Komento ni Colegiala girl — Pebrero 11, 2009 @ 12:26 umaga | Sagutin

  16. i dont know whats with the story pero naiiyak din ako. ang sarap talagang maging bata. sana lahat tayo bata. sana lumaki sila na genuine pa rin.

    kengkay: tunay na nararamdaman ang sinasabi nila ano? prangkang prangka

    Komento ni bernardumali — Pebrero 11, 2009 @ 1:08 umaga | Sagutin

  17. nakakatouch naman ang mga reaction ng mga bata….talagang napamahal na sila sa isa’t isa

    kengkay: ibang klase ang kanilang pagkakaibigan ano

    Komento ni abrel — Pebrero 11, 2009 @ 1:20 umaga | Sagutin

  18. hehe.ang sweet.parang yung selecta commercial before, ‘sino’ng bestfriend mo duon?’

    ‘syempre ikaw lang.’

    tanong lang ms.kengkay (pakialamero at tsismoso ko eh bakit ba?) >> bakit sa pinas kayo titira? si mr.kengkoy ba pinoy or aleman?

    kengkay: hehehe, kwarta o kahon ;D

    Komento ni flamindevil — Pebrero 11, 2009 @ 1:38 umaga | Sagutin

  19. ayan eh di sinagot ko na sarili kong tanong. (kaw naman kasing flamindevil ka,ayaw mo munang magbasa..haha)

    ‘Dahil sa trabaho e nakaikot sa Thailand. Dun nakatisod ng puti. Nilipad ng puso patungong Europa.’

    okay,yung isang question na lang, bakit sa pinas na kayo titira?di ba masarap jan sa yurup?

    kengkay: ayan, kahon, hahaha. mas masarap daw sa pinas sabi ni kengkoy. sobrang mataas ang cost of living dito sa totoo lang, at sempre iba ang value.

    Komento ni flamindevil — Pebrero 11, 2009 @ 1:40 umaga | Sagutin

  20. hay…kakalungkot nga naman kasi mami kengs iwanan ng bestfriend e..

    mami kengs, aabangan ko ang pagdating mo ha…gusto kitang ma meet pati ang mga little kengkays mo..sympre, pati din si kuya kengkoy..
    makapagbaon na nga ng madaming english at baka di kayanin ng powers ko ang little kengs..hehe

    kengkay: magbaon ka ng tagalog para matuto sila, hahaha

    Komento ni rio — Pebrero 11, 2009 @ 2:14 umaga | Sagutin

  21. malulungkot ang best friend niya duon, pero siyempre pati si panganay kengkay malulungkot din. pwede naman mag-communicate sa cellphone o internet, pero iba pa din yung nakakasama mo siya.

    mabait si best friend in fairness, nag-allot na talaga ng espasyo para sa kaibigan.

    siguradong malilibang din sa pinas si panganay…

    kengkay: ewan ko nga ba, minsan excited sila kapag usapang pinas pero minsan hindi daw sila sasama, sempre kwentuhan lang yan πŸ˜€

    Komento ni mousmous — Pebrero 11, 2009 @ 2:25 umaga | Sagutin

  22. weh hangsuwit naman…bata pa pero marunong ng magpahalaga ng kaibigan…i’m so tats!

    return of da cembak pala ang drama nio..hehe

    kengkay: plano planuhan pa lang, sana magkatotoo nga

    Komento ni azul — Pebrero 11, 2009 @ 2:39 umaga | Sagutin

  23. mahirap talaga yun para sa isang bata.. kaso noong mga panahong yan, di naman ako ganuun ka concern sa mga tao sa paligid ko. im so bad T_T pero noong lumaki ako saka ako nagkaroon ng damdamin.. ^^ kaya eto napaka sensitive ko naman ngayon.. hayz!!

    kengkay: ahahaha, ewan ko din kung ganyan ako mag isip nung bata ako

    Komento ni cindyrella — Pebrero 11, 2009 @ 3:49 umaga | Sagutin

  24. syempre iba pa rin sa pinas ako nga gusto ko na lang dun kahit magulo sa pinas.. iba pa rin ang sariling atin… nakakamiss ang values, norms at belief natin mga pinoy..

    i agree dapat pinaplano, pinaghahanda bago sumugod… ako sana 5 years from now handa na… hehehe!

    kengkay: uy five years from now ba ang balak mo? naku kami sana ganun din, kaso mo parating nauusog e, hahaha. matinding paghahanda ang kailangan

    Komento ni mangbadoy — Pebrero 11, 2009 @ 5:01 umaga | Sagutin

  25. ayan ang mga bestfriends.. πŸ™‚ ang galing naman, pede ko ba siyang i-hire? besprend? hehe..

    siguro, mabait lang yung anak mo, kaya gustung-gusto siya ng kaibigan niya. minsan lang makahanap ng tunay na kaibigan, sayang kung mawawala pa. πŸ˜€

    very 1st friends yan ng panganay mo, alagaan! πŸ˜€

    kengkay: tunay yan, dapat alagaan. ano URL mo para naman makadalaw sa iyong ebahay?

    Komento ni gudang — Pebrero 11, 2009 @ 6:56 umaga | Sagutin

  26. naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko noong sinabi ko na dun ako sa malayo maninirahan..hay….nakakalungkot talaga mami kengks sa tuwing may aalis…:(

    kengkay: eto lang masasabi ko dyan, hindi ko alam kung alin mas mahapdi, ang iiwanan o ang mang iiwan

    Komento ni Maldito — Pebrero 11, 2009 @ 7:41 umaga | Sagutin

  27. touching naman. huhuhu! parang sa mga anime at cartoon ko napapanood ang mga ganyang eksena.

    ako laging nagsasabi ng ganyan, kahit joke lang minsan at kapag pinipigilan ako na umalis, nata-touch talaga ako.

    hay life, kaya nyo yan… kahit anong pagsubok basta sama-sama ang pamilya, masaya pa rin.

    kengkay: basta sama sama, mas masaya kahit anong punta ng tadhana, tama yan πŸ˜€

    Komento ni hitokirihoshi — Pebrero 11, 2009 @ 8:03 umaga | Sagutin

  28. muntik na po me maiyak…
    buti napigilan ko….
    enweiz…
    Exlink po???
    TNX
    http://simplefula09.wordpress.com

    kengkay: naiyak ka din, hehe. linked ka na rin πŸ˜€

    Komento ni simplefula09 — Pebrero 11, 2009 @ 8:51 umaga | Sagutin

  29. sweet naman nung friend nya. so maglalagi na nga ba kayo sa pinas?

    kengkay: pangarap, plano, pramis πŸ˜€

    Komento ni analyse — Pebrero 11, 2009 @ 9:49 umaga | Sagutin

  30. bute napadaan uli ako.. HAHA. πŸ˜€
    at nabasa ang reply mo.. tunay lahat.

    eto pala address ko:

    http://www.gladyspillbox.wordpress.com

    HEHE πŸ˜€ dalaw lang!

    kengkay: salamat at iniwan mo ang iyong address hehe

    Komento ni gudang — Pebrero 11, 2009 @ 12:46 hapon | Sagutin

  31. dear kengkay,
    may kweba ako: bluguy

    …visit mo ha

    kengkay: ayan, nabisita ko na

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 11, 2009 @ 7:38 hapon | Sagutin

  32. Wow mommy! mas masaya ka siguro kakwentuhan sa personal… patambay sa tunay na bahay mo pagdto na kau nakatira ha! promise, magdadala ko ng kwek kwek, fishball at kikiam.. ano gusto mo sawsawan? maanghang o matamis… πŸ˜‰

    kengkay: oy, pramis yan ha. gusto kong sawsawan yung maanghang pero hindi masyado, okay? sige, babalitaan kita

    Komento ni Binx — Pebrero 11, 2009 @ 10:10 hapon | Sagutin

  33. ang saya naman ng kwento mo! ngayon alam ko na kung bakit kengkay ka! hehe

    yung painting…hmm madali naman akong kausap eh. hahaha

    kengkay: okey sige, pag usapan natin yung painting, hehe

    Komento ni ELIment — Pebrero 12, 2009 @ 12:22 umaga | Sagutin

  34. dami nag-uuwian… si kotseng kuba, uwi na for good. sina lukaret galing din dyan…

    uwi na din kaya ako?

    kengkay: kahit anong sabihin, mas maganda pa rin talaga sa pinas πŸ˜€ kami balak talaga yan pero kung kelan, di pa namin alam

    Komento ni BURAOT — Pebrero 14, 2009 @ 4:52 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: