Kwentong Kengkay

Pebrero 12, 2009

sinong nakatira dito?

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 12:06 hapon

dito sa alemanya, ang daming mga bahay na wala ng nakatira. yung iba nga halos kainin na ng mga halaman dahil ang tagal ng walang nag-aalaga ng bahay.

yung tipong hindi mo na halos makita yung bahay dahil napalibutan na ng mga mataas na puno at malagong halaman. yung tipong hindi mo na rin makita kung saan ang harapan at likuran dahil parang kastilyo na sya ni sleeping beauty.

kapag napapadaan ako sa mga bahay na ganyan? nanghihinayang ako. kasi naman karamihan sa mga bahay na yan e may mga may ari naman kaya lang, dahil hindi nila kailangan yung bahay: pwedeng wala na sila dito sa baryo namin, pwedeng ayaw na nila dun sa bahay, pwedeng may bago na silang bahay, pwedeng wala ng kamag anak. pero karamihan talaga sa mga may ari ng bahay na yan e mga mayayaman.

sa sobrang yaman, hindi na nila naisip na ibenta o paupahan ang mga bahay na yan. kung may magtanong man, sasabihin nila wala silang interes. o kaya naman pe-presyuhan ng sobrang mahal. o kaya naman walang reaksyon. ganun lang.

pero ang pinaka-na-intriga talaga ako e itong bahay na may litrato sa baba. malaking bahay sya. sa tingin ko e mga tatlong palapag. at may basement pa yan. dati daw may mga tumitira dyan na mga tao, basta tira-tirahan lang. kasi tagal na rin daw inabandona yang bahay na yan e-

pero ngayon, wala na daw talagang nakatira. pero sa tingin ko meron pa din e. kasi sa may bandang itaas ay may kurtina pa. pansinin ninyo sa litratong ito sa baba.

o baka naman maligno na lang ang nakatira, nyayyyy! sabay takbo, hahaha

parati kong sinasabi kay kengkoy na buhatin nya ako at gusto kong makita ang loob ng bahay. may mga bintana kasi na pwede kang sumilip. oo, ganun kaliit si kengkay, hehe. ayaw  namang gawin kasi daw delikado. baka daw may mga adik adik na nagtatago dun. pero sa totoo lang, intriga ako sa bahay na to.

Advertisements

30 mga puna »

  1. Wow vintage. I love those kind architecture – *shoooo malignos* specially those bintanas, saka yung gumagapang na halaman. It would look nice kapag natabunan na sya lahat nyan. Creepy, pero like ko sya kasi it will look GREEN all over para syang ang lusog lusog.

    On the other note, may ilaw ba yan pag gabi? Kung wala… “wag kang lilingon”!

    kengkay: alam mo bang kapag pumasok ka sa mga bahay na may gumagapang na halaman e ang bantot na nung loob nung bahay? nakakasira ng bahay yung mga halamang ganun e. wala ng ilaw yun sa gabi, pero sempre hindi ko na sya dinadaanan, hahaha

    Komento ni K — Pebrero 12, 2009 @ 12:19 hapon | Sagutin

  2. PS. good choice on the this theme by Derek. Your blog looks nice.

    kengkay: tenks K, nagwalis ako ng konti kaya maaliwalas na sya 😀

    Komento ni K — Pebrero 12, 2009 @ 12:20 hapon | Sagutin

  3. baka naman haunted haus na yan tita kengks? naintriga tuloy tayo ano? at mukhang luma na ang bahay talaga…

    kengkay: early 1800s daw yan e, tagal na ano?

    Komento ni payatot — Pebrero 12, 2009 @ 12:32 hapon | Sagutin

  4. sayang naman yung mga bahay. andame walang bahay dito saten eh. baka pede nalang jan patirahin. wahehee.

    kengkay: naisip ko din yan kapag nakakakita ako ng mga ganyang bahay dito e, sayang para dun sa mga nangangailangan talaga

    Komento ni joycee — Pebrero 12, 2009 @ 1:46 hapon | Sagutin

  5. ang laki ng bahay… sayang naman at naluma na lang at hindi na nalagaan… kung sa pinas yan eh baka madami na pera may ari nyan :D…. hehehe

    ate, kapag nalaman mo loob eh share mo sa amin… naintriga na din ako eh 😀

    kengkay: binisita ko bahay mo kaso hindi pinapasok yung comment ko e, waaa. wag ka mag alala, one of these days, sisilipin ko talaga sya

    Komento ni Lalaine — Pebrero 12, 2009 @ 3:36 hapon | Sagutin

  6. huh nandyan pala yang bahay ko na yan?? tagal na kasing naglayas nyan eh akala ko nagahasa na ng mga adik,hihihi

    sayang no..sana nasa pinas na lang yang mga ganyang bahay na walang laman..siguradong marami pang makikinabang nyan!

    kengkay: pumunta ka na kasi dito at sayang ang mga ipapamana mo ano, weee

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 12, 2009 @ 5:14 hapon | Sagutin

  7. mareng kengkay…ganun nga ang mayayaman sa europa…maraming bahay pero ayaw naman patirhan…balak yata ipresenta kay San Pedro bilang collateral sakali mang mapuntay sa purgatoryo…
    dito sa Roma pagnaglalakad ako papuntang work…marami ang natutulog sa mga pintuan ng mga building…walang bahay…hirap kaya nun…lalo pag winter! siyanga pala alam mo na ba ang bagong kulay ng valentine….sugod na sa blog ko

    kengkay: hay kawawa naman yang mga walang bahay ano? kaso mo minsan naman sila din may kasalanan kung bakit sila asa labas e, lalo yung ibang nag aantay lang ng tulong sa gobyerno kahit na may lakas pa naman silang mag trabaho

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 12, 2009 @ 5:31 hapon | Sagutin

  8. kakatakot ang facade parang ataol lang.. joke!

    inquire ka mami bka pwede upahan yan! hehehehhe

    kengkay: nyayy, ano ka ba sa imahinasyon, hahaha

    Komento ni Geisha — Pebrero 12, 2009 @ 6:22 hapon | Sagutin

  9. kung wala po kayong nakikitang tao na labas-masok diyan eh, mahilig lang talaga sa kurtina ang mga ghost…..hehe

    kengkay: nyayyy

    Komento ni abrel — Pebrero 13, 2009 @ 1:52 umaga | Sagutin

  10. nakakatakot. mukhang haunted house.
    bka kung ano makita mo kapag sumilip ka. haha

    kengkay: kaya nga atubili din akong silipin sya mag isa e, hehe

    Komento ni winkii — Pebrero 13, 2009 @ 2:09 umaga | Sagutin

  11. ang dami cgurong room sa hauz..kea lan nkakatakot.mukang thimik…

    kengkay: daming rooms, tahimik = kakatakot talaga, hehe

    Komento ni simplefula09 — Pebrero 13, 2009 @ 2:30 umaga | Sagutin

  12. sayang naman.. kung alam lang nila na ang daming tao sa pinas ang walang tirahan at ipinapaalis sa kanilang mismong bahay.

    naalala ko tuloy yung friend and mga ex classmates ko. buburahin sa mapa ng lugar nila ang mga bahay nila. kung saan since birth na sila nakatira doon. as bloke po ang matatapyas sa lugar na iyon. at may mahigit na mga pamilya ng classmates ko ang kabilang doon.

    pero in fairness na-curious ako sa bahay. parang yung nasa vigan lang. hehe. mukhang maganda ang ambiance may cinematic ang effect. medyo horror lang.

    kengkay: dyan ako nanghihinayang e, daming may kailangan ng bahay mantalang ayan at abandonado lang ano.

    Komento ni hitokirihoshi — Pebrero 13, 2009 @ 2:36 umaga | Sagutin

  13. ay kulang-kulang pala ang na-type ko. limang classmate ko ang mawawalan ng bahay. at as in isang bloke yung mawawalang bahay.

    kengkay: huh? saan yan? kawawa naman sila

    Komento ni hitokirihoshi — Pebrero 13, 2009 @ 2:39 umaga | Sagutin

  14. sayang talaga. kung wala na silang magawa sa mga ganyang bahay, aba’y pwedeng-pwede naman nilang ipamigay sakin. ok lang talaga, hindi ako tatanggi.

    kengkay: hahaha, ako din parang hindi rin ako tatanggi

    Komento ni aKDa — Pebrero 13, 2009 @ 3:04 umaga | Sagutin

  15. ngeee… hunted haws ba yan ms kengkay… pang holloween ang feature natin today ah… hehe!

    bka jan ishinoot yung movie na exorcism of emily rose….

    hehhee joke!

    kengkay: aray, mas malala pa imahinasyon mo kesa sa akin, waaa

    Komento ni yhen — Pebrero 13, 2009 @ 3:14 umaga | Sagutin

  16. weeew i like that gustong gusto ko ung may mumu na kasama joke lang xempre hehe takot aku eh hehe..uu nga ate yhen hindi nga kaya jan ung shinoot yung exorcism weeeew ..

    kengkay: matino pa nga itsura nyan kesa dun sa mga ibang bahay dito ano, hahaha

    Komento ni anakngpating — Pebrero 13, 2009 @ 3:38 umaga | Sagutin

  17. mukha ngang haunted house… awhooo! 😀

    bagay na pang-Friday 13th yan kuwento mo kengkay. hee-hee!

    kengkay: ay oo nga ano? hindi ko napansin yung date, pramis

    Komento ni enjoy — Pebrero 13, 2009 @ 4:33 umaga | Sagutin

  18. ndi mo ko mapapatira sa vintage hauz..hahay!*bakit cno ba nagsabing pinapatira mo ko?*hakhak

    kengkay: vintage kaya may dati ng nakatira, heeh

    Komento ni azul — Pebrero 13, 2009 @ 4:57 umaga | Sagutin

  19. babati lang ng maligayang araw ng puso sa inyo mga kapamilya

    Komento ni kulot — Pebrero 13, 2009 @ 5:27 umaga | Sagutin

  20. mukhang haunted nga… ang laki pa!

    Komento ni krisel — Pebrero 13, 2009 @ 6:00 umaga | Sagutin

  21. kakaintriga nga no? akalain mong walang nakatira eh pwede naman yang mapaganda! sayang naman..

    Komento ni cindyrella — Pebrero 13, 2009 @ 7:03 umaga | Sagutin

  22. parang may taong naka silip sa bintana 🙂

    Komento ni sandijmartin — Pebrero 13, 2009 @ 8:59 umaga | Sagutin

  23. baka patay na yun mga may-ari?
    hehe

    marami din ganyan sa baltimore
    sayang, ano
    lalaki pa naman ng mga bahay tapos abandoned lang
    sana ibigay na lang nila ke kengkay o kaya ke raft3r

    Komento ni raft3r — Pebrero 13, 2009 @ 9:15 umaga | Sagutin

  24. creeeeepppy naman 😀 pero galing, Alemanya nga 😀
    hehehe. 🙂 dapat tinry mo na ding sumilip.. so you can feed ur mind! yeaaaahh! ^^

    ge yun lang..

    –gudang!

    Komento ni gudang — Pebrero 13, 2009 @ 9:19 umaga | Sagutin

  25. katakot naman yan mommy kengkay.

    eh kung marami palang vacant house dyan,mag-iipon na ko papuntang alemanya para dyan mag scout ng libreng tirahan.haha

    Komento ni flamindevil — Pebrero 13, 2009 @ 11:53 umaga | Sagutin

  26. hmmm parang ganyan bahay namin nun gawa nga lang sa kahoy

    Komento ni rovielran — Pebrero 13, 2009 @ 1:40 hapon | Sagutin

  27. baka nga may mumu…

    Komento ni nina — Pebrero 14, 2009 @ 3:21 umaga | Sagutin

  28. kung dito sa pinas matagal ng alang bubong ‘yan!

    interesado ko sa ganyan partikular kung meron silang mga vintage photo at letters na masisira lang o nakatago,antik at mga collector’s item.

    kengkay: hahaha, halika dito at halungkatin natin

    Komento ni Kwentulang Marino — Pebrero 14, 2009 @ 9:33 umaga | Sagutin

  29. katakot naman ang balay na yan… takot kasi ako malalaking haus … kung dito sa pinas yan malamang kinatatakutan na ang haus na yan… or malamang maraming iskwater na ang nakatira

    Komento ni vk03 — Pebrero 17, 2009 @ 6:07 umaga | Sagutin

  30. ako ay natakot sa aking nakita nakakakilabot talaga tumayo ang mga balahibo ko atnatakot din ako sa nakita kong mga bukas na bintana at mga halaman na nakapulupot sa pader.

    Komento ni christian — Nobyembre 1, 2009 @ 3:59 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: