Kwentong Kengkay

Pebrero 13, 2009

ang kotseng porsche at kanyang test driver

Filed under: Kwentong Kengkoy,Oyropa Ko — kengkay @ 2:09 hapon

sa mga hindi pa nakaka-alam, si kengkoy ay datihang car race driver. sumusugod yan sa mga karerahan dala dala ang kanyang kotseng simca at ang mag anik anik tulad ng camping gears, mga pang kalikot sa kotse at kung ano ano pa. pero ang kanyang sinalihan ay pang national level lang. hindi sa pagmamalaki, maraming inuwing medalya at tropeyo si kengkoy.

nalagay din sya sa mga diyaryo at magazines at sempre, may mga fan mails din sya. at sempre, sikat sya. naks, feeling showbiz wife naman si kengkay. e ano naman daw relasyon nitong kwento ko dun sa porsche at sa kanyang test driver?

kasi kaninang umaga ay nabalitang isang test driver ng porsche, di ba nga gawang alemanya ang porsche, ay naaksidente kaninang umaga dito sa autobahn (highway) na  may malapit sa amin. bagong kotse ang dala nung test driver, kumbaga e hindi pa sya nalalagay sa market. sikret pa yung design nya.

sa totoo lang, dito sa oyropa, kapag ikaw nag nakaunang nakakuha ng litrato ng isang bagong bagong modelo ng kotse ay mahal ang bayad sa mga ganon. hindi ko alam tawag sa kanila siguro, auto paparrazzis, hehe. kaya naman hindi nila pwedeng kung saan saan lang iwan ang kotse at kung kaya naman ganun ang oras ng pagbiyahe nila. iwas auto paparazzi ba. at sempre, milyon milyong oyro ang value ng kotse.

ganito istorya. umalis daw ang dalawang bagong bagong kotse ng porsche mga alas gis ng gabi kahapon. magkasunod ang dalawang test drivers. nung andun na daw sa pinangyarihan ng aksidente e bigla na lang pumailalim yung unang porsche sa may gitnang harang ng autobahn. pumasok talaga sya dun sa harang. tingnan ninyo ang pictures dito: click

alas sais ng madaling araw kaninang umaga nung nangyari ang aksidente. magbilang kayo, ilang oras silang nasa daan? walong oras! kahit pa man 25 years nang nagmamaneho yung mama, kung ang antok ang kakalabanin e sempre, parang may mali di ba? kahit isang sekundo ka lang pumikit e delikado na. tapos sempre mabilis sigurado ang takbo ng porsche na yan. at sempre ang autobahn kung saan nangyari ang aksidente ay maraming lanes tapos madaling araw, ibig sabihin walang kalaban sa kalye.

ano daw nangyari dun sa kasunod na porsche? mabuti kamo naka break kaagad sya. yun na nga lang, hindi na nya natulungan yung kasama nya kasi dun pa lang sa kalye e namatay na. eto ang video.

at ang mahal kong kengkoy? pangarap daw nyang maging test driver. kaya lang daw engineers daw ang karamihan na kinukuha sa mga ganyan. ngek, mabuti na lang bangkero ang tinapos nitong mokong na to, sa bilis ba naman ng mga kotse dito sa oyropa, takot ako ;D

nga pala, bisitahin niyo naman ang aking trying hard na blog tungkol sa manibela atbp: click

Advertisements

14 mga puna »

  1. hello kengks, pisak na pisak pala ang kotse ano?
    sayang ang mahal pa naman nyan..
    bagong bago pa sya talaga..

    kengkay: dalawa lang yata yung ginawang ganyang kotse tapos ayan pa nangyari

    Komento ni payatot — Pebrero 13, 2009 @ 2:22 hapon | Sagutin

  2. shet sayang yung kotse,hihihi…

    wawa yung driver!

    kengkay: tama lahat ng sinabi mo

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 13, 2009 @ 6:29 hapon | Sagutin

  3. hirap din pala ng buhay ng mga test drivers…sympre sila ang unang nakasalang…

    kaya ako maglalakad na lang ako pauwi ng Pilipinas…sori wala yatang koneksyon..

    hhaahahahaha!

    kengkay: aray ko naman, aabutin ka kaya ng ilang buwan, hehe

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 13, 2009 @ 7:36 hapon | Sagutin

  4. wow naman mami!!! bigtime pala si kengkoy..celebrity! Iba talaga ang beauty mo.
    Nyaks sayang di ko mapanood ang bidyo paking connection eh! mukhang gruesome yan..hindi ba?

    kengkay: hindi gruesome, bawal dito sa alemanya ang mala tv patrol, hahaha

    Komento ni Heleyna — Pebrero 14, 2009 @ 3:01 umaga | Sagutin

  5. eh basta happy valentines sa inyo ate kengs! :p

    lau ko nanaman sa topic. hehe

    kengkay: ah basta, hapi balentayms din sa yo

    Komento ni joffred — Pebrero 14, 2009 @ 3:11 umaga | Sagutin

  6. waw sayang yung porsche ang bagong bago pa talaga oh ..

    kengkay: buhay talaga ano

    Komento ni anakngpating — Pebrero 14, 2009 @ 7:36 umaga | Sagutin

  7. naku po. sayang.. ang mahal pa naman niyan ng sobra. sana kung gasgas kaso warak e. mahirap talaga pag antok ang kalaban ng driver e. kaya nga minsan mahalaga din yung yosi i kendi sa kanila. 🙂

    kengkay: hahaha, yosi at kendi ba ang panlaban dun?

    Komento ni hisnameisdencios — Pebrero 14, 2009 @ 9:25 umaga | Sagutin

  8. impeyrnes mommy kengkay, gusto ko yung tawag na yun..auto paparrazzis.haha

    kengkay: kyut nga naman, hehe

    Komento ni flamindevil — Pebrero 14, 2009 @ 11:35 umaga | Sagutin

  9. kengks bagong anyo ang blag mo ah hehehe nice

    kengkay: naligaw ka ba? hehe

    Komento ni empress — Pebrero 14, 2009 @ 12:14 hapon | Sagutin

  10. wah! kengkay! same layout tayo sa rllqph ko. hahaha! nice! mwa!

    kengkay: hehehe, napansin ko nga rin e

    Komento ni foobarph — Pebrero 14, 2009 @ 12:21 hapon | Sagutin

  11. tama ka sa mabilis. minsan, presintado akong ipagmaneho ang isa naming pari sa may kabundukan. I was running at 60-70km. sinabihan ako ng pari na para daw akong matandang ale kung magmaneho, napakabagal. 80-90km ang normal sa kanila eh.

    teka, di mo sinasabing mala-formula1 pala ang lovestory nyo ni kengkoy ha.ü Happy Valentines!

    kengkay: hay alam mo naman dito, porket magaganda kotse nila at maganda ang daan e pabilisan na agad. uy, maganda lab stori namin ni kengkoy, tamad lang ako magkwento e, hehe

    Komento ni brotherutoy — Pebrero 14, 2009 @ 2:58 hapon | Sagutin

  12. wow
    astig si pareng kengkoy
    idol!

    kengkay: hahaha, makikiliti yon pag sinabi ko sa kanya 😀

    Komento ni raft3r — Pebrero 15, 2009 @ 2:56 umaga | Sagutin

  13. whoa ang tindi naman, cguro napapikit lang yun saglit o may kinuha tapos ganun nah. Tsk sayang naman ang kotse at xmpre kawawa ang driver.
    Di yta magandang publicity sa porche din ang nangyari, prototype pa nmn ng bago nilang model.

    kengkay: kaya nga super imbistiga agad sila e. kasi daw hindi naman speed test yung ginawa nila that time e. pero may bagong modelo na lumabas ngayon ng porsche 😀

    Komento ni Basti — Pebrero 15, 2009 @ 4:16 umaga | Sagutin

  14. naku nakita ko nga yan sa tv,malapit sa dati naming bhay,bakit kasi sa autobahn nagtetest drive davah hmp

    Komento ni lilaybulilay — Pebrero 17, 2009 @ 12:08 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: