Kwentong Kengkay

Pebrero 14, 2009

malamig ang aming valentine’s

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 5:36 hapon
Tags:

bakit kanyo? kasi super nagsnow kahapon. edi ngayong valentine’s day e takbuhan kami sa lugar na may snow, hehe

kaya naman malamig ang aming valentine’s day talaga. brrrr. umakyat kami sa bundok ng odenwald para maghanap ng mas maraming snow. nilamig si kengkay lalo pa’t ang lakas ng loob ko na hindi magsuot ng ski gear, nag jeans lang ako at yung normal na winter jacket. nyay, kaya talong talo ako nung nagtaponan na ng snow balls at nagpagulong gulong na sa snow – basa agad ang pantalon ko, waaa

pero sempre may mga romatintic moments din. tulad ng malaking pusong nakaguhit sa snow, gawa yan ni kengkoy at ni panganay ko. kita mo ba si kengkay at si panganay? ayan litrato o ;D

yan kami nagtambling tambling kaninang balentambling day, hehe.
eto regalo ko kay kengkoy, isang cap. bumili din ako ng para sa akin para partner kami kapag nagjojogging kami. partner kaming pakyut, hehe. at sempre may kasamang sparkling wine, pero mamyang gabi ko na bibigay sa kanya para mas masarap ang aming inuman.

at eto naman regalo ni kengkoy sa akin: click

pero sa totoo lang, alam ninyo kung ano ang pinakamasarap na regaloΒ namin sa isat isa ngayong malamig ang aming valentine’s? nagtampisaw kami sa aming bathtub, kompleto with bubble bath at scented candles. hay sarap. unang batch e si kengkoy at si panganay, pangalawang batch e ako at si bunsoy, hehehe. akala ninyo ha πŸ˜€

Advertisements

20 mga puna »

  1. apir tayo kengkay..ako eh nagtampisaw din sa tub ng 30 mins kanina pagtawag ko sayo..minus bubble bath nga lang..pero ang nilagay ko eh eucalyptos oil,hihihi sarap ng date ko w/ tubig!

    kengkay: masarap makipagdate sa tubig πŸ˜€

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 14, 2009 @ 6:32 hapon | Sagutin

  2. wow ang sweet ms.kengks πŸ™‚ stay in love!

    kengkay: tenks, masarap talaga ma in love

    Komento ni hisnameisdencios — Pebrero 14, 2009 @ 6:49 hapon | Sagutin

  3. happy v day!!!

    kengkay: taga malibay ba kadate mo? hehehe

    Komento ni raft3r — Pebrero 15, 2009 @ 2:54 umaga | Sagutin

  4. Wow ang saya naman nun! My valentine’s day was a blast too! We had dinner, the whole family, and invited my brother’s gfs too… then we watched some movie — at home.

    kengkay: mas masarap minsan sa bahay na lang mag valentine’s ano? basta kasama ang importante tao sa ating buhay

    Komento ni Basti — Pebrero 15, 2009 @ 4:20 umaga | Sagutin

  5. ako naman first time ko nak receive ng rose kahapon hehe kahit hindi ko naman xa boyps na appreciate nya ang ganda ko ate kenkgs (kilig hahahah) sarap pala ng piling tapos patago kong inaamoy yung flower (walang s kasi isa lang hehe) dahil namula rin ako nung inabot sakin hehe…
    akala ko naman solo nyo ni kuya kengkoy ang bathtub hehe kasama pala ang mga little kengkays hehe…di papahuli noh…:)masaya happy v-day
    bertdey ni kuya dencio ngayon ate hehe…batiin nyo na rin sya hehe…:)

    kengkay: eekkk, am so happy for you, ang sarap ng makatanggap ng roses di ba? uy teka, madalaw nga si dencio

    Komento ni anakngpating — Pebrero 15, 2009 @ 7:52 umaga | Sagutin

  6. ay kala ko kayo ni tatay kengkoy ang first batch! bat ganun? ahh!! siguro may 3rd batch pa ano? pag tulog na siguro ang mga lil kengkays! lol!

    kengkay: mas nauna pa kaming matulog sa mga bata, kaya mamya na lang third batch, hahaha

    Komento ni Cindyrella — Pebrero 15, 2009 @ 7:57 umaga | Sagutin

  7. ms.kengks nasa yelo pa din kayo? wala pang update? haha.

    kengkay: pshh, asa bathtub pa rin, heheh

    Komento ni dencio — Pebrero 15, 2009 @ 10:14 umaga | Sagutin

  8. Happy Valentine’s Keng!
    Masarap ang Valentine’s pag malamig – excuse para mag lambingan, hehe…
    Hope you’ve been well. Will catch up again one of these days.

    kengkay: uy, nabuhay si megamom!

    Komento ni megamomph — Pebrero 15, 2009 @ 10:57 umaga | Sagutin

  9. Happy Valentine’s day. Napangiti naman ako sa bubble bath na yon. Advance kasi mag-isip, hehe.

    kengkay: hahaha. ayan, kasi e. happy vday din!

    Komento ni Ging — Pebrero 15, 2009 @ 12:01 hapon | Sagutin

  10. happy valentines day po! πŸ™‚

    I love the cap! Ang sweet at cute naman po at partners kayo. πŸ™‚

    kengkay: happy vday din!

    Komento ni jose — Pebrero 15, 2009 @ 1:19 hapon | Sagutin

  11. mareng kengkay..
    wow naman …snowy valentine ka ha.
    dito sa Rome, though malamig kahapon…wala naman snow….
    ……nakakita ka na bang ng anghel sa lupa? sundan mo sya sa blog ko…

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 15, 2009 @ 9:09 hapon | Sagutin

  12. ang bhebot ko walang regalo sakin… asa pinas kasi e.. haizzz.. kaingit kayo mag asawa…

    Komento ni mangbadoy — Pebrero 16, 2009 @ 2:05 umaga | Sagutin

  13. wow an lamig po tlga ng valentine’s nyo…an saya pa…kipitup po….have a nice day

    Komento ni simplefula09 — Pebrero 16, 2009 @ 2:53 umaga | Sagutin

  14. ang sweet ng mga bata talaga ano? ginawan rin ako ni isabel ng pop up card. (oo , marunong siya!) at si regina naman all throughout the day laging sabi, “happy valemtimes (yun talaga ang pronunciation) mama!”

    Komento ni utakmunggo — Pebrero 16, 2009 @ 6:46 umaga | Sagutin

  15. hi kengkay,
    ang sweet, nagvalentines pala, di ko napansin πŸ™‚ btw, pag nagcomment ba sa home worked dapat english? hehehe Enjoy Life!

    kengkay: pwede aleman, hahaha

    Komento ni bernardumali — Pebrero 16, 2009 @ 11:28 hapon | Sagutin

  16. at may batch batch pang nalalaman sa pagtatampisaw.haha.defensive ka naman mommy kengks.sabagay buti pinaliwanag mo.hmmmm.

    sarap maglaro sa snow.wala nyan dito.inggit ako.

    stay in love.happy vday sayo mommy kengkay,kay daddy kengkoy at sa mga little kengkays mo. :p

    Komento ni flamindevil — Pebrero 17, 2009 @ 12:07 umaga | Sagutin

  17. galing naman.. haha.. sweet.. lalo na may snow.. ndi pa ko nakakahawak ng snow! πŸ˜€ awww. πŸ˜€

    happy balentambling day senyo! πŸ˜€

    –gudang!

    Komento ni gudang — Pebrero 17, 2009 @ 3:02 umaga | Sagutin

  18. kahit naman malamig pala ay nag enjoy din kayo nila kengkoy at mga little kengkay..maige pa kayo at nakakaranas ng ganyan na malamig pero mainit pa rin ang love nyo sa isa’t isa..

    Komento ni payatot — Pebrero 17, 2009 @ 2:15 hapon | Sagutin

  19. lamig nga. parang pasko!!!

    dito sa amin buti di nagyeyelo pero malamig ang simoy ng hangin dito sa girona.

    Komento ni pinoyonlinenovels — Pebrero 18, 2009 @ 8:08 umaga | Sagutin

  20. sweet naman πŸ™‚ ako walang regalo kay Walter pero ako binigyan nya.

    Komento ni nina — Pebrero 18, 2009 @ 3:32 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: