Kwentong Kengkay

Pebrero 20, 2009

hippie si kengkay

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 12:51 hapon
Tags: ,

feb209-002hehehe, ang kyut ko talaga 🙂 walang aangal, blog ko to.

ayan, isang hippie si kengkay.

halata bang nahuhulog ang pantalon ko? hehehe. partida pa yan. nung nag check ako sa internet kung ano pang accessories na dapat kong itatak sa sarili ko para maging tunay na hippie ako e nalaman kong yung costume na suot ko pala e pang bata lang sya, waaa.

well, enjoy ang party. gusto sumama ng mga little kengkays kaso sempre hindi porker gurl sila e pwede na sila sumama. sabi ko kapag malaki na sila, pwede na sila mag party. mabuti kanyo at hindi nagwala nung sinabi kong sa bahay lang esp since naka costume na rin sila 🙂

alam nyo bang sa lamig ng minus degrees e ang daming seksing babae na nakapila sa labas? as in… e ako nga na naka pantalon nilamig na, tapos nagkasya pa kaming mag antay sa loob. yung iba asa labas talaga. pila din kami, excited masyado yung kasama kong italian kasi pers taym nyang sumama sa ganyan.

pero sa totoo lang, nung binuksan yung gate nung gym? aray, puno agad sya ng isang iglap. mula 15 to 80 years old na babae, makikita nyo dun. mahihiya ka nga dun sa mga kasama namin sa lamesa na mga 75 years old kasi hindi talaga sila umuupo kapag may musik. dance to death talaga. whew!

masaya, masarap, walang kill joy. lahat naka costume. papangitan, pagandahan, paseksihan, pakembotan, pamachohan. walang pake-alamanan, basta everybody happy. sayaw kahit papano. apakan ng paa, patayan ng kuko, hahaha. walang naiiwang nakaupo. lahat sayaw. puno ang dance floor. punong puno talaga, dami ngang tao nakatayo na lang e.

eto pinakamasarap na sayawan, yung tinatawag nilang schunkeln. yung nakaupo kayo tapos nag sway kayo na kabit kabit ang iyong mga kamay. tapos merong tatayo, uupo, tatayo, uupo. basta sway sway pa rin, tapos tatayo kayong lahat mismo sa silya, tapos sway sway ulit kayo, malas na lang kung lasheng na kasi daming nahuhulog, hahaha. tiwalag agad sila sa schunkeln 😀

ganito itsura nung gym kagabi (litrato sa baba). kaninang umaga ko yan kinuha. si panganay ko naman ang may party sa eskwela at dun sa mismong gym kung saan ako nagparty kagabi din nila ginanap.

Advertisements

23 mga puna »

  1. waw. parang ang saya naman!!
    gusto ko rin magparteeeeyyy! hha.

    Komento ni nadine — Pebrero 20, 2009 @ 1:05 hapon | Sagutin

  2. so..ang kengkay ala hippie ang drama kagabi…well, carry mo naman kaya…saya pala nyan, ha!

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 20, 2009 @ 1:25 hapon | Sagutin

  3. wow parteee people ang saya naman! maganda yon that everyone’s participating regardless of the age and etc. Kung dito sa pinas yun at may mga oldies na nakipagparty eh ulanan agad ng kantyaw.

    Komento ni Basti — Pebrero 20, 2009 @ 1:40 hapon | Sagutin

  4. ito ang url ni ikay:

    http://akosiikay.wordpress.com

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 20, 2009 @ 3:12 hapon | Sagutin

  5. nakkkzz naman partie love it!!!!

    maganda naman at enjoy si kengkay kagavi bungga ang outfit hehe

    padaanz

    ^

    Komento ni kiikay :D — Pebrero 20, 2009 @ 4:12 hapon | Sagutin

  6. Looks like halloween in winter time? Ang saya naman, lahat may kaibang hetsura. Para yung costume mo inspired from the movie Mama Mia! Kaya lang liit ng pic, kelangan ng magnifying glass ha?

    Komento ni K — Pebrero 20, 2009 @ 10:41 hapon | Sagutin

  7. party animal ka pala! hehe. righty, maliit yung pic. diko makita yung nahuhulog na pantalon! 🙂

    Komento ni Ax — Pebrero 21, 2009 @ 1:27 umaga | Sagutin

  8. hindi naman ako umaagal, ah
    may ganyan ako picture halos
    ikaw na yata ang female version ko, eh
    hehe

    Komento ni raft3r — Pebrero 21, 2009 @ 1:31 umaga | Sagutin

  9. abay mukang masayang masaya si ate kengkay.. hippie ka nga..haha..

    SALAMAT SA BATI 🙂

    Komento ni jeniffer — Pebrero 21, 2009 @ 2:22 umaga | Sagutin

  10. Maliit yung picture, madayaaaaaaaaaa!

    Komento ni kirksydney — Pebrero 21, 2009 @ 5:26 umaga | Sagutin

  11. mami kengggg!!! ang cute cute mo hahahhaha

    ang daya, lakihan mo naman mami kengs!!!

    Komento ni chuvaness — Pebrero 21, 2009 @ 5:32 umaga | Sagutin

  12. lakihan ang picture ms.kengks! mukang hippie nga. ang colorful naman at mukhang napakasaya talaga ng party. hehe. naniniwala na akong life is a party haha! cool ms.kengks!

    Komento ni hisnameisdencios — Pebrero 21, 2009 @ 8:49 umaga | Sagutin

  13. ang galing outfit hehehe.. sarap mag party lalo na kung heartbroken huhuhu..
    pero paanu kaya me party panay ang night shift ko?
    tsk tsk tsk…

    Komento ni melai1022 — Pebrero 21, 2009 @ 11:22 umaga | Sagutin

  14. kenks panalo ang posing mo! LOL!

    Komento ni prinsesamusang — Pebrero 21, 2009 @ 12:22 hapon | Sagutin

  15. bakit kaya di ka nagpakuha ng malapitan ate kengks..e di sana nakita ka namin ng ayos..ehehehe

    Komento ni payatot — Pebrero 21, 2009 @ 12:45 hapon | Sagutin

  16. mukang masaya nga, sana mas malaki picture. heheeh!

    Komento ni Jason — Pebrero 21, 2009 @ 2:27 hapon | Sagutin

  17. mami kengz ang cool mo talagang nanay!
    tsaka mukang ang saya-saya nung party..
    buti nalang ngmana syo mga little kengkays mo
    na masunurin at hindi na nanguleet na sumama.

    e2 nga pala URL ko ikay0708.wordpress.com
    mali po yung binigay ni blu, pagpasensyahan
    nyo na si blu tumatanda na kc yun eh!joke!

    Komento ni IKAY — Pebrero 21, 2009 @ 2:35 hapon | Sagutin

  18. mareng kengkay
    tsori po talaga nagkamali ako ng bigay ng url ni ikay: ikay0708.wordpress.com po pala

    i confess ……i confess i sinned huhuhuhuhu

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 21, 2009 @ 2:46 hapon | Sagutin

  19. wow sana sinamahan mo na din ng marijuana para hippie na hippie,hehehe

    mukhang masaya nga kengkay..sana next year sama na ako sayo,hehe

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 21, 2009 @ 3:53 hapon | Sagutin

  20. wala ako masabi.hippieng-hippie talaga si mommy kengkay.hehe

    Komento ni flamindevil — Pebrero 22, 2009 @ 2:25 umaga | Sagutin

  21. Kapag sinabing may kililing ka sa Pinas delikado. Kapag inamin mong may kililing ka delikado rin. Kapag abogado at at sabihing attorney de kililing ka patay kang attorney ka. Ibig lang sabihin magpasuri ka na sa doktor, hehehe.

    Komento ni Colegiala girl — Pebrero 23, 2009 @ 2:12 umaga | Sagutin

  22. ay namal yata ang puwesto ng comment ko. sorry

    Komento ni Colegiala girl — Pebrero 23, 2009 @ 2:20 umaga | Sagutin

  23. eto pala ang sagot sa tanong ko sa kabilang post… hehehhehehe

    Komento ni nina — Pebrero 28, 2009 @ 12:01 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: