Kwentong Kengkay

Pebrero 24, 2009

mayordoma ni kengkay

Filed under: Kaibigan,Pinas — kengkay @ 6:33 hapon

Toktok, Tao po… Glesy the Great coming in….

Hi to all readers ni Ate Kengkay…

Ako daw po muna ang caretaker aka mayor doma ng blog ni Ate Kengkay…Kwento ko naman to.. ako po si Glesy the Great at your service, bowing splendidly sa inyong lahat… cheers;p

Sabi ni Ate Kengkay gawa daw ako ng post sa kung ano ang tingin ko sa mga banyaga… Hmmm.. napaisip ako… siguro di lang ako yung katulad ng iba na kung maka-idolo sa mga imported na tao eh abot hanggang sakong ng paa ang bow … hindi rin ako yung tipo ng tao na hiniling na pinanganak ako sa lupain ng mga de kolores ang kulay ng mata, mukhang inagua oxenada ang buhok, at mukhang bangus sa kaputian na may connect the dots na mga pekas… wala akong galit sa mga foreigner, ang ibig ko lang sabihin eh di ako naki-uso na maging ultimate dream ang maging imported kahit dati akong adik sa sesame streets at garfield… galit lang ako sa mga taong parang nilagay lang sa lunch box ang pagiging Pilipino, ibinalot sa tissue dinagdagan ng sawsawan tapos pinamigay sa kaklase…

Di ko maimagine na icon ng country ko si Uncle Sam imbes na si Juan dela Cruz, na umiinom ako ng tsaa imbes na sago-gulaman, na bida ng national history si Adolf Hitler at hindi si Jose Rizal… parang maninibago siguro ako pag wala akong makita na jeep sa kalsada na ang mga driver eh mas malakas pa ang scented essence ng katawan kesa sa mga sampaguita na sinasabit nila… na hindi ko na matitikman sa umaga ang taho na 5 piso isang tasa o kaya pandesal na parang laging diminishing returns taon-taon dahil sa papaliit na papaliit ang laki, na hindi na ako makakabili ng tusok-tusok na fishball at kikiam sa mga tindahang de-gulong at wala ng halo-halong tinda sa kanto tuwing summer na kung hindi kulang sa gatas eh kulang sa sahog… na wala ng puto bumbong at bibingka tuwing simbang gabi… na ang itsura ng flag ko eh mukhang siopao o kaya parang constellation sa dami ng stars… siguro dahil dito na ako lumaki sa Perlas ng Silanganan at tumigas ang ulo, kaya para sakin wala pa ring tatalo sa genuine article ka-pinoyan kesa sa mga wannabe a foreigner outlook in life…

Pero hindi rin mga friends… Nung nabasa ko tong blog ni Ate Kengkay alam kong isa siya sa mga tao na kahit nakatira sa ibang bansa eh mas amoy pinoy pa kesa sa mga taong nakatira sa pinas… di tulad ng ibang mga taong naging callcenter agent lang eh di na daw sila marunong magtagalog (purong-purong kabalbalan di ba?)… Na-amaze ako sa mga little kengkays at kay kengkoy na kahit hindi pure bred pinoy eh inlab sa mga small things pinoy… Napatunayan ng pamilya na’to na di mo kelangang makalanghap ng makapal na usok na parang magic effects sa kaitiman; magbasa ng Abante o Bulgar kung tabloid reader ka or Inquirer o Manila Bulletin kung broadsheet reader ka para makibalita; di mo kelangang makapagsalita ng walang talsik laway na tagalog, bisaya, ilokano, kapampangan at iba pang filipino dialect para lang masabing ninuno ka ni Juan Tamad… at unang-una sa lahat, di mo kailangang magmukhang Pilipino para maging pusong Pinoy ka… at dahil dito bow ako sa pamilyang to… Bow na hanggang sakong ng paa…

At kung anong tingin ko sa mga banyaga? Ang ganda ng bansa nila, ang daming nakaka-elibs na hi-tech na gamit na talaga namang pampalapot tulo-laway, malinis bawat kanto na parang pwede mo pang dilaan.. pero isa lang ang masasabi ko, di ako naiinggit na dun sila nakatira at ako dito… I am proud to be a Filipino kahit alam kong walang dahilan kung bakit magiging proud ang Pilipinas na naging Pinoy ako… cheers;p

Glesy the Great

ang patalastas ng mansanas 😀

Advertisements

21 mga puna »

  1. Gandang umaga! ngayon lang ulit ako nakadalaw dito. Hello Glesy the Great! Isa akong “aliping saguiguilid” sa industriya ng call center mabuti na lang at nabanggit mo na may ibang taga call center agents na ganun dahil kung hindi mag-aalma ako hehehe. Marahil nga, pero sa tingin ko karamihan ng mga call center agents na ganito ang pag-iisip ay yung mga bagong salta sa industriya na ngayon lamang nabigyan ng pagkakataong sanayin sa pagsasalita ng may “twang” kung kaya’t kahit sa jeep ay palakasan sila ng bosses hehe. Sa aking pananaw naman siyempre proud akong pinanganak na Pinoy sa tingin ko wala nang mas gagaling pa sa mga Pinoy sa larangan ng Sining, Boxing hehe, at ang madaling pagsanay sa mga bagay bagay na dayuhan tulad ng pagsalita sa wikang Ingles. Dahilan kung bakit tayo dinadayo ng mga taga ibang bansa para dito magtayo ng mga call center. Alam kong tayong mga Pinoy kahit san man sulok ng mundo dalhin ay nagtatagumpay dahil na rin sa sipag at tiyaga. Sino pa bang lahi ang hirap na sa buhay ay nakahahanap pa rin ng dahilan para ngumiti at tawanan ang problema? Lahi lang natin! 🙂

    Komento ni Enid — Pebrero 24, 2009 @ 10:24 hapon | Sagutin

  2. aba, ganun na ba ako katagal nawala? datcom na pala si mommy kengkay? di ko napansin dun sa mga huli kong bisita. kailan pa ito?

    Komento ni antuken — Pebrero 25, 2009 @ 1:19 umaga | Sagutin

  3. Ang sarap naman makabasa ng mga ganitong makabayang post. Ramdam na ramdam ko ang iyong pagmamahal sa bayang sinilangan lalo na ang iyong nasyonalidad.

    Pareho tayo, hindi rin ako masyadong bilib sa mga foreign na bagay o tao (except lang sa pag-gawa ng movies). Lagi akong tinatanong ng ganito sa aking trabaho.

    American: Where are you from?
    Ako: I’m from the Philippines.
    American: Do you like your country?
    Ako: Of course I do. I love my country.
    American: Have you been to US?
    Ako: No.
    American: Do you want to come or live here?
    Ako: Not really (with a smile).

    Tapos tatawa na lang sila lagi. Hehe..

    Komento ni emilayskie — Pebrero 25, 2009 @ 1:43 umaga | Sagutin

  4. agree ako seo..hindi lang two thumbs kundi lahat ng fingers ko up sa mga nasabi mo…

    di ko pagpapalit pinas sa ibang bansa..i min uu masaya kung makakapasyal ka sa ibang bansa pero dito ko pa din gustong tumira,magkapilya,at mamatay..

    since 2004 kinukuha na ko ng tita ko para sumama sa kanya sa u.s. pero ciempwe auqng sumama..masaya na ko dito at alam kong dito lang ako magiging masaya ng lubusan..

    ahmmm nice meeting you pla ms.glesy d great!cheers!

    Komento ni azul — Pebrero 25, 2009 @ 2:30 umaga | Sagutin

  5. on leave pala si ate kengkay and family… hehehe… hello sayo glesy… tama lahat ng sinabi mo… at dahil sa nabasa ko eh mag aabang ako ng fishball sa labas mamaya.. hahahaha =)

    Komento ni Lalaine — Pebrero 25, 2009 @ 7:19 umaga | Sagutin

  6. halos pareho tayo ng out glessy pero dagdag ko lang na kinaiinisan ko din yun gmga punoy na feeling walang alam sa kulturang pinoy na feeling mataas sa kapwa nila porke englisera/ro. iba kasi ang arrive pag sinabing Uncle Sam e ano? kaya ang ugali sumasama sa lakas ng hangin. kawawa naman sila. karma na lang iyan sa kanila.

    kamusta na lang kay ms.kengks! 🙂

    Komento ni dencios — Pebrero 25, 2009 @ 8:07 umaga | Sagutin

  7. ah basta ako naiinggit sa mga nakatira sa pinas….lahat ng sinabi mo tama..di mo mararanasan lahat yan sa ibang bansa…

    nagagandahan lang ang iba sa pamumuhay ng mga pinoy sa ibang bansa dahil sa mga nakikita nila sa petyurs at sa mga kwento na puro saya…pero pag ikaw na ang nasa kalagayan nila..masasabi mong mas maganda sa pinas! hindi kayod kalabaw,hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 25, 2009 @ 9:09 umaga | Sagutin

  8. tama ka mayordomang glisi! at sos kung makapagsalita yang mga ibang nakatungtong lang ng ibang bansa eh… *insert citibank scandal here*

    fill in the blanks.

    huwaw. magkanong pasweldo sayo ni mommy kengks?

    Komento ni utakmunggo — Pebrero 25, 2009 @ 9:52 umaga | Sagutin

  9. gaano mo kamiss ang pinas kengkay??

    mas mabango ba ang mga pinoy sa mga aleman??

    Komento ni charlie — Pebrero 25, 2009 @ 12:06 hapon | Sagutin

  10. panalo ang entry na ‘to glesy! nag-iisa ka! *bow na abot hanggang sakong*

    walang lahing lamang sa ibang lahi. may mga kanya-kanyang advantages and disadvantages, kaya dapat maging proud tayo dahil Pinoy tayo.

    Mabuhay ang Pilipino!
    ♪♫Magkaisaaaa..♪♫

    Happy Edsa everyone!

    Komento ni joycee — Pebrero 25, 2009 @ 2:22 hapon | Sagutin

  11. kengkay wacky ang mayordoma mong si Glesy the Great…makabayan at matalino ha…
    itaas ang sahod!

    Komento ni blurosebluguy — Pebrero 25, 2009 @ 3:16 hapon | Sagutin

  12. proud to be pinoy! ang tingin ko sa mga banyaga eh sex symbol, plain and simple!nakakatuwa din na malaman ang iba’t ibang kultura, pero di ko ipagpapalit ang nakagisnan kong kultura. ayaw ko ring maging katulad nila, mas gusto ko yung ako, andaming advantages, tsaka bilang Pilipino, sa tingin ko, mas superior ang ating lahi. nice one glesy!

    Komento ni partofyou — Pebrero 25, 2009 @ 3:52 hapon | Sagutin

  13. wow, sosyal talaga tong si maam kengkay, pati mayordoma ay isang napaka makabayan at intelektwal na tao.
    ehehe ako hindi ko masabi na ayaw ko sa foreigners kasi kalahating kana ang nanay ko dahil kano ang lolo ko at halos 1/4 lang pagkapinoy nya dahil español naman lahi ng nanay nya. Samantalang sa side ng tatay ko naman ay fil-chinese-spanish naman.

    I think wala na mga purebreed pinoy ngayon, pero wala naman cguro yan sa bloog, sa kulay ng mata o buhok, for me ang pagiging pinoy ay nasa puso.

    Proud na proud naman kami sa pagiging pinoy namin at mahal ko ang Pilipinas. Mahal ko ang mga Ilonggo at bisaya!

    ~~Proudly Bisayang Tisoy

    Komento ni Basti — Pebrero 25, 2009 @ 10:06 hapon | Sagutin

  14. iba na talaga ang leveling mo glesy..lumelevel up talaga ang beauty at talino mo..
    hindi talaga nagkamali si ate kengkay na piliin ka bilang contributor sa blog nya..
    *isang yes yes yo na palakpak para sa iyo* yehey..

    proud to be pinoy din ako…
    may mga bagay talaga na nakakapagpasaya sa isang pinoy na pinas mo lang makikita..

    two thumbs up para sau, glesy=D

    Komento ni rio — Pebrero 26, 2009 @ 5:31 umaga | Sagutin

  15. walang masama kung napadpad man sa ibang bansa ang mga kapwa pinoy , isa na ako don.
    Ang buhay natin, hindi natin hawak. once, I ask one filipino if he wanted to go abroad, nasa dfa kami non.
    Oo naman sabi niya.
    Kasi daw iba ang amoy ng galing sa ibang bansa, kesa sa pinas lang.
    saka experience daw, para naman hindi habang buhay ganito na lang. Mamatay man daw siya, may nadiskubre siyang ibang kultura at nakitira sa ibang lahi.
    Widening out baga.

    To Glesy, you did a good analysis. Lahat ng pinoy abroad, na ho homesick. Kaya they try to get back to homeland, ke me pera or wala.
    Cheers to you, good job for your Madame Kengkay, hingi ka na ng salary raise heehehe.

    Komento ni francescainfrance — Pebrero 26, 2009 @ 8:15 umaga | Sagutin

  16. ang galing galing naman ni glesy 🙂

    Proud to be pinoy ako!

    Komento ni sandijmartin — Pebrero 26, 2009 @ 9:55 umaga | Sagutin

  17. pwede din kaya ikaw ate glesy sa blog ko hehe kung pwede lang naman hehe..wow ha dami ko nga din kilala na col boy/gel na kala mo kung sino na, at grabe kung mkapag pa slang ng lengwaheng amerikano ha,sarap kutusan eh..at isa rin ako sa bow sa pamilya ni ate kenkgs pinoy na pinoy talaga kaya ikararangal ko na mag punta sila dito sa lugar ko at bisitahin ako hehe,..kylan kaya un ate kengks..hmmm..bumalik pala ko sa ate glesy..ikaw rin imbitahin din kita dito sa lugar ko glesy the great..:)

    Komento ni anakngpating — Pebrero 26, 2009 @ 10:28 umaga | Sagutin

  18. hi ate glesy……..paki say hi na rin kay ate kengkay for me

    Komento ni ABREL — Pebrero 26, 2009 @ 2:26 hapon | Sagutin

  19. ate glesy, nice naman..at proud din ako kase may kabayan akong katulad mo.

    Komento ni ELIment — Pebrero 27, 2009 @ 6:21 umaga | Sagutin

  20. ang dami kong nami-miss sa pinas kaya lang andito ang magandang trabaho. i tried not going home for two years! mahirap pala. kaya mula ngayon, every year talaga umuuwi na kami.

    Komento ni nina — Pebrero 28, 2009 @ 11:38 umaga | Sagutin

  21. […] VERSION OF BEAUTY AND THE BEAST (for Joycee) 4.  HAPPY HEARTS DAY (for Potsquared) 5.  MAYORDOMA NI KENGKAY (for Kengkay) 6.  I, GLESY THE GREAT SOLEMNLY SWEAR?  (for mommy Kengkay ulit) 7.  HE SAID, SHE […]

    Pasa ni Flowers For You!!! (by a celebrity guest blogger) « How Brother Utoy Failed Salvation History — Abril 18, 2009 @ 7:28 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: