Kwentong Kengkay

Pebrero 26, 2009

I, Glesy the great, Solemnly Swear?

Filed under: Kaibigan,Panlasa — kengkay @ 6:30 hapon

Eto na naman po ako… sabi kasi ni ate kengkay dalawang post daw ang gawin ko… kung di nyo pa po alam eh si ate kengkay ang unang nagwelcome sakin sa wordpress kaya sobrang malakas sakin tong babaeng to… kaya naman I am deeply humbled nung i-request nyang magpost ako sa blog nya… salamat talaga at its my pleasure talaga… yours truly, Glesy the Great
Cheers;p

Sabi sakin ni Ate Kengkay gawa naman daw ako ng entry na kung gusto ko raw bang rumampa ng naka-white gown habang tumutugtog ang “Here Comes the Bride” at ang sasalubong sakin eh mestisong bangus at hindi kayumangging badjao, 6 ft tall at hindi kinulang sa ruler ang height, ilong na parang tore at hindi parang manas lang… in short gusto ko daw bang mag-asawa ng foreigner… eto talaga si ate kengkay magabakasyon na nga lang gusto pa ng chismix… well, teka lang ha i-oon ko lang ang kalandian moment ko… Pindot… Tooooooot… sabay ilaw ng start…. 3, 2, 1… GAME!!! …

Sa totoo lang ayaw ko sa mga foreigner… pero ibang usapan na kung nanghiram ng mukha kay brad pitt… WHY NOT!!! willing akong pagbigyan siya, mag-adjust at magtry ng putahe sa ibang kalupaan…nyahaha… pero ako eh taong paiba-iba ang marathon ng utak.. minsan kahit dead-end tinatalon ko kaya may possibility na mag-kapalit-palit ang turnilyo ko kung gusto ko nga bang mag-asawa ng foreigner…

Bakit ayaw ko sa foreigner? Unang-una sa lahat eh cultural differences… Siyempre babae ako, malamang sa ibang bansa kami titira… eh ayaw ko nun gusto ko pa rin dito sa lupain ng mga barong tagalog at jologs… isa pa, ewan ko ba… sorry sa lahat ng foreigners at may asawang foreigner (sorry ate kengkay) pero feeling ko kasi pag pinagpawisan ang mga foreigner mejo makamandag at nanunuklaw ang amoy… hindi ko alam kung bakit basta ganun ang feeling ko… nasabi ko na bang weakness ko ang lalaking mabango? may certain na amoy na swak na swak sakin… yung tipong lahat ng buhok ko sa ilong eh kukulot pag naamoy ko yun (parang nangingisay lang eh noh?)… pramis minsan maamoy ko lang pwede ng malaglag ang dapat malaglag na lahat-lahat sa akin…hindi lang basta-bastang laglag may kasama pa yang kalabog, kidlat, ipo-ipo at usok… nyahaha…

Di ko rin siguro maaatim ang kwentuhang “how great my country is”… malamang kung magkaroon ako ng asawang ganyan eh maaga akong mabyubyuda dahil hahabulin ko talaga siya ng taga…

Ayaw ko ring mag-asawa ng sobrang yaman tapos ako wala pang napapatunayan… ayaw kong masabihan ng gold digger… lalo na kung hindi naman totoo.. naku!!! Umayos-ayos ka baka gusto mong magkaroon ka ng de-pihit na gulok sa tagiliran mo… ahehe hindi ako mamamatay tao baka sabihin ng mga nagbabasa eh nagsampa ng murderer si ate kengkay sa blog nya… ang totoo nyan eh ma-pride akong tao… yun lang yon at wala ng kasunod…

Alam kong grabe ang mga bully sa ibang bansa… baka di ko matake na ginagawang yoyo lang ang batang galing sa itlog ko… o kaya naman maging brainless cheerleader o all muscles but no sense na athlete o kaya utak na pwede pang idonate sa tatlong tao ang laman na neurons pero ni hindi marunong maglakad ng tuwid sa harap ng tao… yan eh haka-haka lang naman pero ayaw kong isipin na may possibility yan sa magiging anak ko…

And the list goes on kung bakit ayaw ko sa foreigner… takot ako sa kakaibang ugali nila… madami, madami talaga…

Pero ang totoo di ko talaga alam… malay natin makatatlong asawang foreigner pa ako (sabay nag-sign of the cross… susmaryosep wag naman sana)… malay natin.. bilog ang mundo… baka kainin ko lahat ng sinabi ko dito… yun pala may makilala akong foreigner na nunal lang ang pagkakaiba kay Brad Pitt, gustong tumira rin at kumain ng tuyo habang nakakamay at nakataas ang isang paa sa pinas, foreigner na makapagpapakulot sa bawat hibla na buhok sa ilong ko, hindi ipagyayabang ang bansa nya, yumaman ako at siya rin siyempre (alangan namang ako pa magpakain sakanya), at magkaroon ng anak na normal bukod sa baliw nyang nanay… cheers;p

Glesy the Great

ang patalastas ng isda 😀

Advertisements

25 mga puna »

  1. ate kengkay, panu po gumwa ng website? panu niyo po naialis ung domain na wordpress sa site url niyo? tnx. reply ka po sa blog ko. 🙂

    kengkay: i hope nakuha mo yung reply ko dun sa website mo 😀

    Komento ni darwin :D — Pebrero 27, 2009 @ 2:10 umaga | Sagutin

  2. natawa naman ako sa post mo… pero di naman lahat ng mga foreigners ey majujuntot pag pinagpawisan proven na yan… hehehehe

    kengkay: angelie iwan mo din yung url ng blog mo para mabisita kita

    Komento ni Angelie — Pebrero 27, 2009 @ 2:20 umaga | Sagutin

  3. Parang discriminative naman ang entry. Kahit pinoys meron ding mga amoy bawang kahit ganda na ng suot, kahit naka perfume na.

    Minsan, tayong mga pinoy mahilig mag assumed sa isang tao or bagay.

    See no evil, hear no evil, say no evil. Meaning avoid negativity.

    kengkay: sabi nung mga kaibigan kong thais e amoy patis daw tayo 😀

    Komento ni K — Pebrero 27, 2009 @ 3:44 umaga | Sagutin

  4. Glesy the great,

    Maganda ang entrada mo ha. Here comes the bride…

    Dagdagan natin dear, here comes the bride. Three months inside. hehehe.

    Iba pa rin Kung Pinoy/Pinay ang mapapangasawa mo. Granting na hindi siya/sila pabigat sa iyo habang buhay.

    kengkay: basta hindi pabigat, kahit anong lahi okay, hehe

    Komento ni Colegiala girl — Pebrero 27, 2009 @ 4:56 umaga | Sagutin

  5. On the other hand very exciting din naman ang makapag-asawa ka ng foreigner. Kung pandak ka tatangkad ang mga anak mo. Kung maitim ka puputi sila. Kung maputi ka iitim sila.

    Sa pagaasawa ay laging may pros and cons. depende na rin iyan sa mga likes mo kung saan ka maligaya.

    kengkay: eekkk, tama yan, sana maging matangkad ang mga little kengkays 😀

    Komento ni Colegiala girl — Pebrero 27, 2009 @ 4:58 umaga | Sagutin

  6. Sa pagaasawa you cannot capture everything in one setting. Ang lahat na gusto mo ay mangyayari lang sa haba ng inyong pagsasama. There is no such thing as perfect bride or groom. Everything has to be learned and earned as your relationship strides for years.

    kengkay: kahit anong amoy, basta open ang inyong communication lines, mabango ang pagsasama, hehe

    Komento ni Colegiala girl — Pebrero 27, 2009 @ 5:01 umaga | Sagutin

  7. ako naman baligtad. dati gusto ko sana foreigner. I like them kasi prangka sila at siyempre gusto ko mangibang bansa. pero wala sa foreigner ang swerte ko eh.

    regarding sa amoy, nasa hygiene lang, pangalawa sa food. Iba-ibang lahi ka-trabaho ko. grabe talaga amoy ng iba pero yong iba wala naman so na-conclude ko talaga it’s all about the hygiene. Ikaw ba naman ang magsuot ng damit for three consecutive days. di ba? Tapos factor din ang food kasi minsan ang amoy nila eh yong amoy ng pagkain nila 🙂

    kengkay: ay ganun nina? gusto mo ng ibang lahi? alam ba yan ni darling mo, hehe. pero tama ka rin, kapag malinis sila sa katawan, walang amoy

    Komento ni nina — Pebrero 27, 2009 @ 6:49 umaga | Sagutin

  8. nakaktuwa naman po ang post na ito. you remind me of someone.(secret muna). hehe

    kengkay: walang sikret. bulong mo na 😀

    Komento ni Jason — Pebrero 27, 2009 @ 8:57 umaga | Sagutin

  9. totoo yun wala sa lahi,nasa hygiene at nasa kinakain…at baka nga magulat ka pag nakakita ka ng porenger na magagawa lahat ng gusto mo..hahaha..marami din kasing ganyan…marunong rumespeto at willing akapin ang kultura ng ibang lahi!

    pero ako..sa pinoy pa din ako! ang katuwiran ko kasi minsan nga kalahi na natin eh hindi pa tayo magkaintindihan ano pa yung ibang kultura at wika…

    at saka mahirap magmura at umungol ng ingles!

    kengkay: uy, basta ungol walang kanya kanyang salita, hahahaha

    Komento ni p0kw4ng — Pebrero 27, 2009 @ 9:10 umaga | Sagutin

  10. pinahanga mo na naman ako glesy… the great ka talaga… bakit napunta sa amuyan ang post na ito… amfpt.. eniwey… hi-way…. kung babasahin ko uli itong post mo na ito… marami kang points regarding kung bakit ayaw mo sa foreigner… pero pramis.. once you go black.. you’ll never go back.. ayy PG pala to.. sorry naman.. basta… binasa ko post mo ha.. hihihi tagay pa glesy! hindi ako SR ha!?!?

    kengkay: makikitagay din ako 😀

    Komento ni potsquared — Pebrero 27, 2009 @ 12:24 hapon | Sagutin

  11. wow.. si glesy nakikita ko nag gguest sa kung saan saang blogsite.. artista.. celebrity ito.. hehe

    kengkay: kaya naman imbitado ko sya dito e

    Komento ni neto — Pebrero 27, 2009 @ 12:40 hapon | Sagutin

  12. matagal akong napa-isip sa gulok na de pihit…hanggang pumula ang paligid ko.
    kayumangging badjao na kahawig ni brad pwit ayaw mo?

    kengkay: ang kulet, hahahaha

    Komento ni partofyou — Pebrero 27, 2009 @ 5:28 hapon | Sagutin

  13. hahaha. ang kulit namna. ngayon lang ako ulit nakadalaw d2 sa blog ni mommy kengkay. at may mayordoma pala cya. 😀

    ako din ayaw ko sa porenger. haha

    kengkay: pano kung gusto ka ng ibang lahi, ano kaya gagawin mo kapag na in love ka, hehe

    Komento ni vanny — Pebrero 28, 2009 @ 3:42 umaga | Sagutin

  14. aha
    kaya naman pala di bumibisita si kengkay ke raft3r ay may iba na palang namamahala dito
    nyahaha

    happy weekend, kenks

    see ya around
    miss ko na mga comments mo!

    kengkay: ay ang sweet naman at na miss mo comments ko 😀

    Komento ni raft3r — Pebrero 28, 2009 @ 7:30 umaga | Sagutin

  15. She is not discriminative,she just doesnt know where she stands.
    Typical filipina.Choosy, but dont KNOW what to take.

    kengkay: mahirap ang tinapon kong assignment kay glesy… pano nga kaya kung ang maging asawa nya ay ibang lahi, am sure babalikan nya itong post nya dito, hehehe

    Komento ni francescainfrance — Pebrero 28, 2009 @ 7:48 umaga | Sagutin

  16. putcha Glesy the Great! ikaw nanaman nyehahaha ! ayos kailan ka din ba bibisita sa blog ko? nyehaha feeling close eheheh

    yoko din sa mga egoy ehehhe di ko rin trip mag asawa o mag syota ng foreiner gusto ko pinay pa rin yung tipong pang bb pipilinas yung datingan abuso!:D

    paki sabi kay tita kengkay na may TAG ako sa kanya 😀 ikaw din tinatag din kita glessy!

    kengkay: na broom broom mo na ako!

    Komento ni jex — Pebrero 28, 2009 @ 11:48 umaga | Sagutin

  17. hala.. umarya nanaman si ms. glesy,
    mabuhay ang bagong kasal..sa pinoy!

    kengkay: hehehe

    Komento ni sandijmartin — Pebrero 28, 2009 @ 1:32 hapon | Sagutin

  18. hinde ba pumasok yung comment ko dati dito? huhu.

    kengkay: pumasok naman e, siguro na trapik lang

    Komento ni joycee — Pebrero 28, 2009 @ 3:41 hapon | Sagutin

  19. hahaha congrats sis! pang ilang blog na ba to?

    pareho tayo dun sa ilang pananaw natin sa mga poreyners although hindi nga daw lahat pero sa mga nakilala ko at naririnig ko din dati..ganun nga sila..eh madali pa man din ako mahilo toinks!

    kung ako papipiliin…pinoy pa din pero who knows nga naman kung katulad ni kengkoy siguro…why not?! ang mahalaga yung maiintindihan ka at tatanggapin kung ano ka…

    kengkay: hahaha, basta tulad ni kengkoy, am sure pinoy din yon iba lang kulay

    Komento ni Heleyna — Pebrero 28, 2009 @ 8:49 hapon | Sagutin

  20. Parehong pareho tayo Glesy. Lahat ng mga reasons na nilista mo ay mga dahilan ko rin kung bakit malabong mag-asawa ako ng foreigner. Ang dami ko na ring ganyang mga naging friends pero di ko talaga feel. Pero katulad ng sinabi mo mahirap din talaga magsalita ng tapos. Yung ate ko kasi ganung ganun din ang pinaniniwalaan katulad sa akin pero sa sobrang gwapong at talinong kano rin napadpad. Hihi..

    kengkay: o de vah, basta pogi at matalino kahit anong lahi ;D

    Komento ni emilayskie — Marso 1, 2009 @ 12:46 umaga | Sagutin

  21. Sosyalin na c glesy…Author/contributor na rin sa kengkays home. Hehe… Gusto mo hire din kita bilang mayordoma?Hehe.

    kengkay: ahahaha, kailangan mo rin ng mayordoma?

    Komento ni mhar — Marso 1, 2009 @ 11:26 umaga | Sagutin

  22. wow ha nanay ko naman gusto mag asawa ako ng hapon nak ng pero sabi ko depende kung mabango din sya dahil weakness ko rin ang mabango hehe…

    Komento ni anakngpating — Marso 3, 2009 @ 7:15 umaga | Sagutin

  23. great ang post mo glesy! i respect ung opinion mo sa mga bagay bagay at maganda yan honest ka sa feelings mo.

    Komento ni gmac — Marso 6, 2009 @ 7:12 umaga | Sagutin

  24. ngayon na lang ako magcocomment sakanila ate kengks ha,.,.. sinakto ko talagang patambakan muna ng post mo, para hindi agaw pansin ahehehe…

    darwin: ay di pala ako yung kausap.. next

    angelie: thanks naman at natawa ka.. pero ang totoo, yan lang ang feeling ko.. alam kong hindi lahat… pero long habits done takes long time to forget, eh pinalubha pa ng katigasan ng ulo ko…ahehehe..next

    K: buntong hininga… kung yan ang sa tingin mo, i won’t say anything.. if i said so for myself, i read my entry for the nth time and for the nth time i stand by my own opininon: I WAS NOT BEING DISCRIMINATIVE… see no evil, hear no evil, say no evil. meaning avoid negativity–> hati tayo sa sinabi mo… i’ll even give you my part… it seems that between the two of us, you’re the one who needs it more… cheers pare…;p next

    Colegiala girl: totoo yan… naku may asawa ka nga pero parang dalawang tao ang pasan mo… three months inside? may nakita na akong here comes the bride five months inside.. ahehe.. next.. ay siya pa rin pala… nyahaha.. info saved thank you po.. tlaga bang colegiala ka lang? next

    nina: aba eto pala eh naghahanap ng ibang lahi ate kengks.. ireto mo nga to sa aleman jan na taga-baryo nyo.. ahehe.. next

    Jason: thanks po at natuwa ka… sus secret secret pa… sabihin na yan at baka mabulok pa.. punta nga ako sa site mo at baka andun ang kasagutan sa sikret na yan… next

    pOkw4ng: yun ang punto ko… kaparehas mo na ngang pinoy hinahabol mo pa ng taga.. ano pa kaya ang foreigner di ba? may ungol ba ang ingles? nyahaha… wag nyong ipollute utak ko. basta tunog bakang nanganganak okay na yun.. next

    potsquared: thanks talaga.. kahit ilang beses mo na saking nasabi yan.. hangga’t di ka nagsasawang icompliment ako eh mas lalo akong di ako magsasawang mag thank you rin… ewan ko, may naamoy ata akong ewan dito at na-ipost ko pa tuloy… alam ko namang binasa mo talaga, walang duda yun…. sige cheers tayong tatlo… pot thank you talaga, alam mo na yun… next

    neto: di ako celebrity noh.. epal lang siguro.. it’s a nice feeling lang kasing makita mo ang sarili mong post sa ibang blog… ewan ko, iba yung feeling ko eh.. ang saya… mejo abnormal ako eh noh? next

    partofyou: nyahaha… brad pwit ba ika mo? parang promising yan ah… nyahahaha next

    vanny: thanks vanny… at least nakilala mo ang mayordoma ni ate kengks… malaki magpasahod yan… ooops si ate kengks parang gustong mangdare.. next

    raft3r: dalawang post lang po ang pinamahalaan ko.. balik aliping saguiguilid ulit ako… next

    francescainfrance: thanks.. totoo yan magulo talaga ulo ko… buti nga nakakalakad pa ako ng tuwid eh… oo ate.. maggueguest blogger ulit ako dito… magbibigay na lang ako ulit ng resume… next

    jex: sawa ka na ba sakin? sa totoo lang eh hibernate muna ako sa paggueguest blogger dahil talaga namang meron pa akong utang sa isang blogger… may tag ka ba sakin? parang wala ah.. ahehe… broom broom for you.. next

    sandijmartin: wala pang kasalan.. malayo pa yun… si pader masyadong atat…ahehehe… next

    joycee: parang hindi ata… ahehe..churi next

    heleyna: pang ilan na ba… di pa naman madami ikaw naman.. hehe… yan ang tunay!!! yun ang gusto kong sabihin nung sa last part di ko lang masabi ng matino… oo nga ate kengks pakiramdam ko nagbabalat-kayo lang si kengkoy pilipino talaga yan.. ahehe.. next

    emilayskie: sobrang gwapong at talinong kano rin napadpad? wala bang kapatid ang asawa ng ate mo? willing akong bumaligtad.. ahaha.. next

    mhar: ahahaha.. aba ate binablack market ako ni mhar sa sarili mong poder.. nyahahaha.. thanks for the offer po.. next

    anakngpating: o di ba? rehas pala tayo ng texture ng buhok sa ilong.. ahehe.. pero mahihirapan ako sa hapon… parang masyado kasi silang strikto eh… next

    gmac: thanks gmac….. honest naman talaga ako sa feeling ko kaya minsan ata eh napapahamak ako.. ahehe.. thanks gmac…

    whew.. napagod ako.. ang haba nun ah… thanks sa lahat ng nag-comment.. punta ako sa site nyo one of these days.. bukas naman yung unang post at malalate na ako sa ospoital… cheers;p-glesy the great

    oo nga pala.. thank you ulit ate kengks…

    Komento ni glesy the great — Marso 13, 2009 @ 1:46 umaga | Sagutin

  25. […] (for Joycee) 4.  HAPPY HEARTS DAY (for Potsquared) 5.  MAYORDOMA NI KENGKAY (for Kengkay) 6.  I, GLESY THE GREAT SOLEMNLY SWEAR?  (for mommy Kengkay ulit) 7.  HE SAID, SHE SAID (for Burinj) 8.   HE SAID, SHE SAID (for […]

    Pasa ni Flowers For You!!! (by a celebrity guest blogger) « How Brother Utoy Failed Salvation History — Abril 18, 2009 @ 7:28 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: