Kwentong Kengkay

Marso 1, 2009

kanya-kanyang pick-up

Filed under: Litratong Pinoy — kengkay @ 10:24 umaga
Tags:


Bulaklak
kapag sumisinag na ang araw dito sa alemanya, sabay din ang sinag ng mga bulaklak at mga bulaklakan. ibat ibang klase, ibat ibang korte, ibat ibang hitsura, ibat ibang amoy.

at sempre, kanya kanyang pick-up. walang nagbabantay sa mga bulaklakan na yan. basta kung may bibilhin ka, pili ka lang. bunutin. at buhatin. tapos nakalagay sa isang karatula kung magkano sila. at may isang box dun kung saan dun mo ilalagay ang bayad mo. kumbaga, dapat lang maging totoo ka 😀 may isang bulaklakan na nakapansin na ang dami namimick-up ng kanyang bulaklak pero walang nagbabayad, edi naglagay sya ng camera dun sa kanyang bulaklakan, hehehe. daming nabisto tuloy. yung iba daming kinukuha pero singko lang binabayad. yung iba naman talagang may i thank you lang, hahaha.

Advertisements

24 mga puna »

  1. ay naku naalala ko yung tindahan sa catanduanes ata yon, nailabas sya sa tv patrol e..ganyan din ang style nila na walang nagtitinda pero nagbabayad ang lahat ng bumibili dahil may nakalagay na price ang bawat tinda..ang maganda nga doon e walang nag 1 2 3 sa bawat bumili siguro dahil nakukonsensya sila..kay ige naman ng ganyan na mga tindhan..

    Komento ni payatot — Marso 1, 2009 @ 11:57 umaga | Sagutin

  2. ang ganda, spring na! dito naman pag nagsisimula na ang init, namamatay na ang flowers 🙂

    Komento ni nina — Marso 1, 2009 @ 4:14 hapon | Sagutin

  3. wow agnda naman ng garden na ito…..spring na nga kengkay!

    Komento ni blurosebluguy — Marso 1, 2009 @ 5:13 hapon | Sagutin

  4. Akala ng lahat dito lang sa pilipinas nangyayari ang “may i thank you” hehehe…

    Komento ni Elyong — Marso 1, 2009 @ 9:48 hapon | Sagutin

  5. ganda naman ng bulaklak. very colorful talaga!

    Komento ni ELIment — Marso 1, 2009 @ 11:46 hapon | Sagutin

  6. Wow ang ganda naman ng mga bulaklak at yun view, dito nag iisnow pa rin at wala pang mga bulaklak.

    Komento ni sardonyx — Marso 2, 2009 @ 12:05 umaga | Sagutin

  7. naku, baka ako din di na magbayad. hehe.

    pero mabait na ako ngayon! hehe. ang ganda ng mga flowers!

    Komento ni Ax — Marso 2, 2009 @ 12:58 umaga | Sagutin

  8. panu po bumili ng domain?
    hehhe.. n_n
    ganda nga po sa ukay-ukay noh?

    Komento ni darwin :D — Marso 2, 2009 @ 2:40 umaga | Sagutin

  9. gaganda ng mga bulaklak…
    mag iwan nalang sana ng thank you note yung mga walang pambayad na gustong magkaroon ng ganyan kagagandang bulaklak..pampalubag loob man lang sa nag aalaga..hehe

    Komento ni rio — Marso 2, 2009 @ 2:45 umaga | Sagutin

  10. blumen spraketeneischen viel diese? hahahaha, dapat FREE na lang, tumutubo naman sila dyan na parang mga damo lang eh.

    Komento ni K — Marso 2, 2009 @ 3:35 umaga | Sagutin

  11. may ganyan din sa batanes…yung coffee shop walang bantay pero mga nagbabayad naman yung mga bumibili sa kanila.minsan nga sobra pa ee ..

    Honesty Coffee Shop

    Komento ni abrel — Marso 2, 2009 @ 3:55 umaga | Sagutin

  12. ooops…di ko pala naedit yung form…pc kasi ni abrel gamit ko ngayon.
    ulit ulit take 2!

    may ganyan din sa batanes…yung coffee shop walang bantay pero mga nagbabayad naman yung mga bumibili sa kanila.minsan nga sobra pa ee ..

    Honesty Coffee Shop

    yan ako na talaga yan..hehehe

    Komento ni azul — Marso 2, 2009 @ 3:58 umaga | Sagutin

  13. mami kengks…pwde ba mag order? ahahhaa..padala dito sa pinas..lagay ko sa sala.

    Komento ni Maldito — Marso 2, 2009 @ 6:21 umaga | Sagutin

  14. kahit sa simpleng pagpitas ng bulaklak ng walang nakamasid ay masusukat ang katapatan ng isang tao…

    Komento ni Basti — Marso 2, 2009 @ 7:24 umaga | Sagutin

  15. ang ganda ng view…
    Dapat lang bayaran ang kinuhang bulaklak dahil.. Magtanim ay hindi biro, maghapon nakayuko.. 🙂

    Komento ni sandijmartin — Marso 2, 2009 @ 7:47 umaga | Sagutin

  16. panu kaya kapag dito sa Pilipinas meron niyan> napapaicip ako.. HMM… 😀

    –gudang!

    Komento ni gudang — Marso 2, 2009 @ 8:18 umaga | Sagutin

  17. sarap magtampisaw sa snow.sana makapag tampisaw din ako balang araw. :p

    Komento ni flamindevil — Marso 2, 2009 @ 3:46 hapon | Sagutin

  18. mali ako ng pinaglagyan ng comment.haha.churi mommy kengkay

    Komento ni flamindevil — Marso 2, 2009 @ 3:47 hapon | Sagutin

  19. wah honesty is the best policy! karma nalang dun sa mga nag may i thank you nalang wehehehe.

    Komento ni joycee — Marso 2, 2009 @ 6:34 hapon | Sagutin

  20. wow galeng, masyado honest siguro mga tao dyan kaya ngagawa nlang magnegosyo ng ganyan. Meron din ganyang store sa pinas diba? sari sari store?

    hahaha tama lang na maglagay ng cam! aabuso syempre mga ganyan kung di nahuhuli.

    Komento ni Heleyna — Marso 2, 2009 @ 7:32 hapon | Sagutin

  21. alam ko may store dito sa pilipinas na ganyan.
    walang nagbabantay, may kahon lang para sa bayad mo.
    🙂

    Komento ni Pepe McKunat — Marso 3, 2009 @ 12:18 umaga | Sagutin

  22. talaga atang, kahit saan na ay namumukadkad ang mga tuso, peste! charut, ouch! hehehe

    sayang naman… sana wag naman ganun kasi pag ganun baka mamatay yang ganyang kaugalian o negosyo. gaganda pa naman ng flowers!

    Komento ni hitokirihoshi — Marso 3, 2009 @ 1:22 umaga | Sagutin

  23. may cherry blossom po ba jan pabili nga hehe o kaya po yung yellow/violet tulips paborito ko talaga mga bulaklak hehe love it..

    Komento ni anakngpating — Marso 3, 2009 @ 3:24 umaga | Sagutin

  24. how I wish aplikable ang ganyang style sa lahat ng lugar dito sa pinas, kagugulang ng mga pinoy, how I wish lahat honest ano……. masama ba mangarap?

    Komento ni redfieryheart — Marso 3, 2009 @ 1:41 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: