Kwentong Kengkay

Marso 3, 2009

mangapitbahay muna ako

Filed under: Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 3:42 hapon
Tags:

ang sarap ng buhay ni kengkay.  iiwan ko muna kayo ulit kasi mangangapitbahay ako.

kagagaling lang namin sa austria nung isang linggo para mag winter wonderland. mga apat na oras ang biyahe namin.

bukas punta kami sa bayan ni sofie. mga dalawang oras ang biyahe. wala lang. bibili lang ng swatch at ng rolex at manginginain ng tsokolate. pero sempre hindi totoo lahat yung tungkol sa relo, ang tunay e talagang magpapabili ako ng pralines at kung ayaw akong bilhan, susulsulan ko ang mga little kengkays na magpabili ng tsokolate sa tatay nila ;D nagpapasama si lolo e. sempre dahil 88 years old na sya at mahaba ang biyahe, sabi namin e idrive namin sya. maglalakad-lakad, aamoy amoy ng fresh air, at mag eemote habang nanghahaba ang leeg sa kakawindow shopping, hehe

sa sunod na bukas e mamimili kami ng champagne sa pransya. mga dalawang oras ang biyahe papunta dun. pero sempre hindi na totoo yang sinasabi ko. pantasya lang yan, hehe. gusto ko lang malaman ninyo na dalawang oras na biyahe e asa pransya na kami, ang saya di ba?

at kung gusto ko naman magpunta ng luxembourg, holland, poland, prague at belgium – abutin naman ang biyahe namin ng mga tatlo hanggang anim na oras. kung sa spain at italya naman, mga anim na oras.  at sempre yung ibang parte pa ng east europe at kahit saan pa.

may kilala nga ako meron silang mobile home, kaya kung saan saan sila nakakarating, kahit nga sa turkey at sa greece nakarating na sila ng driving lang ha. pero hindi ako naiinggit kasi parang di ko yata kayang magbiyahe ng pagkahaba haba sa mobile home tapos dun ka rin matutulog? mas type ko pang mag tent at mag camping 😀

yang mga yan na pangangabitbahay e biyaheng kotse ha. kung mag eroplano sempre mas mabilis. mas mahal nga lang. kung mag tren naman sempre mas matagal biyahe pero okay lang din daw, hindi ko pa sya na try e.

sarap buhay di ba? sa isang iglap e asa ibang bansa ka na agad. sayang nga lang at si kengkay e takot mag maneho magisa sa autobahn. kundi e siguradong kung saan saan na ako nakarating. pero sempre sabi ko din dun sa kaibigan ko dito, kapag malaki na mga bata, gagawin din namin na maglibot ng oyropa… backpacking across europe. magbaon lang kami ng hotdog, hahaha.

sama kayo? mag ipon na tayo 🙂

Advertisements

26 mga puna »

  1. Hello Kengkay,

    Nagising si Sofie. 😀

    Saan kayo banda pupunta rito? Malay mo baka malapit sa amin. 🙂 Kaya lang baka pupunta pa kayo ng Pransya.

    kengkay: hay malayo dyan sa inyo, tiningnan ko na sa mapa. kasi kung malapit dyan sa inyo e binulabog na sana kita, hahaha

    Komento ni Sofie — Marso 3, 2009 @ 4:14 hapon | Sagutin

  2. wow… sarap nga buhay… sana makasama ako sa gala nyo… 😀 kelangan ko na ata mag ipon ngaun… piso piso araw araw? pwede na ba yun? 😀

    yngat po =)

    kengkay: sige, simulan mo yang piso araw araw – kasi malay mo tumaas ang value ng pesoses di ba? sama ka ha.

    Komento ni Lalaine — Marso 3, 2009 @ 4:40 hapon | Sagutin

  3. aba kengkay, mabuti pa dyan at ang lalapit ng mga bansa ano? e dito parang pumunta ka lang nyan ng davao o kaya naman e cebu at kelangan eroplano pa yon dahil kung magbibyahe ka ay aabutin ka ng siyam siyam…gudlak kengks at sanay mag enjoy kayo

    Komento ni payatot — Marso 4, 2009 @ 1:05 umaga | Sagutin

  4. gusto ko din ng mobile home! pangarap ko magkaganun, tsaka alam mo ba gusto ko eh hugis bus para naman parang bahay talaga namin yun di ba habang naglalagalag! kaso sa pilipinas di pwede yun eh, for sure, baka maholdap kami or something! teka lang, don’t forget yung pasalubong ha! pasalubong na kwento! lol!

    Komento ni cindyrella — Marso 4, 2009 @ 3:14 umaga | Sagutin

  5. huwaw naman buti pa kayo magkikita na kayo ni sofie! send my regards to her at regards din sa chikitings mo kengs! ^_^

    Komento ni Snow — Marso 4, 2009 @ 4:03 umaga | Sagutin

  6. wow ha ang dami pa lang pwedeng puntahan jan at mga 2hrs lang ang byahe ang sarap naman ng buhay talaga hehe…talgang desidido na kong mag pa ampon sayo mami kenkgs,uu taga tabo sa mga little kengkays ok lang basta maanpon mo lang ako hehe…:)

    sama ko jan..yebah

    Komento ni anakngpating — Marso 4, 2009 @ 4:48 umaga | Sagutin

  7. wow momi kengks gala nanaman..waaa paranggusto ko ng magpa ampon sa inyo..kakainggit..

    pasalubong huh..

    Komento ni azul — Marso 4, 2009 @ 4:56 umaga | Sagutin

  8. wow. talaga dadaanan mo poh si ate sofie? yehey! 🙂 pasalubong koh ahh.. hehehe.. ang sarap ng buhay ng nakakagala, sana kung may pagkakataon eh makagala man lang din ako 🙂

    Komento ni jeniffer — Marso 4, 2009 @ 6:01 umaga | Sagutin

  9. wow. winter wonderland. sana makahwak din ako ng snow.. 😀

    –gudang!

    Komento ni gudang — Marso 4, 2009 @ 6:43 umaga | Sagutin

  10. ingat na lang uli sa byahe 🙂

    Komento ni sandijmartin — Marso 4, 2009 @ 8:34 umaga | Sagutin

  11. Wow sarap naman nyan! Gusto ko rin gawin yan someday ate Kengkay! Libutin ang buong Europe. Huhu.. Kakainggit.

    Komento ni emilayskie — Marso 4, 2009 @ 9:26 umaga | Sagutin

  12. wow
    bakasyon
    sarap naman

    pasalubong naman dyan, oh

    kahit snow lang
    =)

    Komento ni raft3r — Marso 4, 2009 @ 10:16 umaga | Sagutin

  13. aalis ka uli? sad naman..pasalubong ha. hehe

    Komento ni eli — Marso 4, 2009 @ 11:16 umaga | Sagutin

  14. Pag ganitong malamig,nagtatago lang kami sa aming kweba 🙂

    Have fun kengs!

    Komento ni cheh — Marso 4, 2009 @ 2:25 hapon | Sagutin

  15. waaaa nag eenjoy na naman si tita kengkai! 😀 sige gudluk na lang pati sa mga little keng’s 😀

    Komento ni jex009 — Marso 4, 2009 @ 3:26 hapon | Sagutin

  16. gusto ko rin mapuntahan lahat ng sinabi mo. hay…sana sa europe na lang ako nakatira 🙂

    Komento ni nina — Marso 4, 2009 @ 4:24 hapon | Sagutin

  17. ang sarap, dito sa pinas syempre hinde pede yan kase wala naman tayo mga kadikit na bansa wehehehe. enjoy enjoy mami! 🙂

    Komento ni joycee — Marso 4, 2009 @ 5:06 hapon | Sagutin

  18. alam mo ba na isa sa mga gusto kong magawa yan pag nagkapapel ako dito…backpacking euro trip!

    yung tipong halos sa train at sa mga terminal na ako nakatira,hehehe…mga 2 months..putsa medyo pera din yun..hahaha

    Komento ni p0kw4ng — Marso 4, 2009 @ 5:55 hapon | Sagutin

  19. Ang fab ng life mo Ate Kengkay.

    *Goes back reading tons of reading assignments*

    Komento ni aLps — Marso 4, 2009 @ 6:05 hapon | Sagutin

  20. hmmm dami na comment ah…..sarap naman ang pasyal-pasyal ni kengkay…..sama naman dyan

    Komento ni blurosebluguy — Marso 4, 2009 @ 8:32 hapon | Sagutin

  21. cannot be, no money. nyahaha!

    Komento ni foobarph — Marso 4, 2009 @ 11:41 hapon | Sagutin

  22. it is the simplest things in life are always the best.Miss ko tuloy ang pinas!

    Komento ni francescainfrance — Marso 5, 2009 @ 8:28 umaga | Sagutin

  23. huwaw.. pwede bang isiksik mo ako sa maleta nyo.. ahehe…

    parang ang sarap kayang magkaroon ng mobile home.. masarap matulog habang nasa byahe… ahehe… ang sarap na karay karay mo lang yung bahay mo.. cheers;p-glesy the great

    Komento ni glesy the great — Marso 5, 2009 @ 9:35 umaga | Sagutin

  24. Wow! Sarap buhay a! Pwede na sa akin ang swatch. hehehehehe!

    Komento ni Callcenterguy — Marso 5, 2009 @ 3:50 hapon | Sagutin

  25. wow momie kengks..sama aq…hehe
    yngatz po kau palagi..
    GODBLESS your family

    Komento ni simplefula09 — Marso 6, 2009 @ 2:13 umaga | Sagutin

  26. hello admin. i opened up my email today and kept following the links from page to page and by some means landed here on %BLOGINTITLE%.. i’ve been checking out your posts since then and i like the way you are writing. are you currently on twitter?? simply because i would definitely like to follow you and get notified whenever you post on your blog here. i am trying to read all your posts and i am enjoying them a whole lot. thanks a good deal for putting up a nice informative blog. Thank you.

    Komento ni Vanna Herring — Abril 27, 2011 @ 3:04 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: