Kwentong Kengkay

Marso 5, 2009

hanapan blues

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 7:30 hapon

halos kalahating araw akong andun sa aking papa in law.

naghahalunggkat. naghahanap. binuksan lahat ng pwedeng buksan. binubuklat lahat ng pwedeng buklatin. sinisilip lahat ng pwedeng silipin. binubuhat lahat ng pwedeng buhatin. inaakyat lahat ng pwedeng akyatin. tinataob lahat ng pwedeng itaob. hinahalukay lahat ng pwedeng halukayin. kinakapa lahat ng pwedeng makapa.

alam ninyo kung bakit?

nawawala ang wallet ng aking papa in law.

kahapon pa naman e ang dami nyang pera. tambok ng wallet nya.

alam nyo naman dito. ang mga matatanda? cash ang bitbit parati. hindi uso sa kanila ang cards. kahit na ilang libong cash, ayun asa wallet. e ako nga ang cash ko lang na bitbit dito e minsan limang oyro lang. ang pinakamalaking cash yata na nabitbit ko e 50 oyro.

pero sabihin mo sa mga matatanda na hindi nila kailangan ng malaking pera? sempre hindi ka nila paniniwalaan. kasi nga lumaki sila nung panahon ng giyera. na parating hikahos. parating kulang kundi man wala. so ngayong may pera sila, gusto nila parating madami. naalala ko dati kasi si lolo at lola ko may alkansya dun sa mismong haligi ng aming bahay, hehe

so ayun. hindi namin makita yung wallet. dumating ang aking sister in law at ang kanyang hubby pagkatapos ng dalawang oras na paghahanap. sinabi ko sa kanila ang problema. hindi pala nila alam na nawala yung wallet. edi hanap din sila. tinanong nila kung saan na daw ako nakarating sa paghahanap.

edi sinabi ko na kahit na sa far out places e hinanap ko din tulad ng: loob ng basura, ref, freezer, oven, inidoro, cookie jars, mula basement hanggang attic, pati kamo lahat ng sapatos e inalog ko; actually pati nga si papa in law ko kinapkapan ko na para lang makasigurado e, hehehe

sabi ko, ulitin nila at baka may naka-alpas sa akin. inulit nila. pati yung kama binaligtad. pero wala pa rin. sabi nga namin, ano ba yung paboritong taguan ng mga matatanda? di ba yung kama nila? yung lalagyan ng undies, ng pajama, at ng mga anik anik nila? pero wala talaga e.

bukas babalik ako sa bahay ni papa in law. halughugin ko ulit. baka sakaling lumitaw na si wallet. kasi alam kong dala nya ang wallet nya sa bahay e. tapos mula nun di pa sya lumalabas ulit ng bahay. andun lang yun. kung asan, di ko alam.

may suhestiyon ba kayo kung saan pa ako pwedeng maghanap?

Advertisements

23 mga puna »

  1. Wala akog maisip.. baka napansin ng iyong dalawang chikiting, nagpatulong na ka ba sa kanilang maghanap? Minsan, magaling maghanap ang mga bata… parang laro lang sa kanila yan 🙂

    Komento ni sandijmartin — Marso 5, 2009 @ 10:57 hapon | Sagutin

  2. wala din po akong maisip na pwedeng paghanapan ee.

    teka may garden ba sila?baka nasa garden..o sa may laundry?

    Komento ni azul — Marso 6, 2009 @ 2:10 umaga | Sagutin

  3. hahaha! Mommy Kenks, tawa ako ng tawa sa opening paragraph mo. Nicely done!

    Sana ay mahanap na nga ang wallet ng papa in law mo. Sayang naman yun.

    Tenks nga pala for the offer to send postcards. My humble heart really appreciates it.

    Komento ni Nortehanon — Marso 6, 2009 @ 2:19 umaga | Sagutin

  4. memory gap na ito hehe…
    hmmmm bakit nga hindi ka magpatulong sa little kengkays mami hehe..
    as in pati inidoro pala mami naghagilap ka hehe…

    Komento ni anakngpating — Marso 6, 2009 @ 2:26 umaga | Sagutin

  5. hmmm…subukan mo kayang magpahula? joke lang….ako di ko rin maisip kung papano….kais this time…nawawala ang pag-iisip ko…sa antok hzzzzzzzzzzzz…..

    Komento ni blurosebluguy — Marso 6, 2009 @ 6:06 umaga | Sagutin

  6. sa mga ibang blogista wag n’yong tawanan ang byenan
    ni kengkay…dadaan din tayo sa yugtong yan!

    Komento ni kwentulang marino — Marso 6, 2009 @ 6:17 umaga | Sagutin

  7. kengks..wala na akong maisip kung lahat nabaligtad nyo na..tanong mo nga at baka may gurlalet si fafa in law na dumadaan dyan at baka napalagay sa bag nya..hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Marso 6, 2009 @ 8:15 umaga | Sagutin

  8. ulitin mong halughugin ang inidoro at baka andun di mo lang napansin..waaaaaaaaa

    pati ba naman ibidoro kinana mo pa rin..matindi talaga si kengks

    Komento ni payatot — Marso 6, 2009 @ 11:33 umaga | Sagutin

  9. wag mo hanapin at makikita mo. sabi nila, pray to st. anthony. baka naman nahulog sa kotse. ganyan ginawa ko noong nawala susi ko lahat ng dinaanan ko binalikan ko, bahay, ofis, pati tindahan sa may ofis tinanong ko may naiwan akong susi. Yun pala nahulog sa kotse. Nakita noong nagpa car wash ako 🙂

    Komento ni nina — Marso 6, 2009 @ 2:46 hapon | Sagutin

  10. pahula mo baka makita mo heheh!

    Komento ni mangbadoy — Marso 6, 2009 @ 2:52 hapon | Sagutin

  11. sana naman mahanap na ang wallet ni father in law.. suggestion, baka nasa ilalim ng kama nya 🙂

    Komento ni jeniffer — Marso 7, 2009 @ 2:10 umaga | Sagutin

  12. Oo nga sana mahanap na yung wallet nung Father-In-Law mo. Sana walang mga valuable IDs para hindi masakit kapag hindi nahanap. 😦

    Komento ni Snow — Marso 7, 2009 @ 3:54 umaga | Sagutin

  13. ayy matatanda talaga… malamang lumayas na yung wallet nya, kasi madaming laman na pera. joke! Malamang anjan lang yan naisuksok nya sa kung saan, o di kaya nasa isa sa mga damit nya or jacket nya.

    Komento ni Basti — Marso 7, 2009 @ 5:55 umaga | Sagutin

  14. kadalasan naman ganyan ang mga gamit natin sa bahay di ba?pag hinahanap hindi makita.pag hindi kailangan,biglang lumilitaw.

    baka naman may mga borrowers dyan sa bahay ni papa in law?hehe

    Komento ni flamindevil — Marso 7, 2009 @ 7:27 umaga | Sagutin

  15. i-pa-page! 😀

    Komento ni gudang — Marso 7, 2009 @ 7:32 umaga | Sagutin

  16. nanay ko… mahilig magsingit ng pera sa mga damitan niya… as in sinisingit niya sa nakatiklop.

    yong isang kuya ko sa mga libro.

    Komento ni hitokirihoshi — Marso 7, 2009 @ 10:35 umaga | Sagutin

  17. Cguro gawin na lang game para mas maraming tumulong sa paghahanap…mala-scavenger hunt kumbaga…pag wala pang nakakita ng wallet eh ewan ko na lang 🙂 kidding!

    seriously, I hope makita na nga si wallet. 🙂

    Komento ni Call Center Gal — Marso 7, 2009 @ 1:08 hapon | Sagutin

  18. seiko wallet po ba yun?
    ang wallet na maswerte. :p

    Komento ni vanny — Marso 7, 2009 @ 4:23 hapon | Sagutin

  19. nakuuu sana mahanap niyo na!!
    sayang naman kung hindi..

    Komento ni nadine — Marso 7, 2009 @ 5:00 hapon | Sagutin

  20. LOL buti nakita nyo din. pambihira naman ang hirap-hirap nga! dapat siguro mag effort siya na gumawa ng reminders kung saan-saan niya nilalagayang stuff niya or for his activities para hindi niya nalilimutan. at si kengkoy, grabe naman pukpukinna talaga at ibaon LOL

    Komento ni prinsesamusang — Marso 8, 2009 @ 1:20 umaga | Sagutin

  21. kengkay tatanong ko pala kung pano ka nagpalit ng domain tsaka how much? pwede mo bang sagutin sa site ko para makita ko agad? salamat kengks!

    Komento ni prinsesamusang — Marso 8, 2009 @ 1:50 umaga | Sagutin

  22. […] ni kengkoy matapos kaming magkaron ng hanapan blues kay lolo at matapos sabihin ni kengkoy na pukpukin at ibaon ko sya kapag naging ganon sya ka […]

    Pasa ni hirit ni kengkoy « Kwentong Kengkay — Marso 8, 2009 @ 11:57 umaga | Sagutin

  23. nung una, di ko pa nagets yung story. dapat pala balikan ang past post. hehe…
    anyway, tawa ako ng tawa sa inyong mala-nancy drew at hardy boys adventure sa paghahanap ng wallet at susi.ü kailangang ibili mo na si kengkoy nung wallet and keyring locator. yung tipong tumutunog kung saan ang wallet kapag pinindot mo ang remote control. ang siste, paano kung nawala rin ang remote? hehe…

    Komento ni brotherutoy — Marso 9, 2009 @ 9:06 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: