Kwentong Kengkay

Marso 7, 2009

nahanap na

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 6:27 hapon

yung nawawalang wallet?

nahanap na.

matapos ang dalawang araw na paghahalungkat.

hindi ko po dinaan sa hula. hindi rin po sa telepathy. at lalong wala ring gelpren si papa in law ko, tinanong ko sya talaga kasi suggestion ninyo e, hehehe

ang talagang nawala e yung susi ng kanyang drawer. kung saan andun yung kanyang wallet. pero ang naalala lang nya, nilagay nya ang kanyang wallet sa isang drawer. pero dahil nga masyado na syang makalimutin, binaligtad namin ang bahay nya pati kamo kotse namin e hinalunggat kasi dun sya huling umupo na dala nya ang wallet e.

eniway, bumalik ako sa bahay nya. inulit ko ang paghahalungkat. tapos nya e ibibitin na daw nya ang sarili nya ng patiwarik dahil ang tanga tanga na daw talaga nya. sabi ko hindi sya pwedeng magbitin kasi wala syang tali, at wala rin syang perang pambili ng tali dahil wala sya wallet di ba? edi tawa na lang sya.

tapos umakyat sya. at nagsisigaw. akala ko naman kung ano na. ayun, naalala nya kung asan yung susi. at nabuksan ang drawer. ayun, andun ang pitaka. sabi ko san mo ba nilalagay ang susi para alam din namin. dun daw. okay, alam ko na. nung sinara yung drawer, sa ibang lugar naman nya nilagay ulit. sabi ako, akala ko ba dun tapos ngayon dyan mo nilagay. ay basta daw. ganun!

bago ako umuwi ganito ang sabi nya. tingnan ko daw yung glove compartment ng kotse namin at sigurado daw sya na andun ung pitaka nya. waaaaa, hirap talaga ng tumatanda na.

sabi ni kengkoy kapag ganyan na daw sya kapraning sa pagtanda nya? pukpukin ko na daw sya at ibaon sa lupa πŸ˜€

Advertisements

22 mga puna »

  1. hehe, okay sa solusyon si kengkoy a

    kengkay: simple di ba? ;D

    Komento ni sbsm — Marso 7, 2009 @ 8:04 hapon | Sagutin

  2. oppps, that was me, analyse (sbsm is louna’s school, im the blog admin kasi, anovayan)

    Komento ni analyse — Marso 7, 2009 @ 8:05 hapon | Sagutin

  3. hahahaha saya – saya mo biro lahat ng mga tagablogosperyolandia ay nagparticipate sa paghahanap thru suggestions…..ako kaya pag mawala hanapin nyo rin kaya (ask ko lang..hikbi…ayan naiiyak na ako….)
    hahahahahahahahahahahahahahah!

    kengkay: am sure hahanapin ka rin namin. ako unang maghahanap sa inidoro, hehe

    Komento ni blurosebluguy — Marso 7, 2009 @ 10:01 hapon | Sagutin

  4. wahehehe! bentang benta sakin ung last sentence. tawang tawa ako. ako rin siguro, pag ganian na ko kaulyanin sa papa in law mo miss kengkay, papabaon na rin ako nang buhay tulad ng kengkoy mo.

    naligaw po. naaliw sa binasa. malamang sa malamang, mapapabalik uli.

    kengkay: salamat sa pagbasa. pwede mo ring akong tulungan sa pagbaon, hahaha

    Komento ni lio loco — Marso 7, 2009 @ 11:31 hapon | Sagutin

  5. congrats.

    pa berger ka naman jan mommy kengs.

    kengkay: nag antay nga ako ng finders keepers na balato e kaso mo ang mga little kengkays lang ang nabigyan πŸ˜€

    Komento ni flamindevil — Marso 7, 2009 @ 11:32 hapon | Sagutin

  6. si lolo talaga oo, dun nya pala nilagay ang susi sa ” dun daw” mabuti nahanap na kase wawa naman si lolo kengkoy kung sakali dahil sayang naman ang oyro…

    kengkay: sa dami ng dun daw na sinabi nya e talaga namang maghahalungkat ka talaga

    Komento ni payatot — Marso 7, 2009 @ 11:52 hapon | Sagutin

  7. memory gap ba….. haha!

    kengkay: ulyanin na talaga πŸ™‚

    Komento ni charlie — Marso 7, 2009 @ 11:57 hapon | Sagutin

  8. ahaaha buti nalang nahanap na ang wallet ni lolo, tsk… di pala wallet hinahanap nyo, yung susi para mahanap angw allet πŸ˜›

    kengkay: kung alam ko lang na yung susi ang susi para sa wallet e mas simple sana ang hanapan, hehe

    Komento ni Basti — Marso 8, 2009 @ 4:20 umaga | Sagutin

  9. mukhang kailangan ng uminom ng sustagen premium itich! lol! ^^

    kengkay: alam mo tama ka rin, kasi pala na miss nyang inumin yung mga gamot nya ng isang araw kaya naging sobrang malimutin

    Komento ni Cindyrella — Marso 8, 2009 @ 5:43 umaga | Sagutin

  10. hayzz sa wakas nahanap din…hehehe
    at talagang binigyan ka pa ng idea ni
    dadi kengkoy na gagawin sa kanya kapag
    ng ulyanin na sya.

    kengkay: matagal na nyang inulit ulit yon, hahaha

    Komento ni IKAY — Marso 8, 2009 @ 7:44 umaga | Sagutin

  11. parehas kami…read this http://ampingsblog.wordpress.com/2009/03/06/nawawala-si-supermannawawala-si-superman/ to find it why…

    napadaan lang po

    kengkay: at least nakita mo na rin si superman mo πŸ˜€

    Komento ni fampings — Marso 8, 2009 @ 8:38 umaga | Sagutin

  12. haha natuwa ako dito naalala ko nanay ko lagi naghahanap. nyahaha dapat kasi itali na lang! hihi

    kengkay: oo nga ano?

    Komento ni biba — Marso 8, 2009 @ 9:01 umaga | Sagutin

  13. hay salamat naman ms. kengks nahanap na ang wallet..

    nakakatuwa naman, magbibigti wala naman tali at walang pambili dahil walang pitaka πŸ™‚

    kengkay: hindi simple di ba, hahaha

    Komento ni sandijmartin — Marso 8, 2009 @ 10:02 umaga | Sagutin

  14. Hahhahaha.. Ang kulit ni Lolo! Natawa ako dun ah! Nabuksan na ang drawer at nakuha ang wallet tapos tingnan pa rin daw sa kotse kasi daw baka nandun yung wallet! Wahahahhaha..

    kengkay: super ulyanin na talaga e πŸ™‚

    Komento ni emilayskie — Marso 8, 2009 @ 11:20 umaga | Sagutin

  15. […] Older » […]

    Pasa ni hirit ni kengkoy « Kwentong Kengkay — Marso 8, 2009 @ 11:57 umaga | Sagutin

  16. buti naman, pati ako nagulantang jan sa nawawalang wallet, πŸ™‚ . bigyan mo sya ng ginkgo biloba, it comes in caps or tabs, vitamin yun, from natural ginkgo leaves, it opens and help circulate blood sa mga maliliit na nerves, boosts memory. epektib yun!

    Komento ni roni — Marso 8, 2009 @ 3:44 hapon | Sagutin

  17. hahaha.. kase naman bawal ang pork, beans… yan tuloy nagkaka memory gap πŸ˜›

    Komento ni angel — Marso 8, 2009 @ 3:54 hapon | Sagutin

  18. Tama yata ang kasabihan ang “taong nakakalimot isang batok ang sagot.”

    Pero lahat naman tayo ay sadyang makakalimutin din lalo na at hindi organisado sa mga gamit.

    Intindihin na lang natin ang mga mahal nati sa buhay kapag sila ay natetensiyon dahil hindi nila mahanap-hanap ang mga bagay na kailangan nila.

    Hindi po tayo bumabata, kahit ang ating memorya ay humihina rin. Ang sulosyon, maglagay ng mga notes kung ano ang ating gagawin, saan dinala ang ating mga gamit, at imbertaryo ng lahat na ating personala na kagamitan.

    At kung may tao tayong pinagkakatiwalaan, makakatulong na ibahagi din natin ang mga datus o inpormasyon na ito para may mapagtanongan.

    Komento ni Colegiala girl — Marso 9, 2009 @ 1:23 umaga | Sagutin

  19. Nangyari din kasi sa amin ito kahapon ng nagrocery kami sa Rustans sa may Gateway sa Cubao. Aksidenteng naiwanan ni Kristine ang susi ng van sa grocery cart at napulot naman ng isang worker nila.

    Nang tanongin ni mom kung nasaan iyong susi, aba sinabi niyang ibinalik niya sa kanya. Sa totoo lang kanina pang nakaupo si mom at ni walang natatanggap na susi ng van.

    Mabuti na lang at nagtanong siya sa customer service. Ayun napulot pala ng isang crew. Pero paikot-ikot at pabalik-balik na kami kung saan-saan hinanap ang susi.

    Related experience? Hhehehe. Don’t be absent minded is the moral of the story.

    Komento ni Colegiala girl — Marso 9, 2009 @ 1:27 umaga | Sagutin

  20. nyahaha
    ang kulit nyong dalawa
    that’s my ideal relationship
    yun lahat pwede pagtawanan
    maganda yan ganyan
    para walang stress
    lahat naidadaan sa comedy
    hehe

    Komento ni raft3r — Marso 9, 2009 @ 1:02 hapon | Sagutin

  21. heheheh nakakatawa naman kayong mag-asawa. Nagiging makakalimutin na sya hihi..

    Komento ni joycee — Marso 9, 2009 @ 2:42 hapon | Sagutin

  22. very humbling siguro kay kengkoy yung experience na yon. at cute din naman ang reaction nyong isa’t isa.ΓΌ saludo ako sayo na di ka nakipagsabayan ng galit. sa ibang mag-asawa yan, gyera na.

    God bless!

    Komento ni brotherutoy — Marso 9, 2009 @ 9:01 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: