Kwentong Kengkay

Marso 8, 2009

hirit ni kengkoy

Filed under: Kwentong Kengkoy — kengkay @ 11:57 umaga
Tags:

matapos kaming magkaron ng hanapan bluesย kay lolo at matapos sabihin ni kengkoy na pukpukin at ibaon ko sya kapag naging ganon sya ka ulyanin?

humirit sya kanina. naghanap din.

hinanap yung isang folder nya. nakalagay lang daw sa lamesa nya. ngayon wala na.

si kengkay? sabi ko sa kanya e mahahanap nya rin yon. tinuloy ko ang aking pagboblog.

kaso biglang nagdabog ang kengkoy. mainit na ang ulo. para walang problema e tinulungan ko syang maghanap. wala akong makita. sabi ko kay kengkoy. mamya lang, lalabas din yan. positibo ako.

dabog dabog na naman ang kengkoy. panay na ang dakdak. wala akong reaksyon. inulit ko sa kanya na makikita din nya yon.

makatapos ang isang minuto e natahimik ang kengkoy. tiningnan ko kung asan na sya. andun sa mga folders nya. nakita nya yung hinahanap nya.

tiningnan ko lang sya. tumingin din sya sa akin. medyo napahiya yata.

ang mahina nyang tanong? sino daw naglagay nung hinahanap nyang folders dun sa aparador nya?

tiningnan ko ulit sya. tumingin ulit sya sa akin.

tapos nagtawanan kaming pareho. e sino pa nga ba maglalagay nun edi sya lang. gamit nya yun ano.

ang tanong ko sa kanya – pukpukin na ba kita ngayon o gusto mong bigyan ako ng ibang deadline? hehehehehe

Advertisements

23 mga puna »

  1. “tiningnan ko ulit sya. tumingin ulit sya sa akin.
    tapos nagtawanan kaming pareho. e sino pa nga ba maglalagay nun edi sya lang. gamit nya yun ano”

    **hala e ka sweet naman! kinilig ako ahahaha. kaya siguro siya na inlove sayo ms.kengks dahil jan sa mga titig mo ๐Ÿ™‚

    kengkay: hahaha, sa tingin ko nga, sobrang lagkit ๐Ÿ˜€

    Komento ni dencios — Marso 8, 2009 @ 12:04 hapon | Sagutin

  2. hey, ang sweet ng awayan ninyo kengs… ^_^

    kengkay: alam mo, ganyan talaga kami mag away

    Komento ni Snow — Marso 8, 2009 @ 12:48 hapon | Sagutin

  3. hahaha…mukhang nalalapit na ang araw ni kengkoy na mapukpok at maibaon!

    tawag ako sayo maya!

    kengkay: sa totoo lang, ilang beses ko nga pinukpok yan kaso mo hindi ko mabaon, hahaha

    Komento ni p0kw4ng — Marso 8, 2009 @ 2:34 hapon | Sagutin

  4. baka ng aabang na mapokpok mo si dadi kengkoy
    kaya napapatingin din sya kapag tumitingin ka mami kengs…hehehe

    kengkay: naghahanda na sya sa pukpukan blues

    Komento ni IKAY — Marso 8, 2009 @ 2:42 hapon | Sagutin

  5. natuwa naman ako…kiver talaga pag blog ang kaharap nalilimutan lahat, pinopostpone ang activities. eh di ngayon na-blog si kengkoy ๐Ÿ™‚

    malilimutin din ako kaya pag naghahanap ako tahimik lang si walter. dati nagagalit ngayon natatawa na lang ๐Ÿ™‚

    kengkay: ako malimutin din kaya lang hindi ako nagdadabog, kasi parati kong sinasabi e makikita ko rin yon. kaso si kengkoy masyadong mainipin, hehe

    Komento ni nina — Marso 8, 2009 @ 3:17 hapon | Sagutin

  6. ahahaha! bigyan ng deadline ang kengkoy. hinuha ko marami pang pukpukan blues ang magaganap. lolz! natutuwa talaga ako sa mga posts dito. link na lang po kita para masubaybayan nang bonggang bongga. hehehe.

    kengkay: ayaw magbigay ng deadline, unfair di ba? hehe. link din kita, tenks ha

    Komento ni lio loco — Marso 8, 2009 @ 5:02 hapon | Sagutin

  7. Hahahaha Ang sweeet ng ganun…may mga tinginan factor pa..kinikiligs ako ha!

    kengkay: tinitigan ko at baka mapukpuk ko agad e, hahaha

    Komento ni Heleyna — Marso 8, 2009 @ 5:28 hapon | Sagutin

  8. how sweet naman pala kayo…konting dabog…hmmm..saan kaya magtatapos yan mamaya…..just asking…..maldito me!

    kengkay: ang katapusan ay sikret, hehe

    Komento ni blurosebluguy — Marso 8, 2009 @ 6:06 hapon | Sagutin

  9. memory lapse lang ba, or old age syndrome strikes na ke lolo kengkoy?
    Mag
    ENERVON C kaya siya…

    kengkay: ay ewan ko ba, sa tingin ko e stress yan ๐Ÿ™‚

    Komento ni francescainfrance — Marso 8, 2009 @ 6:50 hapon | Sagutin

  10. aun oh momie kengks pahingi aman ng asukal jan…ahihihi ang tameees…

    kengkay: nilanggam ka din ba? ๐Ÿ™‚

    Komento ni simplefula09 — Marso 9, 2009 @ 1:31 umaga | Sagutin

  11. hehehe ang kulit naman po pala ni kengkoy ms kengkay… nadala ng init ng ulo… biniro mo sana ms kengkay.. kung sa pinoy pa yan ang sasabihn… “naku kung ahas pa yan natuklaw ka na… ” hehe

    kengkay: magapatuka na lang ako sa ahas ๐Ÿ˜€

    Komento ni yhen — Marso 9, 2009 @ 2:06 umaga | Sagutin

  12. ang sweet…

    kengkay: switik

    Komento ni mangbadoy — Marso 9, 2009 @ 2:56 umaga | Sagutin

  13. naks naman hehe daming kinilig oh
    parang telenobela lang na comedy hehe…
    mami kwento mo kung paano ba kayo nag simula ni kuya kengkoy.kung sino ba yung namikot sa inyong dalawa hehe…para masaya …abangan ko ha hehe…

    kengkay: ay mahabang istorya, atsaka magpapa alam pa ako sa kanya kasi iba talaga ang naging drama namin e

    Komento ni anakngpating — Marso 9, 2009 @ 3:27 umaga | Sagutin

  14. ay momi kengks ipunin mo na lang..para isang pokpokan na lang..hahaha
    kengkay: ahahaha, ipunin ko ng isang malakas na pukpuk

    Komento ni azul — Marso 9, 2009 @ 4:11 umaga | Sagutin

  15. nakakatuwa naman kayong dalawa ๐Ÿ™‚

    kengkay: kasali yan kaya masaya ang aming pagsasama, pukpukan ๐Ÿ™‚

    Komento ni sandijmartin — Marso 9, 2009 @ 8:16 umaga | Sagutin

  16. ui naligaw na rin pala dito si lio ahaha.
    Awww isa lang ang ibig sabihin nyan, like father like son! nakupo, maghanda handa ka na mami kengkay!

    kengkay: naghanda na ako ng maraming mapukpok ๐Ÿ™‚ si lio napapadaan nga e, hehe

    Komento ni Basti — Marso 9, 2009 @ 11:03 umaga | Sagutin

  17. ohh lala!

    kengkay: ;D

    Komento ni partofyou — Marso 9, 2009 @ 12:39 hapon | Sagutin

  18. answit naman! siguro anlagkit ng mga tingin nyo?!

    kengkay: sa sobrang lagkit muntik ko na sya mapukpok, hahaha

    Komento ni sensoryreplays — Marso 9, 2009 @ 12:43 hapon | Sagutin

  19. hello ate kengks. nakawordpress na si winkii. paki-relink naman ako. salamat. ๐Ÿ™‚
    kengkay: iwan mo yung URL mo sa kin para mapalitan ko

    Komento ni gracepets — Marso 9, 2009 @ 12:57 hapon | Sagutin

  20. Madalas ganyan din mga eksena dito sa bahay hehe juice me,wag ko raw galawin gamit nya tapos pag may nawala, sa akin din nagtatanong nyahaha

    kengkay: hay ano pa nga ba

    Komento ni cheh — Marso 9, 2009 @ 1:20 hapon | Sagutin

  21. oH No NApaKA uLyanIn nMn ni kenGkOy

    LagOt taLaga kaY MAdaM kenGkay PAG ganYAN Lageh

    saBuNoT ANg DATiNg hehe

    but sweeT kaU thoUgH….

    kengkay: kapag gamay nyo na ang isat isat, pwede kahit ano ๐Ÿ˜€
    ^_^

    Komento ni โ™ฅ KiiKay โ™ฅ — Marso 9, 2009 @ 4:03 hapon | Sagutin

  22. @basti: hehehe. honga eh. mabuti na lang talaga naligaw ako ng landas dito. kwela pala ‘tong si mami kengks. at naki-mami kengks na talaga. wehehehe. sayang nga at ngayon lang ako napadaan dito. lolz! di bale. tagged na si mami kengks sa kuta ko. kaya masusubaybayan ko na ang kakengkayan niya. hakhak! ๐Ÿ˜€

    kengkay: hahahaha, na tag na rin kita

    Komento ni lio loco — Marso 9, 2009 @ 5:05 hapon | Sagutin

  23. hehehe..nagbackread talaga ako sa kwentong hanapan blues at sa pukpukin at ibaon si kengkoy..natawa talaga ko sa kanila mag-ama nga sila..hehehe

    nainggit nman ako sa titigan nyo ni kengkoy momy keng’s ang sweet ng dating..hihihi

    kengkay: nag update ka talaga ha ๐Ÿ˜‰ no nga pala ang URl mo para mabisita din kita

    Komento ni kathy — Marso 9, 2009 @ 5:21 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: