Kwentong Kengkay

Marso 9, 2009

gusto nyong hiramin tv namin?

Filed under: Kwentong Bulilit,Kwentong Nanay — kengkay @ 5:50 hapon
Tags: , ,

hindi namin gagamitin ang aming telebisyon isang buong linggo. mula ngayong lunes hanggang sunod na linggo.

gusto ninyong hiramin?

parusa yan sa mga little kengkays. sa totoo lang, si panganay ang nagsimula. nanood pa kami ng sine nung sabado at inulit pa naman nung linggo. eto istorya: click

masaya na sana. si bunsoy kasama si tatay nya sa bahay at pareho silang nagkulitan, si kengkay kasama si panganay at nanood ng sine. aba nung umuwi kami e biglang nagtantrums si panganay ng walang kabog kabog. tumilapon lahat ng pingganΒ at halos magiba ang bahay namin sa pagdadabog nya halatang may pinagmahanan di ba, hehe

nung ayaw paawat sa matinong usapan e sinabihan ko na sya na may parusa ang kanyang pagwawala. nung medyo natigil na ang kanyang tantrums e kinausap ko na sya. tinanong ko kung hindi nya nagustuhan yung date namin sa sinehan. enjoy daw sya. sabi ko e bakit ka biglang nagwala. hindi daw nya alam. well, walang rason ang kanyang tantrum. pwes, sabi ko sa kanya, may parusa yon. at sempre may drama din. sabi ko mahal namin sya kaya dapat nyang malaman na mali yung ginawa nya. para sa ikabubuti nya rin yon.

kaya ang parusa: isang linggong walang telebisyon. kahit na si bunsoy na walang kasalanan, damay din. kahit na ako at si kengkoy, damay din. walang telebisyon ng isang linggo. kaya ninyo yon? nagawa na namin yan. at gagawin ulit para sa ikabubuti ng barangay ni kengkay πŸ˜€

kaya kung gusto nyong hiramin tv namin, halika na dito. remember, merong parating lumalabas na seks toys dun sa tv namin dito, hehehe

nung bata kami, ang parusa kapag makulit kami e sinturon o kaya kurot. kayo, anong parusa sa inyo?

Advertisements

23 mga puna »

  1. ala kawawa..

    nakaya ko hindi manood ng tv for almost a week.

    wag lng mwala internet ah? masaya nko. hehe

    :p

    kengkay: sige, sabihin ko sa nanay mo, hahaha. hindi na naman ako makapag iwan ng comment sa blog mo, hayss

    Komento ni Joffred — Marso 9, 2009 @ 6:27 hapon | Sagutin

  2. hahaha, wa tv. magandang way sa pag disiplina.
    nagawa ko na yang walang tv, for six months, narindi na kasi ako sa mga balita kaya ayun, pinahiram ko na parang bigay na rin, 1 year na kasi.

    kengkay: wow, swerte ng napagbigyan mo, yun nga lang sila bayad ng kuryente πŸ˜€

    Komento ni partofyou — Marso 9, 2009 @ 7:12 hapon | Sagutin

  3. kami pag makulet, pinapatayo sa isang sulok nang bahay nang walang kausap ng ten thousand years. turned out di epektib dahil paulit ulit kaming pinahilera ng utol ko. ahehehe.

    mami kengks, pahiram ng tv. pero mukang di ko kaya ang freight charges para mailuwas yan dito sa pinas. hehehe.

    kengkay: edi punta ka na lang dito para makinood, hahaha. ten thousand years? nilumot na kayo, hahaha

    Komento ni lio loco — Marso 9, 2009 @ 8:42 hapon | Sagutin

  4. kengks, sensya na’t ngayon lang ako nakabloghop. di ko rin kakayaning magbackread tulad ng dati. busy! btw, dati yan din ang parusa sa amin nung bata kami. parang maiiyak ako nun na di ko mapapanood ang isang episode ng Daimos at Bioman. hehe…
    sakali, kung si little kengkay naman ang nagparusa sayo ng no internet for a week, kaya mo? ako hinde, hindi ko kaya yun! ahhrrggghh!

    kengkay: kapag bakasyon walang internet si kengkay πŸ˜€ ako naiiyak kapag di ko napanood ang prinsipe abante, hahaha

    Komento ni brotherutoy — Marso 9, 2009 @ 8:58 hapon | Sagutin

  5. Naku, kapag binubungangaan ako dati ni Momski eh parusa na din ‘yun! Ansaket sa tenga eh! *LOLz*

    Peram ng TV. Mali pala, akin na lang. Hehe. = P

    kengkay: sabihin mo sa bossing mong aleman kunin dito, hehe

    Komento ni gasolinedude — Marso 9, 2009 @ 9:33 hapon | Sagutin

  6. aq po momie kengks madalas magtantrums nung bata pa q….en till now..hehehe
    papampam lang po un ng mga bebe..hehehe

    \(^^)/ powerhug na lng kita momiekenks..

    kengkay: sa yo nagmana ang aking panganay, ganun? πŸ˜€

    Komento ni simplefula09 — Marso 10, 2009 @ 1:08 umaga | Sagutin

  7. natry ko dati 1 month walang tv..eto kakalaya ko lang sa mental..ahahahaha

    sa amin palo ang katapat pagmatigas ang ulo…

    kengkay: palo ng kamay o ng sinturon o ng walis, hehe

    Komento ni azul — Marso 10, 2009 @ 1:49 umaga | Sagutin

  8. ako kaya ko walang TV forever basta may internet. Kasi noong college wala naman kami TV sa dorm eh saka ako kahit lahat sila nood ng TV sa living room, ako nasa room ,nag-iinternet.

    kengkay: kami tagal din bago kami nagkatv kasi ayaw bumili ng tatay ko at sagabal daw sa pag aaral

    Komento ni nina — Marso 10, 2009 @ 2:48 umaga | Sagutin

  9. ako rin diko na masyadong pansin ang TV..internet nalang. hehe

    kengkay: aba, umamin na talaga

    Komento ni ELIment — Marso 10, 2009 @ 3:21 umaga | Sagutin

  10. kawawa naman ang mga little kengkays..hindi ba pwedeng 3 days lang na walang TV,mami kengs? hehe
    parang ang haba ng isang linggo..

    pingot at palo sa pwet dati ang parusa ko kapag sobrang kulit ako pero ngayon, parusa ang walang internet kaya nagpapakabait na ako..hehe

    kengkay: aba at ikaw pa nakipag negotiate para sa kanila ha, hehe. wala negotiation e πŸ˜€

    Komento ni rio — Marso 10, 2009 @ 3:32 umaga | Sagutin

  11. wawa naman. pero ok rin para malaman nila na may consequences yung bad attitude.

    kengkay: kasi sa totoo lang, masyadong makulit itong si panganay these past days kaya dagdag parusa yan

    Komento ni abrel — Marso 10, 2009 @ 4:41 umaga | Sagutin

  12. wahhh tv pwedeng wala sakin yan kahit isang taon pa hehe basta kasama ko lagi ang radyo,o ipod ok na sakin hehe..

    kapag matigas ang ulo,sinturon talga as in o kaya ang kamao ng tatay ko pero saming tatlong magkapatid yung 2 nakaranas na ng hagupit ng magulang ko ako lang ang hindi hehe mabait ako eh …hehe…machunuring bata kasi ko hehe…

    kengkay: naks, sipsep kamo, hahaha

    Komento ni anakngpating — Marso 10, 2009 @ 5:42 umaga | Sagutin

  13. waaaahhh… kawawa naman :(… lahat na damay… ako nung bata ako kapag makulet ako eh nakakatikim ako ng palo eh πŸ˜€

    kengkay: o ayan, karamihan naman may palong natikman di ba? hindi ako makaiwan ng comment sa blog mo, hayss

    Komento ni Lalaine — Marso 10, 2009 @ 7:53 umaga | Sagutin

  14. saking palo ng ting-ting or luhod sa asin/munggo ang sakit ano…

    kengkay: nyay, meron pala talagang lumuluhod sa asin?

    Komento ni mangbadoy — Marso 10, 2009 @ 7:57 umaga | Sagutin

  15. maganda nga yung may ganyang parusa para hindi na ulitin yung pagkakamali na wala naman palang dahilan. minsan kasi ang bata napaka unpredictable na kailangang ding intindihin naman yun nga lang kailangan din talaga disiplinahin kahit mahirap na tipong lahat mag susuffer…

    kengkay: mas matindi kapag lahat damay e, feel na feel πŸ˜€

    Komento ni dencios — Marso 10, 2009 @ 8:36 umaga | Sagutin

  16. hindi na rin ako masyadong nanood ng tv..

    Sinturon sa pwet ang parusa sa akin pero minsan nilalagyan ko ng maraming dyaryo para hindi masakit…aray ko po! πŸ™‚

    kengkay: mabuti ka may oras pang mag magic, kami wala talaga, waa, sakit!

    Komento ni sandijmartin — Marso 10, 2009 @ 8:46 umaga | Sagutin

  17. waaah ayaw ko ng tv nyo german language kaya …..hirap intidihin….
    hmmm …..minsan maganda ring gawing parusa yan..grounded ba naman…para maisip nya na kung gagawin na ang isang bagay na walang kapararakan next time…alam nya ang kasunod….bawal lumapit sa ref. heheheheeh

    kengkay: i mute mo na lang para parang charlie chaplin, hehe

    Komento ni blurosebluguy — Marso 10, 2009 @ 8:54 umaga | Sagutin

  18. Medyo bago yang parusang yan ha! Pero I think mas maganda yan kesa nung kapanahunan na paluluhurin ka pa sa munggo o kaya papaluin ng dos por dos! Ouch!

    kengkay: ayay, dos por dos!

    Komento ni Aling Peppay — Marso 10, 2009 @ 10:38 umaga | Sagutin

  19. parusa ko..palo.hehe

    galing magturo ni mommy kengks.

    kengkay: halos lahat naman yata palo o kurot e. pero sempre kapag makulit talaga, nakakatikim din sila ng paltik, πŸ™‚

    Komento ni flamindevil — Marso 10, 2009 @ 10:43 umaga | Sagutin

  20. aw wawa lalo na at sanay sila sa tv…ikaw kaya ang alisan ng internet?hehehe

    pero yung alaga ko din bawal ang tv sa weekdays..pag weekend minsan lang din…lalo ng tinanggal sa kanya yung tv nong laging nanaginip ng kung ano ano,hihihi…as in wala na talaga ngayong tv..hahaha!

    kengkay: hay isa pa yan, nood ng nood tapos may nightmare na. kaya rin kalahating oras lang sila pag weekdays e. weekend lang sila matagal

    Komento ni p0kw4ng — Marso 10, 2009 @ 11:36 umaga | Sagutin

  21. maganda naman pala ang layunin mo! ok lang yan para di na sya umulit sa ginawa nya na yon dahil para din naman sa kanya yon di ba?

    kengkay: bawal mamalo ng bata dito e, mapupulis ka πŸ˜€

    Komento ni payatot — Marso 10, 2009 @ 12:37 hapon | Sagutin

  22. naku yan ang pinakamahirap na parusa sa bata
    mas matindi pa yan kesa sa face the wall at paluhurin sa asin
    i should know

    Komento ni raft3r — Marso 11, 2009 @ 12:39 hapon | Sagutin

  23. samin pag weekends lang TV mga kids. Pero matinding parusa yan pag sa Abuela ko ipinataw, aba eh ang lola ko ay todo subaybay sa teleserye. pero pag sa kids isang linggo, ok lang. πŸ˜›

    Komento ni Basti — Marso 11, 2009 @ 2:54 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: