Kwentong Kengkay

Marso 11, 2009

polong nakakalasheng

Filed under: Litratong Pinoy — kengkay @ 4:01 hapon
Tags:


Blusa/Polo

Baket naman daw nakakalasheng itong polong suot ng mga kabataang ito? Napansin ninyo ang hawak nilang beer mugs?

Dahil yan ang talagang ka-partner ng polo na yan. Ang mga kabataan ang mga tinatamong ‘hari’ kapag kapiestahan dito sa aming baryo sa Alemanya. May mga botohan pa yan kung sino ang magiging ‘hari’ — alam nyo kung sino ang panalo sa botohan? Kung sino ang may pinakamaraming na-inom, heheh.

Saya ng piesta dito ano? Sa mismong parada, may dala silang lahat ng beer mugs at sa likuran nila ay may karay karay silang malaking barrel ng beer. At sempre, puno parati ang kanilang beer mugs kahit saan sila magpunta sa peryahan. Pero ang masaya dito? Walang gulo kapag piesta, walang buntalan. Minsan lang 😀

Advertisements

32 mga puna »

  1. Ang aga namang inuman niyan at maliwanag pa ang kalangitan. Hehe. = D

    kengkay: tatlong araw piesta dito. kapag ikatlong araw, may frühschoppen — alas gis ng umaga ay bukas na ang mga bars!!!

    Komento ni gasolinedude — Marso 11, 2009 @ 4:26 hapon | Sagutin

  2. Hi Friend.. Interesting post.. Nice blog.. Keep up the good work.. Do find time to visit my blog and post your comments.. Take care.. Cheers mate!!!

    kengkay: salamat sa pagdaan, nakiraan na rin ako

    Komento ni sparkzspot — Marso 11, 2009 @ 4:30 hapon | Sagutin

  3. Aba! Ganyan pala ang fiesta dyan? Kaso sayang minsan masaya rin abangan yung mga buntalan na yan eh. Libreng action film hahaha.

    kengkay: kapag may buntalan kasi pinasasara agad yung piesta e, edi lugi di ba?

    Komento ni Heleyna — Marso 11, 2009 @ 4:32 hapon | Sagutin

  4. e nasa tamang pag iisip pa ba ang mga nananalo? haha!

    kengkay: sa totoo lang, hindi ko pa yan natatanong 😀

    Komento ni ces — Marso 11, 2009 @ 5:39 hapon | Sagutin

  5. Kaya naman kasi nila dalhin ang kalasingan, kumbaga nasa tyan lang ang ispirito ng alak he he

    happy lp po!

    kengkay: sanay na kasi ano, hehe

    Komento ni thess — Marso 11, 2009 @ 7:13 hapon | Sagutin

  6. OCTOBERFEST ba yan sa Munchen?

    sali ako, para may reyna, hehe

    kengkay: hindi, normal na piesta lang sa aming baryo. sanay ka rin ba? hehe

    Komento ni francescainfrance — Marso 11, 2009 @ 8:37 hapon | Sagutin

  7. Octoberfest nga sana ang itatanong ko hehe…(Wo in Deutschland bist du?)

    Happy LP!

    kengkay: piesta lang sa amin yan. HD ako 😀

    Komento ni Gmirage — Marso 11, 2009 @ 8:52 hapon | Sagutin

  8. Mukhang sanay na kasi uminon ang maga iyan, di ba sa kanila nagmula ang Oktoberfest. Happy LP!

    kengkay: normal na kasi sa kanila ang beer, parang tubig 😀 oo, dito nga ang oktoberfest

    Komento ni sassy mom — Marso 11, 2009 @ 8:55 hapon | Sagutin

  9. isa sa pangarap ng asawa ko eh makaattend ng Octoberfest sa Germany,dahil may lahi din naman syang German dahil sa tatay nya.

    kengkay: hay, pangarap ko din yan maranasan

    Komento ni FickleMinded — Marso 11, 2009 @ 9:17 hapon | Sagutin

  10. carnaval din ba itong pagdiriwang? o oktoberfest? carnaval din kasi entry ko ngayon. hehe.

    kengkay: hindi, normal na kapistahan lang ito

    Komento ni anj — Marso 11, 2009 @ 9:37 hapon | Sagutin

  11. shet! gusto ko nang pumunta ng germany. siksik liglig pala ang alak jan mami kengks eh. aysows! at muka pa silang kagalang-galang eh no? lolz!

    kengkay: kaya dapat magbihis kapag iinum para kunyari matino pa rin, hehe

    Komento ni lio loco — Marso 11, 2009 @ 10:23 hapon | Sagutin

  12. hehe…. natawa ako sa minsan lang… happy huwebes… 🙂

    kengkay: totoong minsan lang kasi nga kapag may away e sarado agad lahat, taob ang piesta hayss

    Komento ni lino — Marso 11, 2009 @ 11:23 hapon | Sagutin

  13. naku. mga adek lang sa beer. hahahaha.

    HAPPY HUWEBES PO 🙂

    yeye (idlip.net)

    kengkay: adek na adek nga 😀

    Komento ni ewanko — Marso 12, 2009 @ 12:58 umaga | Sagutin

  14. momie kengks saya aman jan..
    Polo and beer…wow
    *kampai*

    kengkay: kampay!

    Komento ni simplefula09 — Marso 12, 2009 @ 1:03 umaga | Sagutin

  15. parang sa mga napapanood ko lang sa old movies ah! aba at ang panalo pa pala ay ang kung sino ang pinakamadaming nainom. beer festival ba yan? hehe!!

    kengkay: parang beer festival kasi yan ang normal na inumin dito e

    Komento ni cindyrella — Marso 12, 2009 @ 1:52 umaga | Sagutin

  16. hehe walang gulo buti po hindi sila nagbubuhusan ng beer nila hehe mas masaya yun eh lalo na kapag malamig yung beer kapag new year dito satin matapos ang madugong putukan hala sa basaan na ng beer as in hindi iinumin papaliguan ka hanggat di ka nababasa hehe…

    kengkay: kasama na rin yang paliguan ng beer especially kapag mainit

    Komento ni anakngpating — Marso 12, 2009 @ 2:59 umaga | Sagutin

  17. Kakaibang gulp war pala ito!

    kengkay: gulp war nga!

    Komento ni Sreisaat — Marso 12, 2009 @ 4:53 umaga | Sagutin

  18. siguro isa yan sa main atraksyon ng piyesta ano? dito naman minsan sa atin e kainan ng sili, yung mga matatakaw sa sili..waaaaaaaaa, ang anghang

    kengkay: kainan ng sili? si kengkoy pwede dyan

    Komento ni payatot — Marso 12, 2009 @ 6:20 umaga | Sagutin

  19. Huwaw Oktoberfest yan ha? heheeh…

    May mga cuties ba diyan kengs! ^_^

    kengkay: sa totoo lang, madaming cuties kaso mapagkakamalan akong nanny, hahaha

    Komento ni Snow — Marso 12, 2009 @ 6:49 umaga | Sagutin

  20. namen…ang saya pala ng pyista dyan sa inyong baryo…..maka-attend nga minsan….

    kengkay: sabihan mo lang ako! sana ikaw maging hari, hahaha

    Komento ni blurosebluguy — Marso 12, 2009 @ 7:08 umaga | Sagutin

  21. kulet para silang naka uniform

    kengkay: tumpak, uniform nga yan

    Komento ni azul — Marso 12, 2009 @ 7:18 umaga | Sagutin

  22. hehe.. okey ah! Mukhang maglalaro sila ng golf 🙂

    kengkay: golf? o gulp gulp? hehehe

    Komento ni sandijmartin — Marso 12, 2009 @ 9:44 umaga | Sagutin

  23. wow I think it suits me. I have to be part of that. kiddos. 🙂

    kengkay: reyna nila, hehe

    Komento ni jeniffer — Marso 12, 2009 @ 10:14 umaga | Sagutin

  24. ewan ko ha? pero ako? malalasing ako sa kanila. hahaha!

    kengkay: kaya makipista na ka dito sa baryo namin! dami ko siguro iblog kapag andito ka sa piesta, hahahaha

    Komento ni reyna elena — Marso 12, 2009 @ 11:01 umaga | Sagutin

  25. ganu kaya kadalas ang minsan na may nag-aaway jan? Sus kung dito yan sa Pinas lageng meron sigurado hehe!

    kengkay: parating may police kapag ganyan kaya huli agad atsaka hindi sila pala-away kapag lashing, sa totoo lang

    Komento ni joycee — Marso 12, 2009 @ 4:47 hapon | Sagutin

  26. aba aba aba! parang MASAYA nga diyan sa alemanya ah! hehehe! parang DREAM COUNTRY ko na ngayon yan nyahahahaha!

    kengkay: uy masaya talaga dito 😀 pero mas masaya sa pinas

    Komento ni Kara Krus — Marso 12, 2009 @ 7:48 hapon | Sagutin

  27. okay yan ah… kung dito yan, araw ang bibilangin.. marami na kasing malalaki na ang bahay alak satin.. pero baka hindi rin kasi germany yan eh, baka ginagawa na lang breakfast cereals ng mga alemanya ang beer….

    oo nga dito satin pag pyesta minsan may buntalang nagaganap… ang saya!!! happy fiesta..

    advice: isali si little kengks someday inuman contest na yan.. joke…uy bagay ang tagline ko dito…—>cheers!!!! ;p-glesy the great

    kengkay: gusto na nga ni panganay ko mag wine tasting ano, hehe

    Komento ni glesy the great — Marso 12, 2009 @ 11:17 hapon | Sagutin

  28. heheh… dapat pala diyan magpuntahan ang mga kapit-bahay namin… hindi na sila malulungkot mawalay sa kanilang pamilya at sa kanilang bisyo… eh diyan talagang part talaga ng culture ang beer eh…
    teka parang sa atin din naman, di nga lang gano hina-hype. pwede lan pag october. charot!

    kengkay: sa atin e merong pang tagay kaya tanduay, hehe

    Komento ni hitokirihoshi_kawaii — Marso 13, 2009 @ 1:15 umaga | Sagutin

  29. ay parang beerfest po ito ah… hehe. at kelangang todo outfit pa ang mga partisipantes ms kengkay. ang kulit. hahaha!

    kengkay: uniform nila yan para alam kung sino ang bibigyan ng beer

    Komento ni yhen — Marso 13, 2009 @ 10:55 umaga | Sagutin

  30. pag ako andyan…sana ako na ang hari..sos ko!indi pa kasi akko ininvyt! oders ka na mami kengks..basta beer wala akong atrasan!!ahahhaha

    kengkay: ganun? tomador ka rin pala, hahaha

    Komento ni Maldito — Marso 13, 2009 @ 11:04 umaga | Sagutin

  31. Hello Kengkay!

    Nagpiesta na naman pala sa inyo. Kami di nakapunta noong fiesta rito sa amin, hub did not feel well kasi. Pero oks lang, ang lamig kasi noong time na yon e. 🙂

    kengkay: ang piesta dito sa amin e august kaya masarap magpiestahan

    Komento ni sofie — Marso 13, 2009 @ 11:48 umaga | Sagutin

  32. Octoberfest ba yan? Gusto ko yan!!! Haha!

    kengkay: normal na pista pa lang yan. kapag oktoberfest mas malala, hahaha

    Komento ni Buge — Marso 14, 2009 @ 10:30 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: