Kwentong Kengkay

Marso 13, 2009

iskul masaker sa alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 11:30 umaga
Tags:

15 ang patay

9 na estudyante (7 ang babae)

4 titser (3 ang babae)

2 sa kalye

nagsimula ng mga alas 9 ng umaga at natapos ng mga alas dose ng hapon.

maraming sugatan

mas maraming na trauma

karamihan sa namatay? hawak pa ang kanilang ballpen.

karamihan sa namatay? sa mismong ulo tinamaan.

karamihan sa namatay? babae.

sharp shooter ang 17 years old na teen-ager. ang tatay nya ay member ng isang shooter’s club. ang baril nila sa bahay? 18 na ibat ibang klase.

ang sharp shooter na 17 years old? matagal ng ginagamot dahil sa depression. ang tatay nung shooter? hindi ni lock ang mga baril sa bahay. mayaman ang pamilya. mas maganda sana kung mas mayaman sila sa pagtitingin sa mga anak nila ano?

yung kapatid na babae nung shooter e hindi nga alam na ginagamot dahil sa depression ang kanyang kapatid e. tama kaya yun? parang may konting mali.

ang sharp shooter ay walang naging kasintahan. konti lang ang kaibigan. pero mahilig mag target praktis. parang may konting mali din di ba?

ang sharp shooter ay may dalang mahigit sa isandaaang bala nung sya ay nagmasaker.

ang lugar kung saan nangyari yon ay malapit lang din sa aming baryo. hay buhay. ipagdasal natin na manatili ang kapayapaan at sana maging maayos naman ang buhay ng mga na traumang mga estudyante.

eto ang istorya:
click

Advertisements

26 mga puna »

  1. Hello Kengkay!

    Yep, news yan kagabi dito sa amin. May isa pang news na dito naman nangyari sa amin. Hindi siya massacre pero may namatay. Gustog bumalik ng kulungan ng mama kaya niya ginawa yong krimen. Sa jail kasi feeling nya mas may order ang buhay niya kaysa nasa labas siya. Hay… Ang buhay nga naman ng tao pag hindi nya alam kung anong gagawin niya sa buhay niya.

    kengkay: hanu ba naman yan. gusto lang bumalik sa kalaboso e nang damay pa ng buhay ng may buhay
    Anyway, have a great weekend pa rin!

    Komento ni sofie — Marso 13, 2009 @ 11:54 umaga | Sagutin

  2. tragic. dapat nagpulis na lang ang batang yan.

    kengkay: mas delikado kapag nag pulis at yung mga inosente ang mas maraming biktima nya

    Komento ni prinsesamusang — Marso 13, 2009 @ 12:34 hapon | Sagutin

  3. matindi nga yan ate kengks, nabalitaan ko din yan dito sa tv at ang dami nga ng namatay..paano kaya nangyari yung di alam ng kapatid na ginagamot ang utol nya sa dperession ano? hay buhay talaga, parang pusa lang kung barilin…

    kengkay: ewan ko ba, makikita mo sa bagay na yan na may diprensya na sa pagiisip ang pamilya. hindi naman dapat itago kung depressed sa pamilya baka mas makatulong nga kung magkakasama di ba

    Komento ni payatot — Marso 13, 2009 @ 12:34 hapon | Sagutin

  4. naku kengkay..pick-up ko agad ang news na yan! kakilabot talaga! minsan…pag maraming pera..mahirap din..napapabayaan ang mga anak….

    eto nga hanggang ngayon naiiyak pa rin si Inday…ay sori hindi sa balita…kasi bf nya aleman..parang gusto na nya i-brek…heheheh super OA naman tong Inday na ‘to. hehehehe..

    kengkay: ewan ko ba kung san talaga nagsimula ang pagkukulang sa bagay na ito. ano naman problema ni inday?

    Komento ni blurosebluguy — Marso 13, 2009 @ 12:58 hapon | Sagutin

  5. nyak.this is really bad news.may kasalanan din ang magulang nya in a way.excuse ba yung hindi ni lock ang mga baril sa bahay? i dun think so.

    Komento ni flamindevil — Marso 13, 2009 @ 8:07 hapon | Sagutin

  6. Hala I feel so sorry sa mga inosenteng tao na nadamay sa insidenteng ito.

    Komento ni MC — Marso 13, 2009 @ 9:19 hapon | Sagutin

  7. hay nabasa ko din sa herald tribune kahapon! kakalungkot no? kakaawa din yung bata kasi im sure mahirap pinagdadaanan nya kaya nangyari ang mga ganong bagay! di nya kayang dalhin ang problema!

    sa tingin ko malaki ang papel ng mga computer games na masyadong violent!

    Komento ni p0kw4ng — Marso 13, 2009 @ 9:24 hapon | Sagutin

  8. nakakalungkot naman! ang kanyang pamilya, kanyang lifestyle at environment ang dapat bigyan ng pansin..

    Komento ni sandijmartin — Marso 13, 2009 @ 10:43 hapon | Sagutin

  9. Grabe na talaga ang panahon… i first learn of this from a close friend in facebook. She also lives in Germany and near the place where the incident took place.. natatakot talaga siya. Bakit naman kasi school palagi ang puntirya ng mga ito.. gaya ng nasa US.

    Komento ni Elyong — Marso 13, 2009 @ 11:48 hapon | Sagutin

  10. Napansin ko.. iba na naman ang layout mo.. hehehe

    Komento ni Elyong — Marso 13, 2009 @ 11:49 hapon | Sagutin

  11. nabalitaan ko to noong isang gabi habang nasa threadmill sa gym. sobrang nakakalungkot. papano mo nagagawang mag may-ari ng 18 na baril? anong klaseng passion of possession meron sya? sorry, hindi ko talaga maintindihan.

    Komento ni annevdns — Marso 14, 2009 @ 12:58 umaga | Sagutin

  12. kawawa naman yong mga naulila….

    Komento ni taympers — Marso 14, 2009 @ 2:36 umaga | Sagutin

  13. nabalitaan ko iyan dito sa spain. grabe nga… nag-ala-rambo yung killer at saka nangmasacre… tsk…tsk… kawawa naman yung mga biktima… 😦

    Komento ni pinoyonlinenovels — Marso 14, 2009 @ 2:56 umaga | Sagutin

  14. nabasa ko ang story na yan at nakakagimbal ngang talaga. parang yung nangyari din before sa US. nakakatakot kasi ang babata pa nila (yung shooter at yung mga namatay). lahat sila biktima. tsk tsk! at dahil 17yrs old pa lang siya ndi rin siya ang mananagot! ipagdasal na lamang natin silang lahat… T_T

    Komento ni cindyrella — Marso 14, 2009 @ 3:09 umaga | Sagutin

  15. tsk tsk… biyolente….

    Komento ni charlie — Marso 14, 2009 @ 3:39 umaga | Sagutin

  16. grabe naman tong pangyayaring toh.

    Komento ni D★rwin — Marso 14, 2009 @ 6:15 umaga | Sagutin

  17. nabasa ko na nga yan mami kengks. ang mga kabataan talaga sa ibang bansa, hindi mo alam kung matatakot ka o maaawa. di tulad sa aming filipino youth na pinalaking may takot sa Diyos. tsk tsk tsk!

    Komento ni lio loco — Marso 14, 2009 @ 9:00 umaga | Sagutin

  18. Oh my goodness! We should pray for those people who have died. Bad bad news… 😦

    Komento ni Snow — Marso 14, 2009 @ 11:47 umaga | Sagutin

  19. saw this news in the paper here pero di ko binasa ang details 😦 depressing kasi ang ganitong mga news. it’s really sad.

    Komento ni nina — Marso 14, 2009 @ 1:46 hapon | Sagutin

  20. hala kawawa naman yung mga namatay :'(. siguro kulang sa alaga ng magulang yung sharp shooter… kawawa talaga!

    sana nga maging maayos na lahat dyan.

    Komento ni Lalaine — Marso 14, 2009 @ 2:34 hapon | Sagutin

  21. ang gago naman non.

    ginawang rabbit ang tao para pagpraktisan.

    dapat barilin din yung magulang..

    Komento ni x — Marso 14, 2009 @ 6:29 hapon | Sagutin

  22. hala.. wawa aman cla.. anu un lruan.. xet cla!

    Komento ni nicki — Marso 15, 2009 @ 9:03 umaga | Sagutin

  23. nakakalungkot nga ito. kakagulat din at magtatanong ka kung bakit niya ginawa. nung una naisip ko may nambasted sa kanya dun, karamihan daw kasi babae ang binaril… hmmm… intriga… pero nakakalungkot pa rin.

    Komento ni Jim — Marso 15, 2009 @ 10:58 umaga | Sagutin

  24. Kawawa naman ang mga taong nadadamay sa pagkasira ng utak ng isang tao. Medyo hindi na kasi nararamdaman ng iba ang pagmamahal sa kanila ng kapwa kya nakakaisip gumawa ng masama.

    Komento ni Colegiala girl — Marso 16, 2009 @ 2:11 umaga | Sagutin

  25. drug addict lang may kayang gumawa ng ganyan.

    kung dito mangyayari sa atin yan, mahigit isang buwan pag uusapan at naka broadcast sa tv yan.

    Komento ni jasonhamster — Marso 16, 2009 @ 1:40 hapon | Sagutin

  26. grabe naman pala dyan ate kinks. ayoko na dyan! hehe

    Komento ni eliment — Marso 17, 2009 @ 5:25 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: