Kwentong Kengkay

Marso 18, 2009

pasalubong tiktak

Filed under: Kaibigan,Litratong Pinoy — kengkay @ 5:00 hapon
Tags: ,


Alahas


ang relos na ito ay galing kay tonyo hillfigero. sa totoo lang, hindi ako bilib dyan sa tatak na yan kasi nainis ako sa lumabas na balita dati na ang mga gamit daw nya e hindi para sa mga asyano, ang mga gamit daw nya e hindi bagay para sa mga asyano.

pwes, boycott ko sya. dahil sa totoo lang, hindi ko rin naman sya afford, hehe. pero meron akong isang kaibigan na akala nya e hindi na sya asyano kasi ang tagal na nya sa merika. ang relos na yan ang pasalubong nya sa akin nung nagkita kami dito sa oyropa.

sa basel, switzerland kami nagtagpo dahil wala syang schengen visa. mga dalawang oras na biyahe galing dito sa aming baryo sa alemanya. sulit naman biyahe di ba kasi ganda nung relo na regalo nya 😀

Advertisements

19 mga puna »

  1. ahihihi kyut nga relo mo

    padaanz po 😀

    Komento ni kiikay :D — Marso 18, 2009 @ 6:15 hapon | Sagutin

  2. Hindi ko din masyadong gusto ang Tony Hilfiger. Pero hindi nga nasayang ang 2 oras na byahe mo nakita mo na friend mo may natanggap ka pang pasalubong 😛
    Cguro ang ganda ng Europe mami kengkz! Pangarap ko makalipad jan, ayoko sa Amerika.

    Komento ni Basti — Marso 18, 2009 @ 6:57 hapon | Sagutin

  3. ganda siya ms kengkay… kaso pagurl siya… pink… hehe!

    Komento ni yhen — Marso 19, 2009 @ 12:06 umaga | Sagutin

  4. Wow! Syala naman nyan Miss Kengkay! Sana po nikuhaan mo rin habang suot mo. Hihi..

    Nga po pala Ate Kengks may award ako sa iyo. Malamang nakuha mo na sya dati pero ni-award-an pa rin kita. Hehe.. Bisita ka po sa bahay ko. Hamishu!

    Komento ni emilayskie — Marso 19, 2009 @ 12:53 umaga | Sagutin

  5. pagtiyagaan mo na yan kengks at least may pasalubong sya sayo kaya nga lang masama ang imahe sayo nyan ano? kahiot ako, boykot ko din kung ganun nga ang nalaman mo..pero kahit di ko sya boykot e di rin naman ako makakabili..waaaaaaaaa

    Komento ni payatot — Marso 19, 2009 @ 1:30 umaga | Sagutin

  6. Huy pink ang cute ng kulay…tiyak bagay yan sa iyo sis! ^_^

    Komento ni Snow — Marso 19, 2009 @ 3:51 umaga | Sagutin

  7. “ang relos na ito ay galing kay tonyo hillfigero”>>>>hehehe mommy kengks, naaliw ako sa translation mo ng tommy hilfiger.

    aba, super generous naman ng fwend mo. mahal ang relo na yan. Ako 365 pesoses lang ang worth ng relo ko. Siguro, piso a day ang bayad sa gamit niya kasi parang pang 365 days hehehe. tapos siguro pag natapos ang isang taon, masisira na ito, magsi-self-destruct kasi expired na hehehe

    Komento ni Nortehanon — Marso 19, 2009 @ 3:54 umaga | Sagutin

  8. momie kengks sama q sa pagboycott mo…hehehehe

    Komento ni simplefula09 — Marso 19, 2009 @ 4:56 umaga | Sagutin

  9. Ganun? Ngayon ko lang nalaman iyon. Sige boykot ko rin siya. Di ko rin naman siya type. Pero okay ang friend mo at nag regalo ng relos na iyan.

    Komento ni sassy mom — Marso 19, 2009 @ 7:45 umaga | Sagutin

  10. Hello Kengkay!

    So sa Basel pala kayo nagpunta noon. A sadyain nga. Kasi kung Lucerne or Zurich sana, ok sa akin yan. Napagawi rin actually kami sa Germany last week. 🙂 Nice place for kids actually. Baka magustuhan niyong pumunta doon kasi ok sya for the 2 little girls. I wrote about it in my blog, di lang detalyado about the place.

    Anyway, have a great week!

    Komento ni sofie — Marso 19, 2009 @ 8:26 umaga | Sagutin

  11. he’s a bitch
    yun lang naman
    =P

    Komento ni raft3r — Marso 19, 2009 @ 8:30 umaga | Sagutin

  12. di ko talaga magustuhan ang style ng TH eh..wala lang…walang dating sa akin kahit mamahalin pa sya,hihihi

    ingat ka dyan lagi ha! enjoy!

    Komento ni p0kw4ng — Marso 19, 2009 @ 11:56 umaga | Sagutin

  13. hihi….ako din di maka TH, ayokong magpaka TH lol, double meaning n! pero like ko yan fenk! Happy LP!

    Komento ni Gmirage — Marso 19, 2009 @ 6:05 hapon | Sagutin

  14. swatch sa akin lately ko lang binili. ito ang entry ko http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/03/lp50-paboritong-alahas-favorite.html

    Komento ni carnation — Marso 19, 2009 @ 11:56 hapon | Sagutin

  15. wow! ang cute.

    Komento ni taympers — Marso 20, 2009 @ 10:27 umaga | Sagutin

  16. *&^%$# mga yan!! ang yayabang a!!! di pwede sa asyano?!!!

    *^&$&*%$#*%^ sila!! 🙂

    Komento ni charlie — Marso 20, 2009 @ 2:15 hapon | Sagutin

  17. waaa!!! another LP entry na naman?!? wala na… huli na naman ako. eto talagang work, sagabal sa trabaho. nyahaha 😆

    uy ms. kengks… may award ka po sa kin ha. malamang nakatanggap ka na rin nito pero paki-check na lang din dun sa bahay ko 😀

    Komento ni enjoy — Marso 21, 2009 @ 12:52 hapon | Sagutin

  18. rehas tayo ayaw ko din ng tatak na yan.. at parehas tayong wala rin akong pambili nyan.. ahaha.. cheers;p-glesy the great

    Komento ni glesy the great — Marso 22, 2009 @ 11:44 umaga | Sagutin

  19. yeah i remember yong sinabi si TH pero alam mo maganda ang mga shirts nya kumpara sa counterpart kaya noong pumunta kami US buy talaga ang lola mo…

    Komento ni nina — Marso 22, 2009 @ 5:41 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: